Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 51 - Kabanata 60
2505 Kabanata
Kabanata 51
Sumimangot si Selena nang lumapit siya para magtanong. "Oo nga, may nangyari bang maganda, ama? Ang dami niyong hinandang champagne!" Nagtaka din si Andrew. Hindi niya maintindihan kung bakit nagdiriwang sila sa katanghalian! "Mayroon ngang dapat ipagdiwang. May pipirmahang malaking proyekto si Ivan ngayon. Sabi ni Ivan na maaaring umabot sa 300 milyong dolyar ang kikitain sa proyektong ito! Halos kasing laki na ng kabuuang kita natin yun sa loob ng isang taon!"Ngumiti ang Old Master at nagmamalaking nagsalita. "Totoo yun, sa wakas ay may ginawang maganda ang Ivan na yun. Nakuha niya ang ganun kalaking proyekto!" Tumango si Theodore bago niya iniangat ang kanyang ulo. Tila masaya siya sa ginawa ng kanyang anak. "Hindi nga lang ako sigurado kung kaninong pamilya siya nakipag-usap tungkol sa proyektong 'to." Napasimangot si Selena dahil pakiramdam niya ay hindi kapani-paniwala na may nakuhang ganito kalaking proyekto si Ivan. "Ang mga Wilson ang kausap niya. Pumunta siy
Magbasa pa
Kabanata 52
"Paano nagawa ni Michael yun? Ibig sabihin nagbago lang ang isip niya ng walang dahilan pagkatapos niyong magkasundo kahapon?!" "Tama, napakasama ng ginawa niya. Ang lakas naman ng loob niya na paglaruan ang isang ganun kalaking proyekto?" Nagalit ang lahat ng miyembro ng Taylor family at sinisi nilang lahat si Michael. Nakahinga ng maluwag si Ivan nang mapansin niya na walang naninisi sa kanya. Napasimangot si Fane na nakatayo sa isang tabi. Pakiramdam niya ay hindi ganun kasimple ang nangyari. Hindi madali para kay Fiona na makahanap ng pagkakataon, kaya natural lang na susunggaban niya ito. Agad niyang sinabi, "Hayy, Young Master Ivan, hinintay ng pamilya namin yung mabuting balita mo, alam mo ba yun? Akala namin may makukuha kang proyekto na nagkakahalagang 300 milyon para sa Taylor family. Hindi namin inasahan na mauuwi lang ito sa wala!" Noong sabihin iyon ni Fiona, agad na sumama ang ekspresyon ng mukha ni Ivan. Binalak niyang ipagyabang kanila Fiona ang tagumpay niy
Magbasa pa
Kabanata 53
Ngumiti si Fane. Yung totoo, noong magreretiro na siya sa pagiging sundalo, hindi mabilang ang mga taong palihim na kumausap sa kanya at nag-alok ng malaking halaga. Subalit, tinanggihan niya silang lahat. Dahil dito, imposibleng tanggapin ni Fane ang alok ni Ivan na apat na libong dolyar kada buwan na sahod at maging security guard. Lubhang napakaliit ng halagang ito para sa kanya. "Tama, tama. Ikaw ang boss, malaki ang naging kontribusyon mo sa bansa kaya malamang malaki ang binigay nila sayo, tama ba? Heheh, mukhang hindi ka naman namin dapat alalahanin!" Nang-iinisultong nagsalita si Ivan. Hindi siya pinansin ni Fane at sa halip, ay ibinaling ni Fane ang kanyang atensyon sa nakahandang champagne sa mesa. Pagkatapos ay sinabi niyang, "Old Master Taylor, hindi na ba tayo magdiriwang? Kung hindi pa tayo kakain, lalamig na ang pagkain!" Kumibot ang mga labi ni Old Master Taylor dahil hindi man lang nagdahan-dahan si Fane sa kanyang pananalita. May mga sinasabi siyang mga baga
Magbasa pa
Kabanata 54
