Third-Person's Point of View
Habang nasa loob ng banyo si Keith ay pumasok sa kaniyang silid si Madam kasama ang dalawang mga kasambahay na dala ang sapatos at damit na isusuot ni Keith sa kaniyang party. "Keith, apo?" tawag ni Madam nang di siya makita nang sila'y pumasok. Mabilis ipinihit ni Keith ang knob ng shower upang patayin ito nang kaniyang narinig ang pagtawag ni Madam. "I'm here, lola!" pasigaw niyang sagot mula sa loob. "We have your clothes here outside. Iiwan na lang namin dito sa kama with your shoes. Ito ang gamitin mo for tonight, ha! Binili ko pa sa Paris ang mga 'to noong fashion week. Alam kong babagay sa'yo!" pasigaw na tugon ni Madam. "Okay, lola. Thank you!" "Anything for my apo," malambing ng turan ni Madam bago niya niyaya ang mga kasambahay na ilapag na sa kama ang kanilang mga dala. Nang lumabas si Keith, wala na sa silid ang mga ito. Tanging tuwalya lamang ang tumatabing sa ibabang parte ng katawan ng binata. Tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang ulo at habang naglalakad palapit sa kama ay pinupunasan niya ng mas maliit na tuwalya ang kaniyang basang ulo. Agad niyang nilapitan ang kama upang siyasatin ang damit na tinutukoy ng kaniyang lola. Agad kumunot ang kaniyang noo nang madiskubre kung anong klaseng suit ang naroon. "What the heck?" sambit niya nang makita ang disenyo ng damit. Dinampot niya ang naka-hanger na coat at malapitang sinuri. May kadena na kulay silver ang kabilang bahagi ng coat na hindi niya maintindihan kung bakit mayroon. Bukod sa kadena, napansin niya rin ang magkaibang sukat ng k'welyo ng damit. Medyo mahaba sa kaliwa at may kahabaan ang kulay silver sa kanan. Napailing na lang siya. "Hindi kaya ako magmukhang payaso nito?" Natatawang tanong ni Keith sa sarili habang hawak pa rin ang damit. Sinuot na lamang niya iyon nang walang pagrereklamo. Nang humarap sa salamin, namangha siya dahil kasyang-kasya sa kaniya. "Parang sinukat, a!" naibulalas nito dahil nagmukha siyang K-pop idol sa kaniyang porma. "Not bad at all," kaniya pang komento habang nasa harapan ng salamin. Nagdesisyon siyang lumabas bandang alas-sais trenta. Dumadagundong na ang malakas na musika sa kanilang bakuran na kahit mga langgam at anay na nasa ilalim ng lupa ay mabubulahaw. Nang makita siya ng mga bisita, inulan siya ng mga pagbati mula sa kanila. Sa malawak na hardin nakaayos ang mga lamesa na punong-puno ng mga dekorasyon. Naghalong itim at silver ang tema ng gabing iyon gaya ng kulay ng kaniyang kasuotan. May magarbong upuan sa pinakaharapan para sa binata at nang matanaw siya ng MC sa gabing iyon ay agad niyang kinuha ang atensyon ng lahat ng mga bisita. Sinalubong siya ng masigabong palakpakan ng mga dumalo at nakangiting mga mukha ng mga taong hindi niya kilala ang lumapit sa kaniya upang makipagkamay at personal siyang batiin. Napaka-awkward ng pakiramdam para sa kaniya dahil sa dami ng mga tao at ang mga lumalapit ay hindi naman niya mga kilala. Nagkataon pa na kaaakyat ni Madam Janet sa kaniyang silid upang magbanyo at mag-retouch ng kaniyang makeup. Nag-change outfit na rin si Madam. Hindi niya alam na may nag-aabang sa labas ng kaniyang silid, ang kaniyang anak na bunso, si Frank. Hindi ito mapakali sa labas. Pabalik-balik ng lakad na tila may iniisip habang naninikip ang kaniyang dibdib dala ng galit. "How could you do this, Ma?" Pabulong niyang tanong habang nagtatagis ang kaniyang panga. Nang marinig ni Madam ang anunsyo ng MC, nagmadali siyang nanalamin at lumabas ng silid. Hindi niya inaasahang makikita sa labas si Frank na matalim na tingin ang agad ipinukol sa kaniya. "What are you planning, Ma?" salubong ni Frank sa kaniya. "A-ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Madam na hindi agad nakuha ang nais nitong iparating sa tanong na iyon. "One of the board members spilled the tea just now! You're planning to announce tonight that you want Keith to take over!" pasigaw na sagot ni Frank nang hindi na makontrol ang galit na nadarama. "I can't believe that you set a meeting behind my back and I am the CEO, but I was the last to know!" dugtong niya. Mas tumaas pa ang tono ng kaniyang boses sa pagkakataong 'to. Unti-unting nabura ang gulat sa mukha ni Madam. Sinadya niyang hindi ipaalam kay Frank ang kaniyang pasya dahil may mabigat siyang dahilan at ibang plano para sana sa bunsong anak ngunit may nadiskubre siya kamakailan na nagpabago ng kaniyang isip at mas minabuting ang panganay na apo na lamang ang kaniyang ipalit sa puwesto. "What's the problem? Keith