Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 31 - Kabanata 40
2505 Kabanata
Kabanata 31
Ikinumpas ni Tanya ang kanyang kamay pagsigaw niya. Isa-isang nagbuhat ng bangko ang mga bodyguard niya at nagsimulang guluhin ang lugar. "Ms. Tanya, itigil niyo yan, please tama na. Pagmamay-ari ito ng Wilson family. Pakiusap maawa ka samin, Ms. Tanya!" Hindi na naglakas-loob na magyabang ang restaurant manager noong makaharap niya ang mga tao mula sa Drake family. Malungkot siyang nakiusap, umaasang titigil sila para sa kapakanan ng Wilson family. "Ang Wilson family?! Hah, wala akong pake kung kaninong pamilya ang negosyong ito. Ganito lang kayo umasta kapag wala ako. Kapag nahuli ko kayong umaasta nang ganito sa harap ko, natural lang na sirain ko ang lugar niyo pag nagalit ako!" Pinagsaklob niya ang kanyang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Buong karangalan siyang nakatayo nang maliitin niya ang mga ito. Kahit na maraming mga tauhan mula sa Wilson family, lahat sila ay yumuko. Walang kahit isa sa kanilang nangahas na gumawa ng ingay. Alam nila ang kapangyarihan ng Dr
Magbasa pa
Kabanata 32
"Imposible. Gusto ng lalaking ito na makipagkamay kay Ms. Tanya? Hindi ba masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya?" "Oo nga. Alam ba niya kung sino si Ms. Tanya? Sampid lang naman siya at siya rin ang dahilan kung bakit pinalayas ng Taylor family ang pamilya ng asawa niya. Nararapat ba siyang makipagkamay kay Ms. Tanya?" Nagsimulang magbulungan ang ilang mga sangganong nakatayo sa likod ng restaurant. Hindi maririnig ng pangkaraniwang tao ang kanilang boses dahil napakahina nito. Subalit, hindi nila alam na malinaw na narinig ni Fane ang lahat ng kanilang sinabi. Hindi sila pinansin ni Fane. Nakangiting tinignan ni Fane si Ms. Tanya. "Walang anuman! Ikinagagalak kong makilala ka, ako si Tanya Drake! Balita ko galing ka rin sa militar, tama ba? Hanga ako sa mga taong gaya mo. Malaki ang pasasalamat ko sa mga ambag mo sa ating bansa! Kung di dahil sa mga taong tulad mo, hindi tayo mananalo ngayon!" Iniabot ni Ms. Tanya ang kanyang kamay at nakipagkamay kay Fane sa h
Magbasa pa
Kabanata 33
Sa huli, pinanood lamang ni Ms. Tanya na umalis sila Fane. "Dapat matuto na kayo. Palalampasin ko kayo sa nangyari ngayon. Pero kapag pinagpatuloy niyo ang panggugulo sa kanila, tatapusin ko kayo. Wala akong pake kung parte kayo ng Wilson family!" Pag-alis ni Fane at ng iba, binalaan sila ni Tanya bago siya umalis kasama ng mga tauhan niya. "Nakakainis si Tanya Drake! Bakit hindi siya dumating nang mas maaga o mas huli? Talagang saktong sakto pa ang dating niya?" "Pwede naman siyang dumating pagkaalis nila Selena. Hindi sana nagulo ang lahat kung ganon!" Sa tindi ng pinsalang ginawa nila Tanya, talagang malaki ang nawala sa kanila. Galit na galit ang matabang manager. Hindi niya alam na sa sandaling iyon, nagdidiwang si Michael sa loob ng kanyang pribadong kwarto. "Magaling, Young Master Taylor. Talagang gumana ang plano mo!" "Namutla ang mukha ni Selena nang marinig niya ang 4,000,000 dolyar. Walang ganun karaming pera si Fane. Pusta ko kahit na 400 libong dolyar wala
Magbasa pa
Kabanata 34
