Lahat ng Kabanata ng A Wild Night With Miss Intruder: Kabanata 11 - Kabanata 20
33 Kabanata
Chapter 11
Hindi magkandatuto ang lalaki pagkakita sa kanya, hinablot nito ang kumot at agad na ibinalabal sa harapan nito. Siya naman ay hindi pa rin makaget over sa nakita, first time na mangyari iyon sa buong buhay niya.  Nahamig tuloy niya ang sarili, kakaiba kasi ang epekto ng napanood sa kanyang katawan.  Parang parehas ng nararamdaman niya sa tuwing naaalala niya ang lalaking nakatalik niya noong gabing iyon. Tila bigla siyang kinapos ng hininga at bigla-bigla ang pagragasa ng kakaibang init sa kanyang katawan.  " Anong ginagawa mo dito?! " madiin ang boses na tanong nito pero halatang nahihiya ito sa kanya, hindi kasi ito makatingin sa kanya ng deritso.  " K-Kwan po Sir, a-ano po kasi.. Uhhmmm, p-pinapatawag ka po ni Manang Dorry kasi kakain na daw po ng p-pananghalian. " pautal-utal na sagot niya dito.  " Pwede namang kumatok ka ah, o kaya tawagin mo nalang ako sa labas. " salubong ang kilay na sabi nito sa kanya.  " Eh, ka
Magbasa pa
Chapter 12
Kaybilis ng panahon. Mahigit isang buwan na agad si Alison sa bahay ng mga De Vega.  Nagustuhan na niyang talaga ang trabaho kaya naman tuluyan na niyang iniwan ang kanyang apartment. Napakalaki na ng ipinagbago ni Alexa, naging napakabait at masunurin na rin itong bata.  Tinutulungan din niyang kahit papano magkalapit ang mag-ama pero itong kanyang boss talaga ang may katigasan ng loob.  Mabuti nalang kahit ganon ang pinapakita nito nadadala pa rin si Alexa sa mga paliwanag niya.  Isa pa halos sa kanya na nakadepende ang bata.  Kadalasan nga kapag namamasyal sila sa mall o kaya kahit sa park napapagkamalan silang mag-ina. At kadalasan din na sinasabi ni Alexa na Mommy siya nito, hinahayaan na lamang niya ito dahil alam niyang sabik ito sa isang ina.  Minsan nga natatawag siya nitong Mommy, sinasabihan niya itong mali iyon dahil papano nalang kung marinig iyon nt daddy nito.  Baka malagot siya,  baka sabihin
Magbasa pa
Chapter 13
Napakunot noo si Blade ng marinig ang masasayang tawanan sa may pool. Tinanghali siya ng gising dahil na rin sa medyo naparami ang inom nila ni Felix kagabi buti nalang sunday ngayon wala siyang pasok. Masayang boses ng anak niya ang kanyang naririnig, maging boses ni Felix na animo nakikipaglaro sa kanyang anak.  Pero mas nangunot ang noo niya ng marinig ang masayang halakhak ni Alison.  Agad siyang napapihit ng deriksyon patungo sa pool, sa kusina sana siya patungo para magpatimpla ng kape kay Manang Dorry. Naabutan niyang masayang nagtatampisaw ang tatlo sa pool.  Si Alexa ay tinuturuan ni Felix na lumangoy habang nakaabang naman si Alison dito.  Animo isang masayang pamilya ang nakikita niya sa tatlo. Agad na kumulo ang dugo niya, parang gusto niyang sugurin ang mga ito at sapakin naman si Felix. Lalo na ng tinuturuan ni Felix magfloating si Alexa pero napalubog ang kanyang anak kaya agad na dinaluhan ito ni Alison pero dahil hawak
Magbasa pa
Chapter 14
