Share

12 The Dinner

Author: Julia
last update Huling Na-update: 2021-07-06 22:42:06

CHAPTER 1 2

"Are you okay?"

Naninibago man siya sa ipinapakitang kabaitan ni Norma, ipinagpapasalamat naman niya ito.

"Kanina ka pa matamlay."

"Oo nga, girl." Tila magkatulad ng tunog ng kay Norma ang tono ni Nannette, pero kay Nannette, sigurado siyang genuine ang sympathetic  tone nito.

"I'm alright. Medyo napuyat lang ako."

"Bakit?"

"Tigilan mo nga muna iyang kapanonood mo ng anime. Kailangan nating mag-focus, girl."

"Bibigyan na lang kita ng link ng gusto mong anime para you can watch it any time. Di mo na kailangang pagpuyatan." Kinuha ni Norma ang gadget para papiliin si Angelie.

"Girl, para iyan 'di ka mapuyat, ha. Di mo iyan dapat tapusin in one sitting."

"Oo na po, tita!"

"Huh!? I'm two months younger than you, miss!"

Natatawang iniwan sila ni Norma at lumapit kina Mon.

"Oy, don't be late mamaya ha. Call us para halos sabay ang arrival natin do'n."

"Oo nga. Magtawagan tayo para sabay tayo," ani Jebon.

"Iyon na nga ang sinabi, 'di ba," inilapit pa ni Marc ang mukha sa kaibigan para ipahalata ang pandidilat nito.

"Tinagalog ko lang, tol. Me halong ingglis,e, 'di ka pa naman Englisher."

"Englisherin mo mukha mo! Feelingers ka lang, eh!"

Hindi na nagtaka ang grupo ng magkasabay sa kotse sina Norma, Angelie, at Nannette.

"Dito ka sa harap. Magmumukha akong driver n'yo niyan."

"S-sorry!" Agad pumuwesto sa harapan si Angelie.

Aandar na sana ang kotse nang humarang ang kinakabahang si Jebon.

"What?"

"H- hi!"

Hinintay ni Norma ang sasabihin ng lalaki pero walang lumabas sa bibig nito.

"You want a ride?"

"P-puwede? Do'n lang ako sa may Japanese restaurant. Pinapabili kasi ako ng bento."

"Sure! Me space pa naman. Hop in."

Mabilis na tumabi si Jebon kay Nannette. 

"H-hi!"

Natuon ang pansin ng lahat sa biglang pagpreno ng kotse.

"Oopps! My bad. Di ko napansin ang pusa."

"Si Kurdapya talaga! Pabigla-bigla talaga iyan kung tumawid."

"Kilala mo rin pala si Kurdapya?" Nakatitig itong muli kay Nannette.

"Wala yatang 'di nakakakilala sa itim na pusang iyan dito sa campus."

Nasa highway na sila nang napansin ni Angelie ang manaka-nakang pagtitig ni Jebon kay Nannette.

"Jebon, sigurado ka bang me bibilhin kang bento?"

"Oo. Pinapabili ng tita ko."

"Di ba may Japanese restaurant on the way to your house?"

"M- meron ba?" Tila nasusukol sa katotohanan ang lalaki kaya siya kinantiyawan ng dalawang nasa front seats.

"Gusto mo lang palang sumabay, magpapasagasa ka pa."

"Jebon ha, friend ko iyan. Baka lolokohin mo lang si Nannette, ha!"

"H- Hindi naman," napakamot ng ulo ang lalaki, "h- hindi ka pala dense."

Lihim na napangiti si Nannette sa mahinang tinuran ng lalaki. May pagka-observant nga si Angelie sa feelings ng ibang tao para sa ibang tao. 

"What will you wear?" untag ni Norma.

"Wala pa akong naihanda. Basta, blouse and jeans lang."

"Ako, tee shirt at jeans din. Ikaw, Jebon?"

"H- ha? Wala rin, e."

"Magbu-bold ka?" 

Pinagtulungan nila ng pangangantiyaw ang lalaki. Napanganga si Jebon, tila pipi itong nagpaalam ng tingin sa Japanese restaurant na nadaanan na nila.

