ANDRIETTE"Keith, pakibilisan naman. Kapag na-late tayo sa flight, mababatukan talaga kitang bata ka." Reklamo ko at sumandal sa nakabukas na pintuan ni Keith. Tamad ko siyang tiningnan habang inaayos niya ang luggage niya. Tsk, napakabagal. "Tapos na, ate. Masiyado kang excited." I rolled my eyes before turning my back on him. "Excited my ass," bulong ko. Bakit naman ako maeexcite? "Ass mo flat." I took a deep breath before glaring at my brother."Pasmado 'yang bunganga mo, ah? Gusto mong masapak?" He just shook his head and laugh. Whatever. Bumungad sa amin ang nakadress na si Mom at ngiting-ngiti. Ugh, ngiti niya pa lang, alam ko ng may plano siya. "Sa airport na raw tayo magkikita ng mga Tito Christopher niyo. Come on, hurry, male-late na tayo." I just shrugged my shoulders and head inside the car. Tamad lamang akong nag-scroll sa social media accounts ko buong biyahe. Tutulog sana ako sa biyahe papuntang airport pero hindi ko na ginawa. Sa plane na lamang ako tutulog mamaya
Read more