Share

Art of Destiny II

Two/ Mr. Discoverer

"Lahat ay may karapatang malaman tungkol sa pagkatao niya o sa kaniyang nakaraan. Pero paano kung ang nakatagong nakaraan ang mga bagay na 'di na dapat pang mabalikan?"

β€”β€”β€”β€”

HAWAK-hawak ni Jino ang calling card na ibinigay ng nagpakilalang Zieth Kate Del Fuego at kapatid daw ng totoong biological father niya na si Blake John Del Fuego.

Matapos ang proposal kanina at nangyaring diskusyon sa pagitan ng babae at ni Rose Mary ay napaliwanagan na din niya ito. Aniya, ay wala namang dapat pagselosan ang nobya dahil unexpected person naman daw ang babae idagdag pang hindi niya iyon kilala.

Matapos maihatid ang nobya ay agad na din siyang umuwi sa Lola Zenaida niya at Lolo Ronaldo niya. Noon ay ganap nang alas otso ng gabi at nagpapahinga na na ang matanda.

Tatatlo na lamang sila sa napakalaking mansiyon ng Domingo.

Ang kaniyang Tito na si Niko ay bumukod na din dahil may sarili na din itong pamilya sa edad na 35 at may dalawang anak na na parehong lalaki. Ang sumunod kay Niko na si Zaira Mae ay nasa Maynila, nag-aaral ng college of Music and Arts.

Konti lang ang naging agwat nito sa kaniya dahil buwan lang ang itinanda.

Siya naman ay kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasang Central ng Cebu sa kursong Commerce.

Ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake naman ay naiwan sa Palawan.

His parents also owned a number of business establishments there na sigurado niyang siya na ang susunod na mamahala.

In the present, he had one sister named Kyla Reeze na hindi niya alam kung saan kinuha ng mga magulang ang pangalan. Nasa Palawan ito kasama ng Tita Chen-Chen, Tito Joshua at Lola Leah niya. Lahat sila ay pamilya niya sa side ng kaniyang Mommy Arianne.

Basta pag-uwi ng mga ito galing sa hospital three days after delivery ay may pangalan na ito instantly.

Nawala ang mga iniisip niya nang muling nasulyapan ang mga numerong nasa calling card. Isa lang ang pumasok sa isip niya agad, kunin ang kaniyang cellphone na nakapatong sa mesa niya malapit sa kaniyang lampshade at i-dial ang mga numerong nanunuksong tawagan.

Ilang sandali pa ay nagri-ring na ang kabilang linya.

β€”β€”β€”β€”

"WHAT??"

Iyon ang salitang narinig ni Jino sa kabilang linya. Tinawagan niya si Rose Mary para ipaalam dito na pupunta siya ngayon sa address na ibinigay ng babaeng kausap niya kagabi sa restaurant.

"Talagang naniniwala ka doon? Paano kung may tangka iyon sa buhay mo? For example, balak kang iblackmail?" Sunod-sunod na pahayag nito na ramdam na ramdam niya ang pag-alala nito.

"So far, wala naman akong nasense na panganib ng kausap ko siya kagabi." Katwiran ko. "May pakiwari lang talaga ako tungkol sa mga sinasabi niya. Malay natin kung totoo nga iyon 'diba? Wala namang masama o mawawala kung aalamin ko di'ba?"

Narinig niya ang sunod-sunod na buntong-hininga ng nobya.

"Hay, 'di ko na alam kung saan pa ako kukuha ng dahilan para pigilan ka." Anito na nagpakawala muli ng malalim na paghinga. "Nasabi mo na ba sa parents mo ang tungkol doon? Baka mag-alala sila sa iyo?"

"Hindi na muna siguro." Matipid niyang tugon. "Mas mabuti kong ako lang ang makakatuklas mismo ng pagkatao ko." Sumungaw sa mukha niya ang lungkot at pagdaramdam. Pagdaramdam sa mga magulang na matagal na itinago sa kaniya ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Lungkot dahil sa katotohanang ang mismong magulang pa nya ang nagkait ng pagkakataong makasama niya ang tunay niyang pamilya.