deserv—" "And how about me?!" putol ni Frank sa nais sabihin ng kaniyang ina. "I've been working so hard to prove that to you! All these years, Ma—all my life! I've spent all my time and efforts to show you how I'm capable of! Bakit si Keith? I worked for so many years under your shadow. I closed countless deal. Why Keith? Katatapos lang niya ng college and you want him to lead? The company is not a playground and training center! Kumpara sa aming dalawa, mas marami akong magagawa para maiangat pa ang kompanya, but what is this? Hilaw pa Keith kumpara sa akin. For real, Ma? Are you getting insane?" Mahabang litanya nito na hindi nagustuhan ni Madam ang bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig. "Do you think I'm insane? Sa tingin mo Keith will just play around kapag siya na ang Presidente? "You're the one who could answer that, Ma. Walang sinuman ang may matinong isip na ibibigay sa kamay ng isang baguhan at walang experience ang isang malaking kompanya gaya ng J.O. Group. Better put him somewhere else, hindi sa pinakaitaas gaya nang ginagawa mo sa akin noon. I started below." "Siguro nga, Frank. Baka nga baliw na ako to make Keith take over, pero mas baliw ka to think you are more capable sa kabila ng mga ginagawa mo behind my back! Pinagsimula kita sa ibaba for a good reason. Inasahan ko na maging makatao ka kapag naranasan mong mag-umpisa sa mababang lebel, but I was wrong. Mas naging tuso ka pa!" Tumaas na rin ang boses ni Madam. Mabilis na tumaas ang kaniyang dugo sa mga marinig sa kaniyang anak na walang ginawa kundi ang magbuhat ng bangko at ipamukha na siya ang pinakamagaling kahit pa noon. Natigilan naman si Frank sa nakuhang sagot sa kaniyang ina. Hindi niya magawang sagutin pa ang mga sinabi nito dahil totoo naman ang mga sinabi ng ginang. Marami siyang ginawa para makaangat agad. He did everything—as in everything. "I know you did everything to make sure you would earn more than everyone. Akala mo ba hindi ko alam? I know enough, Frank at dahil sa mga pinaggagawa mo, I feel ashame na anak kita. At huwag mo akong diktahan sa mga dapat at hindi dapat dahil sa ating dalawa, ikaw ang mas kailangan ng tulong," wika ni Madam habang dinuduro ang kaniyang anak. Naninikip na ang kaniyang dibdib nang mga oras na 'to. Ramdam na rin niya ang pananakit ng batok dala na pagtaas ng kaniyang dugo. Sa kaniyang edad, marami na siyang iniinda sa katawan. Isama pa ang mahina niyang puso na ilang beses na rin siyang itinakbo sa ospital dahil sa paninikip niyon. "Get out! Umalis ka rito sa pamamahay ko!" pagtataboy niya rito. Mabilis namang tumalikod si Frank at nagmartsa palayo. Hindi na nilingon ang kaniyang ina na sapo ang kaniyang dibdib. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Kumapit siya sa pinto. Samantala, sa ibaba ay palinga-linga si Keith. Hinahanap ang kaniyang lola. Biglaang nakadama ng pagkabalisa nang hindi ito makita sa paligid.Itinaas ni Kelvin ang kaniyang dalawang kamay nang itutok ng matanda sa kaniya ang baril."Woah! Tay...kalma lang po..." aniya rito upang hindi nito kalabitin ang gatilyo. "Bakit, sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginagawa ko?" Nanginginig ang boses nito ngunit. Maging ang tuhod ay nangangatog ngunit nanatiling nakatayo nang tuwid habang hawak ang 45 caliber na b*ril na iniwan sa kaniya ni Frank bago sila umalis.Binigyan siya nito nang malaking halaga matapos silang timbrehan na may kahina-hinalang mga kalalakihan na nagawi sa kanilang lugar matapos ang anunsyo sa radyo at telebisyon na lalakihan na ang patong sa kanilang mga ulo.Maging siya rin naman ay natukso gayong alam niya kung nasaan nagtatago ang mag-asawa ngunit naisip niyang mas malaki ang makukuha niya kina Frank kung tutulungan niya ang mga ito na makapagtago at makatakas. Tama nga siya rito sapagka't pinangakuan siya nito ng dalawampung milyon kapalit ng kaniyang pananahimik. Natanggap na nila ang malaking halaga sa ka
Matapos silang i-tour ng may-ari sa kabuuan ng bahay, hiningi nila ang numero nito. "Maraming salamat po ulit. Tatawag na lang po ako kapag naipakita ko na sa misis ko ang mga litrato at kung okay po sa kaniya itong bahay," ani PO2 Kelvin Martinez bago sila umalis. Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay walang imik ang kaniyang kasama na tila ba may malalim na iniisip habang nakatingin sa may tindahan.Naroon na ang matandang lalaki at natingin sa kanilang sasakyan. Tinted ang salamin ng kotse kaya naman hindi sila nakikita sa loob ngunit hindi maalis ang tingin ng matanda sa kanila."Kailangan nating bantayan ang galaw ng mga tao rito," untag ni PO3 Leonard Casimiro."Bakit, may napansin ka bang kakaiba bukod d'yan sa matanda sa tindahan?" tanong ni Kelvin kaniyang partner bago ini-start ang makina ng sasakyan na tila natatawa dahil na-we-weirdo-han siya nang husto sa matanda."Iyon nga, e. Siya nga ang pinagdududahan ko," sagot ni Leonard nang umusad na ang sasakyan.Awtomatikong na