"Diyan na lang ako sa tawiran," ani Angelie.

"Bakit, saan ba ang condo mo?"

"Sa kabilang kanto pa. Okay na ako rito."

"Bakit dito pa? Inihatid ka na nga, papaglakarin ka pa talaga ng isang block?" Huminto sila sa harap ng condominium.

"Salamat." Nagulat si Angelie nang makita si Jebon. Itinuro niya ang lalaking itinakip naman sa kaniyang mukha ang mga palad dahil sa hiya.

"Lumampas na!" Natawa si Nannette sa naging itsura ng nahihiyang lalaki. 

"Ay, sorry! Di ko napansin."

"Okey Lang, 'di ko rin napansin, e  Sa may pa-U turn na lang ako, Norm." Hindi malaman ng lalaki kung paano tatakpan ang nagba- blush niyang mukha. Kinantiyawan na naman siya ng mga babae.

NAKAPILI na ng susuutin para sa dinner si Angelie. Naging usapan nilang tatlong babae kanina na walang magsusuot ng jeans, pati si Alvin ay idinamay nila sa kanilang usapan.

Isang malalim na buntunghininga ang kaniyang pinakawalan. Bumabalik sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi.

Alas nuwebe ng gabi. Hindi inasahan ni Angelie ang pagdating ni Andrei. 

"Besh?"

Hindi siya nakaimik sa biglang pagyakap sa kaniya ng kaibigan. Tinugon naman niya ito ng yakap kahit na may pagtataka siya sa pangyayari.

"What happened?"

Tahimik na umupo ang lalaki. "I want coffee. Meron ka?" Nang hindi siya sinagot ng naguguluhang kaibigan ay bumuntunghininga siya. " Beer na lang kaya?"

"Wala. Alam mo namang wala. Bakit parang nai-stress ka?"

"Wala. I'm just tired." Malungkot ang mga mata ng binata habang nakatitig sa kaniya.

Lumapit si Angelie sa kaibigan, hinawakan ang palad nito. "If ever you need me, tell me. Don't forget our sacred promise to each other." Kinuha niya ang pink cap sa ulo ng lalaki at isinuot sa ulo niya.

Matipid na ngiti at mahinang pagtango galing kay Andrei. "I will never forget. And don't you ever forget it."

"You will always be my best friend, my most trusted person,... You're the brother I never had." Malambing niya itong niyakap. 

Hinaplus-haplos ni Andrei ang likod ng kaibigan. Ilang sandali pa'y kumalas na siya sa pagkakayakap.

"I have to go."

"Ha? Halos kararating mo lang."

"Baka walang bantay si mom sa ospital. Bukas ng umaga pa siya uuwi. Bye. Mag-lock ka."

"O- okay."

….

"Welcome, guys!"

Masayang sinalubong nina Andrei at Flor sina Angelie at Norma. 

"Pasok kayo." Dumiretso ng kusina si Flor matapos niyang samahan papuntang salas ang tatlo.

Nasa salas na pala ang lahat ng imbitado sa dinner maliban sa kanila. 

"Good evening!" Lovely and regal ang dating ni Norma sa kaniyang suot na blue casual dress at ng ternong mamahaling gold necklace, ring and bracelet. Classy din ang dating ng hair and makeup ng dalaga.

"Magandang gabi po!"  Simpleng A-cut na knee-length naman ang baby pink dress ni Angelie na tinernuhan ng kaniyang pink minaudiere.

Agad silang nakipagbeso sa ina ni Andrei. "Good evening, girls!"

"It's good that you're all here," wika ng ama ni Andrei. "Have a seat. We'll have dinner in a moment."

"Sabay pa kayong dumating, sinundo ka ba niya?" 

"Oo. Nakalimutan ka naming sabihan, nasa taxi ka na ng tinawagan niya ako." Kay Nannette siya tumabi ng pag-upo habang si Norma ay kay Andrei tumabi.

"Hi!"

