PAGDATING nila sa resort ay pinarada nila sa tabi ng motor ni Karl ang sasakyan nila sa parking area sa labas ng resort, mayroong bubong ang paradahan upang proteksyon para sa mga sasakyan ng costumer. Sa gitna ng malawak at luntiang bukirin ay nakatayo ang isang pribadong resort. May mangilan ngilang kabahayan silang nakikita sa paligid ngunit malalaki ang distansya sa nasabing resort. Napapalibutan ito ng mga palayan na nagbibigay ng maaliwalas at nakakarelax na ambience. Ang buong resort ay nababakuran ng katamtamang taas ng batong bakod na may disenyong tatlong layer na bakal. Ang pinaka gate nito ay yari sa narrang kahoy at may mga poste na may ilaw sa itaas. Sa itaas ng gate ay may paarkong bakal na nasasabitan ng kahoy na inukit ang pangalan ng resort. Kinuha nila ang gamit nila sa likod ng kotse at sabay sabay na pumasok sa loob. Sinalubong sila ng may edad na babae na ayon kay Karl ay siyang katiwala ng resort. Mula sa gate ay may pathway na gawa sa malalapad na hugi
NAGMAMADALING lumabas si Gabriella bitbit ang isang backpack na ang laman ay ilang damit niya na pamalit. Naging biglaan ang overnight swimming nilang magkakaibigan. Kaninang umaga ay dinaanan siya ni Karl para ipaalam sa kanya na ngayon hapon sila aalis. Sa isang private resort sa kabilang bayan nagpabook si Karl at magkikita na lamang sila kala Lora. Tatlo lang naman sila kaya magcocommute na lang sila ni Lora at si Karl naman ay magmomotor. Nasa labas na siya ng gate at nag-aabang ng tricycle na dadaan nang matanaw niya sa di kalayuan ang parating naman na kotse ni Miguel. Nang sa tantiya niya ay ilang dipa na lang ang layo sa kanya ni Miguel ay nakangiti siyang sumenyas ng free ride sign. Huminto sa tapat niya ang kotse ni Miguel at maya maya ay bumaba ang salamin nito. Yumuko siya upang silipin si Miguel. Nakakunot ang noo nito. "Pwede pong maki-hitch a ride, Mister Suplado?" maluwang ang ngiting tanong niya at sadyang pinapungay ang mga mata. Lalong lumalim ang pagkuno
"WALA po kayong dapat alalahanin, tita Mariella. Hayaan n'yo pong ako na ang maghandle nang tungkol sa amin dalawa ni Gabriella. Hayaan n'yo pong si Gabriella ang magsabi sa inyo." pahayag ni Miguel. Nasa kusina silang dalawa ni Mariella. Pagkatapos nilang kumain ay sinundan niya si Mariella sa kusina para kausapin. Si Ron at Gabriella naman ay naiwan pa sa kubo at nag-uusap. Mula sa bintana ay tanaw ni Miguel ang dalawa. "Wala namang problema sa akin kung may relasyon na kayong dalawa. At nagtitiwala ako sa iyo, Miguel." sabi ni Mariella. "Salamat, tita. At least, kahit papaano ay may alam kayo. Hayaan natin kung ano ang gusto ni Gabriella." huminga siya ng malalim at humarap kay Mariella. Inabot ni Mariella kay Miguel ang tinimpla nitong kape. Umusal ng pasasalamat ang binata. "Dito na muna po sana ako matutulog ng ilang araw. Kailangan ko pong suriin ang ilang lupang tatayuan ng warehouse," sabi ni Miguel at dahan dahang humigop ng kape. "Sasabihan ko si Gabriella na
HINDI kaagad nakaimik si Gabriella sa sinabi ni Ron. Ang mga mata ng dalaga ay biglang umilap at parang sa pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malapot. "Don't worry, Gabriella, I won't put pressure on you. It's always a good start to know each others well." tila nabasa naman ni Ron sa kilos ni Gabriella ang pag-aalinlangan ng dalaga. "Thank you, Ron, for understanding," nahihiyang sabi niya at alanganing ngumiti. Ngumiti ang binatang bisita ni Gabriella. Habang nagkukwentuhan sila ay sinusuring mabuti si Gabriella ang kabuuan ng bisita. Maharil ay hindi naglalayo si Miguel at Ron ng laki at bulto ng katawan. Mas develop nga lang ang katawan ni Miguel kay Ron, gawa na rin siguro na mas maedad ito kay Ron. Kumbaga ay fully grown na ang pangangatawan ni Miguel. Mestiso si Ron habang si Miguel ay hindi ganoong kaputian. Parehong bumagay sa kanila ang complexion ng balat ng mga ito. Parehong matangos ang ilong. Ang mga mata at labi ni Ron ay parang laging nakangiti habang ang k
PARANG dinuduyan si Gabriella sa kasiyahang nadarama niya. Sobrang gaan ng pakiramdam niya at parang biglang naglaho ang bigat sa kanyang dibdib. Pagpasok niya ng kanyang silid ay kaagad niyang inilabas ang regalo ni Miguel sa kanya. Dahan dahan niyang inilabas sa dustbag ang signature's bag. Hindi siya mahilig mangolekta ng mga bag pero namamangha siya pag nakakakita ng kakaibang disenyo ng bag. Alam niyang sa klase pa lang ng bag na ito ay mamahalin na. Isang handbag ang niregalo ni Miguel sa kanya. Sobrang namamangha siya dahil napaka elegante ng handbag na regalo ni Miguel sa kanya. Kahit siguro mag ipon siya ng isang taon mula sa baon niya ay hindi pa rin sapat para makabili ng ganoon kagandang bag. May disenyo ito ng navy blue at puting guhit. Ang mga hawakan at strap nito ay gawa sa kulay-kapeng leather. Sa gitna ng bag ay may burdang emblem na kulay ginto at mga titik na "LV" sa loob ng palamuting korona ng mga dahon. Mayroong nakakabit din na keyychain sa hawakan ng ba
HINAYAAN lang ni Miguel na ibuhos ni Gabriella ang emosyon nito. Habang umiiyak ang dalaga ay hinahagod naman ni Miguel ang likod nito. Ilang saglit lang ay tumigil na ang pagyugyog ng mga balikat ni Gabriella ngunit nanatili itong nakayakap at nakasubsob kay Miguel. "Are you okay?" tanong ni Miguel at sinilip ang mukha ni Gabriella. Pasinghot singhot na tumango lamang si Gabriella dahil pakiramdam niya ay babagsak na naman ang luha niya pag nagsalita siya. "Bakit ka ba umiiyak?" nakangiting tanong ni Miguel at sinamyo ang buhok niya. "Namiss kita," humigpit pang lalo ang yakap nito kay Miguel. Gumanti ng yakap si Miguel kay Gabriella. Pinaramdam din ng binata kung gaano niya namiss ang dalaga. Hinalik-halikan ni Miguel ang noo ng dalaga habang hinahagod ang likod nito. "Kung alam ko lang na pupuntahan mo ako kala Lora sana pala pumayag na akong umuwi nung nag aya si Karl," tila nagsisi pa ito at naguilty na naghintay pa nang matagal si Miguel. "Please, huwag mo nang