Hindi niya lubos maisip na ang kinikilala niyang si Jake Domingo ay hindi niya tunay na ama. Kahit pa sabihing wala siyang karapatang magtampo dahil hindi naman siya minaltrato ng dad niya o kahit man lang ipinaramdam nito ang malamig na pakikitungo sa kaniya.

Besides, his dad can't blame him for having this feeling toward him. Normally, it's really nakakatampo naman talaga kaya kahit sinumang malalagay sa sitwasyong katulad ng sa kaniya ay 'di maiwasang magtampo.

"What will be your next plan right after when that woman really telling the truth about you?"

Hindi na muna siya nakasagot. Ano nga ba dapat ang gagawin niya? Dapat niya bang sumbatan ang mga magulang niya? O itatago na lang din niya sa mga ito ang kaniyang natuklasan.

β€”β€”β€”β€”

HINDI na bago sa kaniya ang ganitong mga tanawin dahil lumaki din siya sa marangyang buhay. His Dad owned a very huge numbers of business and companies sa Palawan locally at may pang international. Plus pa ang kanilang angkan ng mga Domingo ay prominence business men din na sa ngayon ay kasalukuyang pinamumunuan na ni Nikko Domingo, ang pangalawang kapatid ng kaniyang Daddy Jake.

Ang akala niyang office ang pupuntahan niya ay hindi pala. Sa halip ay sa mansion ng mga ito siya dinala.

"Come! Let get inside." Masaya at magiliw na yaya ni Ms. Zeith Kate sa kaniya. Sinalubong siya nito sa pasimano ng mansion matapos siyang papasukin ng guardhouse.

Naka-Ducati motorcycle lang siya dahil mas gusto niyang magtravel ng mahangin kesa magmaneho ng kakaregalo pa lamang ng kaniyang Dad na kotse, ang Ferrari 296.

"This is all yours, everything you seen but your naked eyes are yours as the solo heir of the Del Fuego." Masayang wika nito habang tila tini-tour siya sa palibot.

Gusto niyang malula sa salitang solo heir. What does she mean about solo heir? It is impossible that the family had never another hier or hieress.

"Our ancestors builds this mansion for one purpose. This semi- antique foundation of mansion serves as the length of thousands years which our family stills successful and found at the top among all huge businessmens."

Kahit sa historical definition ng mansion ay parang ibig manindig ng balahibo niya.

"Come over. Mas marami pa akong dapat sabihin sa'yo."

Walang atubiling sumumod siya rito. He sensed nothing but a strange feeling of being to this place. He is about to go far beyond he thought of.

And it looks great of having this semi- legendary history!

β€”β€”β€”β€”

HINDI makapaniwala si Jino sa mga narinig mula kay Zieth Kate. Magkatulong nito at ng Lola Adelaida niya na ipaliwanag sa kaniya ang buong pangyayari.

Simula sa kung paano nagkakilala sina Mommy Arianne niya at Daddy Blake John. Pati na rin ang pagkamatay ng kaniyang Lolo Arthur dahil sa tinatawag na tradisyon ng pamilya... ang blood moon cult.

Lahat ay walang inilihim ang mag-ina. Ikuwento din ng mga ito kung paano naging masama ang kaniyang Dad. Sinabi din ng mga ito na kasalukuyang nakakulong ito dahil sa mga patong-patong na krimen na nagawa lalo na sa kaniyang ina.

Ngayon ay mas lalo niyang naintindihan kung bakit ayaw na ayaw ng kaniyang mga magulang na sabihin iyon o ang tungkol sa tunay na ama niya.

Dangan ay malalaman niyang isa pa lang napakasamang elemento ang kaniyang ama.

Nalungkot na lang siya sa natuklasang katotohanan. Gayunman, okay na siya at nasagot na din ang kaniyang mga matagal nang katanungan sa buhay.

