Third-Person's Point of View
Paghinto ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mga Lee, natanaw agad ni Keith ang mga taong abala sa pag-aayos ng hardin para sa birthday party ng binata na gaganapin sa gabing iyon. "Lola?" pukaw ni Keith sa kaniyang abuela habang inaalalayan ito sa pagbaba sa van. "Yes?" tanong nito sa apo at nang mapansin ni Madam kung saan ito nakatingin, nabasa na niya kung ang nais nitong sabihin. "Simpleng party lang 'yan, apo. Don't worry," turan niya at niyaya na itong pumasok ng kanilang bahay upang makapagpahinga. Sumunod naman si Keith. Sa kaniyang paghakbang sa loob ng mansion, isa-isang bumalik ang mga alaala sa kaniyang isip. Kay tagal niyang hindi nakauwi dahil abala sa pag-aaral. Bukod pa rito, hindi siya pinayagan ng doktor na siyang gumagamot sa kaniya matapos ma-trauma sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang mga magulang. Suhestiyon din ng doktor na huwag muna siyang bumalik sa Pilipinas. Sang-ayon naman ang kaniyang lola at ito ma lamang ang bumibisita sa binata sa Europa. Sa muli niyang pagtapak sa kanilang mansion, halo-halo ang mga alaala ang isa-isang bumalik sa kaniyang gunita. "Are you okay, Keith?" malumanay na tanong ni Madam nang mahinto sa paglalakad ang binata na hawak niya ang braso habang sabay silang naglalakad. Pilit ngumiti si Keith. "Just some g-good memories coming back in my head, Lola," aniya sa matanda. May bahid ng kasinungalingan dahil ang bangungot na akala niyang nawala na't nakalimutan ay bigla na lamang nagising sa kaniyang isipan. Hindi satisfied si Madam sa sagot nito. Na-inform na siya ng doktor ng binata sa maaaring maging epekto nang kaniyang pagbalik. Kaya naman kahit na paano ay alam niya kung paano ito aalalayan sa ganoong sitwasyon. Anang doktor, hayaan lamang daw ang binata na unti-unting i-process ng kaniyang utak ang mga alaala. Ang ilan tao nitong therapy ay sapat na para magawa ni Keith labanan ang isip sakaliman na magbalik siya sa bansa. "Akala ko ay napaano ka na," wika ni Madam at mabilis na dinugtungan habang pinilit na pasiglahin ang kaniyang tinig. "Na-miss ko nga ang pagtawag mo sa akin noong pumunta ka sa Europa. Tuwing darating ako, tatakbo ka na lang pababa sa hagdan nang mabilis habang paulit-ulit kang sumisigaw ng lola," wika ni Madam. Isang suhestiyon ng doktor upang ma-divert ang isip ni Keith sa magandang bagay. "Yeah, I remember those days po. Minsan pa nga nadapa ako at gumulong pababa. Kahit na may bukol sa noo noong tumayo ako e tumatawa pa akong yumakap sa'yo." K'wento naman ni Keith. "That was one of scariest days of my life, apo. Napakakulit mo kasi at minsan pa nga ng silid ka sa hawakan ng hagdan at lumagapak sa baba. Tumayo ka nang parang walang nangyari at gusto mo pang ulitin. Jusko!" Naalala ni Keith iyon at bigla na lamang siyang tumawa. "That was actually fun! Parang gusto ko nga pong gawin ulit ngayon." Bigla tuloy nag-panic si Madam sa narinig. "Don't you dare! Kahit matibay ang hawakan ng hagdan natin e hindi ako makasisigurong kakayanin ka niyan ngayon." Mas lalong natawa si Keith sa reaksyon ng kaniyang lola. "I was just kidding, Lola. Calm down!" Awat niya rito. "Ewan ko sa'yo! Umakyat ka na nga sa kwarto mo at magpahinga ka muna," utos ni Madam sa kaniya. "Sisilipin ko lang ang mga nasa kusina kung ano na ang mga natapos nilang iluto nila. Ipagigising na lang kita sa mga kasambahay mamaya kung makatulog ka," kaniyang pagdadahilan upang umakyat na sa taas ng kaniyang apo nang sa ganoon ay magawa na nila ang test na ibinilin sa kaniya ng doktor ni Keith nang huli niya itong bisitahin. "Okay," matipid nitong sagot at humakbang na patungo sa kanilang magarbong hagdan na gawa sa solid wood na bahagyang paarko ang disenyo. Tatlong palapag ang kanilang bahay at dalawang hagdan na pareho ng disenyo ang kailangan niyang akyatin. Nang makarating siya ikalawang palapag, nahinto ang kaniyang paghakbang nang matapat sa silid ng kaniyang mga yumaong mga magulang. Nagsimulang tumibok ang kaniyang puso nang mabilis. Bumalik sa alaala niya ang duguan nilang mga katawan nang matagpuan niya silang dalawa isang umaga na wala ng mga buhay. 