Nagulat ang lalaki nang marinig iyon at magtama ang mata namin. Marami siyang alahas na suot sa katawan at puno rin ng tattoo sa iba’t ibang parte.
“Sino ka? Huwag kang lalapit!” aniya’t lumayong bahagya sa akin. Napairap ako nang mas lumapit pa ito sa railing kaya napasigaw ang mga tao. Alam kong wala itong balak na magpakamatày. “Ano bang problema mo?” mahinahon kong gawad kahit na gusto ko itong sigawan. Biglang lumungkot ang mukha ng lalaki at tila pinipigilan ang sariling maging emosyonal. Hindi siya iyung tipong mga adîk na nakikita ko sa nga clúb o bàr. Mukha siyang disenteng tao kahit na puno siya ng tattoo sa katawan. “Wala na ang lahat sa akin. Wala na akong trabaho, namatày ang asawa ko, puno pa ako ng utang... hindi ko na alam kung paano ko pa palalakihin ang nag-iisa kong anak,” problemadong aniya. Umarko ang kilay ko. “Oh, tapos?” Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Napatingin ako sa kamay nitong kumuyom habang galit na napalitan ang ekspresyon. “Hindi mo naiintindihan... dahil wala kang alam. Hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!” “Miss, umalis ka na lang kung balak mo pang palakihin ang sitwasyon!” sigaw ng isang pulis pero hindi ko ito pinansin. “Hindi ko na hahangaring mapunta sa sitwasyon mo dahil kumpara sa nangyayari sa akin, mas mabigat pa ang problemang dinadala ko pero kailan man hindi ko naisipang magpakamatày.” Natigilan siyang bigla. “May anak ka pala tapos magpapakamatày ka? Sinong mag-aalaga sa naiwan mo? Huwag mong sabihing bibigyan mo pa ng responsibilidad ang iba para lang alagaan ang anak mo?” hindi ko siya hinintay na magsalita. “Kung gusto mong madismaya ang anak mo sa’yo at maghirap siyang mag-isa dahil iniwan siya ng makasarili niyang ama para takasan ang mga problema, sige, magpakamatày ka.” tumingin ako sa ibaba. “Magpakamatày ka kung gusto mong matawag na iresponsibleng ama ng anak mo’t magtanim siya ng galit sa iyo buong buhay.” Muli ko siyang tinignan. “Who knows? Maaari siyang maging isa sa mga pulubi sa lansangan dahil maiiwan siyang walang pamilya.” Umarko ang kilay ko dahil nanatili lang itong tahimik. “What are you doing? Go jump. Ang dami mo nang napurwisyo. Sigurado naman akong diretso kang mamamàtay kapag tumalon ka rito dahil labindalawang palapag ang building na ’to.” Nanatiling tahimik ang lalaki at hindi nakapagsalita. Maya-maya ay ginulo nito ang buhok dala ng prustrasyon at tumingin sa ibaba. Humigpit ang hawak niya sa railings, tila nagdadalawang isip dahil sa sinabi ko. Hindi na nito napigilan ang luha at lumayo sa railings na para bang nagbago ang isip na magpakamatày kaya mabilis siyang nilapitan ng mga pulis na ngayon ay nabunutan ng tinik at napahingang malalim. Napairap ako at muling bumaba ng building. Gusto pa sana akong pasalamatan ng mga tao roon pero hindi ko pinansin ang mga ito dahil labinlimang minuto na akong late. Bumalik ako sa sasakyan ko nang muling magsimulang mawala ang trapiko. Mabilis kong pinaharurot ang kotse patungo sa trabaho. Nang makarating ay nagtaka ako dahil biglang tumahimik ang opisina nang makita ako ng mga ka-office mates ko. Hindi ko pinansin ang mga ito at dumiretso sa desk ko pero natigilan ako nang makitang wala na ang mga gamit