Share

Kabanata 1

Author: corasv
last update Last Updated: 2022-11-03 18:43:23

MULA sa boarding house nila sa Tanza Cavite, nilakad na lang ni Raquel ang patungo sa STI University kung saan siya ay graduating na sana sa kursong Bachelor of Science in Secretarial Administration (BSSA). Kapag may iniisip siyang mabigat na problema ay mas gusto niya ang naglalakad habang nag-iisip.

     Nanghihinayang siya 'pagkat isang semester na lang naman at matatapos na siya sa kolehiyo. Ayaw man ay mapipilitan siyang huminto muna sa pag-aaral. Hindi na siya matutulungan ng kanyang ina na matustusan ang kanyang pag-aaral.

     Isang domestic helper ang kanyang ina sa ibang bansa. Patay na ang kanyang ama, kaya naman napilitan mangibang bansa ang kanyang ina upang suportahan silang magkapatid.

     Natigil siya sa paghakbang nang marinig na tumunog ang kanyang cell phone.

     “Aling Lolita, bakit ho?” bungad niya, biglang may bumundol na kaba sa kanyang dibdib. Paanong hindi siya kakabahan? Hindi ugali ng kanyang kasera na tawagan siya sa cellphone.

     “Raquel, si Mark, nasa ospital!” pagbabalita nito ukol sa kanyang bunsong kapatid. “Pumunta ka na ngayon dito sa General Trese Hospital, dalian mo!”

     “H-ho?” Dinaklot ng pag-aalala ang puso niya para sa kapatid. “K-kumusta ang kapatid ko?”

     “Pumunta ka na lang dito!”

     “S-sige po, pupunta na ako riyan!”

     Natagpuan ng dalaga ang sarili na umiiyak at nagmamadaling pumasok sa ospital na binanggit ni Aling Lolita makaraan ng isang oras.

     “A-ano’ng nangyari kay Mark?” usisa ni Raquel nang malapitan si Aling Lolita na dinatnan niya sa loob ng emergency room.

     “Nanonood lang si Mark ng telebisyon kanina kasama ng aking apo nang bigla na lang siyang nag-collapse. Sa takot ko’y dinala ko na rito sa ospital.”

     “K-kumusta na raw siya, Aling Lolita?” tanong pa niya na pilit nilalabanan ang takot na nadarama sa maaaring mangyari sa kapatid.

     “Inoobserbahan na siya ngayon ng mga doktor. Kailangan natin ipagdasal na sanay magising na ang kapatid mo at sanay wala siyang malubhang sakit.”

     Waiting for the doctor felt like an eternity for Raquel. Sadyang hindi na siya makapaghintay na malaman ang kondisyon ni Mark. Nang harapin siya ng doktor ay halos pigil-hininga na inantabayanan niya ang sasabihin nito.

     Parang binagsakan ng langit at lupa si Raquel nang mga sandaling ‘yon habang masinsinan siyang kinakausap ng doktor.

     “Kailangan manatili sa ospital ang pasyente para sa series of test. Bata pa lang ang kapatid mo ay nagkaroon na ito ng problema sa dugo–”

     “A-ano’ng ibig mong sabihin, doktor?” putol niya sa sasabihin nito. Kinabahan siya nang sambitin nito na may problema sa dugo ang kapatid.

     Nakita niyang humigit ng isang malalim na hininga ang manggagamot. Hinubad nito ang suot na salamin sa mata at tinitigan siya.

     “Miss, may problema sa dugo ang kapatid mo na ngayon ay naging full-blown leukemia.”

     “L-leukemia?” sambit niya, biglang nanlamig ang pakiramdam niya.

     Marami pang sinabi sa kanya ang doktor ngunit ang lahat ng iyon ay pumasok lang sa isa niyang tainga at lumabas naman sa kabila. Nakapokus ang isipan niya sa maaaring mangyari sa kanyang kapatid.

     Pagkatapos nilang mag-usap ng doktor ay nakiusap siya kay Aling Lolita na bantayan muna ang kanyang kapatid. Lumabas siya ng ospital at naghanap ng telephone booth.

     Nang araw ring ‘yon ay nag-overseas call si Raquel sa ina upang ipaalam dito ang kalagayan ng kapatid. Pero ayon sa employeer nito, last year pa nakabalik sa Pilipinas ang kanyang ina.

     Sinubukan tawagan ng dalaga ang kaibigan ng kanyang ina na nagtatrabaho rin sa Middle East. Laking pasasalamat niya dahil sinagot nito ang kanyang tawag.

     “Tapos na ang kontrata ng iyong ina, Raquel. Ayoko sanang sabihin ito pero tingin ko’y karapatan mo bilang anak na malaman ang totoo tungkol sa iyong ina.”

     “Ano’ng ibig n’yong sabihin, Aling Rosa?” kinakabahan niyang tanong.

     “May bago ng asawa ang iyong ina. Ang alam ko ay nakatira sila ngayon sa Davao.”

     Hindi makapaniwala si Raquel sa nalaman. Ngayon ay alam na niya ang dahilan kung bakit hindi siya matutulungan ng ina na matustusan ang kanyang pag-aaral. Pero higit na mas kailangan niya ngayon ang ina dahil nasa ospital si Mark.

     “Aling Rosa, may numero ho ba kayo ni inay na maaaring matawagan? Kailangan niyang malaman na nasa ospital ang kapatid ko.”

     “Pasensya ka na, Raquel, hindi ko alam ang bagong mobile number na ginagamit ng iyong ina. Sige, ibababa ko na ang telepono at baka makita ako ng amo ko.”

     “Sandali la–” hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nawala na sa kabilang linya ang kausap.

     Parang wala sa sarili na naglakad si Raquel pabalik sa ospital. Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nasa ospital ang kanyang kapatid. Wala siyang sapat na pera. Kailangan nang malaking halaga ng pera para sa pagpapagamot nito.

     Ang kanyang ina na dapat ay inaasahang makakatulong sa kanya, pinagtataguan pa yata silang magkapatid.

     Wala sa sarili si Raquel na naglalakad sa kalsada. Sa harap ng maraming tao ay umiyak siya nang umiyak. Nag-aalala siya para sa kapatid. Saan siya kukuha ng perang gagamitin sa pagpapagamot nito?

     Oo nga’t nakapag-aral siya sa kolehiyo, subalit wala namang diploma dahil nasa third year college palang siya. Tiyak na mahihirapan siyang maghanap ng trabaho. Isa pa, ngayon niya na kailangan ang pera para simulan na ang series of test na sinasabi sa kanya ng doktor.

     Tumawid ng kalsada si Raquel. Pero bago pa siya makarating sa kabilang kalsada’y nahagip na siya ng isang sasakyan.

     Ang bilis ng mga pangyayari. Naramdaman ni Raquel ang sakit ng pagkahagip sa kanya ng bumper ng sasakyan. Sa sobrang sakit ay agad ding namanhid ang kanyang buong katawan at bago pa bumagsak sa konkretong semento’y nawalan na siya ng ulirat.

     Nataranta ang lalaki. Umibis ito ng kotse. Agad na binuhat ang walang malay na dalaga at isinakay sa likurang bahagi ng sasakyan.  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You're The One I Love   Wakas

    MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s

  • You're The One I Love   Kabanata 48 – The Proposal

    PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na

  • You're The One I Love   Kabanata 47

    LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.

  • You're The One I Love   Kabanata 46

    “OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi

  • You're The One I Love   Kabanata 45

    MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat

  • You're The One I Love   Kabanata 44

    BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status