Walang emosyong mababakas sa mukha niya. Alanganin siyang magalit, wala ding dahilan para matuwa. Maliban sa kapayapaang nasa kaniya na ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap.

"I am sorry for having your ungrateful father after all. Alam kong minahal ka at pinalaki ng tama ng iyong mommy Arianne at kinilalang daddy na si Jake Domingo. " Malungkot na pahayag ng kaniyang Lola Adelaida. "Life is full of misery. What you saw is what will you reap. Nagbayad na ang daddy mo ng lahat ng kasalanan nito. For about twenty years ay sapat na para mapagsisihan niya ang mga kasalanan niya sa Mommy mo at sa iyo."

Nakita niya kung paano agusan ng luha ang mga mata ng matanda. Maging si auntie Zeith Kate any ganoon din. Pareho silang larawan ng mga pagsisisi, ng paghihinayang. Paghihinayang sa pagkakataong mabuo muli ang kanilang pamilya.

"Kaytagal namin hinintay ang pagkakataong ito aking pamangkin." Ani auntie Zeith Kate. "And now that we found you, muli na tayong mabubuo."

May takot na umalon sa dibdib ko pagkarinig niyon. Mabubuo? How come na mabubuo ang isang pamilya niya na dati ng buo? Nangangahulugan ba ito na kukunin na siya ng mga ito sa poder ng kaniyang mommy bat daddy?

Definitely ay hindi siya makakapayag. Hindi porke inalam ko ang tungkol sa tunay niyang pagkatao ay kaylangan na ding magbago ang lahat!

Of course not. Sapat nang malaman niya ang tungkol sa biological father niya. Hanggang doon na lang iyon at wala ng kaylangang baguhin.

"How I was blessed to see you again , our Jino Blake!" Maluha-luhang tawag ni Lola sa pangalan ko. Niyakap nito siya ng buong higpit.

"Can I see my daddy's face?" Wika niya ng matapos siyang yakapin ng paulit-ulit ng mga ito.

Naintindihan naman niya ang nararamdaman ng mga ito dahil sa pananabik. Wala siyang masasabing mali roon.

Nagkatinginan ang dalawa na hindi agad nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Halika sa kwarto ng Dad mo. Marami siya doong mga picture." Yaya ni Lola Adelaida.

"Yes Jino. He took so many pictures himself, even with you." Segunda ni auntie Zeith Kate.

Inulit ko nag tanong at klinaro sa kanilang dalawa.

"I mean po, pwede ko ba siyang dalawin sa kulungan?"

Nagulat man ay parang nagliwanag na bituin sa kalangitan ang kislap ng mga mata ng mga ito.

"Sure. Why not." si auntie Zeith Kate. "Wait at magbibihis ako right away." Anito at patakbong pumasok sa kwarto nito.

Sinulyapan ako ni Lola. Muli akong niyakap nito na luhaan at dama ko ang nag-uumapaw na tuwa sa dibdib nito.

"Your daddy will be so happy to see you, my lovely grandson." Anito habang yakap pa din ako. Sumilay ang pilit na ngiti sa mga labi ko. All I want is to see him personally. Not to curse him or to hate him but to thank him for giving me a life to be born in this wonderful life I exist.

Panahon na din siguro para kalimutan kung ano man ang mga grudges sa nakaraan. Past is past, ika nga, so let those pain be healed and forgotten. Let's those scratches from the past the brilliant future that twinkling each moment be refreshed.

Tama nga ang sinasabi ng ilang philosopher at sikat na authors, reopening the past is the only way to be healed and unlocking the missing key to make a new beginning of a new chapter in life.

β€”β€”β€”β€”

"BLAKE John Del Fuego, may bisita ka!" malakas na sabi ng jail officer at binuksan ang numero ng seldang kinaroroonan ng kaniyang totoong ama.

Medyo masakit sa tenga ang nakakangilong ingay ng nagbanggaang kadena at kandado ng nasabing selda.

"Sino daw?" dinig ko pang usisa ng balbasing lalaki na inilabas sa selda nito pansamantala.

