Share

CHAPTER 1

Lakad-takbo ang aking ginagawa sa takot na pagalitan ako ng aking nanay. Sa pakikipagtawanan ko kanina sa palengke ay hindi ko na namalayan pa ang takbo ng oras. Ang tagal na aking inilagi roon. Tiyak akong kanina pa iyon naghihintay sa akin. Habang tumatakbo ay biglaan na lamang akong natalisod. 

Di ko na namalayan o nakita man lang ang posibli kong matapakan. Tumayo akong iniinda ang sakit ng aking tuhod dulot ng aking pagkadapa. Nang makatayo ako ay doon ko lamang namalayan na natapon ko pala ang asukal na pinabili sa akin ni nanay. Tiyak kong mapapagalitan na talaga ako dahil dito.

"Ano ka ba naman, Rie, talagang magagalit talaga sayo si nanay. Natapon mo ba naman ang asukal." Sita ko sa aking sarili bago tuluyang naglakad pauwi.

I am already nineteen yet I'm still clumsy. Guess this would be my signature, huh? Well, I am not Larie Veron Artiaga if I'm not this clumsy.

Napangiti ako dahil sa aking naisip na nauwi sa aking pagngiwi, kaya ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at tuloy-tuloy na naglakad pauwi. Nang malapit na ako sa aming bahay ay tumigil ako saglit at humginga ng malalim bago sinimulang maglakad muli. Pagkapasok ko sa aming tarangkahan ay nakita ko ang umuosok na naming bubong dulot marahil ng ginagawa ni nanay.

"Nagluluto na naman siguro siya." Bulong ko sa aking sarili.

Nang tuluyan na akong makapasok ay tinawag ko na si nanay. Subalit sa ilang beses kong pagtawag sa kanya ay hindi man lamang ito tumugon.

Sa tagal ng aking pagtawag na walang sumasagot ay nagpasya akong dumiretso na sa likod bahay. At doon nakita ko si nanay na naglalaba na naman. Marahil ay labahin na naman iyon mula sa aming mga kapitbahay na gustong nagpapalaba kay nanay. 

Lumaki akong nag-iisang anak lamang. Walang mga kapatid. Salat kami sa buhay kaya todo trabaho si nanay at tatay para sa aming pang-araw-araw. Kung si nanay ay laging tumatanggap ng mga labahin, si tatay naman ay todo sa pangingisda. Araw-araw nasa laot at nagbabakasakili ng swerte.

Sa tagal nang ganito ng aming buhay ay ni minsan hindi ko naramdaman na pinagkaitan ako. Sagana ako sa pag-aaruga at pagmamahal mula sa aking mga magulang.

Nag-aaral ako sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management. Pangalawang taon ko na ngayon sa kolehiyo. Minsan tumutulong ako sa pagbibenta ng mga isdang nahuhuli ni tatay at nang kasamahan niya. Para na rin sa ilang pisong aking nalilikom dahil dito, na ginagamit ko minsan para sa mga proyektong di naman kamahalan.

Kasalukayan kong pinagmamasdan si nanay na abala sa kanyang ginagawa. Ang akala ko'y aabutan ko siyang nasa kusina at nakapameywang na naghihintay sa akin. Ngunit heto siya't abala sa ibang bagay. Alam ko ang hirap para sa paglalaba kaya kadalasan ay gusto kong tulungan si nanay habang bakanti pa ang aking oras. Pero kahit ilang beses akong magpumilit ay parating hindi maaari ang kanyang sinasabi. Dahil hindi raw ako pweding mapagod at hingalin.

No'ng una ay hindi ko 'yon makuha kung bakit, ngunit sinabi nilang may mga komplikasyon ako sa aking katawan. Na hindi maaring abusuhin. Doon ko lamang naintindihan ang dahilan kung bakit labis na lamang sila kung mag-alala at matakot para sa akin. Dahil ayaw nilang basta na lamang akong atakihin.

I was born having a weak heart. But despite of it, I still manage to have a normal life, unlike to those people whose in the same plate as mine. At iyon ay dahil sa tulong ng aking mga magulang. Na kahit ano pang-abutin ay walang paki-alam basta't para sa kanilang anak. Para sa akin.

Minsan na nilang sinabi sa akin na hindi dahil ipinanganak akong gano'n ay limitahan ko na ang aking buhay, liban sa mga delikadong bagay-bagay na maaaring maging sanhi no'n. Sa tagal siguro ng aking pagmamasid ay naramdaman na niya ang aking presensiya. Kaya naman ay nilingon niya ako't nginitian.

"Nay, naglalaba ka na naman." Sabi ko habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kanya.

"Alam mo na naman anak, diba?" Aniya.

"Oo nga ho, pero kase kahapon kalalaba niyo palang tsaka tanghali na nay, oh!" Sabi ko sabay pakita sa kamay kong may relo.

"Ay oo nga pala, ano?" Sabi niya at nagmamadali niyang inayos ang labahing kaniyang maiiwan.

Sa tanang buhay ko ay hindi ko kailanman naranasan o naramdaman ang hindi magkaroon ng takot dahil sa aking mga magulang. Takot na baka sa isang umaga ay magising na lamang akong nag-iisa. Takot na baka sa susunod na araw ay wala na sila. Na imbis mag-bigay ng ligaya at saya ay lungkot at sakit ang dala ng bagong sikat ng araw, o kaya'y muling pag-lubog ng isang araw. Ang maiwan ay isa sa mga bagay na kailanman ay hindi ko gugustuhin na maranasan. 