ko. Malinis na ito. Maging ang laptop at mga disenyo sa desk na ako mismo ang gumawa. “Ang lakas pa ng loob mong pumasok.” Napatingin ako sa likod at nakita ang manager naming naka-arko ang kilay. Ito na nga ba ang inaasahan ko. Balibag nitong binigay ang kahon na naglalaman ng mga gamit ko’t masama akong tinignan. “You’re fired.” Dinig ko ang pagsinghap ng mga kasama ko, maging ako kahit na inaasahan ko na ito. Inilapag ko ang kahon at nilapitan siya. “Miss Acosta naman, you’re just joking, right? Give me a chance, please. I promise I won’t be late again,” pagmamakaawa ko. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Mawawalan ako ng silbi kapag nagkataon. “How many times did I hear that from you?! Anong tingin mo sa trabaho natin, laro?! Ilang beses na kitang pinagbigyan pero sinasagad mo ang kabaitan ko!” “This is my last time, I promise! Something suddenly came up. Just please–” “Get out! Dalhin mo ang mga gamit mo’t ayaw na kitang makita pa rito.” “Pero–” “I said leave!” Wala akong nagawa nang talikuran ako nito. Napabuntong hininga ako’t kinuha ang gamit ko. Bwisít. Malas talaga. Kasalanan ’to ng mga lalaki. Lahat sila nakakainis. Itataga ko sa bato, balang araw luluhod din sa akin ang babaeng ’to para magmakaawa sa akin.Years passed, and everything came back to normal. Maayos na ang lahat. Anim na taon na si Nevi ngayon at magpipito sa susunod na buwan kaya masiyado akong abala sa pagpaplano dahil gusto ng mga lola niya na magarbo ang pitong kaarawan ng anak ko. Magaling na si Navi, maging si Nevi, dahil nakagawang muli ng gamot si Ma’am Viska. May bago na siyang organisyon na binuo ngayon at isa na rin siya sa mga sikat na siyentipiko sa buong Pilipinas. I’m really proud and thankful to her because she treats me as her own child. At si Navi? Iyon, lalong naging busy dahil sa dami at sunud-sunod na proyekto nila sa kumpanya. Everyone already knows him, even me, because he already introduced me to everyone kaya hindi na namin kailangang magtago sa midya. Nakapagtapos na rin si Sean ng kolehiyo at mayroon nang magandang trabaho. Ang mas ikina-pproud ko pa lalo ay isa na siyang magaling na Lawyer ngayon. He pursued his dreams despite of the problems we faced. I am really proud of him. N
Her POV (End of Flashback) 2 Months After. I don’t know what to feel and react after realizing how much Eirin suffered more than me. I couldn't imagine she did all of that to save me but all I did was nothing. I was f*cking dúmb for not remembering the only best friend I had all those f*cking years. Akala ko mag-isa ako. Pinaniwalaan kong tanging sarili ko lang kakampi ko pero hindi ko inisip na may mga tao palang handang gawin ang lahat ng bagay na iyon para sa akin. She diéd... because of me. Sarili ko ang sinisisi ko sa lahat. Kung hindi siguro ako naaksidenté noong araw na iyon ay mapipigilan ko pa siya sa bagay na ginawa niya. Ang sakit isiping mas pinili niyang mamatày para sa amin. Gusto kong balikan ang lahat. Kung may kakayahan lang akong balikan ang araw na iyon ay gagawin ko para bumawi sa kaniya. Gusto kong humingi ng tawad, gusto ko siyang yakapin at sabihing kung gaano siya kahalaga sa akin. Mas pipiliin kong ako ang mawala kaysa nagdudusa ako nang ganito.
