Abala sa paghahanap ng kakantahin ang mga babae sa song catalog ng videoke nina Andrei. Masaya namang kumakanta at sumasayaw sina Marc, Jebon, at Alvin. Nakasarado ang music room na may katamtamang laki kaya tiwala sila na hindi maririnig sa buong kabahayan ang boses nila.
Nang matapos ang tatlong lalaki ay kaagad na bumirit ng madamdaming kanta si Nannette. Nakatayo naman sa magkabilang tabi niya sina Norma at Angelie, sumasabay sa pagkanta niya habang pumapalakpak na may ritmo.
Natutuwang inasar sila ni Mon. "Bigyan n'yo nga ng mic iyang dalawa at birit na birit na! Baka agawan na nila ng mic si Nannette." Tumawa siya nang panlisikan siya ng mga mata ng dalawa. "Kung maka-emote kasi kayo, akala mo naman inlab na inlab!"
Sabay naman siyang binelatan nina Angelie at Norma. At dahil hindi sila tinatantanan ng pang-aasar ni Mon ay nagkasundo ang dalawa na huwag nang pansinin ang mga banat sa kanila ni Mon.
"Tingnan mo 'yang dalawa," ani Mon kay Andrei, "siguro kung una silang nagkakilala baka sila ang mag-bestfriend ngayon."
Napangiti naman si Andrei sa narinig habang nakatingin kina Norma at Angelie. Tila nga close na close ang dalawa ngayon. Agad namang umasa ang puso niya na lalawak ang close network ng kaibigan niya. Gusto rin naman niyang makitang lumaki ang mundo ni Angelie at dumami ang mga totoong kaibigan nito na maaasahan nito sakaling wala siya.
"May chance! Puwede ngang mapalitan si beshy Andrei!" susog naman ni Jebon habang nakatayo malapit kina Andrei at Mon. At pabulong niyang idinugtong ang naisip, "pero baka mag-away din sila dahil kay Papi Andrei!" Pabiro pa niyang kinurot ang pisngi ni Andrei.
"Kung ano-ano na'ng iniisip mo diyan," saway niya kay Jebon. "Let's enjoy this peaceful evening, okay?" At sinenyasan ni Andrei si Jebon na umupo sa tabi nila. Tumalima naman ito.
Pinagbigyan naman ni Nannette na makagamit ng microphone ang dalawa. Pinakanta niya sina Norma at Angelie ng tig-isang stanza, pero tiniyak niyang siya ang kakanta sa chorus part. Salitan sa pagkanta ang mga babae kaya napakamot na lang si Mon na gusto rin sanang kumanta.
Pumasok naman si Ronald, ang ama ni Andrei, sa music room. Sandali niyang pinanood sa pagkanta ang mga babae. Nang si Angelie na ang tumayo at buhos ang loob sa pagkanta ay niyaya niya ang mga lalaki na lumabas. "I have something for you, boys," aniya sa mahinang boses. Sumunod naman ang mga lalaki sa kaniya patungo sa garahe.
Ipinakita ng ama ni Andrei ang lumang bisikleta ng binata na inayos niya. "Customized na ito for long trail and mountain adventures. Baka may bike din kayo, gamitin n'yo na."
Nasorpresa naman si Andrei sa ginawa ng ama. "Inayos n'yo po pala ang bike ko?"
"Ang gara naman ng bike mo, bro!" Hinipo pa ni Marc ang naturang bisikleta, at umiling-iling. "Wala, napag-iwanan na talaga ang bike ko."
"Hindi mo rin naman ginagamit," mabilis na sagot ni Jebon kay Marc.
"Paano ko magagamit," sagot niya naman kay Jebon, "'di mo pa nga sinosoli." Nagtawanan naman ang lahat sa narinig sa dalawa.
"Hindi ka lang talaga marunong mag-bike, kaya nawawalan ako ng ganang isoli iyon sa iyo," hirit pa ni Jebon, na lalong ikinatawa ng grupo.
Hinintay muna ni Ronald na pumayapa ang lahat bago siya muling nagsalita. "Nakausap ko ang old friend ko. May gagawin silang bike-a-thon sa may Marikina River," panimulang paglalahad ni Ronald sa mga binata. "If you want, I'll register your names so you can be part of their noble cause. They pledged to support the government's clean-up drive of the river. Chance n'yo na rin iyan to be healthy, guys."
"Maglilinis po kami ng ilog?" May himig ng pag-aalala sa tanong na iyon ni Jebon.
Nakangiti namang sinagot ni Ronald si Jebon. "No. But your membership registration will be used to help them clean the river. Saka, balita ko'y wala pa kayong mga nobya. It's a good event to start a good relationship with someone."
Na-excite naman ang mga binata sa narinig, pero agad na nalungkot si Marc dahil sa naisip niya. "Wala po akong extra cash, Sir," ang pag-aalala niya.
Ngumiti naman si Ronald sa binata. "Ako na ang bahala diyan. Ang role ninyo lang ay sumali sa event at mag-enjoy doon." Nang nakitaan niya uli ng excitement ang mga kaharap ay hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa para mag-dial. "That should give you a chance to get your girl," aniya kay Alvin at kinindatan pa niya ito.
Alanganin namang ngumiti si Alvin kaya tinapik siya sa balikat ni Ronald. "I'm sure, my son won't mind," bulong niya rito. Kinausap na niya ang sumagot sa kabilang linya. "Pare!" Lumayo siya sa mga binata habang nagsasalita. Naiwan naman ang mga binata na excited sa inaabangan nilang bike-a-thon.
SA may Riverbanks Center ang starting point ng bike-a-thon. Doon din nakalagay ang tarpaulin na may nakasulat na "Save the Marikina River". Lahat ng cyclist ay nakasuot ng helmet, knee pads at elbow pads. Pinayagan silang magdala ng backpack para sa kanilang inuming tubig at camera.