Unfortunately, things aren't predictable.

May mga pangyayaring kahit anong gawin ng isang tao kailanman ay hindi mapipigilan. Mga pangyayaring nakatakdang mangyari.

"Rie..."

Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan pa ang nangyayari. Nabalik na lamang ako sa aking ulirat nang makaramdam ng kurot sa tagiliran. Si nanay.

Ngumuso ako at ngumiti.

"Nay! Bakit mo 'ko kinurot?" Agarang angal ko.

"Abat sa kanina pa kitang tinatawag e!" Nakapameywang niyang sabi.

Tinignan ko lamang siya habang naka-nguso.

"Teka nga Rie, bakit ba mukhang ang lalim ata ng iniisip mo?" Naniningkit ang matang sita sa akin ni nanay.

Nanatili lamang akong tahimik at muling tinignan siya.

"May nobyo ka na, ano?!" Eksahedurang sabi niya.

Hindi ko na napigilan pa ang mapangiwi at umastang mukhang nasusuka.

"Nay?! Nobyo? Ako? Huh!" Matinding tutol ko.

I hate boys. More on my age.

Hindi ko gusto ang mga lalaking kung umasta ay parang totoy o di kaya'y magpanggap na magulang kumpara sa kanilang edad. Kaya nga tumungtong ako sa edad na disinwebe na kahit nobyo ay wala. Hindi dahil sa ayaw ng aking mga magulang kundi ako mismo ang may ayaw. 

Ayaw kong nag-sasayang ng oras ni segundo sa mga bagay na walang katuturan. Gaya ng pagpasok sa isang relasyon na alam ko namang walang patutunguhan. Sa edad ng mga kabataang kagaya ko ay mas madalas maging prayoridad ang pakikipagrelasyon, na minsa'y nagiging sanhi ng kanilang pag-tigil sa pag-aaral.

At iyon ang labis kong iniiwasan. 

Mula ng mamulat ako sa tunay na estado ng buhay na mayroon ako ay itinatak ko na sa aking isipan na kailangan kong magtapos. Hindi lamang para sa aking sarili kundi maging para sa aking mga magulang. Na siyang gumagapang sa araw-araw para sa aking kinabukasan.

"Ang mabuti pa, nay, umalis na tayo't pumunta sa dagat at baka di na natin maabutan ang pagdaong nina tatay." Sabi ko muli.

"Maigi nga, Rie, at baka dumating na iyon." Tumatango-tangong sabi niya.

Umalis kami ng bahay na si nanay ay nakapagpalit na ng damit habang ako naman ay gano'n pa rin ang suot. Bitbit ko ang isang asul na palangganang hindi naman kalakihan habang si nanay ay bitbit ang itim na maliit na timba.

Nakarating kami sa dagat na medyo marami na rin ang dumaong. Dahil sa dami nang bilang ng mga bangkang nasa baybayin.

"O Marta, marami ba namang huli sina Asyong?" Tanong ni nanay kay Aling Marta.

"Hindi nga, Laura, e." Agarang sagot nito kay nanay.

"Si Bonie kaya..." Ani nanay.

Si Mang Asyong ang asawa ni Aling Marta na may malaki-laking pwesto sa palengke. Kaibigan nina nanay at tatay ang mag-asawa kaya naman naging kaibigan ko na rin ang kanilang pangalawang anak na si Belinda.

Bumaling sa akin si nanay matapos makipag-usap kay Aling Marta.

"Kumusta naman kaya ang ama mo? Sana naman may huli." Umaasang wika ni nanay.

"Meron 'yon nay..." Banayad kong sabi.

"Mag dilang anghel ka sana, Rie." Natatawang aniya.

"Makikita mo, nay!" Tumatango-tangong sabi ko.

Naputol lamang ang pag-uusap naming iyon nang makarinig kami ng maingay na tunog ng makina ng bangka.

"Laura, sina Bonie na ba iyan?" Si Aling Marta habang nakatanaw sa papadaong ng bangka.

"Ay oo! Sila na nga 'yon!" Sabi ni nanay sabay baling sa paparating.

Nang makumpirmang sina tatay na nga iyon ay nagpasya na si nanay na maglakad na kami papalapit habang si Aling Marta naman ay nagdesisyon ng umalis.

Nang makalapit kami ay tuluyan ng nakadaong ang bangkang gamit nina tatay. At kagaya ng minsang nangyayari ay hindi gano'n karami ang huling isda nila ngayong araw. Sa tansya ko ay may limang piraso lang iyon na aabot isa hanggang dalawang kilo bawat isa.

"Kunti lang ang huli ngayon, mahal" Sabi ni tatay.

"Maganda na 'yan at may huli naman kayo..." Sabi ni nanay kay tatay at matamang ngumiti.

Tumango lamang si tatay at sinimulan ng ibaba ang mga isdang kanilang nahuli.

"...tsaka dadalhin na lang namin ni Rie sa palengke itong mga isda ng maibenta, Bonie." Patuloy na sabi ni nanay.

"O siya sige, at ako'y kakain na pagkarating ng bahay." Ani tatay.

Binigay sa akin ni nanay ang dalawang piraso ng pinakamaliliit na isda habang sa kanya na ang ibang mga natira. Inilagay ko ang isdang dadalhin ko sa asul na palanggang hawak ko habang si nanay ay sa itim na timba. Matapos sa paglalagay ay naghanda na kami para sa pag-alis patungong palengke nang sa gano'n ay maibenta na namin ang mga isdang nahuli nina tatay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status