Third-person's POVMakalipas ang higit-kumulang isang oras, nakatanggap ng mensahe si Elias. He rushed to his boss' office. Mabilis ang bawat hakbang na tila nagmamartsang sundalo.Inangat ni Keith ang kaniyang ulo nang marinig ang papalapit na mga yabag nito. "Sir, nagpadala na raw sila ng dalawang pulis sa lugar kung saan magkakatugma ang mga impormasyon mula sa mga tumawag at natanggap na mga mensahe," kaniyang anunsyo hindi pa man lubos na nakalalapit sa desk ng binata.Inilapag ni Keith ang hawak na ballpen sa ibabaw ng mga dokumentong kaniyang pinipirmahan at isinandal ang likod sa kaniyang upuan. Bahagya siyang napangisi nang mapangtano. "Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kung siguro noong umpisa palang naiisip ko ng gawin 'to, it won't take us this long to get a lead to their whereabouts," untag ni Keith.Hindi siya makapaniwala na ganoon kabilis silang makakukuha ng lead. Sandali siyang nag-isip. He couldn't wait to see his Uncle again face to face para ipamukha ang lahat ng
Third-person's POV Sa pagbaba ni Keith ng telepono, bumalik ang kaniyang atensyon sa cellphone na nakapatong sa kaniyang desk. Naisip niya bigla si Merrill at ang supling na nasa sinapupunan nito. Isang ngiti ang sandaling sumilay sa kaniyang mga labi. Masaya siya na successful ang unang procedure, but the day he found out about the news, bigla rin siyang natakot. Takot na baka may isang mahalagang tao na naman ang mawala sa kaniya kapag hindi pa niya natapos ang kasalukuyang problema. Habang nag-iisip, isang mensahe muli ang dumating. "You didn't answer my question..." Keith nearly chuckled nang mabasa ito. Buong akala niya ay makakatakas siya sa tanong nito but the message was long kaya ipinagpatuloy niya muna ang pagbabasa. "...naiintindihan ko naman how you feel. Masyadong inappropriate ang tanong ko, but I'm glad na you're safe at hindi ka nila pinagtangkaang saktan ulit." Merrill's message made his heart skip a bit. Hindi sila magkaharap nang mga sandaling iyon ngunit para
Third-person's POV"I just did. How about you? How are you feeling today?" sagot ni Keith sa dalaga. Sinamahan pa niya ang mensahe ng isang nakangiting Emoji to show how he appreciated the message she sent kahit pa wala siya sa tamang pagkakataon para maging masaya nang araw na 'yon.Ibinalik niya ang cellphone sa desk matapos magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga saka tumayo mula sa kinauupuang swivel chair at nagtungo muna sa kaniyang private comfort room. Wala pang dalawang minuto siyang nasa loob nang dumating ang reply ni Merrill.Pagbalik niya sa desk, ang cellphone ang kaniyang unang dinampot. "Katatapos lang din namin nag-lunch. I'm okay and how about you?" basa niya sa mensahe ng dalaga. Hindi pa siya nakakapag-type ng sagot ay may isa pang reply na dumating. "Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa bahay n'yo. Pakiabot na lamang sa pamilya ni Kuya Richard ang pakikiramay ko. Wala bang balita kung sino ang mga gumawa?"Hindi na nagulat si Keith na nakarating na sa ka
Keith's POV I couldn't swallow the steak Elias order for my lunch mula sa isang fancy restaurant gayong alam niya na iyon ang hilig ko, but after what happened parang hindi tama na iyon ang napiling niyan kunin. Pumunta ako sa office to ease my mind a little. Elias was the one who asked to settle what was needed para wala ng problemahin pa ang pamilya ng mga namatayan. I felt guilty looking at their corpse dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko na naman na may nadamay na tao dahil ako ang target nila. Ayan na naman. My chest kept tightening sa tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon. I couldn't help but blame myself for every tragic things going on that involved my family. I put the fork and knife down at tinawagan si Elias by just pressing a single number gamit at wireless telephone na nasa lamesa ko. Kababalik niya lamang galing morgue at dumaan sa restaurant to get us both a lunch, but I didn't like his choice of food for me. It was bothering me just by looking at it. "Hello, Si