Napansin ni Andrei na tila hindi komportable sa pagkakaupo si Angelie sa nirenta nilang bike para sa kaniya. Kulay pink ito, pinili ni Ronald para katerno ng outfit ni Angelie. "Okay ka lang ba?"
Alanganin namang tumango sa kaibigan ang dalaga. Nahihiya siyang magreklamo lalo at nakatitig sa kaniya ang ama ni Andrei.
"Are you sure? Baka gusto mong magpalit tayo ng bike?" Nang hinawakan niya ang bike nito para magpalit sila ay umiling sa kaniya si Angelie.
"She will be fine. Hindi n'yo naman kailangang maging pinakamabilis. Just enjoy your adventure," ang sabi ni Ronald, at tinapik niya sa balikat si Angelie, kapagkuwa'y si Alvin. Sinenyasan pa niya si Alvin na lumapit sa babae. Sumunod naman ito.
Nang dumating si Norma kasama sina Grecia at Vens ay masaya niyang binati ang tatlo. "Heto na pala ang magagandang dilag!"
"Goodmorning po!" ang sabay na pagbati ng tatlo. May shade of purple ang suot na outfit ni Vens, Lilac naman ang kay Grecia, at violet ang kay Norma. Katerno ng biking gear na suot nila ang kulay ng kanilang bisikleta.
Masayang ginagap ni Ronald ang kamay ni Norma. "Good morning, beautiful girl," nakangiti niyang binistahan ang outfit nito. "Color violet, fit for a royal-looking girl." Iginiya niya ito para tumabi kay Andrei. Pinatabi niya rin sina Vens at Grecia. Pinapuwesto niya sa bandang likuran nina Andrei sina Mon, Jebon, Marc, Nannette, at Melrose. Pinausog naman niya sa bandang hulihan sina Angelie at Alvin. Hinawakan niya sa balikat sina Angelie at Alvin habang kinakausap ang dalawa. "Noong college kami, madalas kaming sumama sa ganitong events. This is where we meet people. People you meet can stay in your life, while others are just for temporary enjoyment." Tiningnan niya sa mukha si Angelie, "it is important to be able to determine the person who will stay with you. You should appreciate the love that is offered to you. Don't close your doors."
Nagbuka ng bibig si Angelie, pero pinili niyang manahimik na lang. Naisip niyang mababalewala lang din ang kung anong sasabihin niya. Ayaw din niyang maging dahilan ng pagbangon ng tension sa grupo nila. Kitang-kita pa naman niya ang excitement sa mukha ng mga kasama.
Sasarilinin na lang niya ang nararamdamang sama ng loob. Sa palagay niya ay inilalayo siya ng ama ni Andrei sa anak nito. Pero kaya niyang ngumiti sa lahat. Kaya niyang magpakasigla.
Kinawayan ni Ronald ang grupo nang magsimula na ang bike-a-thon. Dumaan sila sa may amphitheatre, sa may floating stages, sa may Chinese Pagoda, at ilang tourist spots. Pero sa may estatuwa ng isang babae na tinatawag na Maria Quina napatitig si Alvin habang nagba-bike. Nang paliko na siya ay saka niya napansing hindi na niya kasabay si Angelie. Nag-aalalang tumingin siya sa bandang unahan, pero hindi niya nakita ang dalaga. Halos magkandahaba na ang kaniyang leeg sa paglingon sa may likuran. Marami kasing sumali na bikers kaya hindi niya agad nakita si Angelie. Hinintay niyang maubos ang mga nagbibisikleta bago niya binalikan ang pinanggalingan niya.
Nakita niya sa isang tabi si Angelie na nanlulumo. "Angelie!"
Ipinakita ni Angelie sa kaniya ang sirang upuan nito. "I guess I'm not lucky, huh!"
Naawa naman siya sa dalaga. "Di bale, you can use mine. Mauna ka na do'n, I'll try to fix this," aniya sa babae habang kinukuha niya rito ang kulay pink na bike.
"But how? Wala kang tools."
Tama naman ang dalaga. Nakalungayngay na ang upuan at wala siyang magagamit na tools. "Di bale, maglalakad na lang ako. Mauna ka na lang, Ange." Naaawa siya sa babae na pinamumulahan na ng mukha.
"No. I will not leave you here."
Naglakad silang dalawa. Saktong tumatagaktak na ang pawis nila nang sumulpot sa harapan nila si Andrei.
"Hey, guys!"
"Besh!" Tila batang gustong magsumbong ni Angelie kay Andrei.
Napailing si Andrei nang makitang sira ang nirentahan nilang bike para kay Angelie. Agad siyang nag-dial sa cellphone. "Hello! Pakikuha ho ang bike n'yo rito."
Napatingin si Andrei sa ginawa niyang upuan kagabi. Wala naman sana siyang planong magpaangkas sa biking event nila ngayon pero ewan niya naisipan niyang ibalik ang upuan na tinanggal ng ama niya. 'Mabuti na lang pala at ibinalik ko. Hindi sana nag-enjoy si besh kung hanggang doon lang kami', ang nasa isipan niya habang nakatingin siya kay Angelie.
NAGTAGIS ang bagang ni Ronald nang makitang nakaangkas sa kaniyang anak si Angelie. Tiningnan niya si Norma. Nakita niya ang gumuhit na sakit na naramdaman sa mga mata nito. Gusto niyang paglubagin ang kalooban ng dalaga na sumama dahil sa nangyari.
Kapit lang po, dear readers. Mabubuo rin ang parts nito. Keep reading po.
Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay
ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero
The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang
Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak
NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno
Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga