Share

KABANATA 4

Author: eyseh_
last update Last Updated: 2025-04-23 10:55:16

Maagang nagising si Serene kinabukasan. Namumugto pa rin ang kanyang mga mata mula sa gabing hindi siya makatulog. Mabigat ang kanyang pakiramdam, pero pinilit niyang bumangon, naligo, at naghanda para sa klase. Kailangan niyang ituloy ang buhay kahit na hindi pa rin malinaw sa kanya ang nangyari kagabi. May bahid ng sakit ang bawat galaw niya, parang may bahagi ng kanyang pagkatao ang nawawala.

Habang inaayos ang kanyang uniporme sa salamin, napatigil siya sandali at napatingin sa sarili. "Kaya ko 'to," mahina niyang sabi. "Kahit masakit, lalaban ako."

Bumaba siya at agad tinungo ang mesa kung saan naroon ang kanyang bag. Maya-maya'y dumating na rin ang text mula kay Camille:

Camille: "Labas na ako ng bahay. Hintayin kita sa may kanto."

Kinuha ni Serene ang kanyang cellphone at mabilis na nag-reply.

Serene: "Papunta na."

Paglabas niya ng bahay, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Isang simpleng araw ng Martes, pero para kay Serene, isa itong bagong simula—kahit pa puno ng sakit at tanong ang kanyang puso. Sa may kanto, nakita niya si Camille na nakasandal sa poste, may hawak na dalawang iced coffee.

"Uy, good morning!" bati ni Camille, sabay abot ng isa sa mga inumin. "Mukhang puyat ka ah."

"Medyo," sagot ni Serene, pilit ang ngiti. "Di ako nakatulog masyado kagabi."

"Sana okay ka lang. Alam mo naman, andito lang ako."

Ngumiti si Serene, nagpapasalamat sa pagkakaibigan ni Camille. Sumakay sila ng jeep papuntang unibersidad, at sa buong biyahe'y tahimik lang si Serene, nakatingin sa bintana. Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari noong gabing nagpakalasing siya. Ang gwapong mukha ng lalaking nakilala niya, ang malamig na kwarto, at ang pakiramdam ng pagkalito—lahat ay nagsisilbing tanong na walang kasagutan.

Pagdating sa eskwelahan, maraming estudyante ang naglalakad-lakad sa paligid. Masaya ang ambiance ng campus, pero si Serene ay tila nakabukod sa lahat.

"Punta muna ako sa tambayan natin," sabi ni Serene kay Camille.

"Sige, sunod ako mamaya."

Mula sa tambayan, naisipan ni Serene na dumaan muna sa lumang building kung saan naroon ang isang bakanteng classroom—ang lugar kung saan madalas sila ni Zach noon magtagpo para mag-usap, kumain ng meryenda, o simpleng magpahinga. Para sa kanya, iyon ay isang sagradong lugar ng kanilang alaala.

Tahimik ang pasilyo habang papalapit siya sa classroom. Nang marating niya ang pinto, may narinig siyang pamilyar na tinig.

“Zach…”

“Sandali lang naman 'to, pagbigyan mo na ako. Mamaya na natin pag-usapan yung sinasabi mo kanina sa'kin”

Napahinto si Serene.

May sumunod na mga ungol mula sa loob. Malinaw at puno ng pagnanasa. Ang boses ng isang babae—at ang boses ng kanyang nobyo.

“Zach… ang sarap…”

Namilog ang mga mata ni Serene, tila biglang huminto ang kanyang mundo. Nanlalamig ang kanyang palad habang dahan-dahang umatras. Hindi niya kailangang silipin—kilala niya ang tinig ng lalaking mahal niya. At ang mga ungol na iyon… hindi maaaring maging bahagi ng kanyang imahinasyon.

Saglit siyang natigilan. Nanatiling tahimik habang sinasakal siya ng emosyon. Hindi siya umiiyak, pero ang kanyang puso ay parang pinupunit.

Agad siyang tumalikod at tumakbo palayo, pilit tinatago ang sakit na nararamdaman. Sa bawat hakbang, naririnig pa rin niya ang mga tinig. At sa kanyang isip, isang tanong ang paulit-ulit:

Bakit, Zach?

