Share

Chapter 12

Chapter 12

Ack! Goodmorning. Ngayon na ang birthday ni Klarence! Sa wakas. Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Dan. Kaming dalawa ang nag-aayos ng ihahanda maya-maya. Nililibang naman ni Zach at Ben si Klarence ganun din si Caleb sa pamamagitan ng paghahanap nila sa golden blood type.

Potek naman kasing Golden Blood Type yan, Pinahihirapan kami ng husto. Hindi ba pwedeng magpakita na lang siya kaagad okay?

"Saan ba ilalagay 'to Bella?" tanong ni Lukas na hawak-hawak ang mga lobo.

"Lukas! Ang icing naman!" suway sa kaniya ni Dan.

"Grabe, Ang bilis mo namang magselos. Tinitikman ko lang naman Dandarandandan."

"Diyan mo na lang ilagay sa mga sahig yang maliliit at hindi lumilipad. Tapos yan namang malalaki Paliparin mo na lang sa kisame." sabi ko.

Inayos ko na ang cake. Grabe, Ang cute! Pabilog yung cake tapos caramel yung icing kasi mahilig si Klarence sa caramel kaya yun na lang yun napilu naming flavor.

Sana magustuhan niya 'tong regalo ko sa kaniya. Nagpaka-effort ako para rito. Sa totoo lang, Excited na ako. Yipeee!

"Ay!" nagulat ako dahil pumutok yung isang lobo sa sahig.

"Aiden!" suway ko.

Ngumisi siya. "Sorry." sabay wacky.

Peace sign yun diba?

"Gosh! Kung hindi lang ito para kay Klarence hindi talaga ako tutulong." maarteng sabi ni Fiona.

Sino bang may sabi na tumulong ka? Gusto mo lang namang magpabida kay Klarence kaya ka tumutulong sa amin. Pwede namang huwag ka nang tumulong kasi hindi ka naman kawalan.

"Hindi naman kita pinilit na tumulong ah." sabi ko.

Sabay-sabay na nag-Ohhh ang mga loko. Sige, Trip niyo yan eh. Barado kita girl. Nakakagigil ka. 

"Bakit naman hindi ako tutulong eh hindi naman ako tulad mong plastik."

"Fiona!" suway ni Caleb.

Pinapapainit talaga ng babaeng ito ang dugo ko eh ano? Talagang hindi ako nito titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero kung makaasta siya eh parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kaniya. At tinawag pa niya akong plastik. 

Aba! At ako pa ang plastik ngayon huh? Naibabaling na pala sa iba ngayon ang ka-plastikan. Try mo kaya girl na tumingin sa salamin, Baka kailangan mo nang dalhin sa Garbage Area dahil masyado ka nang plastik. 

Magpatunaw ka tas bagong item ulet. May pakinabang ka pa. 

"Excuse me?" hindi na ako nakapagpigil.

Nilabanan ko ang matatalim na titig niya. Sige, Titigan tayo.

"Bakit, Hindi ba?"

Peke akong tumawa.

"Una sa lahat, Ginawa ko itong surprise na ito para kay Klarence at hindi naman para sa'yo. Pangalawa, Hindi ako plastik kasi hindi ganun. Kasi hindi namanaako katulad mo. Pangatlo, Sa'yo lang ako nakikipagplastikan."

Oh di'ba? Sige, Magsalita ka ngayon.

"Burn." sambit ni Lukas na nagpapalipad ng mga lobo sa kisame.

"Stop it." saway ni Aiden na mukhang hindi natutuwa sa nangyayari.

Naiinis na tumingin si Fiona kay Aiden.

"Bakit naman ako ang pinatitigil mo? Si Bella ang—"

"I said STOP!" iritadong sigaw ni Aiden.

Galit na ibinaba ni Fiona ang gamit sa kamay niya at umalis sa kusina.

Napailing si Aiden saka ito sinundan. Parang feeling ko tuloy ngayon, Kasalanan ko.

==

Aiden's POV

"Fiona... Fiona wait."

Sinusundan ko ngayon si Fiona. The fvck! Papunta siguro siya ngayon sa Underground Garden. Hindi niya din pansinin ang pagtawag ko sa pangalan niya. 

Sabi ko na nga ba eh.

"Fiona Wait." sabi ko saka sinarhan ang Underground garden.

Sound Proof naman ito kaya walang makakarinig sa usapan naming dalawa.

"Bakit mo ba ako sinusundan?!" galit na sigaw niya habang...

Umiiyak?

Shit! Napaiyak ko siya. Tangina.

"Umalis ka na." utos niya sa akin.

"No." agad kong sagot.

Hindi ako aalis dito hangga't hindi kami nagkakaayos.

"Mag-uusap tayo." sabi ko.

