Share

Art of Destiny III

β€”β€”β€”

"HELLO, my beloved Jino. Ano't napatawag ang gwapo kong anak?" Sagot sa kabilang linya.

Boses iyon ng Mommy Arianne niya. Matapos ang grand reunion ng pamilya, although kahit wala na ang Lolo Arthur niya ay masaya siyang nagpaalam na umuwi sa Mansiyon ng Domingo family.

Naisipan niyang tawagan ang Mommy niya para kahit paano ay masabi niya rito ang kaniyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya.

Iyon din ay para huwag ng bigyang pangamba pa ang ina kung sakaling malaman man ng mga ito na nalaman na niya ang tungkol sa totoo niyang ama.

Saglit muna siyang huminga upang sumagap ng lakas.

"Mom, nagkita na kami ni Dad sa personal." Sagot niya. Dahan- dahan niyang binanggit ang pagkasabing iyon na parang tinitimbang ang bawat sabihin.

Napatawa si Mom sa kabilang linya. "Bored ka na ba diyan at nagkakaganyan ang Jino namin? Why spend some of your days with us here in Palawan? Baka naman naho-homesick ka na? Hmmm. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kami ng Dad mo?"

Sinundan iyon ng hagikhik nito na parang bata. Pagak naman siyang tumawa bago nagsalita.

"Mommy naman e!" Napakamot niyang tugon nanapadiin ang huling binanggit. "I am too old to miss home. Seriously, I am telling the truth. Yesterday I met Auntie Zeith Kate and her Mom, Lola Adelaida. They told me everything. Later, we go to the City Jail of Cebu. Then we visited my real father, Mr. Blake John Del Fuego." Sunod-sunod niyang paliwanag na nagdala ng pananahimik sa kaniyang ina.

Hindi ito agad nakasagot. Parang natameme na hindi makapaniwala na parang ewan. Ah basta, naghari ang katahimikan sa loob ng ilang segundo.

"Maamo ang mukha ni Dad. Iyon nga lang balbasado, mahaba na ang buhok at tadtad ng mga tattoo sa katawan." Daig pa niya ang eksayted at masiglang bata na nagkukuwento ng pagkakabili ng paboritong laruan. "He hugged me then, seemed like he was almost waiting to see me again. Sa tingin ko nga, sobrang saya niya nang makita ako. I almost forgot that he is a murderer and the reason why he was put into jail." Pagpapatuloy niya sa pagnanarate ng detalyadong naganap sa pagitan niya at ng kaniyang Daddy Blake after their met up.

Wala pa ring sagot. Nakabinbin ang sasabihin ng kausap. Parang na-hang ang linya gayong one month naman ang paid bill ng kanilang P*DT home.

"Mom? Are you still there?" Pukaw niya sa kabilang linya.

Para namang nagising buhat sa isang panaginip ang kausap. "A-a e, o-oo naman!" Tila tarantang tugon ng kaniyang Mom.

"P-papaano mo nalaman ang totoo? May nagsabi ba sa iyo tungkol sa Daddy mo?" Mausisa na tanong ni Mom. Hindi ko makuha ang punto sa klase ng pagtatanong niya. Parang may kilalang personalidad na gusto itong matumbok.

"Mom, it's a long story. Saka ko na ipapaliwanag when I'm heading right home." Sansala niya dahil mas hahaba pa ang usapan nila. Kapag ganoon na kausisa ang ina, umiiwas na siya kaagad. Batid niyang hindi ito titigil hangga't hindi niya nasasagot lahat ng detalyeng kaylangan nito.

My mom is an investigative agent yet a lawyer like an interviewer. Walang nakakalusot na butas sa isang isyo para rito. Para sa Mom niya, talo pa nito ang maging interrogative police para lang masabi mo ang lahat ng kaylangan niyang malaman.

Napasulyap ako sa sout na wristwatch. It was exactly eight in the morning. Naalala ko na may couple seminars sched pa kami ni Rose Mary Gaile ngayon.

Kilala niya naman iyong babae na iyon. Matindi iyon magalit at magtampo. Pinakaayaw niyon sa lahat na pinaghihintay, lalo pa ng isang kagaya niya.

Next month na nakatakda ang kasal namin ni Rose Mary. Minamadali na ang preparations ng kasal namin. May naka-assigned na sa kanilang wedding plans at kung saan ang venue.

Sagot na ang lahat ng iyon ni Ate Claire, isang professional wedding specialist na siyang itinalaga ko para roon. May naka-assigned na sa designs at decorations para sa kasal maging sa mga susuutin ko at ng bride kasama na din ang mga anay at mga ninong.

In total, everything is settled down. Ang date na lang ang hinihintay!