Maaga pa ng mga sandaling iyon at kakabukas pa lang ng tinatawag na visiting hour. Kakaunti pa lang ang mga taong pumapasok roon para magbisita ng kanilang mga 'kasama' na namamalagi doon.

"Puntahan mo na lang sa labas." mapilosopong sagot ng warden.

Gusto nitong angilan ang warden dahil sa pabalang na sagot pero pinigil na nito ang sarili. Makakadagdag lamang iyon sa bigat ng kaso nito kung sakali.

Marahan ang mga hakbang na lumabas ito ng seldang iyon at tumungo sa reserved visiting area.

Nagulat man ay sumilay ang saya sa mukha nito nang makita siya at ni Zieth Kate. Matamlay na umupo ito sa upuan paharap sa dalawa na hindi pinansin na kasama siya. Nasa likuran lang ako ng magkapatid habang sila ay nag-uusap.

Ganoon naman talaga dapat. Hindi dapat nakikialam o nakikisabat sa usapan ng mga matatanda ang mga katulad mo. Liban na lang kung tinatanong ako o sinabihang magsalita.

Idagdag pang ang seryuso ng usapan ng dalawa. Sa ibang terms, it's a family thing. Haha.

"Mabuti naman at naisipan mo pang dumalaw rito." salubong nito Kay Auntie bago umupo kaharap si Auntie. Bakas sa tono nito ang sama ng loob at panlulumo tungkol sa bagay na wala na sa obligasyon ko pang malaman. "Sinisisi mo pa ako hanggang ngayon?"

"Bakit ayaw mo ba? Kung gusto mo uuwi na din kami kaagad?" sinalubong ng kapatid ng katarayan ang panunumbat nito. Ibinaba nito ang sling bag at ipinatong sa mesa bago marahang umupo paharap sa kuya Blake nito.

"Napapikunin mo naman. Sandali ka lamang rito at nagmamadali na ding umuwi?" anitong nangungusap ang tinig. Bakas sa mukha ng naturang lalaki ang hinagpis at kalungkutan.

"Did you already forgot? Ikaw lang naman naging dahilan kung bakit nakaletse-letse ang pamilya natin!" Ang tinig ngayon ni Auntie ay may kasamang panunumbat. "Like you said earlier, sinisisi pa din kita. Sobra kitang sinisisi sa pagkamatay ni Dad."

Rumehestro sa isip nya ang naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang Lolo Arthur. Ayon sa kuwento na din ng mag-ina, ang dark tradition ng pamilya ang nagdala ng kamalasang iyon sa kanila. Dumating sa point na nagkagulo at isa ang kaniyang Lolo sa nasawi.

"Napunta ka ba dito para sisihin ako at ipamukha ang nakaraan?" Narinig kong parunggit ng kuya sa kapatid.

"Pwedeng both?" Pilosopong sagot ni Auntie."Ano pa ba ang dapat mong asahan sa pagpunta ko dito?"

Nakita ko kung paano iniwas ng Kuya ni Auntie Zieth Kate ang mga mata nito. Marahil ay hindi kayang salubungin ng kuya ang mga tinging mapang-usig ng kapatid.

"Ano na ang usad sa kaso ko? Mabibigyan ba ako ng parol kahit this December?"

Narinig niyang huminga ng malalim si Zieth Kate.

"Well, kung magpapakabait ka siguro at magtatanda dito, baka oo. Kaso walang balak magpapiyansiya ang biktima." kibit-balikat na pahayag ni Zieth Kate.

"Alam mo naman na patung-patong ang mga kasong isinampa sa iyo." dagdag ng kapatid na lalong ikinalugmok ng mukha nito. "Buto nga at 'di naungkat ang kaso ni Ate Arianne. Kung magkataon, baka Reclusion perpetua na ang hatol sa iyo rito."

Napayuko ito sa mga narinig mula sa kapatid.

Kahit ako ay aminadong masakit ang ginawa nito kahit sa Mommy Arianne niya. Masasabi niyang walang kapatawaran iyon.

