Share

CHAPTER 9

Nang makalabas na siya ng kanilang mansion ay sumunod pa rin ako kahit hindi ko alam kung saan nga ba siya patutungo. Mabuti na lamang at hindi rin siya gumamit ng sasakyan kung di ay hindi ko rin alam kung ano nga ba ang gagawin ko para lamang masundan siya.

Bandang alas otso na rin yata ng gabi base sa lamig na aking nararamdaman. Ang daster kase na suot ko ay medyo manipis at walang manggas kaya ako nilalamig. Kahit malamig ay hindi ko na lamang iyon ininda, ang mahalaga ay magawa ko ang bagay na gusto kong gawin. At iyon ay ang maka-usap siya sa kahit na anong paraan.

Natigil ako sa aking paglalakad nang makita kong tumigil siya sa harap ng isang tricycle na naroroon. Ang akala ko'y sasakay siya doon ngunit laking pasasalamat ko nang mukhang kinausap lang yata niya ang driver no'n. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad matapos kausapin ang mamang iyon kaya naglakad na rin ako.

Sampung minuto rin yata ang lumipas ba

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status