'Face your fear when the time comes.' Sinabi ito ng kaniyang doktor. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa pinto at inangat ang kamay upang abutin ang doorknob. Nanginginig ang kaniyang kalamnan nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y napakainit ng kaniyang buong katawan. "Face your fear, Keith," kaniyang sambit upang palakasin ang loob. Nang hawak na niya ang doorknob at akmang ipipihit na niya ito nang nakarinig siya ng mga yabag ng mga paa. Mabilis na bitawan ni Keith ang doorknob na hawak at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang dating silid. Sa pagsara niya ng pinto. Isang malalim sa paghinga ang kaniyang pinakawalan. Aminado siyang naduwag siya kaniya. Hindi niya nagawang harapin ang takot na ilang taon niyang kinalimutan at pilit tinatakbuhan. Ganoonpaman, hindi siya nawawalan ng pag-asa lalo pa't nasa Pilipinas na siya at araw-araw ay madaraanan niya ang silid na iyon. Ganoon pa rin ang ayos ng kaniyang iniwang silid. Nagbago lang ang kulay ng kurtina at mas lumaki ang dating Queen size lamang na kama. Pabagsak siyang nahiga sa malambot kutson at tumingin sa chandelier na nakasabit sa pinakagitna ng maluwang na silid. Hindi niya namalayan na unti-unti siyang nakatulog na animo'y inihehele. Bandang alas-sais na nang hapon nang siya'y magising. Nakarinig siya ng ingay mula sa labas na tila may nag-te-testing ng sound system. Soundproofed na ang kaniyang silid ngunit sa lapit niya sa mga naglalakihang speaker ay lahat ng tugtog ay talaga namang maririnig mula sa loob. Isama pa na dumadagundong ang sahig sa bawat hampas sa drum ng drummer ng inimbitahang banda. Pinaghandaan talaga ni Madam Janet ang gabing iyon. Bukod sa birthday ni Keith, mayroon din siyang importanteng anunsyo na nais niyang marining ng lahat ng naroon. May ilang reporter na kasama sa mga listahan ng mga bisita dahil nais ni Madam na ilathala ng mga ito ang kaniyang sasabihin maya-maya. Bumangon na si Keith. Sumilip siya sa may bintana ng kaniyang silid. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa gulat nang makita kung gaano na karami ang mga dumating na bisita. Nagsidating na sila ngunit ang may kaarawan ay hindi pa nakapaghahanda.Itinaas ni Kelvin ang kaniyang dalawang kamay nang itutok ng matanda sa kaniya ang baril."Woah! Tay...kalma lang po..." aniya rito upang hindi nito kalabitin ang gatilyo. "Bakit, sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginagawa ko?" Nanginginig ang boses nito ngunit. Maging ang tuhod ay nangangatog ngunit nanatiling nakatayo nang tuwid habang hawak ang 45 caliber na b*ril na iniwan sa kaniya ni Frank bago sila umalis.Binigyan siya nito nang malaking halaga matapos silang timbrehan na may kahina-hinalang mga kalalakihan na nagawi sa kanilang lugar matapos ang anunsyo sa radyo at telebisyon na lalakihan na ang patong sa kanilang mga ulo.Maging siya rin naman ay natukso gayong alam niya kung nasaan nagtatago ang mag-asawa ngunit naisip niyang mas malaki ang makukuha niya kina Frank kung tutulungan niya ang mga ito na makapagtago at makatakas. Tama nga siya rito sapagka't pinangakuan siya nito ng dalawampung milyon kapalit ng kaniyang pananahimik. Natanggap na nila ang malaking halaga sa ka
Matapos silang i-tour ng may-ari sa kabuuan ng bahay, hiningi nila ang numero nito. "Maraming salamat po ulit. Tatawag na lang po ako kapag naipakita ko na sa misis ko ang mga litrato at kung okay po sa kaniya itong bahay," ani PO2 Kelvin Martinez bago sila umalis. Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay walang imik ang kaniyang kasama na tila ba may malalim na iniisip habang nakatingin sa may tindahan.Naroon na ang matandang lalaki at natingin sa kanilang sasakyan. Tinted ang salamin ng kotse kaya naman hindi sila nakikita sa loob ngunit hindi maalis ang tingin ng matanda sa kanila."Kailangan nating bantayan ang galaw ng mga tao rito," untag ni PO3 Leonard Casimiro."Bakit, may napansin ka bang kakaiba bukod d'yan sa matanda sa tindahan?" tanong ni Kelvin kaniyang partner bago ini-start ang makina ng sasakyan na tila natatawa dahil na-we-weirdo-han siya nang husto sa matanda."Iyon nga, e. Siya nga ang pinagdududahan ko," sagot ni Leonard nang umusad na ang sasakyan.Awtomatikong na