Gayunman, bilang isang lalaking nakakakilala sa Diyos ay naging madali sa kaniya ang magpatawad. Isang bagay na naituro sa kaniya ng kaniyang Mommy Arianne, Lola Zenaida at Lolo Ronaldo.

"Siyanga pala, kumusta si Mommy?" mayamaya ay naisip na itanong nito ang tungkol kay Lola Adelaida nang hindi tumitingin sa kapatid.

"She's okay. Ikinukumusta ka din nga niya sa akin. Heto nga at ipinagluto ka niya ng paboritong dish mo." Dagdag ng kaniyang Auntie at may inilabas na supot sa bag. Tumambad sa harapan niya ang dalawang tupper ware na naglalaman ng ulam. Ngayon ko lang napansin na may dala palang malaking supot si Auntie na naglalaman nang mga ulam.

'May magic yata si Auntie.' wika ng malikot kong imahinasyon. 'Imagine, parang wala man akong nakitang dala-dala ito kanina.'

'O baka naman, lutang lang talaga ako kaya hindi ko na napansin iyon?

Hindi sumagot si Blake.Nanatili itong nakayuko at tahimik.

I have also brought good news to you, Kuya Blake." Mayamaya ay wika ni Zieth Kate sa kuya para agawin ang atensiyon nito.

"I found Jino!" Masiglang pahayag ng kapatid na parang ibig itong surpresahin.

Sa wakas ay na-recognized na din ang presence niya. Haha.

Sukat doon ay umangat ang ulo ni Blake na nagulat at nakakunot ang noo. Sinulyapan si Zieth Kate na parang hindi makapaniwala.

Hindi na nagsalita si Blake sa halip ay para silang nag-uusap mind to mind.

Nakita niyang inginuso siya ng kaniyang Auntie sa kuya nito.

Dinaig naman nito ang natuka ng ibon na hindi makapaniwala sa nakita.

Muli nitong sinulyapan si Zieth Kate, gustong kumpirmahin ang sinasabi nito. Tumango naman ang kapatid kaya parang nagliwanag ang mga mata ni Blake sa tuwa.

"J-jino? I-ikaw ba si Jino? A-ng anak ko?!" Bulalas nito na kinukumpirma muna kung ako nga talaga ang anak niya. Sa unang pagkakataon, nakita kong naglandas ang luha sa mata nito.

Ang tapang kasi ng mukha nito kanina nang tawagin. Maging ang boses nito ay may diin at maawtoridad. Nagmukha na din itong adik dahil sa dami ng mga nakaburdang marka ng tatoo sa katawan.

Wala muna akong naging reaksiyon at tahimik na lumapit sa mesa. Pinakikiramdaman ko lang ang gagawin ng sinasabing totoong Dad ko daw, ayon kay Auntie Zeith Kate. Marahan akong umupo paharap rito.

"Jino, Did you recognize me? I-i am your father!" he introduce himself to me. I don't know but I don't feel anything towards him. I don't see anything to hate him, I don't have remembered anything to missed him either.

Gumalaw ang mga kamay nito pahaplos sa mukha ko. Naramdaman ko ang init ng palad nito ,at halos naririnig ko ang umaapaw na saya sa dibdib nito pagkakita sa akin.

Siguro noong una ay inakala nitong kasama lang siya ni Auntie kaya hindi nito agad napag-aksayahang ipagtanong sa kapatid kung sino siya.

Sinulyapan ni Dad si Auntie. Asking her why I didn't answering him.

"It is not just that easy to settled everything kuya." konklusiyon ni Zeith Kate na kinuha ang maliit na sling bag na ipinatong nito sa mesa kanina bago umupo.

"Maybe it's not the right time. Hayaan mo munang ma-absorb ni Jino ang buong katotohanan. Don't rush him into it. It's all your fault after all."

Nanatiling nakatingin lamang ako sa kuya ni Auntie, realizing the emotions filled inside me.

Bakit nga ba wala akong maramdaman para rito as a son?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status