Ang unang pag-inom nila ay para sa naging kontribusyon ni Fane sa pagprotekta sa bansa. Ang ikalawa ay pagbibigay basbas sa kasal ni Fane at Selena. Ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi makatanggi si Fane. Bukod dito, mas nakatatanda ang taong iyon. Kapag tinanggihan ni Fane ang alok niya, magmumukha siyang bastos. Kaya naman, ang tanging nagawa lang ni Fane ay ngumiti at tanggapin ang alok ng lalaki. Yun nga lang, hindi inasahan ni Fane na kahit tatlong beses na silang uminom, ay hindi umalis ang lalaki at may dumating pang isa na may dalang mas maraming alak. Hindi mapigilang sumimangot ni Fane dahil parang kakaiba na ang nangyayari. Lagi siyang minamaliit ng mga taong 'to, tapos ngayon gusto nilang makipag-inuman sa kanya? Dahil dito, napansin agad ni Fane na may kakaiba sa kanilang kinikilos at halatang balak nilang lasingin siya. Subalit, kahit na ilang beses pa silang magbalak ng masama sa kanya, hindi niya ito dinamdam. Naging napakalakas ng katawan ni Fane dah
Magbasa pa
Kabanata 55
Noong mapansin niya na tumanggi nang uminom si Fane at umiiling-iling na, palihim na natuwa si Ivan. Kung titingnang maigi, mukhang malapit nang malasing si Fane. Agad niyang sinabi, "Ayos lang yun. Sige na, masaya 'tong araw na 'to at dapat uminom tayong lahat ng tatlong shot!" "Sige ba!" Nagkunwari si Fane na naiipit na siya sa sitwasyon pero dahan-dahan niya pa ring ininom ang lahat ng alak. Sa sandaling ito, lagpas sa sampung baso na ang nainom ni Fane. Pati ang ilang mga elder at si Ivan ay marami na ring nainom at medyo lasing na din. Subalit, inisip nilang lahat na malapit nang malasing si Fane. "Tara, matagal na tayong hindi umiinom ng sama-sama, uminom tayong lahat!" Itinaas ni Ivan ang kanyang baso at niyayang uminom ang lahat ng dumalo sa salo-salo nilang ito. Iniisip ni Ivan na kung iinom ang lahat, hindi makakatanggi si Fane at mapipilitan siyang uminom ng alak. "Sige, uminom tayong lahat. Uminom tayo para sa pag-unlad ng Taylor Group!" Ngumiti si Old Mas
Magbasa pa
Kabanata 56
"Hindi niyo ako kilala? Heheh, sige, aalis na lang ako!" Natulala sandali si Tanya bago siya nagsalita at naghandang umalis. Nakilala siya agad ni Old Master Taylor at agad na nagulat ang matanda. Siya ang anak ng pinakamayamang tao sa Middle Province. Nakakatakot ang kaoangyarihang taglay ng kanyang pamilya. Hindi mabilang ang mga taong nais makipag-ugnayan sa kanilang pamilya. Subalit, tila napakadalang ng ganitong pagkakataon. Ang Taylor family, bilang isang third-class aristocratic family, ay higit na mas desperadong makuha ang loob nila. Yun nga lang, wala silang pagkakataon na gawin iyon. Hindi nila inasahan na biglang susulpot sa harap nila si Tanya. Yun nga lang, nagsalita agad ng hindi maganda ang sarili niyang apo ng hindi man lang iniintindi kung sino ang kausap niya. "Drake-M-Ms. Tanya…" Kinakabahan si Old Master Taylor kaya siya nautal. "Ivan, anong sinasabi mo? Siya si Ms. Tanya. Hindi ka ba hihingi ng paumanhin sa kanya?" Kahit si Theodore ay nagulat at
Magbasa pa
Kabanata 57
Ang mas nakakagulat ay nagtakip ng bibig si Ms. Tanya sa sobrang gulat niya. "Kapag naubos mo ang isang buong bote ng red wine na 'to, mapapatunayan mo na bukal sa loob mo yung paghingi mo ng tawad." ang sabi ni Ms. Tanya. Hindi makapagsalita si Old Master Taylor sa mga oras na iyon. Subalit, dahil nagsalita na si Ms. Tanya, kapag hindi nila ginawa ang gusto niya, lalo lang sasama ang loob ni Ms. Tanya. Kapag nagtanim ng sama ng loob si Tanya sa pamilya nila dahil dito, tila hindi na magagawa ng kanilang Taylor family na palawakin pa ang kanilang impluwensya sa Middle Province. "Ano pang ginagawa mo diyan Ivan? Ipakita mong bukal sa loob mo ang paghingi mo ng tawad!" Nang mapansin niya ang mapait na ekspresyon sa mukha ni Ivan, agad na pinaalalahanan ni Old Master Taylor si Ivan. "Sige, hindi ko intensyon na sumama ang loob mo kanina. Uubusin ko ang laman ng boteng 'to tanda ng paghingi ko ng tawad!" Kinuha ni Ivan ang bote ng red wine at agad na ibinuhos ang laman nito sa