Third-person's POVMakalipas ang higit-kumulang isang oras, nakatanggap ng mensahe si Elias. He rushed to his boss' office. Mabilis ang bawat hakbang na tila nagmamartsang sundalo.Inangat ni Keith ang kaniyang ulo nang marinig ang papalapit na mga yabag nito. "Sir, nagpadala na raw sila ng dalawang pulis sa lugar kung saan magkakatugma ang mga impormasyon mula sa mga tumawag at natanggap na mga mensahe," kaniyang anunsyo hindi pa man lubos na nakalalapit sa desk ng binata.Inilapag ni Keith ang hawak na ballpen sa ibabaw ng mga dokumentong kaniyang pinipirmahan at isinandal ang likod sa kaniyang upuan. Bahagya siyang napangisi nang mapangtano. "Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kung siguro noong umpisa palang naiisip ko ng gawin 'to, it won't take us this long to get a lead to their whereabouts," untag ni Keith.Hindi siya makapaniwala na ganoon kabilis silang makakukuha ng lead. Sandali siyang nag-isip. He couldn't wait to see his Uncle again face to face para ipamukha ang lahat ng
Third-person's POV Sa pagbaba ni Keith ng telepono, bumalik ang kaniyang atensyon sa cellphone na nakapatong sa kaniyang desk. Naisip niya bigla si Merrill at ang supling na nasa sinapupunan nito. Isang ngiti ang sandaling sumilay sa kaniyang mga labi. Masaya siya na successful ang unang procedure, but the day he found out about the news, bigla rin siyang natakot. Takot na baka may isang mahalagang tao na naman ang mawala sa kaniya kapag hindi pa niya natapos ang kasalukuyang problema. Habang nag-iisip, isang mensahe muli ang dumating. "You didn't answer my question..." Keith nearly chuckled nang mabasa ito. Buong akala niya ay makakatakas siya sa tanong nito but the message was long kaya ipinagpatuloy niya muna ang pagbabasa. "...naiintindihan ko naman how you feel. Masyadong inappropriate ang tanong ko, but I'm glad na you're safe at hindi ka nila pinagtangkaang saktan ulit." Merrill's message made his heart skip a bit. Hindi sila magkaharap nang mga sandaling iyon ngunit para
Third-person's POV"I just did. How about you? How are you feeling today?" sagot ni Keith sa dalaga. Sinamahan pa niya ang mensahe ng isang nakangiting Emoji to show how he appreciated the message she sent kahit pa wala siya sa tamang pagkakataon para maging masaya nang araw na 'yon.Ibinalik niya ang cellphone sa desk matapos magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga saka tumayo mula sa kinauupuang swivel chair at nagtungo muna sa kaniyang private comfort room. Wala pang dalawang minuto siyang nasa loob nang dumating ang reply ni Merrill.Pagbalik niya sa desk, ang cellphone ang kaniyang unang dinampot. "Katatapos lang din namin nag-lunch. I'm okay and how about you?" basa niya sa mensahe ng dalaga. Hindi pa siya nakakapag-type ng sagot ay may isa pang reply na dumating. "Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa bahay n'yo. Pakiabot na lamang sa pamilya ni Kuya Richard ang pakikiramay ko. Wala bang balita kung sino ang mga gumawa?"Hindi na nagulat si Keith na nakarating na sa ka
Keith's POV I couldn't swallow the steak Elias order for my lunch mula sa isang fancy restaurant gayong alam niya na iyon ang hilig ko, but after what happened parang hindi tama na iyon ang napiling niyan kunin. Pumunta ako sa office to ease my mind a little. Elias was the one who asked to settle what was needed para wala ng problemahin pa ang pamilya ng mga namatayan. I felt guilty looking at their corpse dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko na naman na may nadamay na tao dahil ako ang target nila. Ayan na naman. My chest kept tightening sa tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon. I couldn't help but blame myself for every tragic things going on that involved my family. I put the fork and knife down at tinawagan si Elias by just pressing a single number gamit at wireless telephone na nasa lamesa ko. Kababalik niya lamang galing morgue at dumaan sa restaurant to get us both a lunch, but I didn't like his choice of food for me. It was bothering me just by looking at it. "Hello, Si