"May couple orientation kami ngayon, Mom." Pakli niya sa usapan. "Alam mo na, next month na ang kasal namin ni Rose Mary. I think you should come here before the settled date with Dad. I'm sorry but I have to go. So bye na po, I will call you later." Pamamaalam ko rito.

Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Agad na niyang ini-off ang call.

β€”β€”β€”β€”

NALUNGKOT si Arianne sa klase ng pakikitungo ng panganay na anak sa kaniya ngayon. Parang dati lang ay kaylambing nito kapag tumatawag. Ni Hindi nito pinapatay ang tawag ng biglaan at hindi hinihintay ang magiging sagot niya. Nagko-closing approach pa ito sa pamamagitan ng pagsabi ng "I love you."

Pero ngayon, aaaminin niya ay sadyang nakakapanibago ang kilos at pakikipagusap nito sa kaniya. Nawala na ang eksaytment pati ang sweetness nito.

Kunsabagay ay normal na iyon lalo pa at binata na ang kaniyang anak. Hindi na niya iyon maitatanggi. Idagdag pa na next month na ang kasal nito sa kilalang anak ng multi-millionaire na si Rose Mary Gaile Villadencio, anak ng mayamang Don Jonathan Villadencio. Kasosyo iyon ng kaniyang asawang si Jake Domingo sa negosyong Hope Incorporated. Si Jonathan ang pansamantalang namamahala sa negosyo nila sa Cebu. Since taga doon naman talaga ito kaya pinili na nito na ang Cebu branch na lang ang pmamahalaan nito.

Samantala si Rose Mary Gaile naman ay isang half Spanish at half Pinoy. Madalas wala ito sa Pilipinas kaya madalang niya lang iyon makita noong nasa Cebu pa sila.

Umupo muna ako sa malambot na sofa sa sala bago patuloy na nag-isip. Mag-isa lang ako ngayon sa bahay sapagkat naroon ang asawa ko sa Hope. About my kids? Ayon busy at school right now.

Mataas ang mga pangarap ko para sa dalawa. Si Kayla Reeze ngayon ay sixteen years old na ay pangarap na maging doktor. Hindi na nasundan si Kayla sapagkat naging busy na kami ni Jake sa mga business namin.

Pero hindi lang ako ang may gusto noon siyempre, iyon din ang pangarap ng ikalawa kong anak. In-emphasize ko lang para malinaw at klarado.

Ang aking Inay Leah naman ay iyon, busy na lang sa pagga-garden nito tuwing umaga at hapon. Parang napako na ang buhay at atensiyon nito sa pagtatanim at pag-aalaga ng gulay. Siguro ay normal na talaga iyon sa mga matatanda na . Sa kasalukuyan ay 57 years old na si Inay.

Ang aking mga kapatid naman na sina Joshua at Chen-Chen ay nasa kolehiyo at nag-aaral sa Unibersidad ng Southern Palawan.

Katulad ng mga anak niya, magkaibang kurso din ang tinutumbok ng dalawa. Wala naman siyang magagagawa doon kasi choices nila iyon.

Bilang ate at nakakatandang kapatid ng mga ito, wala siyang kaylangang gawin kundi supurtahan at mahalin kung ano man ang mga pangarap ng dalawa pa niyang kapatid.

Ibinalik niya ang atensiyon sa sinabi ni Jino. Hindi siya makapaniwalang nagkita na pala ang anak niya at ang mamatay-tao niyang asawa, este ama ni Jino.

Hindi ko alam kung sino talaga ang may pakana ng lahat kung bakit nabunyag kay Jino ang lihim ng nakaraan at pagkatao ng anak.

Isa lang ang rumihestro sa utak ko. Si Zieth Kate, ang kapatid ni Blake John.

Maraming gumugulo sa isip ko ngayon. Kung paano at bakit nalaman ni Jino na hindi talaga ang Daddy Jake nito ang totoong ama? Sa halip ay si Jake lang ang tumayong ama nito dahil pinagsamantalahan ni Blake ang kaniyang kahinaan.

Ang tanong ay paano nito nalamang si Jino β€”?

Naputol ang pagtatanong ng sarili kong isip ng maalala ko ang pendant na sout-sout ni Jino noong baby pa man ito.

'Tama! Baka iyon ng ang nagsilbing palatandaan ni Zeith Kate para makilala na si Kent Jino Zeke at Jino Blake Del Fuego ay iisa lang!' kahit walang boses na lumalabas sa bibig niya ay kumikibot ang bibig niya.

Hindi nga nakapagtataka na mabilis na makilala ng isang tiyahin ang kaniyang pamangkin. Isa pa ay si Zieth Kate mismo ang isa sa mga nag-alaga kay Jino almost one year bago nila ni Jake mabawi ang kaniyang anak. It means na capable si Zieth Kate na makilala kaagad ang bata.