3RD PERSON’S POV

Hindi inaasahan ni Zach ang ingay ng biglaang pagtakbo mula sa labas ng silid-aralan. Isang mabilis na kaluskos ng mga paa sa sahig ang gumising sa kanyang konsensya—parang isang tunog ng katotohanan na pilit niyang iniiwasan.

Mabilis siyang lumapit sa pinto, marahang binuksan ito, at saka sumilip. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Serene, tumatakbo palayo sa corridor, hawak ang sariling dibdib na tila sinasakal ng bigat ng damdamin.

"Serene…" bulong niya, at agad siyang humakbang palabas.

"Serene!" sigaw niya, hinabol ito habang ang puso’y biglang bumigat. Hindi niya inakala na sa ganoong paraan siya mahuhuli ng babaeng tanging minahal niya noon.

Habang patuloy siyang humahabol, hindi niya napansin na may isa pang pares ng mga mata ang nakasunod. Si Aya—tila may ngiti sa labi habang sinundan ang dalawa, parang alam niyang may eksenang hindi niya dapat palampasin.

Naabutan niya si Serene sa likod ng isang building. Nakatayo ito roon, nanginginig, at punong-puno ng galit sa mukha. Nang makita siya ng dalaga, agad siyang nilapitan nito.

"Kailan pa, Zach?" mahina ngunit nanginginig ang boses ni Serene. "Kailan mo pa ako niloloko?"

"Wala—hindi—Serene, hayaan mong ipaliwanag ko—"

"May kailangan ka pa bang ipaliwanag?!" sigaw nito habang tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. "Narinig ko kayo. Yung mga ungol. Yung tinig ng babaeng ‘yon. Ilang beses na akong nagtitimpi, ilang beses ko nang tinanggap ang mga pagbabago mo—"

"Ano ba kasing naririnig mo? Hindi ibig sabihin—"

Biglang sumingit si Aya sa pagitan nila "Zach… sabihin mo na sa kanya. Tapusin na natin ‘to."

Napalunok si Zach. Hindi niya alam kung mas takot siya sa galit ni Serene o sa tiyak na katotohanang kailangan na niyang ilabas.

Tinignan niya si Aya, pagkatapos ay si Serene.

“Zach…” mahina at puno ng pagmamakaawa ang tinig ni Serene, “Sabihin mo sakin kung totoo. Sabihin mo kung ako lang ba ang nagmahal.”

Napapikit siya. Hindi na niya matatakasan ito. Hindi na niya kayang magsinungaling.

Nakatayo lang si Zach sa pagitan ng dalawang babae—ang kasalukuyan niyang kasalanan at ang babaeng minsang naging lahat sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya titingin, kung kaninong damdamin ang uunahin niyang saluhin.

Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil sa bigat ng katotohanang ayaw niyang aminin.

“Serene, I didn’t mean for any of this to happen,” bulong niya, ngunit ang tinig niya ay naupos sa hangin.

“Hindi mo ‘sinadya’?” ulit ni Serene, ang bawat salitang lumalabas sa labi nito’y tila mga kutsilyong tumatama sa laman ng puso niya. “Alam mong hindi ko ‘to kakayanin, Zach. Pero ginawa mo pa rin.”

Lumingon si Zach kay Aya. Tahimik lang ito, nakatayo sa gilid, nakahalukipkip na tila ba tanggap na ang kalalabasan ng lahat.

“I was lost,” dagdag pa niya. “Nagsimula lang sa... pagod. Pagkalito. Hindi ko alam—ang dami kong hinahanap, at si Aya… she was just—there.”

"Just there?" paulit-ulit sa isip ni Zach ang sinabi niya. P*****a. Ano bang klaseng paliwanag ‘yon?

Ang totoo, hindi niya rin alam kung kailan siya tuluyang nadulas. Akala niya noong una, lib*g lang. Isang mabilis na takas sa realidad. Pero habang paulit-ulit ang gabi sa piling ni Aya, mas naging madali ang paglimot kay Serene.

"Serene…" Hinakbang niya ang isang paa palapit dito, pero umatras ang babae. "Mahal pa rin kita."

Napailing si Serene, hindi makapaniwala. "Kung mahal mo ako, bakit mo ako sinaktan?"

Hindi siya nakasagot. At doon, tuluyang tumulo ang luha niya.

