Share

Kabanata 1

Kabanata 1

"One tequila for this beautiful lady." Umirap ako sa kawalan bago hinarap si Mike.

"Thank you but I don't drink."I uttured coldy.

A curve on his lips appear. "So what are you doing here?"tanong nito at umupo sa tabi ko.

Suminghad ako at umurong nang maramdaman ang pagtama ng balat niya sa balat ko.

"At bakit ko naman sasabihin sayo?"nakataas kilay kong tanong sakanya. "At pwede ba Mike tigil-tigilan mo ako dahil hindi ako pumapatol sa playboy." I gave him a fake smile bago tumayo.

"Where are you going?"tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

Hinarap ko siya at nginitian, marahan kong hinawakan ang kwelyo ng polo niya. Lumapit ako sakanya at bumulong. "None of your business, Atty."binigyan ko siya ng mabilis na halik sa pisngi at naglakad palayo.

Nakakainis naman. Nasaan na ba kasi si Kyla! Kanina pa ako nag hihintay sakanya rito. Ewan ko ba sa babeng ‘yon bakit dito pa niya naisipan makipagkita. It's already 11 PM, dapat tulog na ako sa mga oras na ito. Maaga pa naman ang pasok ko bukas.

Nagtra-trabaho ako sa isa sa mga sikat na kompanya dito sa Canada. Kompanya nina Kyla bilang isang secretarya ng pinsan niya. Alam naman ng babaeng ‘yon na maaga ang pasok ko bukas pero ito siya pinaghi-hintay ako. 

"Oh there she is!"Nakahinga ako ng malalim nang marinig ang boses ni Kyla, sa wakas! "Hi bestie pasensya ka na kung natagalan ako, may ginawa pa kasi kami ni Logan."sabi niya sa akin.

Umirap ako at nakipag beso sakanya. Kyla Rival is my best friend here in Canada. Nag-iisang kaibigan ko siya rito kaya naman kahit nakakainis siya minsan ay hinahayaan ko na lang. Nagkakilala kami ng unang araw ko rito sa canada, wala akong kaalam-alam sa lugar na ‘to buti na lang ay nakilala ko siya. She helped me, pinatuloy niya ako sa condo niya kahit hindi niya ako gano'n kilala. At first hindi ako pumayag kasi nakakahiya pero makulit siya. Hindi raw niya ako pwedeng iwan dahil baka may mangyaring masama sa akin.

She brought me on her condo. Hinatid niya lang ako at umalis din siya. Mag-isa ko lang nakatira sa condo niya sa loob ng limang taon, umuuwi naman siya pero minsan lang dahil busy siya sa ginagawa niya. Nakakalungkot nga dahil mag-isa ko lang sa condo niya pero na-sanay na ako. Hanggang ngayon ay sa condo niya pa rin ako nakatira, binalak ko naman umalis at mag hanap ng matitirhan pero ayaw niya akong paalisin.

At kinausap din ako ng magulang niya kung maaari ay h'wag nang umalis sa condo ni Kyla. Wala raw akong kilala rito at hindi raw makakaya ng konsensya nila pag may nangyaring masama sa akin. Pumayag ako dahil wala naman akong pera para sa condo, iniwan ko lahat ng cards ko sa mansion namin noong araw na umalis ako. Para hindi nila ako ma-trace. Hindi ko nga ine-expect na dito ako makakapunta. Hindi ko alam kung saan ako pupunta noong araw na 'yon. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko dahil wala naman akong kaibigan. Pagkatapos namin mag-usap ni Dr—ay umalis agad ako. Wala akong ibang naisip noong panahon na ‘yon kundi ang umalis. At lumayo sakanila dahil natatakot ako. The only way para hindi ako makasal sakanya ay lumayo, and that's what I did.

I run away from him.

"Hey Célia tulala ka na naman diyan."I blinked twice when I heard my friend voice.

"Ah wala, may iniisip lang ako— anong sabi mo?"tanong ko dahil pakiramdam ko ay may tinatanong siya sa akin kanina.

Yes. She knows my real name. Her parents and her cousin... my boss knows my real name too. Nag dadalawang isip pa nga akong sabihin sakanila ang totong pangalan ko at kung bakit ako umalis ng pilipinas. But they promised me to keep my secret.

Kayla raised her brow at me. "I was asking you kung kumain ka na ba,"inakbay niya ako at bumulong. "Are you really okay, my bestie?" 

Tumingin ako sakanya at ngumiti. "I'm okay Kyla and yeah I ate already." pagsi-sinungaling ako.