"Talaga?" Nagningning ang mga mata ni Michael nang marinig iyon. Masayang-masaya siya sa kanyang narinig. Inakala niya na isang pagkakataon lang ay mayroon siya. Kahit na isang beses lamang ito, mas mabuti na ito kaysa hindi niya man lang makuha ang kanyang diyosa sa buong buhay niya. Noon, umasa pa siya na walang ibang lalaki sa pamilya ni Selena dahil magiging biyuda siya kapag namatay si Fane. Pagkatapos, hindi magtatagal ay mahuhulog ang loob ni Selena sa kanya dahil sa pagtitiyaga niya at papayag na makasama siya. Hindi niya inasahan na si Fane, na isang sundalo, ay makakabalik nang buhay. Mula noon, pakiramdam niya ay napakalabong magkasama pa sila ni Selena. Kaya nang sabihin sa kanya ni Ivan ang plano niya, hindi niya ito masyadong pinag-isipan at pumayag kaagad siya. Kung sabagay, ilang taon niyang hinintay ang araw na ito. "Syempre totoo yun pero Young Master Wilson, tungkol sa kikitain ng proyekto natin…" Ngumiti si Ivan. Gusto niyang mapalago ang negosyo ng Ta
Magbasa pa
Kabanata 35
"Sa dami niyong yan wala man lang nakapigil sa kanila? Wala bang kahit isa sa inyong lumaban? Tumunganga lang ba kayo at pinanood silang sirain yung lugar?" Galit na galit si Michael nang makita niyang takatunganga lamang ang mga tauhan niya. "Kinuha ko ba kayo para lang sa wala?" "Young Master Wilson, hindi sa hindi kami makapalag o hindi namin sila pinigilan, hindi lang talaga kami nangahas na manlaban!" Hindi alam ng manager kung tatawa ba siya o iiyak. "Hindi si Fane ang may kagagawan nito. Kagagawan ito ng mga tauhan ni Ms. Tanya.""Si Tanya Drake?" Napalunok si Michael nang marinig niya ang pangalang ito. "Ang babaeng iyon. Bakit siya pumunta dito at sinira ang lugar natin?" "Ah, napadaan siya sa restaurant natin, inisip niya na maganda dito, at pumunta siya dito para sana kumain. Matapos niyang malaman ang nangyari, ipinagtanggol niya sila at sinabi niya na hindi namin sila dapat pagbantaan. Pagkatapos nun, ginulo niya ang lugar!""Ang pinakamahalaga ay hinayaan niya
Magbasa pa
Kabanata 36
"Magbabayad ka ng 400 libong dolyar?" Naiinis na tumawa si Fiona nang marinig niya iyon. "Sige lang magpanggap ka. Tingnan mo nga ang sarili mo, duda akong mayroon kang ganon karaming pera." May isa pang pumasok sa isipan niya nang sabihin niya iyon. Pagkatapos ay sinabi niya kay Selena, "Oo nga pala, Selena, nasa construction material industry ang Taylor family. Noon ka pa naninilbihan sa kanila, pero sayang na hindi mo ito magawa ngayon. Hindi ka man lang makahanap ng trabaho. Maraming kompanya ang ayaw kang tanggapin dahil kay Ivan!" "Tama ka. Ah, wala akong magagawa. Sinabi na ni Ivan na tatantanan niya lang ako pag naging basurera ako! Kung hindi, gagawa siya ng gulo kahit saan ako magtrabaho. Kaya walang nangangahas na galitin siya dahil gusto nilang umiwas sa gulo." Napabuntong-hininga si Selena. "Ngayong nakabalik na si Fane, mas makakabuti kung pareho kaming nagtatrabaho!" "Tama. Kahit na mahirap, hindi tayo masyadong magiging miserable ngayon pag nakahanap tayo ng t
Magbasa pa
Kabanata 37
Tungkol doon, napahinto sandali si Fiona at sinabi, "Syempre hindi niya magagawa yun. Kung hindi niya mabibigay yung betrothal gift samin, haha, baka maging si Young Master Wilson o si Young Master Clark pa ang maging manugang ko!" Hinila ni Fane si Selena nang makita niyang makikipagtalo ito kay Fiona. "Kalimutan mo na yun Selena. Tama si Mama. Isa kang pambihirang babae. Hindi kita bibiguin sa kaarawan ni lolo! Asawa kita at walang pwedeng umagaw sa'yo!" Nang makita niya ang mga mata ni Fane na puno ng determinasyon, nawala ang galit ni Selena at napalitan ito ng saya. Nahihiya siyang tumango at sinabi, "Mm-hmm, may tiwala ako sayo. Balita ko na nakapamapanganib ng digmaan at maraming namatay, pero nakaligtas ka sa loob ng limang taon. Siguradong mas magaling ka sa iba." Nangasim ang mukha ni Fiona nang marinig ang matatamis na salitang iyon. Mabilis niyang pinaalalahanan si Selena, "Selena, sinabi ko na sa iyo na huwag kang magpapadala sa pambobola niya. Hindi siya magiging