Hindi siya umiiyak dahil nagsisisi siya na nahuli siya.

Umiiyak siya dahil alam niyang kahit anong paliwanag ang gawin niya ngayon… huli na ang lahat.

Tahimik lang na nakamasid si Aya habang nag-aaway sina Zach at Serene sa harapan niya. Pero sa bawat tingin ni Zach kay Serene, sa bawat pagluha nito at pagmamakaawa,

“Alam mo, Serene…” panimula ni Aya, may malamig na ngiting gumuhit sa mga labi niya. “Matagal na kami ni Zach. Hindi lang ito ‘basta pagkakamali’ gaya ng pinaniwalaan mo.”

Napatigil si Zach. Napatingin sa kanya—gulat, takot, at pagkabigla.

“Matagal na?” bulong ni Serene, nanginginig ang boses, halos hindi makapaniwala.

“Hmm,” tango ni Aya. “At kung gusto mong malaman ang buong totoo…” Itinapat niya ang kamay sa tiyan niya. “Buntis ako.”

Tumahimik ang paligid. Tila nahulog ang langit.

Si Serene, hindi makapagsalita. Namutla ito. Namilog ang mga mata, at sa isang iglap, kitang-kita ni Aya ang pagguho ng mundo nito.

Si Zach, parang natulala. “Aya… anong sinasabi mo?”

Hindi na siya sinagot ni Aya. Sa halip, hinarap niya si Serene. “Ngayon, tanungin mo ang sarili mo, sino talaga ang niloloko rito?”

"Hindi 'to totoo, maaring gusto lang talaga kami tuluyang masira nitong babae na ito. Tama, ganun lang yun Serene" Pilit na pangungumbinsi ni Serene sa sarili

"Hindi ka naniniwala Serene, ano?" Ani ni Aya.

Nananatili lamang tahimik si Serene.

"Pwede ba Aya, Hayaan mo muna kami makapag-usap ni Serene, please." Pagsusumamong pakiusap ni Zach kay Aya.

"Ano ba Zach? Kaya nga kita tinawagan na kitain ako sa room na 'yon dahil balak ko sabihin sayo ang tungkol dito, pero hindi ko naman inaasahan na sa ganitong paraan ko pa dapat sabihin" Pagalit na saad ni Aya sabay ikot ng kanyang mga mata.

Naninikip ang dibdib ni Zach habang nakatingin kay Serene—pula ang mga mata, nanginginig, hawak pa rin ang dibdib na tila pinipilit pigilan ang puso niyang mabasag. Sa likod niya, naroon si Aya, na ngayon ay may hawak na brown envelope.

"Ano pa bang kulang?" bulong ni Zach sa sarili. "Bakit pa kailangan mangyari 'to ngayon?"

Bago pa man siya makapagsalita, lumapit si Aya, ngumiti ng pilit, at iniabot ang envelope kay Zach.

"Kung sa tingin nyo kailangan pa ng ebidensya, heto." Binigay ni Aya ang envelope sakanya.

Dahan-dahan niya itong binuksan. Nasa loob ang isang pregnancy test kit—dalawang pulang guhit, malinaw, walang pag-aalinlangan. Kasunod nito, may isang ultrasound photo, may label ng klinika, at may pangalan ni Aya sa taas. Sa dulo ng papel, may petsa… ilang linggo na ang nakalipas.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Zach.

“Put—” Hindi na niya natapos ang mura. Napatingin siya kay Serene na ngayon ay parang lantang gulay sa kinatatayuan.

“Zach…” basag na tinig ni Serene. “Totoo ba ‘to?”

Hindi agad siya nakasagot. Alam niyang isang salita lang, isang simpleng "oo", at tuluyan na siyang mawawala kay Serene. Pero wala nang puwang ang kasinungalingan.

"...Oo."

SERENE SALUSTIA

Ang mga salitang 'Oo' ni Zach ay parang punyal na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Hindi ako makagalaw. Nakatayo lang ako, pilit na pinoproseso lahat, para akong lumulubog sa kumunoy ng sakit, galit, at pagkagulat.