Yes! I'm lying to her. Sa limang taon ko rito sa Canada halos hindi ako kumakain sa gabi. Kumakain man ako at salad lang, bihira na lang ang kanin. Hindi ko rin alam kung bakit... nawawalan lang ako ng gana sa tuwing sinusubukan kong kumain tulad nung normal na ginagawa ko rati. Namimiss ko rin ang dati kong buhay... nakakamiss din ang may kasamang kumain sa gabi. Dito kasi ay mag-isa ko lang kaya siguro nawawalan ako ng gana. God! I miss them.

"You can't lie on Célia, come on let's get you a dinner."sabi niya at hinila ako.

Kyla Rival, she's my best friend for almost 5 years. She's pure filipino pero rito siya lumaki sa Canada. Marunong at nakakaintindi siya ng tagalog dahil 'yon ang ginagamit nila sa bahay... And her nanny is a filipina too. I smiled sadly. Speaking of nanny kumusta na kaya si Nanny ko?

"Uy paano si Logan?"tanong ko habang hinihila niya ako.

"Hayaan mo siya—ang importante sa akin ngayon ay makakain ka."sagot niya na nagpahinto sa akin.

Naguguluhan niya akong pinagmasdan. "Hey are you okay? what is the proble—"she stops talking when I hugged her.

"Célia..."

"Maraming salamat, Ky." I softly uttered.

I'm really glad that I have her... She's a blessing to me. I don't know what to do if I don't have her.

She chuckle and hugged me back. "Silly, I'm your best friend and of course I care for you."

Hinalikan ko siya sa pisngi at sabay kaming nag lakad. Pumunta kami sa isang 24 hours convenient store na malapit sa bar. We ordered a garlic rice pair with beef tapa na ready to eat na, ininit muna namin 'yon sa microwave ng store bago umupo. We ate happily panay ang kwento ni Kyla sa nangyari sakanila ni Logan kanina. Logan attempted to have sex with her pero tinawanan niya lang daw ito at iniwan sa hotel room.

"Mahilig ako sa mga fling but doesn't mean na ibibigay ko na ang perlas ko sakanya. Oh my god! Girl papatayin ako ni Daddy pag nabuntis ako ng hindi pa kasal. And I want to give my self to the person I love and I'm sure that's my future husband."She stated as she drink her pineapple juice.

"Sa bagay mas maganda pa rin na isuko natin ang perlas sa future husband natin." I agreed of what she says.

She chuckle. "That's what I wished. Anyway I have chika for you."

Natawa ako sa sinabi niya. I forgot to mention Kyla is a conyo too.

"What is it?"

Uminom muna siya ng pineapple juice bago mag salita. "Habang nasa Europe ako last week may nakilala akong isang Piloto and I think I just found my future husband."pag kwekwento niya, hindi ko mapigilan matawa sakanya. Kakakilala lang niya nga future husband agad. Umiling ako sakanya. "He's so damn hot with his pilot attire, medyo ma-attitude lang pero okay lang ‘yon. Gano’n din naman ang mga bet ko snob at ma-attitude."She giggled.

Parang si Yair lang snob at ma-attitude. Simula bata ay pangarap niya rin na maging isang piloto. Panigurado piloto na siya ngayon. I miss the twins. I miss the Dawson's siblings especially Dri.

"Can't you believe that Célia? Nakita ko na ang mapapangasawa ko! How about you?"

Umisid ako at tinaasan siya ng kilay. "Paano naman napunta sa akin ang usapan?"

"Alam mo Célia ang ganda mo pero minsan may pagka-slow ka rin," She murmured, imbis na mainis ay natawa ako. "Ang ibig kong sabihin ay ikaw hindi mo pa ba nahahanap ang future husband mo? Huy Cèlia tatanda ka na yata rito sa Canada pero wala ka pang napapakilala sa akin na boylet mo."naiinis niyang sabi.

Nagkibit balikat ako at uminom ng tubig. "Wala akong panahon sa mga lalake Kyla. Alam mo naman ‘yon."

"Puro ka kasi babad sa trabaho kaya walang kaenjoy-enjoy ang life mo. Try mo kayang mag bar para magka-jowa ka o kaya sagutin muna si Mike jusko ko Célia magli-limang taon na ‘yon nag paparamdam say!."

"Ewan ko sayo Kyla kung ano-ano ang pinagsasabi mo dyan. Hindi ko nga ‘yon kaibiga—"

"Eh sa tuwing kinakausap kaniya sinusungitan mo siya. May pa halik halik ka pa sa pisngi niya di mo naman kayang panandigan." She sighed. "Cèlia binibigyan mo 'yung tao ng maling signals. Kung kaibigan lang ang kaya mong ibigay sakanya o kahit kaibigan ay hindi mo mabigay sakanya—kausapin mo siya at sabihin mo sakanya na tumigil na, pinapaasa mo 'yung tao, napaka gwapo pa naman ni Attorney."