Agad na nahugot ni Blade ang sandatang nakabaon sa hiyas ni Alison.  Ito naman ay inayos ang sarili. Mabuti nalang nakatalikod siya sa anak kaya naman hindi nito ganap na nasilayan ang kababalaghang ginagawa nila.  Sh*t yan,  sa tindi ng init na kanyang nararamdaman ei nakalimutan na niyang wala nga pala sila sa tamang lugar para gawin iyon. Agad na lumapit si Alison sa kanyang anak at hinalikan ito sa noo.  " Ahh, ano kasi baby napaso si Yaya habang naglalagay ako ng mainit na tubig sa tasa mo kaya ayon tinulungan niya ako. " paliwanag naman nito sa kanyang anak.  " Ah ganon po ba,  okey ka lang po ba Yaya? " nag aalalang tanong nito.  " O-Okey lang naman ako baby, halika na inumin mo na ang milk mo para makabalik na tayo sa pool. " narinig niyang sabi nito. Sh*t, mukhang mabibitin pa yata siya ah.  Tatakasan na yata siya nito.  " Ahm, Alison diba may gagawin ka pa sa kwarto ko? Hayaan mo na munang m
Magbasa pa
Chapter 15
Kabanata 15Kinakabahan pero hindi magawang tumanggi ni Alison sa kapusukan ng amo. Kahit ang namagitan sa kanila kaninang umaga hindi rin niya nagawang suwayin ito. Bagkus nadarang siya at ayon na nga ang nangyari. Nalunod siya sa mga halik at pagpapalasap nito ng kaligayahan sa kanya.  Lalo na ng sambahin nito ang kanyang pagkababae na halos magpawala ng katinuan niya.  Hindi niya lubos maisip na mangyayari ulit ang pagpaparaya niya tulad ng nagawa niya dati.  Nang ipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi niya kilala.  Pero isa pang ipinagtataka niya bakit habang ginagawa iyon sa kanya ng kanyang Sir Blade, ang lalaki ang nasa isip niya pakiramdam niya ay iisa lamang ang mga ito.  Pero napakaimposible namang manyari iyon. Lalo pa at ang tingin niya sa kanyang boss ay hindi papatol kung kanino lamang. Pero bakit siya? Ano nga ba siya? Bakit napakabilis nitong madarang sa kanya at ganon din naman siya. Kalokohan man o isang kabaliwan
Magbasa pa
Chapter 16
Kabanata 16Napatanga si Alison sa tanong ni Blade sa kanya. Tama ba ang pagkakarinig niya, wife agad? Hindi ba pwedeng girlfriend muna? Napakabilis naman nito, pero natawa siya sa sarili. Mabilis pa pala yon ah, ei nakipags*x na nga siya dito kahit wala pang kung ano sa kanila. Yaya siya ng anak nito at Boss naman niya ito,yon lang ang relasyong meron sila pero ipinagkaloob na niya ang sarili dito. Tsaka bakit pa ba siya tatanggi ei gusto din naman talaga niya ang kanyang Boss medyo may kapormalan lang ito noon kaya dobleng ingat siya na hindi nito iyon mahalata. Tsaka napamahal na rin sa kanya si Alexa, itinuturing na niyang tunay niya itong anak kaya bakit pa siya tatanggi. Gayong maaalagaan na niya hanggang sa paglaki nito si Alexa. Isa pa natitiyak niyang hindi ito ang huling beses na may mangyayari sa kanila. Natitiyak niyang maraming beses pa itong magaganap kaya tatanggapin na niya ang nais nito. Kesa naman palaging may mangyayari sa kanila t
Magbasa pa
Chapter 17
Kabanata 17Tamang-tama paglabas nila ni Alexa sa school nito nasa labas na rin si Blade naghihintay sa kanila. Half day lang ang pasok ni Alexa kaya talagang hinihintay na niya ito para hindi na siya mahirapan pa sa pagsundo dito. Kumaway ito sa kanila, malapad ang pagkakangiti habang nakasandal sa kotse nito. Napakagwapo talaga ng lalaki, hindi manlang sumagi sa isipan niya na magugustuhan siya nito. Malayong-malayo sa itsura nito ang ex niya. Hindi naman mahalaga sa kanya ang  panlabas na anyo, bale bunos nalang ang pagiging pogi ni Blade pero ang nagustuhan talaga niya dito ay ang ugali nito. Unang-una masipag, maalalahanin batid kasi niyang hindi man nito pinaparamdam sa anak na mahal nito ito ei palagi naman nitong kinukumusta ang bata. Parati nitong inaalam ang tungkol sa anak nito at isa pa tapat ito kung magmahal. Patunay nalang ang pagmamahal nito sa asawa nito kahit yumao na. Medyo may kirot sa bahagi iyon,pero ano ba ang