Hindi ako makapaniwala. Akala ko'y masama lang ang pakiramdam niya, o busy sya dahil lagi syang inuutusan ng Mommy nya, na baka nga overthink lang talaga siya tulad ng sinasabi ni Camille. Pero ngayon… harap-harapang katotohanan. At hindi lang simpleng pagtataksil—may bunga.

Napatingin ako sa babaeng kasama ni Zach na sumunod sa'kin. Hawak nito ang tiyan habang nakayuko.

“Bakit mo ‘to ginagawa sa akin, Zach?” halos pabulong na tanong ko. “Bakit mo ito nagawa sa'kin? Bakit hindi mo man lang ako inisip kahit saglit man lang?”

Walang sagot. Kahit isang salita. Tahimik si Zach.

Napailing nalang ako at kinuha ang envelope na hawak ni Zach, sinuri ko ang ultrasound report, nanlabo nanaman ang mga mata ko. Parang sinasaksak yung puso ko habang iniisip kung ilang beses akong niloko ng taong mahal na mahal ko.

"Tangina naman, Zach…" Sabay sampal rito, "Buong akala ko… tayo hanggang dulo. Pero niloko mo ako habang pinapangarap kong magpakasal tayo." Sobrang sakit, bakit kailangan sakin pa mangyari lahat nang ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You’re Mine ( OBSESSION SERIES #1 )   KABANATA 23

    SERENE SALUSTIAI felt a presence coming near me. When I opened my eyes, I saw a beautiful woman walking towards me.Unlike me, the woman was wearing her footwear and she had a beautiful smile on her lips when our eyes met."Hi."I just greeted the woman back shyly. "Hello,""Are you a guest here too?" Tinuro nito ang resort na hindi kalayuan.Kaagad naman akong umiling. "No. Just walking around.""Oh, I thought you are." Tumigil ang babae sa tabi ko saka umupo din ito katulad ko sa buhangin. "Mind if I sit here?""No. Go ahead.""You looked really peaceful earlier that I couldn't help coming here," anang babae. "But now, you looked sad. I'm sorry for invading your space."Mabilis naman akong umiling. "No. I don't mind. Ayos lang talaga, miss."Bumuntong-hininga ang babae saka tumingin sa karagatan na nagniningning sa ilalim ng araw. "The weather is so nice today. Very peaceful."I remained silent because I really didn't know what to say, really. Especially when the woman started talk

  • You’re Mine ( OBSESSION SERIES #1 )   KABANATA 22

    ALASTAIR SAGE"Where is she, Zach?" humahangos kong tanong kay Zach pagkarating ko sa bahay ni Serene."She's gone. Umalis na siya kanina pa. I told you to get your ass here as soon as you can pero wala. Napaka bagal mo.. Hindi lang isa ang nawala sayo, Dalawa..." galit na asik nito..Bago pa man din ako makapag salita ay may sinabi siya na lubos na nakapag pagulat sa akin."By the way, You and your ex-girlfriend have a child together. Yun nalang siguro ang buoin mo.. Look, Uncle, Your ex-girlfriend hurt her. Saying awful things to Serene. Please, Uncle, for Serene and your baby's sake. Ayusin mo muna ang gusot mo. Let Serene breathe. Sinaktan ko siya, please don't do the same thing." naluluhang wika nito bago sumakay sa kotse niya at umalis.I have a kid, with Xyla? Fuck.Akmang sasakay na sana ulit ako sa kotse ko para umuwi at ipahanap si Serene nang makita ko ang kaibigan niya. Agad ko naman itong nilapitan.."Camille, please tell me where is she. I'm begging you. I can't live wit

  • You’re Mine ( OBSESSION SERIES #1 )   KABANATA 21

    A/N : Sorry if ngayon lang nakapag UD. Sumuko saglit si phone hehe :) TYSM sa mga readers and followers. Lovelots 🫶🏻ALASTAIR SAGEHindi ko maiwasan isipin kung bakit sa aming dalawa pa ni Serene nangyayari ito.Hindi ba talaga kami para sa isa't isa? Bakit ganun? I love her so much, so much that its killing me..Natigilan ako sa pag iisip nang tumunog ang cellphone ko. I looked at the screen and saw Zach's name. I wonder what he wants. I took a deep breath before answering the call."What do you want?," walang ganang tanong ko rito."Uncle, you have to get here as fast as you can." sabi niya na tila para bang kinakabahan."Ano nanaman ba 'to, Zach? I'm tired of your bullshits and just so you know, I have a flight to catch. So bye—" ibababa ko na sana ang tawag ngunit natigilan ako sa sinabi niya."You fucking crazy uncle, you're fucking unbelievable!" sigaw ni Zach. "Sige, wag kang pumunta rito sa bahay ni Serene para hindi mo na siya maabutan pati na rin ang anak niyo na ipinag-bu

