Share

Chapter 11

Chapter 11

Bella's POV

"Hayaan mo na yun, May topak siguro." sabi ni Caleb.

Nandirito na naman ako sa kwarto nina Caleb kasama si Lukas, Dan, Aiden at si Ben. Kasama pati si Caleb siyempre. Naglalaro si Lukas at si Ben kaya busy silang dalawa.

"Tangina. Hindi na ako uulit." sabi ni Dan

"Uulit ng?" tanong ni Aiden habang nakahalukipkip sa kama nina Caleb.

"Yung pagsasabon ng sabong panlaba. Takte."

"Tatanga-tanga eh ano." sabi ni Aiden saka pinikit ang mga mata.

Tumalon naman si Dan patungo sa Kama at tinabihan si Aiden saka yumakap dito. Hinayaan na lang ito ni Aiden, Halatang sanay na sa inaasta ni Dan 'tong isang 'to kaya hindi na nagrereklamo.

"Ano yan? Harapang pagtataksil! Ganiyan ka na talaga Dandararandandan! Ang bababoy niyo!" sabi ni Lukas saka humawak sa dibdib na animo'y nasasaktan.

Sunod-sunod na katok ang sumira sa asaran ng mga 'to. Binuksan ni Caleb ang pintuan at tumambad sa amin ang half-naked na si Zach.

Napalunok naman ako, Jusko. Minus 10 ako sa langit nito. Kung bawat umaga ko lang naman 'tong makikita, Solve na ang almusal ko dahil sa pandesal niya, Shems! Palaman na lang ang kulang.

"Bakit tol?" tanong ni Caleb kay Zach.

"Wala, Masamang pumasok?" sabi niya at saka pumasok sabay tabi sa akin.

Naku po! Dito tayo magiging zombie nito.

Pinagpapawisan na ako ng malamig, Jusko! Hindi ko kakayanin 'to. Nababaliw na ata ako. Panay ang lunok ko ng sarili kong laway. Bawal tumingin, Nakakamatay.

Pero Lord, Help me. Inaakit ako ng pandesal niya. Hindi ba pwedeng kape nalang? Omoooo....

"Ayos ka lang, Bella?" tanong sa akin ni Zach nang mapansing tahimik ako.

Naku, Eto na. Makukulong na ako. Guilty!

"H-Huh? O-Oo, Ayos lang ako." sabay pilit ng ngiti.

Mas pipiliin ko pang magpakaplastik kay Fiona kaysa sa ganito. Hindi ko ata kakayanin 'to. Baka bigla na lang akong mahimatay dito. Naku, Naku!

"Asus! Hindi nga." si Lukas mandurugas yon.

"May naaamoy akong isda." sabi pa ni Dan.

"Sarili mo siguro yon." sabat ni Dan dahilan para magtawanan kami.

Malalakas na katok galing sa pinto ng kwarto ang bumulabog sa amin. Ano ba naman yan! Kakakatok lang ni Zach tapos may kakatok na naman.

"AIDEN!!" sigaw ni Fiona mula sa labas kasabay ng sunod-sunod na pagkatok.

"What?!" iritadong tanong ni Aiden.

"Babe!" saway ni Dan.

"The fvck, Dan!" sabi ni Aiden.

"Mga taksil." sabi ni Lukas.

Sabay kaming napatampal sa noo ni Zach, Pati din si Caleb napailing-iling na din.

"ASAN ANG PANTY KO?!" sigaw ni Fiona,

Ano raw? Panty?

"ABA! Kinamalayan ko sa panty mo."

"Ikaw lang ang gumalaw sa gamit ko!"

Naiinis na binuksan ni Aiden ang pinto at hinarap si Fiona.

"TANGIN*! HINDI KO PINAKIALAMAN ANG PANTY MO!" sigaw ni Aiden. Hindi alintana na babae ang kausap niya.

"PERO IKAW LA—"

"Tangin*. Edi humanap ka ng ibang panty. Bobo!" sabay sarado ni Aiden sa pinto.

Halos mapatalon kami sa lakas ng pagkakasara niya. Ay jusme! Galit ata.

Ngayon ko lamang napansin na hindi soundproof ang kwarto nina Caleb. Kay Klarence lamang na kwarto ang soundproof. Di ko sure yung underground garden.

"Panty pala ha." parinig ni Dan.

Sinamaan siya ng tingin ni Aiden. Naku! Naku! One wrong move Dan.

"Ano bang nangyare? At saka, Ano yung sinasabi niya na ikaw lang ang gumagalaw ng gamit niya? Totoo ba yon?" Nabilaukan sa sariling laway si Aiden.

Oo nga naman. Nakakapagtaka yung ganun lalo na at lalaki si Aiden at babae si Fiona. Imposibleng galawin ng lalaki ang gamit ng babae, Lalo na yung panty.... Kung hindi sila magkasintahan, Magkamag-anak o sobrang close hindi ba?

Ibig-sabihin, May ugnayan silang dalawa? Oh, Ako lang ba ang may iniisip ngayon?

"Burara lang yun kaya ganun." sabi ni Aiden.