Magbasa pa
Chapter 18
" Daddy inaaway po ng mga yan si Mommy! " sumbong ni Alexa sa kanya. " Ano to babe? Sino ba ang mga yan?" tanong din niya kay Alison. " Ahh, sila ang dati kong mga kaworkmate Blade. Kinukumusta lang nila ako." nakangiting sagot nito pero halatang paiwas ito sa pagsagot. " No Daddy, inaaway po nila si Mommy kaya nga po pinagtanggol ko si Mommy ei." nakahalukipkip na sabi ng bata habang nakatingin sa dalawang babae. " Ganon ba baby? Don't worry si Daddy na ang bahala sa kanila ha." sabi niya sa anak. Tsaka hinarap ang dalawa. " So kayo pala ang dahilan kung bakit nagresign ang Mommy ko sa work nya? Abuso na kayo sa trabaho, pati siya inaabuso nyo mapanglamang kayo sa katrabaho nyo. At ngayong wala na siya sa trabaho, nais nyo pa rin siyang abusuhin. Sumusobra na yata kayo, ngayon din ay mag alsa baluta na kayo! Tanggal na kayo sa trabaho!" galit na pahayag niya sa mga ito. " Naku Sir! Wag naman po, kailangan
Magbasa pa
Chapter 19
Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Blade, agad niyang binuhat ang walang malay ng si Alison sa kanyang kotse at dinala sa pinakamalapit na ospital. Halos paliparin niya ang kotse dahil sa matinding pag-aalala sa nobya. Hindi niya alam kung napano ito basta nalang ito nawalan ng malay bago pa man masagot ang tanong niya dito. Agad namang inasikaso  ng Doctor si Alison habang siya ay di mapakali habang hinihintay ang paglabas ng Doctor. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ng kanyang kasintahan at ng Doctor. Dumungaw ang nurse na kasama ng mga ito at sininyasan siyang pumasok na sa loob. Sumunod naman siya dito. Nakangiting humarap sa kanya ang Doctor. " Doc, kumusta na po sya?" nag-aalalang tanong niya sa Doctor. " Okey lang sya Hijo,  wala ka ring dapat ipag-alala sa baby nyo. Ligtas silang pareho." nakangiting sagot nito. Napatulala naman siya dahil sa sinabi nito. Hindi agad si
Magbasa pa
Chapter 20
Kabanata 20Kabanata 20Awang ang labing nakatitig lamang si Alison kay Blade, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Siya? Buntis? Pano na ngayon? Anong gagawin niya? Pano niya ipaliliwanag kay Blade ang kahiya-hiya niyang ginawa. Ang makipag one night stand sa isang lalaking hindi niya kakilala, siguradong lalo lamang siyang kakamuhian ng lalaki." Inuulit ko, sino ang ama ng ipinagbubuntis mo?!" kalakip sa boses nito ang hinanakit." P-Pasensya hindi ko pwedeng sabihin. Pero hindi ko naman binalak na lokohin ka. Hindi ko rin alam na mabubuntis ako, at...at..."" Manahimik ka! Wag ka ng magpaliwanag pa! Kung hindi ko pa natuklasan wala kang balak ipagtapat sakin! Anong balak mo?! Na bilugin ang ulo ko! Na ipaako sa akin ang bata sa sinapupunan mo kahit hindi ako ang ama! Maaari pa siguro kung pinagtapat mo lang sana sa akin! Pero hindi ei, nagawang mong lokohin ako! Sa kabila ng lahat n
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status