Hindi mapakali si Keith habang nasa party. Humahaba ng ang kaniyang leeg kahahanap sa kaniyang lola na hindi pa rin nagpapakita kahit hiniling na ng MC na samahan niya si Keith sa harapan.
Nang hindi na makatiis, he excused himself sa MC at idinahilan na kailangan niyang magbanyo sandali. Nagmadali siya paglalakad na halos patakbo na para hagilapin si Madam. Nagkasalubong sila Mercedes, ang kanilang mayordoma sa mansyon. "Have you seen, lola?" tanong niya rito at kunot-noong umiling si Mercedes. "Ang sabi niya kanina aakyat lang siya sandali. Akala ko nakababa na, iho," ani Mercedes nang kaniyang maalala. Akmang tatakbuhin na sana ni Keith ang hagdan upang tingnan sa kaniyang silid ang abuela ngunit nakita na niya itong pababa. "Oh, God, lola! I thought something happened to you!" bulalas nito na alalang-alala. "Nasa taas lang ako. Nagpalit ng damit dahil naiinitan ako sa suot ko kanina," sagot ni Madam. Pilit itinatago ang nararamdaman di maganda. Uminom na siya ng gamot kaya kampante itong mawawala na ang nararamdamang paninikip ng dibdib. Kalmado na siya ngunit may kirot pa rin sa parte ng kaniyang puso. "Tara na! Hinintay mo na lang saan ako roon," yaya ni Madam sa kaniyang apo at sabay na silang naglakad pabalik sa garden. "I was waiting for you. The MC tried calling your attention a few times also. I thought something happened that's why you were not showing up," sagot ni Keith na ikinatuwa nang husto ni Madam dahil labis kung mag-alala ito sa kaniyang kalagayan. "Ano ka ba naman, nothing bad will ever happen to your lola. Kung may mangyari man sa akin, I'll make sure na maayos ang lahat at alam mo na ang lahat ng paliguy-ligoy sa kompanya," Madam Janet assured him. "I don't like how that sounds," malungkot na saad ni Keith. "Don't give me a sad face. It's your birthday and you need to have fun. Inimbitahan ko pa naman din ang mga kaibigan ko with their gorgeous granddaughters. I want you to meet them and make new friends. Mas maganda if you will try dating one of them also nang sa ganoon naman ay magkaroon ka na ng lovelife, apo." "La, makapaghihintay po ang lovelife. There are so many things I should focus into. Gusto ko munang gamitin ang mga napag-aralan ko sa kompanya natin para naman mabawasan ang mga iniisip mo araw-araw." "Iyan ang gusto sa'yo you have a heart for our business. I'm sure your parents are so proud of all your achievements. Bukod sa matalino at gwapo ka, napakabait mo pa," puri ni madam sa binata habang naglalakad sila. "I hope they are," pabulong na wika ni Keith. Hindi niya maitago kung gaano siya nalulungkot na wala ang kaniyang mga magulang. He missed them every day at kung p'wede nga lang hilingin na sana bumalik sila ay ginawa na niya. But he knew that was impossible to happen kaya naman he would just do his best to make his parents proud saanman sila naroon. Nang matanaw ng MC ang palapit na mag-lola. He announced their arrival. Isang masigabong palakpakan muli ang sumalubong sa kanila. Na-informed na ang MC tungkol sa announcement na gagawin ni Madam kaya naman nang makalapit na ang mga ito ay inabot niya agad ang mikropono sa ginang. "Thank you everyone for coming tonight and I'm happy to see all of you here. From our business partners, close family friends, and relatives." Habang nagpapasalamat ito, naramdaman na naman niya ang kakaibang kirot sa kaniyang dibdib. "Aside from my precious grandson's birthday, I have an announcement..." Sandali siyang natigilan. Natanaw niya ang anak na si Frank na naroon at matalim ang tingin sa kaniya. Madam Janet remembered everything her son told her. Mas tumindi ang kirot sa kaniyang dibdib. