Share

CHAPTER 2

Pagkaalis namin ni nanay sa dagat ay nagtungo muna kami sa paradahan ng mga tricycle at naghintay ng maaari naming masakyan patungo sa palengke. Dahil hindi namin pweding lakarin na lamang iyon gayong may dala kaming mga isdang aming ibibenta at maaaring masira ang mga iyon kung ipipilit.

Nang makakita ng isa ay pinara ito ni nanay at sinabing magpapahatid kami sa sentro at bababa malapit sa palengke. Sumakay kami ni nanay sa tricycle habang bitbit ang kanya-kanyang dalang isda. Hindi naman nagtagal ay nakarating din kami sa sentro ng aming bayan.

Gaya ng dati ay palaging marami ang tao rito. May mga papuntang plaza para maglaro, simbahan, paaralan at kung saan-saan pa. Kung ibabase lamang ang aming lugar sa mga probinsyang masyado ng bukas sa ibat-ibang larangan ay halatang hindi naman ito pahuhuli. Ngunit hindi na siguro mawawala sa isang probinsya ang manatili sa kung ano ito noon pa man. Dahil sa kabila ng pagiging bukas nito ay nanatili pa rin itong konserbatibo pagdating sa ibang bagay hindi tulad ng ibang probinsya o maging sa mismong siyudad.

Pumara na kami para makababa. At inabot ni nanay sa mama ang dalawampong pisong hawak niya bilang pamasahi namin. Mura lang ang bayad kung nasa may paradahan ka ng mga sasakyan maghihintay dahil hindi naman ito kalayuan. Sampung piso bawat isa kahit na may bitbit o dalang kahit ano gaya nalang namin na may dalang isdang ibibenta.

Matapos makapagbayad ay dumiretso na kami sa mismong pwesto ni Aling Marta kung saan kami nakikisuyo.

"O Laura, halina't ilagay niyo na rito ang mga isdang dala niyo." Salubong na sabi ni Aling Marta sa amin.

"Salamat talaga, Marta ha." Ani nanay.

"Ano kaba naman walang problema 'yon kahit palagi pa, basta ba't ikaw!" Nakangiting sabi nito kay nanay.

"O siya sige, ilalagay na namin ito rito." Sabi ni nanay sabay angat ng kanyang dala at lagay sa semento.

Matapos mailagay lahat ni nanay ng kanyang dala ay isinunod naman niya ang nasa akin. Kung itatanong lamang sa akin kung gaano kalaki ang palengke rito ay masasabi kong tamang-tama lamang ito. Hindi kalakihan at hindi rin naman ito maliit.

May mga nagtitinda nang prutas, gulay, karne, isda at kung ano-ano pa. At isa na roon ang aming pamilya. Sa araw-araw na laging nasa dagat si tatay ay hindi na bago pa sa akin ang ginagawa naming ito ni nanay. Dahil siguro sa parte na rin ito sa aming pang-araw-araw na buhay. At ang magtinda lamang ng mga isdang  nahuhuli ni tatay ang tanging bagay na maitutulong ko sa aking mga magulang pagdating sa aming kabuhayan.

Pagkaraan lang ng halos kalahating oras ay naubos na rin ang tinda naming isda ni nanay. Nagdagsaan na naman siguro ang mga tao papunta rito sa bayan kaya gano'n. Mabilis lang kung maubos ang aming tinda sa tuwing maraming tao ang nagpupunta sa bayan. Dahil minsan ay nag-aagawan ang mga ito lalo na kung sariwa pa. 

Kaya laking pasasalamat ko sa tuwing pumupunta o magagawi sila rito sa sentro ng bayan, dahil mas napapabilis nito ang ginagawa naming pagbebenta, at maaga-aga kaming nakakauwi ni nanay.

Tinulungan ko na si nanay sa pagliligpit para mas mapadali ang kanyang ginagawa nang sa gano'n ay makaalis na rin kami at makauwi. Nang matapos kami sa pagliligpit ay lumapit muna si nanay kay Aling Marta para magpasalamat at magpaalam na rin.

"Aalis na kami, Marta, at madaling naubos ang isda namin." Masayang sabi ni nanay.

"Hala sige at mag-ingat kayo pauwi..." Bilin nito kay nanay.

Dinig na dinig ko kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil halos nasa likod ko lang naman sila. Nang matapos magpaalam si nanay ay nagtungo na ito sa akin at sinukbit na nito ang timbang dadalhin niya habang ako naman ay ang maliit pa rin na palanggana.

Nag-simula na kaming makipag-siksikan sa daan dito sa palengke dahil sa dami ng taong namimili at mga nagtitinda. Huminto si nanay sa harap ng isang taong nagtitinda nang mga rekados para sa pagluluto para mamili.

Si Mang Berting pala.

"Berting, bigyan mo nga ako ng tag-limang piraso ng sibuyas at bawang! Ang medyo maliliit lang ha." Ani nanay.

"Sandali lang, Marta..."

"O siya, sige..."

Umalis sa harapan namin ni nanay si Mang Berting at nagtungo sa seksyon ng mga rekados. At bumalik itong dala na ang mga iyon.

"O heto, Marta..."

"Mag-kano ba?"

"Bente pisos nalang 'yan!"

"Sige, ito o..."