Magbasa pa
Kabanata 58
"Nababaliw na ba siya? Hindi ba't parang pinagbabantaan niya si Ms. Tanya?" "Oo nga, kung hindi yan pagbabanta, ano pala yan? Kung hindi bibigyan ng trabaho ang asawa niya, hindi siya papayag na maging bodyguard nila? Kalokohan, parang si Ms. Tanya pa ang nagmakaawa na pumayag siyang maging bodyguard nila!" "My god, kalokohan 'to. Inalala ni Ms. Tanya yung kontribusyon niya sa bansa at nagmagandang loob na tulungan siya. Dahil dito, gusto ni Ms. Tanya na magtrabaho siya bilang bodyguard ng Drake family. Hindi mabilang ang dami ng taong gustong magtrabaho bilang bodyguard nila, tapos yun pa ang sasabihin niya?!""Heheh, bukod dun, siya pa ang pinagdedesisyon ni Ms. Tanya kung magkano ang gusto niyang sahod. Dun pa lang makikita na nirerespeto siya ni Ms. Tanya!" Nagulat ang mga miyembro ng Taylor family nang marinig nila ang sinabi ni Fane at nagbulung-bulungan."Diyos ko, paano kung magalit sa kanya si Ms. Tanya at ang Drake family? Kapag nangyari yun, sisisihin din nila ang Ta
Magbasa pa
Kabanata 59
Masayang-masaya si Fiona dahil hindi niya inasahan na ganun kalaki ang magiging alok ni Ms. Tanya. Ibig sabihin ba nun, pagkalipas lang ng ilang buwan, makakabili na sila ng mansyon? "Ito ay… Hindi ba't masyado itong malaki?" Naging emosyonal din si Selena at natigilan siya sandali. Noon, pagkatapos siyang palayasin sa Taylor family, nahirapan siyang makahanap ng trabaho. Kahit na gusto niyang kumuha ng agent para makahanap ng trabaho, walang sinuman ang nangahas na kunin siya. Subalit ngayon, binigyan siya ng pagkakataon ni Ms. Tanya. Ang punto dito, mangangahas ba si Ivan na guluhin ang Drake family pagkatapos alukin ni Ms. Tanya ng trabaho si Selena? Napakaimposibleng mangyari nun. Sumimangot si Fane, sa isip-isip niya napakagaling mangalkal ng impormasyon ng Drake family. Dahil malaki ang posibilidad na gusto nilang mapalapit sa kanya dahil inalok nila si Selena ng ganun kagandang trabaho. Kahit na ayaw ni Fane sa pera, basta't masaya at panatag ang kalooban ng kanyan
Magbasa pa
Kabanata 60
"Salamat sa mga papuri mo Ms. Tanya. Ang basong ito ay tanda ng paggalang ko sayo!" Bahagyang nag-aalinlangan si Selena. Sahod na nasa isang milyon kada buwan, napakahirap humanap ng ganun klaseng trabaho. Mukhang hindi rin aabot sa ganung halaga ang sahod ng isang general manager. "Hehe, wala yun! Para sa masayang pagsasama natin!" Hindi nagmataas si Tanya, lumapit diya at nagsalin ng red wine sa kanyang baso, pagkatapos ay idinikit niya ang kanyang baso sa baso ni Selena bago uminom. "Fane, ngayong pumayag na ang asawa mo na magtrabaho para samin, hindi ka pwedeng umatras sa usapan, sabihin mo na kung magkano ang gusto mo." Masayang-masaya si Tanya dahil umaasa siya na kapag nalaman ng tatay niya na nakumbinsi niya si Fane na maging bodyguard nila, ay matutuwa ng husto ang kanyang ama. Pinagpapawisan ang lahat. Dahil bukod sa hindi nagalit si Ms. Tanya sa sinabi ni Fane, mukhang gusto niya talagang maging bodyguard ng Drake family si Fane. Natawa si Fane at sinabing, "M
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
251
DMCA.com Protection Status