"Hi!" He smiled at Norma kapagkuwa'y labas ang beloy na soundless niyang tinutukso si Angelie sa girly nitong suot na ikina-blush naman ng dalaga. Soundless din ang naging pagtawa ni Nannette sa naging arte ng mag- best friend.

Panay naman ang sulyap sa kanila ng mga magulang ni Andrei habang iniistima ang iba pang naroon.

Sa hapag kainan ay magkatabi pa rin sina Andrei at Norma, habang sina Alvin at Mon ang mga katabi ni Angelie.

Nag-umpisang mag-usisa ang ama ni Andrei nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain. Sa umpisa ay mga bagay-bagay tungkol sa school activities ng mga bata, kalauna'y humantong ito sa relationships. "Sino naman dito ang mag-on?"

Nang nagtinginan lang at nagpapakiramdaman ang magkakaklase ay binasag ni Andrei ang sandaling katahimikan. "O, besh, di ba paborito mo 'tong calamares? Here, o!"

Nahihiya man, sinahod ni Angelie ng platito ang iniabot na pagkain sa kaniya ng kaibigan. "T-thanks." Binigyan niya rin ang dalawa niyang katabi.

"How about you, young lady? Ano'ng gusto mo?" 

"I-ito rin po, sir," Itinuro ni Norma ang calamares bilang tugon sa tanong ni Ronald.

"Andrei, why don't you give her?"

"Abot niya lang po, dad," and there's an awkward smile, "it's just right beside her plate."

His father swallowed his lips before forming a smile. Si Flor naman ay tahimik na nagsalin ng tubig sa mga baso nila, paminsan-minsan ay sinusulyapan si Marcia na tahimik namang gumagawa ng maliliit na subo.

"Hija, kaanu-ano mo si Nestor Agustin?" Tila naka-focus kay Norma ang interes ni Ronald.

"Uncle ko ho siya, elder brother ni dad."

"Naging school mate ko siya noon, the guy was a poet. Siya ang pambato namin noon sa literary contests. Ikaw ba, mahilig rin sa poetry?"

"H-hindi po. Hindi po ako inclined sa words with rhymes."

"Besh!"

Agad na sinenyasan ni Angelie ang kaibigan para tumahimik.

"Dad is a poetry lover," at ipinagmalaki niya sa ama ang kaniyang best friend. "Angelie is also a poet, dad. She's the writer of a poetry page, iyong Pink Rhyme."

Dahil walang nangyari ang pagsisenyas niya sa kaibigan na tumahimik, tumungo na lang ang dalaga, with blushing cheeks.

"G-good." Napatingin siya sa asawa kapagkuwa'y kay Angelie. "Keep it up, hija."

"Thank you so."

"Ikaw naman," bumaling si Ronald kay Alvin, "are you planning to be a program director or TV producer?"

"Sa television po talaga ang gusto ko, sir," he smiled, "at payag akong magsimula kahit sa idiot board."

Mahinang pagtawa ang naging reaction ng mga kaklase niya.

"Good. Maganda iyan, a man who could accept everything could be trusted on everything. Perhaps, Miss," he was pertaining to Angelie, "that guy beside you could be your strong shoulder to lean on."

Halos umabot sa tenga ang naging ngiti ni Alvin sa narinig while Angelie's cheeks turned red.

"Or she could start believing and relying on herself," ang tinuran ni Marcia. She then stated straight to Angelie's face, "It's better for girls to be independent and not just rely on anybody." Bahagya siyang nahinto sa pagsasalita nang tumikhim ang asawa. "Life is not made of shortcakes, you know."

Julia

Brace yourselves for the twist and turn of this story. Leave or let live...

| Like
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • You, Me, and the Sea   32 GatherYourseelf

    Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay

  • You, Me, and the Sea   31 Confession

    ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero

  • You, Me, and the Sea   30 The Promise

    The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang

  • You, Me, and the Sea   29 Truth and Lies

    Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak

  • You, Me, and the Sea   28 Losing Game

    NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno

  • You, Me, and the Sea   27 Bewilderment

    Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status