Tumango-tango na lang si Dan at Lukas. Nagkatinginan naman kami nina Zach at Caleb. Buti na lamang at tumingin si Caleb kundi, Baka sa mapang-akit na pandesal ni Zach ako mapalingon.

Grrr....

"Nagugutom na ako." nakangusong sambit ni Lukas.

"GUTOM KA NA NAMAN?!" halos sabay-sabay naming sigaw.

"Oo, Manok na nga sa paningin ko 'tong si Ben. Ror." sabay kagat ni Lukas sa braso ni Ben.

"Ew! Baka may virus ka!" sabi ni Ben habang hinahampas-hampas si Lukas.

Kadirdir.

"Ano ba naman yan, Lukas? Ang baboy mo! Ako na lang kagatin mo." sabi ni Dan.

"Yuck! Ayoko ng libag." sabi ni Lukas.

"Alam mo, Tangina mo din eh ano?"

Sabay-sabay na naman kaming nagtawanan.

"Can i come?" si Klarence yun.

"Bahay mo 'to tol." sabi ni Caleb.

"Naka-lock." malamig na tugon ni Klarence.

"Ah, Ganun ba?" sabay bukas ni Caleb ng pinto.

Napatingin sa amin si Klarence. Grabe makatingin ha, Wala naman akong ninanakaw. Si Lukas mandurugas yun! Kinuhanan ako ng mochi.

Oops! Bago ko makalimutan. Bukas na ang birthday ni Klarence! Wala pa akong panregalo sa kaniya kasi hindi ko naman alam kung anong gusto niya. Okay na siguro yung ipaghahanda ko siya bukas at saka ipagbe-bake ng cake.

Alright...

"Andito ka lang pala." sabi ni Klarence.

"Can we talk?" sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Sino? Ako?" sabay turo ko sa sarili ko.

"May iba pa ba?"

Ang kj naman masyado nito. Grabe ha. Nagtatanong lang naman yung tao huhu.

Sinundan ko siya. Papunta kami sa Underground garden. Patuloy lang siya sa paglalakad at patuloy lang din ako sa pagsunod aa kaniya. Wala akong idea kung ano ang pag-uusapan namin ngayon. Siguro ay importante ito kaya kaming dalawa lang ang mag-uusap.

Umupo siya sa bench at tumabi ako sa kanya. May paru-paro pa din dito kaya ang ganda talaga dito sa underground garden. Ito na talaga ang pinaka paborito kong parte ng bahay nina Klarence maliban sa Kusina nila, Dun maraming pagkain eh.

"Ano ba yun?" sabi ko sa kaniya.

"Kayo na ba ni Zach?" diretsong tanong niya.

Tinawanan ko siya.

"Anong nakakatawa Bella? Seryoso ako." sabi niya.

Oo nga, Halata naman sa tono mo HAHAHAHA.

"Hindi naman kami!" sabi ko saka siya muling tinawanan.

"Eh bakit may paakbay?!" iritado niyang tanong kaya napatigil ako at napatitig sa kaniya.

"Teka, Nagseselos ka ba?" umiwas siya ng tingin.

"Uuyy, Nagseselos. Nagseselos ka ano?" sabay sundot sa namumula niyang pisngi.

Grabe! Ang kinis talaga ng pisngi niya. Dinaig pa yung pisngi ko punyawa.

"I'm not." pagtanggi niya.

"Eh bakit ka namumula?" pamumula ko sa kaniya.

"Ayiee, Nagseselos si Klarence." sabay sundot kong muli sa namumula niyang pisngi.

HAHAHAHA! Nagseselos spotted.

Ebarg! Kinikilig ako. Wag ka kasing magselos para di ako kiligin. 

"Stop it Bella." utos niya pero hindi ako sumunod.

Pinisil ko ang pisngi niya. Ay shet! Ang lambot.

"Bella i said s-stop."

"Ayoko nga."

"I said stop o hahalikan kita?" napatigil ako.

Titigil ba ako?

"Ang kj mo talaga. Buti pa si Zach, Hindi kj katulad mo. Si Zach kasi—"

"Stop mentioning him."

Ayieee... Nagseselos nga siya. Ang sarap talaga niyang pikunin at asarin. Ang cute niyang magselos.

"Bakit? Si Zach na may abs—" Oops, Wrong move Bella. Very wrong.

Nakakunot ang noong nakatingin sa akin si Klarence.

"Pinagpapantasyahan mo ba siya? Gusto mo ba siya, Bella?" mukhang galit niyang tanong.

Naku, Lagot ka self. Maling-mali yun.

"H-Hindi."

"But you said earlier—"

"Nadulas lang ako nun! At isa pa, Totoo naman." palusot ko.

"Ibig-sabihin non, Gusto mo yung katawan niya?"

"Huh? Wala naman akong sinabing—"

Bigla niyang pinunit ang t-shirt niya saka ako isinandal sa bench at ikinulong sa mayayaman niyang braso. Jusko! Help me naman Lord. Another pandesal na naman ito. Fell ko din namang mag-donate. Mabait naman po ako.

"Dito ka lang tumingin Bella. Sa akin lang." saka niya pinaglapat ang mga labi namin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status