Matapos makapagbayad ni nanay ay umalis na rin kami't naglakad muli. Nakikipagsiksikan pa rin gaya kanina dahil sa dami ng bilang ng taong naglalakad papasok at labas ng palingke.

Sa awa naman ng diyos ay nakalabas rin kami ni nanay na puno ng butil ng pawis ang aming mga noo.

"Salamat naman at makakauwi na rin tayo ng diretso." Sabi ni nanay.

"Oo nga ho, nay...teka, sasakay ba ulit tayo?" Tanong ko habang punas-punas ang noo.

"Pweding oo at pwede rin namang hindi na." Aniya.

"Wag na lang kaya, nay, tutal malapit lang naman at wala na tayong dalang mabigat." Paliwanag na sabi ko.

"O siya, lakarin na natin..."

Napagpasyahan naming maglakad na lamang pauwi para mas makatipid at sayang ang dalawampong piso na naman kung sakali.

Habang naglalakad kami ni nanay ay hindi ko mapigilan ang maging kuryoso tungkol sa mga taong namumuhay sa siyudad. Lalo't may mangilan-ngilan akong nakikita na siguro ay mga bakasyonista. O kaya naman ay nandito lamang para magliwaliw sa mga lugar dito tulad na lamang ng sikat na isla rito at sa mga karatig bayan.

Base sa aking nakikita sa kanila ngayon, ay masasabi kong may kaya sila sa buhay. At sa tansya ko'y halos kaedaran ko lamang ang iba ngunit may mga mas matanda sa akin ng apat hanggang limang taon siguro. Mula sa kutis na namumula dahil sa tindi ng sikat ng araw, pananamit, pagkilos, at higit sa kanilang pananalita na animo'y sobrang banayad at lambot ng bigkas bawat salita no'n.

"Dude, let's tour around. I heard that there's  an famous island here!" Sabi nang lalaking medyo kulot ang buhok.

"Let's join, babe?!" Aniya nang babaeng nakalingkis ang kamay sa isang lalaki.

"Sure, babe..." Saad nito.

"What a sweetie, Vaughn!" Komento nang isa pang babaeng kasama siguro nila.

"Oh, shut it, Dense..." Malamig na sagot nito doon.

"Woah!" Tumatawang sabi no'ng babae.

Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ay may nag-iba sa akin nang marinig kong magsalita 'yong lalaking Vaughn daw ang pangalan. Kahit sa malamig na boses ay pakiramdam ko ang ganda-ganda no'n higit nang naglambing siya sa babaeng nakalingkis sa kanya.

Matangkad, may katamtamang kulay ng balat, matangos ang ilong, itim na may kahabaang buhok at ang matang sobrang talim kung tumitig.

Tumitig...

Halos mapaatras ako nang makitang nakatitig sa akin ang mga matang iyon. Doon ko lamang napansin na nakatitig na rin pala ako sa kanila, higit sa kanya. At nagkaroon na pala ng distansiya sa pagitan namin ni nanay kaya naman binilisan ko ang maglakad na parang isang batang hinahabol ang ina. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa kadahilanang hindi ko rin alam.

I was walking like I'm some kind of a marathoner, not wanting to be a loser sa pamamagitan ng aking paglalakad. Parang isang kriminal na nahuli sa akto kung dumagundong sa lakas ang dibdib ko. 

"Ang bagal mo yata masiyado, Rie?" Tanong ni nanay ng makalapit na ako.

Tumahimik lamang ako at hindi na nagsalita habang nakatitig sa akin si nanay.

"Teka nga, bakit parang namumula ka yata?"

"H-ho?"

"Naiinitan ka na ba ,Rie, anak?" Nag-aalalang wika ni nanay.

Tumikhim ako at pinilit umayos.

"H-hindi ho, ah, nay..." Sinabi ko ng may alanganing ngiti.

"Sigurado ka ha? O siya at malapit na naman tayo sa bahay nang makapagpahinga ka na muna." Huling sabi ni nanay bago kami naglakad muli.

Hindi na rin naman nagtagal ay nakarating din kami sa bahay. Sumalubong sa amin ang natutulog na si tatay sa kawayang upuan. Sa pagod siguro kaya gano'n.

Tumuloy na lamang kami ng lakad ni nanay patungo sa kusina. Umupo ako sa may malapit sa lamesa habang si nanay ay kumuha nang isang baso ng tubig at inabot niya iyon sa akin.

"Sige na, at lulutuin ko muna iyong isdang uulamin natin mamaya." Ani nanay.

"Oho..."

"O siya sige na."

"Ay, nay?!"

"Bakit?"

"Sa labas lang ako...diyan sa harap!"

"Basta wag ka nang umalis at baka sumpungin ka na naman ha, mainit pa naman sa labas."

"Oho!"

Matapos makapag-paalam ay nagtungo na ako sa labas ng bahay at umupo sa malapit na upuan, sa ilalim ng malaking puno ng santol na nagsisilbing pahingahan namin nila nanay at tatay. At dito rin ako tumatambay sa tuwing may mga bagay akong iniisip at gustong pagtuonan ng pansin at atensiyon. Mga isiping bumabagabag sa akin. 

Kagaya na lamang ngayon. Sa nangyari kanina lang. Sa naramdaman ko. Higit sa naging reaksyon ng aking katawan, at sa tindi ng kabog ng aking dibdib. My very first heartbeat for a man I don't even know at all. With a complete stranger.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status