Ilang araw na kaming magkaaway. Nakakainis lanh! Nakakainis lang na isipin na andito ako pero nagpapakabaliw pa din siya kay Klarence.

"No. Ayoko." sagot niya.

Tinabihan ko siya sa Bench. Talagang sobrang ganda niya kahit saang anggulo ko siya tingnan. Masyado nga lang mataray.

"Lumayo ka!"

"Bakit naman ako lalayo?"

Ambang susuntukin niya ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya at niyakap siya.

"Pakawalan mo ako!" sigaw niya.

"No."

Gusto kong ganito muna.

"Hindi kita pakakawalan hangga't hindi tayo nagkakaayos."

Mas lalo siyang napaiyak.

"Why are you still crying? Sinabi ko lang naman na gusto kong magkaayos tayo."

Sinubukan niyang makaalis sa akin pero mas malakas ako sa kaniya. Sige lang Fiona, Gawin mo ang kaya mo. Kapag natali na kita sa akin, Hinding-hindi na kita pakakawalan kahit anong mangyari.

"Magkaayos? MAGKAAYOS?! Eh kanina nga eh parang mas kinakampihan mo si Bella kaysa sa akin. Bwisit kang lalaki ka!" saad niya.

Napahalakhak ako. Ang babaw naman ng dahilan ng ikinagagalit ng isang ito.

"Anong nakakatawa, ha?" tanong niya.

Hinalikan ko ang noo niya pero agad niya akong tiningnan ng nakakdiri.

"Eeww..."

"Tss.. Ang arte talaga." sabi ko.

Siya na mismo ang humilig ng ulo niya sa balikat ko. Sana ganito na lang tayo lagi, Sabihin mo lang sa akin na mahal mo ako, Hindi na talaga kita pakakawalan.

==

Bella's POV

"Okay na ba yan?" tanong ko kay Dan na inaasikaso akong spaghettie.

"Oo, Okay na 'to."

Bumalik na din sina Fiona at Aiden. Saan naman galing yung dalawang yun. Inirapan ako ni Fiona nang makadaan siya sa tapat ko pero hindi ko na siya pinatulan. Bawal ang bad vibes pag-nae-excite ako Argh! Kailangan positive vibes lang.

Tinanggal ko na ang apron ko at tinawagan na ni Lukas si Zach gamit ang gadget na inimbento ni Caleb. Yung parang radio, Ganun.

"Zach, My loves. Halina daw kayo!" sabi ni Lukas.

Tsk, Kahit kailan talaga.

"Okay." tipid na sagot ni Zach.

Pinatay na namin ang ilaw. Parating na sila kaya hinanda na din nina Lukas ang pasabog nila. Hindi maman yun bomba HAHAHA.

"Where are the—" hindi na namin pinatapos na magsalita si Klarence dahil binuksan na namin ang ilaw at pinasabog ang confetti,

"HAPPY BIRTHDAY!" sabay sabay naming sigaw.

Happy Birthday to you

Happy Birthday to you

Happy Birthday, Happy Birthday

Happy Birthday to you

Sabay-sabay kaming kumanta. Ako ang may hawak ng ginawa kong cake. Sinindihan ito ni Dan at saka ako lumapit kay Klarence.

"Mag-wish ka muna bago mo hipan." sabi ko.

Tiningnan niya ako bago pumikit saka hinipan ang kandila.

"Yehey!" sabi ko.

Inilapag ko na ang cake sa lamesa. Nasa kanan ko si Klarence at nasa kaliwa ko naman si Zach. Nasa harap ko si Ben na katabi si Lukas. Nagchi-chikahan na naman ang dalawa. Magkatabi din si Fiona at si Aiden. Hala sya.

Hinati ni Caleb ang cake at binigyan kami. Ako dapat ang maghahati niyan kasi ako naman ang nagluto niyan. Argh!

Hindi ko pa ginagalaw ang cake ko dahil nakatitig lang ako kay Klarence. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya sa luto kong cake. Sana magustuhan niya yan kasi pinaghirapan ko pa yan. Baka first time kong mag-bake at mabuti na lang na tinulungan ako ni Dan sa paghahanda nun.

"Kamusta ang lasa?" tanong ko kay Klarence na nginunguya ang cake.

Sana magustuhan niya. Sana....

"Sinong nagluto nito?" tanong niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang pangit ng lasa." sambit niya.

Napalitan ng lungkot ang mukha ko. Hindi niya nagustuhan ang cake na ginawa ko para sa kaniya.

"A-Ako." sabi ko.

Bigla kong naramdaman ang labi niya sa pisngi ko.

"Klarence!" saway ko sa kaniya.

"Ang sarap!" sabi niya.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, bwisit ka Klarence!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status