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Sinubukan niyang hindi ipihalata sa mga matang nakatunghay ngunit sadyang matindi ang kirot na kaniyang nararamdaman. Nasapo na ginang ang kaniyang dibdib at biglang nanghina ang kaniyang kaliwang kamay. Dahil dito, nabitawan niya ang hawak na mikropono. "A-are you okay, lola?" Nag-aalalang lumapit si Keith sa kaniyang abuela. Hindi sumagot si Madam. Nahilo na siya at unti-unting natumba. Nagkagulo ang lahat sa nasaksihan. Isa sa mga bisitang doktor ng agad gumitna at pinulsuhan ang ginang. "Let's take her to the hospital!" bulalas nito at agad binuhat ni Keith ang kaniyang lola nang walang pag-aalinlangan. Hindi niya alam kung saan galing ang kaniyang lakas nang gabing 'yon. Nadala niya ito sa isa sa kanilang mga sasakyan at ang driver na patakbong sumunod at agad ini-start ang kotse. Itinakbo nila si Madam sa pinakamalapit na ospital. Binigyan agad ng mga nurse at doktor ng paunang lunas. Keith was shaking habang pinagmamasdan ang kaniyang lola na inaasikaso ng mga mediko. Takot na takot siya sa kung ano'ng pwedeng mangyari rito. "Please help my Lola! Please!" Paulit-ulit niyang pagmamakaawa habang nakasilip sa labas ng pinto ng emergency room. "You're not allowed here, Sir," wika ng isang nurse at inalalayan si Keith di kalayuan upang hindi ito makaistorbo saka nito isinara ang pinto. Keith was left alone sa labas ng emergency room. Napasandal na lamang siyang sa konkretong dingding at parang bata na humahagulgol doon. Ilang minuto ang lumipas, dumating na sina Mercedes kasama ang driver. "Keith, anak?" tawag ni Mercedes sa binata na nadatnan nilang nakaupo sa sahig at tulala habang pumapatak ang luha. Agad siya nitong niyakap nang mahigpit. Ang yakap na iyon ay parang isang buton. Mas tumindi ang kaniyang pag-iyak at dinig na dinig ang hagulgol nito sa hallway.ng ospital. "Tahan na, Keith. Gagawin ng doktor ang makakayanan nila para iligtas ang iyong lola," ani Mercedes habang inaalo ang binata habang sinasabayan ng marahang pagtapik sa likod. Nang bumukas ang pinto ng emergency room, lumabas ang isa sa dalawang doktor na nasa loob. Agad tumayo si Keith at sinalubong ito. "How's my lola, doctor?" "We need an urgent operation para kay Mrs. Lee. There's a blood clotting sa left artery ng kaniyang puso," anunsyo nito. "The nurse will give you the papers to sign before we start to procedure—" Nahinto ang doktor sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng E.R. muli at isang humahangos na nurse ang lumabas. "The patient's heart rate is going down, doctor!" anito at agad tumakbo pabalik sa loob ang doktor. Sinubukang humabol ni Keith sa kanila pero naharang siya ng driver bagupaman siya makapasok sa pintuan ng E.R. "Bawal po tayo sa loob, Sir," wika nito sa kaniya.Itinaas ni Kelvin ang kaniyang dalawang kamay nang itutok ng matanda sa kaniya ang baril."Woah! Tay...kalma lang po..." aniya rito upang hindi nito kalabitin ang gatilyo. "Bakit, sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginagawa ko?" Nanginginig ang boses nito ngunit. Maging ang tuhod ay nangangatog ngunit nanatiling nakatayo nang tuwid habang hawak ang 45 caliber na b*ril na iniwan sa kaniya ni Frank bago sila umalis.Binigyan siya nito nang malaking halaga matapos silang timbrehan na may kahina-hinalang mga kalalakihan na nagawi sa kanilang lugar matapos ang anunsyo sa radyo at telebisyon na lalakihan na ang patong sa kanilang mga ulo.Maging siya rin naman ay natukso gayong alam niya kung nasaan nagtatago ang mag-asawa ngunit naisip niyang mas malaki ang makukuha niya kina Frank kung tutulungan niya ang mga ito na makapagtago at makatakas. Tama nga siya rito sapagka't pinangakuan siya nito ng dalawampung milyon kapalit ng kaniyang pananahimik. Natanggap na nila ang malaking halaga sa ka
Matapos silang i-tour ng may-ari sa kabuuan ng bahay, hiningi nila ang numero nito. "Maraming salamat po ulit. Tatawag na lang po ako kapag naipakita ko na sa misis ko ang mga litrato at kung okay po sa kaniya itong bahay," ani PO2 Kelvin Martinez bago sila umalis. Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay walang imik ang kaniyang kasama na tila ba may malalim na iniisip habang nakatingin sa may tindahan.Naroon na ang matandang lalaki at natingin sa kanilang sasakyan. Tinted ang salamin ng kotse kaya naman hindi sila nakikita sa loob ngunit hindi maalis ang tingin ng matanda sa kanila."Kailangan nating bantayan ang galaw ng mga tao rito," untag ni PO3 Leonard Casimiro."Bakit, may napansin ka bang kakaiba bukod d'yan sa matanda sa tindahan?" tanong ni Kelvin kaniyang partner bago ini-start ang makina ng sasakyan na tila natatawa dahil na-we-weirdo-han siya nang husto sa matanda."Iyon nga, e. Siya nga ang pinagdududahan ko," sagot ni Leonard nang umusad na ang sasakyan.Awtomatikong na
