Share

Kabanata 47

LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid.

Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.”

Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?”

“Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus.

Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.”

Napanganga siya sa pagkabigla.

“Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.”

“Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status