Nagbuntong hininga ako at hindi na siya sinagot. Wala naman mangyayari kung sasagot pa ako, sesermonan niya lang ako. Tahimik lang ako hanggang sa matapos kaming kumain. We stayed for a while bago nag pasya na umuwi na. Naglakad lang kami ni Kyla dahil walking distance lang naman ang bar at ang building ng condo niya. Hindi rin siya nag dala ng sasakyan dahil sinundo raw siya ni Logan sa mansion nila.

"Good mornight, Célia."malambing na sabi ni Kyla, hinalikan niya ako sa pisngi bago pumasok sa kwarto niya.

 Dito siya matutulog ngayong gabi dahil tinatamad na raw siyang umuwi. Ayos na rin 'yon para naman may kasama ako kahit ngayong gabi lang.

Nagbuntong hininga ako at pumasok na rin sa kwarto ko. Hinubad ko ang white swing coat na suot at sinabit ‘yon sa hanger. Hinubad ko rin ang pink knee high boots ko at inilapag sa likod ng pinto. Kinuha ko ang puting towel at pumasok na sa banyo. Naglinis ako ng katawan at nagbihis ng puting sando at maikling short bago lumabas ng banyo. I applied my skin care at humiga na sa kama. Like I always do I prayed first before closing my eyes..

I prayed that one day I'm able to see my parents again. I miss them everyday.

Kinabukasan ay hindi ako nakapasok  dahil tinanghali na ako ng gising. Sesermonan ko sana si Kyla kung bakit hindi niya ako ginising pero ang gaga tulog pa rin hanggang ngayon.

"[Jesus Alison I was calling your phone since earlier hindi ka man lang sumasagot. Ayos ka lang ba?]"tanong ng pinsan ni Kyla, ang boss ko.

"[Sir Nate, I'm really sorry hindi ako nakapag alarm kagabi—Oo ayos lang ako si Kyla kasi nag pasama sa akin kagabi.]"

Nag-usap pa kami ng ilang minuto ni Sir Nate bago niya ibinaba ang tawag. May meeting pa raw siyang pupuntahan. Dapat nga ay kasama ako sa meeting na 'yon. Si Kyla kasi! Huminga ako ng malalim at kinuha ang maroon blazer at sinuot ‘yon. Kinuha ko ang channel wallet ko at lumabas na ng unit. Tinext ko si Kyla na lalabas muna ako para bumili ng lunch namin. Ayokong mag luto at for sure hindi rin mag luluto si Kyla kaya bibili na lang ako sa labas. 

Hindi rin naman masyadong hassle sa akin dahil 'yung building ng unit ni Kyla ay nasa city part ng Canada. Pag labas mo pa lang ng builing ay makikita muna agad ang mga iba't ibang klase ng restaurant, fast food, convenient store, drugstore at mall. Walking distance lang ito.

"Good afternoon, Madame can I get your order?"nakangiting sabi ng waiter.

Ngumiti ako at sinabi kung ano ang order ko. I ordered one bucket of chicken wings, one bucket of shrimp, family size of pizza and Oh it's hawaiian flavor—Kyla's favorite and a garlic bread for me. Hindi na ako bumili ng kanin dahil may natira pa naman na niluto ko kagabi bago ako pumunta ng bar—Akala ko kasi ay kakain si Kyla.

"Thank you Madame, Have a nice day."the guard said as he opens the door for me.

I smiled and nodded. "You too." 

Habang nag lalakad ako sa lobby ng condo may narinig akong tilian. Anong meron? Wala naman sigurong artista na nag shooting dito nu?

"Ang gwapo talaga ni Captain Dawnson."sabi ng isang babae na halos hindi ko marinig dahil sa tili nito, mukhang pinay ito.

Hindi ko na pinansin ang mga tilian. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang makarating ako sa tamang palapag. Binuksan ko ang pinto ng unit ni Kyla gamit ang spare key na binigay niya akin limang taon na ang nakalipas.

"Where have you been?"inaantok na tanong ni Kyla, kakalabas niya lang ng kwarto niya.

Inangat ko ang mga pinamili ko at pinakita sakanya. Hindi niya yata nakita ang text ko sakanya. "Nag text ako sayo na bibili ako nang lunch natin. Maliligo ka pa ba o kakain na tayo?"tanong ko sakanya habang nag lalakad papuntang dining area.

"Mag hihilamos lang ako tapos kain na tayo, gutom na rin ako e!" sigaw ni Kyla kasabay nang pag sarado ng pinto ng kwarto niya.

Nagkibit balikat ako at hinubad ang blazer na suot. Nilagay ko ito sa likod ng upuan ko at hinanda na ang mga pinamili.

"Ang sarap naman niyan,"nakangusong sabi ni Kyla at umupo sa isang upuan na nasa harap ko.

Ngumuso ako at tinikman ang tinuro ni Kyla.

Ang sarap nga!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status