Third-person's POVMakalipas ang higit-kumulang isang oras, nakatanggap ng mensahe si Elias. He rushed to his boss' office. Mabilis ang bawat hakbang na tila nagmamartsang sundalo.Inangat ni Keith ang kaniyang ulo nang marinig ang papalapit na mga yabag nito. "Sir, nagpadala na raw sila ng dalawang pulis sa lugar kung saan magkakatugma ang mga impormasyon mula sa mga tumawag at natanggap na mga mensahe," kaniyang anunsyo hindi pa man lubos na nakalalapit sa desk ng binata.Inilapag ni Keith ang hawak na ballpen sa ibabaw ng mga dokumentong kaniyang pinipirmahan at isinandal ang likod sa kaniyang upuan. Bahagya siyang napangisi nang mapangtano. "Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kung siguro noong umpisa palang naiisip ko ng gawin 'to, it won't take us this long to get a lead to their whereabouts," untag ni Keith.Hindi siya makapaniwala na ganoon kabilis silang makakukuha ng lead. Sandali siyang nag-isip. He couldn't wait to see his Uncle again face to face para ipamukha ang lahat ng
Third-person's POV Sa pagbaba ni Keith ng telepono, bumalik ang kaniyang atensyon sa cellphone na nakapatong sa kaniyang desk. Naisip niya bigla si Merrill at ang supling na nasa sinapupunan nito. Isang ngiti ang sandaling sumilay sa kaniyang mga labi. Masaya siya na successful ang unang procedure, but the day he found out about the news, bigla rin siyang natakot. Takot na baka may isang mahalagang tao na naman ang mawala sa kaniya kapag hindi pa niya natapos ang kasalukuyang problema. Habang nag-iisip, isang mensahe muli ang dumating. "You didn't answer my question..." Keith nearly chuckled nang mabasa ito. Buong akala niya ay makakatakas siya sa tanong nito but the message was long kaya ipinagpatuloy niya muna ang pagbabasa. "...naiintindihan ko naman how you feel. Masyadong inappropriate ang tanong ko, but I'm glad na you're safe at hindi ka nila pinagtangkaang saktan ulit." Merrill's message made his heart skip a bit. Hindi sila magkaharap nang mga sandaling iyon ngunit para
Third-person's POV"I just did. How about you? How are you feeling today?" sagot ni Keith sa dalaga. Sinamahan pa niya ang mensahe ng isang nakangiting Emoji to show how he appreciated the message she sent kahit pa wala siya sa tamang pagkakataon para maging masaya nang araw na 'yon.Ibinalik niya ang cellphone sa desk matapos magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga saka tumayo mula sa kinauupuang swivel chair at nagtungo muna sa kaniyang private comfort room. Wala pang dalawang minuto siyang nasa loob nang dumating ang reply ni Merrill.Pagbalik niya sa desk, ang cellphone ang kaniyang unang dinampot. "Katatapos lang din namin nag-lunch. I'm okay and how about you?" basa niya sa mensahe ng dalaga. Hindi pa siya nakakapag-type ng sagot ay may isa pang reply na dumating. "Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa bahay n'yo. Pakiabot na lamang sa pamilya ni Kuya Richard ang pakikiramay ko. Wala bang balita kung sino ang mga gumawa?"Hindi na nagulat si Keith na nakarating na sa ka
Keith's POV I couldn't swallow the steak Elias order for my lunch mula sa isang fancy restaurant gayong alam niya na iyon ang hilig ko, but after what happened parang hindi tama na iyon ang napiling niyan kunin. Pumunta ako sa office to ease my mind a little. Elias was the one who asked to settle what was needed para wala ng problemahin pa ang pamilya ng mga namatayan. I felt guilty looking at their corpse dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko na naman na may nadamay na tao dahil ako ang target nila. Ayan na naman. My chest kept tightening sa tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon. I couldn't help but blame myself for every tragic things going on that involved my family. I put the fork and knife down at tinawagan si Elias by just pressing a single number gamit at wireless telephone na nasa lamesa ko. Kababalik niya lamang galing morgue at dumaan sa restaurant to get us both a lunch, but I didn't like his choice of food for me. It was bothering me just by looking at it. "Hello, Si