Thank you for reading! Bakbakan na!
Napakapit si Claudia sa kanyang bestida nang makita ang lagay ni Amelia ngayon. Maaga siyang dumating sa hospital upang dalawin ito pero madadatnan niyang lugmok, kulang na lang ay susunduin na ito ni Kamatayan. Nagdurusa muli sa sakit nito kagabi. Nandoon din si Lucas na puno ng pagtitimpi na sinamahan ang kapatid buong magdamag. Ngunit ang katawan ni Amelia ay lugmok na, wala na’ng epekto ang analgesic dito. Ilang saglit ay dumating si Dominic. Ora-orada niyang sinugod ang binata. “Ano ng balita? Pumayag pa siya na tawagan niya si Doc. Gomez?”Hindi mailarawan ang mukha ng binata na pinasadahan ang babaeng minamahal. Sa isang tingin, kahit hindi sabihin nito kung anong sagot ang nakuha ay mahahalata na hindi ito nagtagumpay. Tuluyang sumabogsa matinding emosyon si Claudia. “Bakit ang sahol niya sa buhay ng isang tao?” Inangat niya ang ulo sa binata, sekreto niyang pinunasan ang mga luha.Isang iglap ay ini-speed dial niya ang numero ni Hazel, ngunit isang malamig na tugtog lamang
Muling naalala ni Hazel ang mga panahon na pumapatay ito. Sa labas ay parang mabuti at maginoo ito pero sa likod nito’y may tinatagong mailap na lobo. Minsan siyang nadukot noong labing-tatlong taon gulang siya, at si Killian mismo ang nagligtas at pumatay ng kidnappers sa harap niya. Kaya simula ng pangyayaring iyon ay kilala niya ito bilang nakakatakot na tao at hindi siya pwedeng magpadala sa nakakasilaw nitong kagwapuhan.When he becomes ruthless, everyone's lives will be put at stake. Kung hindi umalis si Dominic ngayon ay maaaring isang malamig na bangkay na ito.“Sa lugar na kagaya nito, hindi ka pwedeng sumuway sa batas,” halos pabulong niyang babala.Kumibot ang dulo ng labi nito at biglang bumungisngis. “Talamak ang krimen dito, mula kurapsyon hanggang pagsha-shoplifting. Hindi na bago sa Pilipinas ang pagsuway ng batas. Tsaka, ginagawa ko lang iyan para sa proteksyon mo.” Lumalim ang pagtitig sa kanya. “Tell me about that guy, Xaviera.”She curled her lips. “Sinabi ko na si
Umuugong ang galit ang gilid ng sentido ni Dominic nang lumabas siya sa condominium ni Hazel. Napalundag si Drake na kanina matyagang naghihintay sa kanya. Kumunot ang noo nito nang makita ang mukha niya na malamang ay tinakasan na ng kulay dahil sa magkahalong galit at takot. Hindi lang iyon, may mga pasa rin siya sa pisngi.Suminghap ang kanyang alalay. “Hindi pa rin po ba pumayag si Miss Trevisan?” Naningkit ang mga mata niya, humugot ng malalim na hininga bago tinuloy ang pagbaba sa hagdan. Nanginig ang buong katawan niya na para bang gusto niyang todason ang lahat ng tao.Kung hindi ito pumayag magpakasal, bakit magpapabugbug pa? Sa isip-isip ni Drake. Iniisip niya ang ugali nito, wala siyang magawa kundi bumuntong hininga. Mataman siyang iniripan ng kanyang amo. Ayon sa mga titig nito ay walang duda na nabigo ulit.Wala siyang magawa kundi bumuntong hininga ulit. "Well, boss, women really respond to charm."“Charm your face!” sarkastikong singhal nito. Napanganga siya sa reaksy
Isa lang ang hangarin ni Hazel: ang tumakas. Kombinsido siya na naipaliwanag niya ng mabuti ang isyu tungkol sa kanila ni Dominic. Kaso malinaw niyang nararamdaman ang mapanganib na awra mula sa katawan ni Killian. Sa mga titig pa lamang nito ay para bang gustong tadtarin ang nobyo niya. Pumagitna siya sa dalawa at pinukulan ng tingin si Dominic. “What are you doing here?! Get out of here!” sigaw niya, puno ng pagbabanta.Nangungutya itong tumawa. “Huh, anong ginagawa ko rito? Kung hindi ako dumating, hindi ko malalaman na pinagtataksilan mo pala ako.” tumataas ang boses nitong wika, at sa huli ay umungol ito sa tindi ng galit.“Gumawa ka ng eskandalo namin ni Amelia para pagtakpan ang sarili mong eskandalo, tama ba?” You’re so cheap, Hazel!”Sa sandaling pinahayag nito ang pang-iinsulto sa kanya ay biglang itong sinuntok ni Killian. Umigkas ang kamao nitong mala bakal sa mukha ng lalaki. Lumaganap ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Inisip ni Dominic na mapanganib na tao at walan
Hazel Xaviera was exhausted and finally she couldn’t bear it, kaya nakatulog siya habang nakaupo pa siya sa kandungan ni Killian. Sa ilalim ng malalam na liwanag ay tinipon nito ang ilang hibla kanyang buhok at sinabit sa kanyang tenga. Binuhat niya ito para ihatid sa silid nito. Saktong paglabas ni Killian nang dumating ang assitant niyang si Jeremy. Napapangiwi ito habang nililibot ang paningin sa buong sala.“Plano niyo po ba’ng dalhin si Miss Hazel sa North Harbor?” tanong nito.Lumabi siya. Inalala ang North Harbor, doon sa Tondo. Nakabili sila ng property doon noong lumipat ang mga magulang niya galing sa probinsya bago tumungo sa France. Inunahan agad nila ang ibang mayayamang pamilya. Hindi sana nila bibilhin pero nagustuhan ni Hazel ang tanawin, nalaman niya na lang na hawak-hawak na niya ang titolo. Originally, he wanted to give it to her at her coming-of-age ceremony, but something happened to them which made her disappear. Kinamot niya ang panga, dumiretso sa balkonahe,
Hindi maintindihan ni Hazel kung nag-iilusyon ba siya, pero noong binanggit ni Killian ang pangalan ng kanyang fiance ay naging malamig ang tono nito. “Wala akong pakialam sa kanila. They have nothing to do with me,” aniya, ginantihan ang pagiging malamig nito.Nakilala niya ang Montevede noong panahon may death threat siya galing kay Massimo Giordani. Upang maligtas ang kanyang buhay ay bumalik siya sa pamilyang ito at sinadya niyang makipag-engagement sa anak ng mga Juarez. In fact, after her engagement, Massimo never contacted her again. Kumunot ang noo ng kanyang kuya. “Nagdududa ako kung patino pa ‘yang isipan mo.”“Pinagbantaan ako ni Massimo n’ong time na ‘yon kaya pinasya ko makipag-engage. Kung hindi ko ginawa ‘yon malamang bumubuntot pa rin sila sa akin hanggang ngayon.”Gusto niyang kombinsihin ito na tama ang desisyon niya. Pero salamat dahil nasa bilangguan na ang tarantadong iyon. Matagal silang nagsukatan ng tingin hanggang sa lumabot ang ekspresyon nito at bumuga ng