All Chapters of CLAWS AND ARROWS UNITED 1:DAECON SINFIELD: Chapter 41 - Chapter 44
44 Chapters
CHAPTER FORTY-ONE
  "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Mula sa ginagawa ay dahan-dahang nag-angat ng paningin si Christine. Binitawan niya ang hawak na kandila at tinitigan si Daecon na bakas sa mukha ang pinaghalong labis na pag-aalala at alinlangan. Pag-aalala para sa kahihinatnan ng gagawin ng High Priestess ng Night Shade at alinlangang baka hindi sila magtagumpay. Paano na si Bianca at si Zoe?  Seryoso ang anyo at deritso ang mga matang tiningnan ni Christine si Daecon bago ibinuka ang bibig para magsalita.  "This is the only way that I know, Daecon. I need to unlink the soul of Princess Shayna from Zoe's body—" Napatigil sa pagsasalita si Christine nang itaas ni Daecon ang mga kamay at tulirong nagpalakad-lakad sa harapan niya at ni Caelan.  "What if we just do the sacri—" "Are you nuts, Sinfield?!" halos dumandong sa loob ng apat na sulok ng library ang boses ni Caelan na siyang nagpatigil sa pinuno ng Frostwood. "And, wh
Read more
CHAPTER FORTY-TWO
 Hindi alam ni Zoe kung anong oras na nang imulat niya ang kanyang mga mata basta ang sigurado lang niya ay madilim na sa labas. Wala na siyang nakikitang liwanag na nakikita mula sa siwang ng nakasarang malaking bintana. Sandali niyang ikinurap-kurap ang mga mata para masanay sa malamlam na liwanag na nagmumula sa nakasinding kandila. Biglang natigilan si Zoe. Kandila? Brown out ba? Nagmamadaling bumangon si Zoe mula sa pagkakahiga sa kamang saka pa lang din niya napansing kakaiba ang desenyo na tiyak niyang pang sinauna. Kulay ang pintura ng headboard at tanging ang may kakapalang tela na tila comforter lamang ag sapin. Walang malambot na kama na kagaya ng nakasanayan niya. Wala sa loob na nahilot niya ang balikat na saka pa lang din niya napansing nananakit. Maging ang likod niya ay masakit din dahil siguro sa higaang may katigasan. Ipinig ni Zoe ang ulo bago inalis ang pansin sa higaan niya. Tumayo siya at kahit ma
Read more
CHAPTER FORTY-THREE
 "Alessia..."Natigilan si Bianca nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. Ang natatandaan lamang niya ay nagising siyang nasa ginta ng walang hanggang kakahuyan. Pamilyar sa kanya ang lugar pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita."Alessia..."Muling narinig ni Bianca ang tinig ngunit hindi niya alam kung saang bahagi ng kakahuyan ito nanggagaling.Luminga sa paligid si Bianca. Sinuyod ng kanyang paningin ang bawat bahaging tanaw ng mga mata niya. Umaasa siyang makikita niya ang babaeng tumatawag sa kanya."Nasaan ka?" pasigaw na tanong ni Bianca ngunit wala siyang nakuhang sagot.Sandaling tumayo sa pagitan ng dalawang matatayog na puno si Bianca at matamang pinagmasdan ang paligid. Talagang pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Alam niyang minsan na siyang nakapunta rito.
Read more
Chapter Forty-four
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi alam ni Daecon kung may oras pa ba siya para mag-isip dahil sa mga sandaling iyon ay nakatulala na lamang siya maging ang katabi niyang si Caelan. Batid niyang maging ang isa sa dalawang founder ng CAU ay nabigla rin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa man tuluyang na-a-absorb ng isipan nila ang tungkol kay Jean pero heto at nakaharap naman sila sa panibagong rebelasyon. Sa harapan kasi nila ay nakatayo si Jean na nasa anyong lobo at balot ang katawan ng malakas na mahikang maging si Christine ay hindi ito magawang labanan. Nasa labas na silang lahat ng ancestral house ng High Priestess ng Night Shade. Nang makawala si Zoe mula sa pagpipigil ni Kathleen ay kaagad nitong tinulungan si Jean kaya mas lalong lumakas ang babae. At ngayon nga ay pareho nang nakalutang ang dalawang vessel ni Princess Shayna habang balot ang mga katawan ng nakakasilaw na liwanag. Ang huling naalala ni Daecon bago sila napunta sa labas ng bahay ay nang may tila kulay
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status