Hindi pa ito alam ni Jake kaya mas mabuting huwag naang malaman ng lalaki. Baka lang kasi mag-burst out ito at baka din pauwiin agad si Jino. Napakaespesyal ng bawat araw para sa kaniyang panganay. Ang nalalapit nitong kasla ay hindi dapat mapurnada. Hindi iyon maari at bilang ina ay hindi niya mapapayagan na isa siya sa magiging balakid sa kaligayahan ng anak.

Tinapos na niya ang iba pang iisipin at nagpasyang maligo. Nakaramdam siya ng maalinsangang pakiramdam kaya naisipan niyang maligo na. Nasa plano na din niya ang sumunod sa asawa sa trabaho nito sa Hope pagkatapos na makaligo at maayos ang sarili.

β€”β€”β€”β€”

NADATNAN ni Jino ang si Mr. Jonathan na nakaupo sa sofa at busy sa pagi-scroll ng laptop nito. Hindi ko pa man tiyak ay parang may ideya na agad ako sa kung ano ang ginagawa nito.

Chief on Finance ito sa Hope Incorporated na negosyo at pagmamay-ari mismo ng kaniyang Daddy Jake. Ito na din ang nagsilbing Marketing Manager sa branch ng Hope sa Cebu.

Kaybilis ng pag-usad at pamamayagpag ng Hope Marketing. Ngayon ay isa na itong ganap na Hope Incorporated na may sampung branch sa buong Pilipinas.

Masasabing leading successful businessmen ang kaniyang Daddy Jake dahil sa pagiging malawak ng mga negosyo nito.

Ngayong nalaman na niya kung ang kaniyang koneksiyon sa mga Del Fuego at baka sakaling ipamana sa kaniya ng Daddy Blake John ang Hotel Uno, aba at magiging multitrillionaire na siya kung magkataon.

Aba! Hindi basta-bastang yaman din iyon. Akalain mo, yaman ng Domingo at Del Fuego ay ipagsama-samang ipamana sa kaniya.

Kahit pa sabihing Domingo ang dalang apelyido niya ay hindi pa rin kabawasan sa kaniyang magiging katanyagan. Tiyak na siya ang kauna-unahang lalaking hihiga sa sandamakmak napera!

Pero siyempre malayo naman sa kaniya ang pagkakaroon ng ganoong ugali. Hindi siya pinalaking 'gold digger' at lalong 'a man of a gold' na uri ng tao ng kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake.

After all, his mother taught him so many things in life, morally and spiritually. His mother never had a shortcoming to watch him grow up.

That's why he's so proud of having a mother like Arianne. Having this kind of mother is a rare gift.

Sinubukan kong kunin ang atensiyon ni Mr. Jonathan na busy pa din ng mga sandaling iyon sa pamamagitan ng pagtikhim.

Nakuha ko naman ang atensiyon nito na agad na napalingon.

"Jino, ikaw pala." Anitong nagbaba ng salamin bago siya hinarap. "Take a seat." Alok nito sa kaniya at inginuso ang naroong silya.

"Looks busy?" Tanging naitanong ko.

"Not so far. By the way, what brings you here? Do you need something?" Ito naman ang nagtanong. Panakaw nitong sinulyapan ang sout na wristwatch.

"Ha β€”e , kasi po, may couple orientation kami ni Rose Mary ngayong mga umaga. I afraid we would come late so we'd better to go now."

Tiningnan ako ni Mr. Jonathan mula ulo hanggang paa na parang binibagay ang sout ko.

"I see." Matipid nitong sagot. "Mukhang prepared na prepared na nga kayong dalawa. There is no reason na hindi matuloy ang inyong kasal. Am I right Jino?"

Antimano akong tumango. Sinubukan kong kaswal na kumilos sa harap ng magiging manugang ko kahit pa sabihing kayhirap maging normal ang kilos sa harap nito.

Even though na matagal niyang kilala at nakakausap ang matanda, may mga chances na parang may napakalaking wall sa pagitan ko at ng matanda.

Hindi naman ganoon kayaman ang pamilya Villadencio sa buong Cebu. Kung tutuusin ay mas nakakaangat pa ang pamilya Domingo at Del Fuego kaysa mga Villadencio.

Tulad ngayon, nanunuri ang mga mata nito kanina na hindi ko maiwasang makadama ng kakaibang tensiyon na ngayon ko lang napansin.

Bakit kaya ngayon niya lang iyon naramdaman? Iyong feeling na parang ini-small siya nito?

O baka naman na-misinterpret ko lang ang ginawa nito kanina.

Minsan ko lang nabalikan ang unang pagkikita namin ni Mr. Jonathan Villadencio. Ang araw na six years old palang siya at nasa Palawan pa no'ng panahong iyon.

That was his biggest day since we first met. Walang-wala sa isip niya na magkakatuluyan sila ng anak nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status