(5 MONTHS AFTER)“I’m sorry...” kinuha ni Navi ang larawan ni Seraphina tabi ng abo nito’t hindi napigilang mapaluha dahil sa pagsisisi.Nagsisisi siyang wala siyang alam sa nangyari’t nagsisisi siyang may babaeng nagsakripisyo para mailigtas ang buhay niya. Nasasaktan ito dahil hindi manlang siya nakapagpasalamat, hindi manlang niya napigilan si Seraphina sa gusto nito. Namatày ang babae dahil sa kaniya... para mabuhay siyang muli.“I’m sorry for everything... I’m sorry.”Wala siyang ibang gustong sabihin kundi humingi ng tawad dahil nasasaktan ito. “W-why didn’t you tell me?” pinunasan ni Navi ang mga luha. “Why didn’t you tell me you’re suffering? Bakit? Ako dapat ang nasa kalagayan mo... b-bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” Tila nakikiramay sa kaniya ang alon mula sa dagat sa lakas ng hampas nito sa tubig. Alas singko na ng hapon kaya palubog na rin ang araw. Narito siya para tuluyang mamaalam sa babaeng minsan na ring naging parte ng buhay niya. Kay Seraphina. “I ho
THIRD PERSON'S POVDinig ang malakas na tunog mula sa pulis at bumbero habang tinatahak nang mabilis ang daan papunta sa hospital. Sakay ng mga ito ang isang babaeng puno ng dugó sa katawan at halos maligo na sa pulang likido dahil sa malakas na pagtama ng isang kotse’t truck sa sinasakyan nito.Hinang-hina at halos hindi na makahinga nang maayos si Viene– mali, si Seraphina, bago pa man siya maisalba ng mga ambulansya. Nang makarating sa hospital kung saan din isinugod si Navi ay mabilis na itinakbo ng mga nurse si Seraphina sa emergency room pero nakasalubong ng mga ito si Dr. Lim, ang doktor ni Navi.“A-anong nangyari?!” gulat nitong tanong nang makilala si Seraphina na asawa ni Navi. “She got into an accidént, doc...”Kahit nanghihina ay pinilit na minulat ng babae ang mga mata’t tinignan ang doktor habang patuloy sa pag-agos ang mga luha. “P-please... s-save Navi...” Umiling ang doktor at iginayak ang mga ito papunta ang mga ito sa emergency room kung nasaan din si Navi.“Jus
“Sino ba kasing nagsabing sumama ka pa?” inis kong panenermon kay Navi matapos nitong magreklamo dahil masiyado raw masikip ang suot niyang t-shirt polo. Ilang beses ko na itong sinasabihang manatili nalang sa opisina niya’t magpakalulong sa trabaho nang matuwa ako. Nagpresinta kasi akong ako nalang ang magdilig ng mga halaman sa hardin ngayon kasama si Nevi dahil wala naman kaming gagawin buong maghapon pero itong tatay niya ay namimilit pang tumulong. Ewan ko sa taong ’to. Simula noong nagising sa hospital ay hindi na pumapasok at sa bahay nalang nagtatrabaho kaya sa akin nangungulit. “Mas maraming gagawa mas madali,” suhestiyon niya na ikinairap ko. “Hindi ka naman marunong magdilig, papa,” bulol na ani Nevi kaya natawa ako. Naglalakad kami papunta sa hardin ngayon suot ang damit na sinusuot ng mga hardinero’t hardinera. Hawak ni Nevi ang kamay ko sa kanan habang kay Navi ang sa kaliwa. Naiilang tuloy ako dahil sa tinginan ng mga katulong na parang inaasar pa kami dahil sa
Alam ko ang sinasabi nilang chip na nasa katawan ko. Pero hindi nila sinabing nasa puso ko iyon. Hindi ko alam ang itutugon, hindi ako makapagsalita. Tila nawala sa wisyo ang isip ko sa dami ng pumapasok sa akin. Bakas ang lungkot sa doktor habang tahimik na nakatingin sa akin. Tears from my eyes wanted to flow down my cheeks again but I restrained myself because It won’t help the situation. Ilang minuto kaming naging tahimik, tila binibigyan ako ng doktor na makapag-isip nang mabuti kaya hindi ko alam ang gagawin. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang sinabi niyang iyon sa akin. Seeing Navi in this state hurts me, so I don’t want him to suffer again. I was trying to catch my breath as it became heavy and heavy again, not because of my illnéss, but because of what I was feeling. I don’t want to dié... but I don’t want to leave him suffering either. Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ng doktor ko na mayroon din akong sakit gaya ng kay lolo kaya hindi ko na napigilan ang lu