"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" sigaw ko kay Bliz. Pinuntahan ko siya rito sa bahay niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kasama siya sa lahat ng plano, kasama siya sa panloloko sa sarili naming ina. "Bro, ayaw kong masaktan ka at gano'n na rin si mama kaya inaako ko na ang lahat. Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo pero maniwala ka, maraming beses na gustong-gusto ko nang sabihin sa'yo ang lahat. Ayaw kong masira tayong dalawa pero kailangan kong magsakripisyo para hindi masira ang pamilya natin," ani niya. Tama naman ang lahat ng sinabi niya pero hindi pa rin ako mapakali, nakokonsensya ako dahil sa mga nagawa ko sa kaniya. All this time, pinoprotektahan niya lang pala ang pamilya namin. "Sorry," nakayuko kong sabi. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. "Namiss kita, bro. Hindi ko kaya kapag nagagalit ka sa akin, hindi ko kaya. Mahal na mahal kasi kita higit sa lahat." Natutuwa ako dahil kahit papano ay hindi siya nagalit sa akin at handa niya pa rin akong patawarin. Ngay
Terakhir Diperbarui : 2025-07-19 Baca selengkapnya