Magbasa pa
Kabanata 38
Hindi nagtagal, nakatulog si Kylie pagkatapos niyang makinig sa kwento ni Fane. Sa sandaling iyon, nakarating na si Tanya sa tahanan ng Drake family. Pinuntahan niya agad ang kanyang ama. "Kumusta? Nakita mo ba yung lalaking nagngangalang Fane?" Agad na tinanong ni James si Tanya sa sandaling makita niya ito. Nagsalin ng isang baso ng wine si Tanya para sa kanyang sarili. Hinalo niya ito bago inumin. Tapos ay sinabi niya, "Opo, nakita ko siya. Medyo may itsura siya at matipuno din!" Walang masabi si James. "Sinabi ko ba sayong hangaan mo yung mukha niya? Ang sabi ko sayo kaibiganin mo siya. Isipin mo na kunwari nagkaroon ka ng bagong kaibigan. Kahit na hindi siya kasing galing ni God of War Lana, may pagkakatulad sila. Ang mahalaga ay siya at si Lana ay matalik na magkaibigan. Kung magiging kaibigan natin siya parang nakuha na din natin ang kalooban ng God of War." Muling uminom si Tanya. Inilapag niya ang kanyang baso sa mesa at malumanay na sinabi, "Dad, hindi ko maintindihan
Magbasa pa
Kabanata 39
"Ivan, anong problema? Ang aga-aga pa pinatawag mo na kaming lahat dito. May importanteng bagay ka bang sasabihin?" Si Theodore, ang pinuno ng Taylor family, ay naguguluhang nagtanong sa kanyang anak. "May magandang balita ako para sa lahat. Nakatanggap ako ng malaking proyekto ngayon. Ang pinaka importante pa dito, hindi pa tayo nagkaroon ng ganito kalaking proyekto noon. Tantya ko kikita tayo ng di bababa sa 300 milyong dolyar mula sa proyektong ito." Nagmamalaking ngumiti si Ivan nang sabihin niya ito. Naniniwala siya na tutuparin ni Michael ang mga sinabi niya, kaya hindi mapigilan ni Ivan ang matuwa. Habang nanginginig ang kanyang mga kamay, tinipon niya ang lahat at sinabi sa kanila ang tungkol dito. "Magaling, mukhang napakalaki ng proyekto na yan!" "Tama. Napakagaling talaga ni Young Master Ivan. Nakakuha siya ng ganito kalaking proyekto. Bukod pa dun, napakalaki ng kikitain natin!" Namangha ang ilang miyembro ng Taylor family sa ibinalita ni Ivan. "Talaga? Napi
Magbasa pa
Kabanata 40
"Balak mong imbitahan ang mga palaboy na yon? Young Master Ivan, gusto mo lang magyabang, tama ba?" Sa hindi inaasahan, lumapit si Cecilia at ibinunyag ang intensyon ni Ivan. Agad na ipinaliwanag ni Ivan ang kanyang sarili, "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Tingin mo ba ganun klaseng tao ako?" Huminto sandali si Ivan bago nagpatuloy, "Parte pa rin ng Taylor family si Selena. Apo siya ni lolo. Isa itong malaking kaganapan para sa Taylor family. Makakabuti rin para satin na imbitahan siya sa ganito kalaking selebrasyon. Kung hindi natin gagawin yun, baka tawagin tayong maramot ng ibang maimpluwensyang tao kapag hindi natin siya inimbitahan. Tsaka, hindi naman malaki ang mawawala satin kapag nag-imbita tayo ng ilang tao, di ba?" Kuntentong tumango si Old Master Taylor. "Tama, malaki na si Ivan. Mas maayos ka nang mag-isip ngayon. Dapat panatilihin mo ang ganitong pag-iisip kung gusto mong malayo ang marating mo sa buhay! Tsaka, limang taon na ang nakalipas at marami nang nakalimot
Magbasa pa
PREV
123456
...
251
DMCA.com Protection Status