  • You’re Mine ( OBSESSION SERIES #1 )   KABANATA 20

    SERENE SALUSTIANagising na lang ako na nasa ospital, napaliligiran ako nina Killian, Maurice, at Drius. Napalunok ako at nagtatakang tumingin sa kanila. Pinilit kong bumangon, agad naman akong inalalayan ni Killian. "Serene... are you still feeling unwell?" tila nag-aalalang tanong ni Maurice."I think I'm okay..." I touched my temple. I feel a little dizzy. The doctor entered the room. She smiled at me then looked at her folder. Agad namang napatayo si Maurice na nasa tabi ko. "Doc, what's wrong? Why did she suddenly collapse? May sakit ba siya? Mamamatay na ba ang kaibigan namin?" tanong ni Maurice, bakas man ang pag-aalala sa boses nito, hindi napigilan ni Drius na pitikin ito sa noo."What the heck are you saying, Woman? Mamamatay agad?" saad nito habang nakatingin ng masama kay Maurice."Oh, no. Don't worry, Ma'am, Sir. Wala po siyang sakit. Pero dapat po iwas muna sa stress ang pasyente dahil makaka-apekto 'yon sa pagbubuntis niya."Lahat kami ay natigilan sa sinabi ng dokto

  • You’re Mine ( OBSESSION SERIES #1 )   KABANATA 19

    SERENE SALUSTIA"Oh my gosh, Zach! Why are you saying that?" tila hindi makapaniwalang nasabi ko na lang.Lumayo na sa'kin si Zach saka pinatunog ang mga buto sa daliri niya. "I can feel it, wanna bet?" tanong niya saka muling tumingin sa akin."Paano kung mali ka? What would I possibly get in return?" nakakunot-noong tanong ko.Ngumisi ito sa akin saka itinaas baba ang kanyang mga kilay. "Anything you like or want. Say it and I'll give it to you but kung tama ako na buntis ka, Ako ang mag sasabi kay Uncle. Deal?."Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at napakuyom ang kamao. Hindi ko na alam kung seseryosohin ko pa ba siya o hindi. Napailing ako at humawak sa sentido ko. "Iyon lang?!" Napabuga ako ng hangin. "Masisiraan ako ng bait kapag nakipag-usap pa ako sa'yo nang matagal, Zach," napapailing na sabi ko.Zach just laughed "What? I'm telling the truth though. Buntis ka. Take a PT when i get you home."I looked at him. Actually, napapansin ko rin na nagiging emotional ako la

  • You’re Mine ( OBSESSION SERIES #1 )   KABANATA 18

    SERENE SALUSTIAGinugol ko ang buong oras ko sa klase, pagka-uwi naman ay halos dumiretso na ako sa aking kwarto. Hindi ako nakatulog buong gabi. Kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay hindi nito magagawang tabunan ang katotohanan na nahihirapan ako sa ginawa kong desisyon.Nag-aalala rin ako sa katotohanang iyon. Pakiramdam ko malalim na ang nararamdaman ko kay Alastair... kung hindi, hindi sana ako nahihirapan magdesisyon nang ganito..At isa pa, may bata na madadamay kung sariling kaligayahan ko ang pipiliin ko.."Ganito, isipin mo na lang sissy eh, Hindi ba nawala si Zach sa'yo? Tapos ngayon ay si Alastair naman... Saan ang mas mabigat? Sino ba ang mas minahal mo? Si Zach o si Alastair? Sino ba ang mas hindi mo kayang mawala sa'yo?" tanong ni Camille habang naglalaro sa cellphone niya."Alam mo sis, kahit anong maging desisyon mo, Andito lang ako lagi para sayo... Pero ito lang ang masasabi ko, mas maganda na doon ka sa magpapasaya sa'yo."Napalunok ako at napaisip. Nanatiling ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status