All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 41 - Chapter 50
2513 Chapters
Kabanata 41
Pareho silang nalungkot habang bumabyahe papunta sa unang maintenance ng kanyang Audi A6. Ipinagmamalaki ni Victor ang kanyang kotse, pero nahiya siya nang maisip niya ang Ferrari na minamaneho ng kaibigan ni Gerald. Pareho silang naguguluhan sa pangyayari na iyon at naramdaman na kailangan nilang malaman ang katotohanan kung sino ang kaibigan ni Gerald.Pagkatapos nito, habang hinihintay ni Victor ang maintenance ng kanyang kotse sa maintenance shop, bigla siyang nakipag-usap sa boss dahil nais niyang makuha ang paghanga at respeto mula sa mga taong ito na humahanga para sa kanya. Sa oras na ito, ang taong responsable sa maintenance ng sasakyan ni Victor ay nagsalira, "Sir, napakatalino mo para pumili ng isang high-end na Audi bilang personal mo na kotse. Ang mga Audi car namin ay hindi katulad ng alinman sa iba pang mga high-end o mamahaling kotse sa market. Halimbawa, ang isang Ferrari sports car ay pinaparamdam sa mga tao na respetado sila. Ang mga mayayaman lamang ang nag-iin
Read more
Kabanata 42
"Hindi, ang dahilan kung bakit kami nagpasya na imbitahan ka at kausapin ka tungkol dito ay dahil sinabi ni Alice na dalhin ka sa selebrasyon!" Agad na sinabi ni Harper kay Charlie. "Ha?" Nagulat si Gerald. Hindi maipaliwanag ang pangyayari na ito. Hindi ba laging naiinis si Alice tuwing nakikita si Gerald? Bakit siya mismo ang mag-yayaya kay Gerald na sumama sa isang selebrasyon?Sa totoo lang, nakainom na si Gerald at kumain ng maraming pagkain sa banquet kaninang tanghali, kaya hindi pa siya nagugutom. Sa katunayan, pagod na pagod na siya dahil sa nakipag-usap siya sa mga negosyante kanina. Wala talaga siyang ganang pumunta.At saka, dahil ito ay isang simpleng pagtitipon lamang, gusto talaga ni Gerald na maghanda para sa kanyang driving test.Siguro ito ang kalooban ng Diyos. Pagkatapos ng lahat, ang karamihan sa mga second generation rich kids ay palaging nasa mga pagtitipon para makisalamuha sa isa't-isa. Kahit na hindi niya pa pinapaalam ang kanyang tunay na pagkatao, l
Read more
Kabanata 43
Sobrang hindi mapalagay ni Gerald nang marinig niya ang balitang ito. Malinaw na siya ang nag-resolba sa bagay na tinutukoy ni Alice. Sa totoo lang, ayaw ni Gerald na may kinalaman siya kay Alice. Bukod pa dito, ang tanging dahilan kung bakit siya nagpasya na tumulong na lutasin ang problema sa gabing iyon ay para kay Naomi.Gayunpaman, sa sandaling ito, nagkamali si Alice na si Quinton ang tumulong sa kanya na malutas ang bagay na ito. Naramdaman din niya na ang Quinton ay napakagaling at iyon ang dahilan kung bakit siya nag desisyon na maging boyfriend si Quinton. Si Alice ay isang napakagandang babae at hindi pa siya nagmamahal dati. Siya ay isang tunay na diyosa.Nagsisinungaling si Gerald kung sasabihin niyang hindi siya nabihag sa hitsura ni Alice. Dapat ba siyang maghanap ng isang pagkakataon para sabihin ang totoo kay Alice? Kahit na hindi magpasalamat si Alice sa kanya, kahit papaano ay malalaman niya ang totoo at hindi siya makikipag-relasyon sa isang tao dahil lamang
Read more
Kabanata 44
Hindi kaya nagkamali ang pagkakaintindi ng mga tao noong sinubukan niyang landiin sila Elena at ang iba pang mga batang babae? Kasabay nito, naramdaman ni Gerald na medyo weird ang nararamdaman. Nagtataka siya kung ano ang magiging reaksyon nila Alice at Jacelyn kung alam nila na ang batang boss na pinag-uusapan nila ay siya…“Alice! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito ka? " Habang sabik na tinatalakay ng lahat ang restaurant, si Quinton, na nakabihis ng pormal na kasuotan, ay lumakad kasama si Harold sa tabi niya. Lalong naging gwapo si Quinton ngayon. Ang gwapo talaga niya sa harap ng grupo ng mga dalaga!"Nakita kong abala ka sa pakikisalamuha at pag-aliw sa mga customer mo ... pagod ka na ba?" Ngumiti si Alice habang nagsasalita ng mahinhin. Hindi pa siya nagkaroon ng relasyon noon at hindi siya ang uri ng babae na kumikilos ng maayos sa harap ng mga tao, na kung paano kumikilos ang kanyang roommate na si Jacelyn. Kaya nagsasalita siya sa mahinhin at nahihiyang p
Read more
Kabanata 45
Malanding nakahawak si Xavia sa braso ni Yuri. Nagulat siya habang nakatingin kayla Gerald, Naomi, at iba pa. Hindi niya inaasahan na makakaya rin nilang dumalo sa isang high-end na okasyon.Napatingin si Gerald kay Xavia at nakita niyang nakadamit ito ng silver at gold. Pagkatapos nito, biglang naisip ni Gerald ang singsing na brilyante na binili ni Yuri para kay Xavia noon. Siguro binili niya ang lahat ng mga item na ito para maisusuot ni Xavia sa opening ceremony ng Grand Marshall Restaurant ngayong gabi. Sobrang nagmamalaki si Xavia sa oras na ito. Hindi naiwasan ni Gerald na mapaisip sa kanyang sarili, 'Siguro talagang in love sila Xavia at Yuri.'Siguro ginamit lang talaga siya ni Xavia para maibsan ang inip na nararamdaman ng babaeng ito noon. Habang iniisip niya ito, naramdaman niyang nakakatawa talaga siya. Natatawa siya na nag-aalala siya para kay Xavia kagabi. Hindi na niya kailangang magalala para kay Xavia kahit kailan! "Brother Quinton, hindi ko inaasahan na
Read more
Kabanata 46
Sabagay, si Alice ang nagdala sa kanya dito at kung magpapatuloy si Xavia sa pangungutya kay Gerald, talagang mapapahiya siya sa kanya. Ayon nga naman sa isang kasabihan, ang may-ari lamang ang dapat manakit sa kanilang sariling aso, tama ba? "Halika, umupo ka dito. Dahil sila Yuri at Xavia ay mula rin sa iisang university, dapat lang na kayong lahat ay magkasama! ”Dinala ni Quinton si Gerald at ang lahat ng kasama nila sa isang malaking mesa. Pagkatapos, isa-isa niyang inatasan sila sa kanilang mga upuan. Si Yuri at Xavia ay hindi tinanggihan na sumamang umupo sa tabi nila sapagkat kung umupo sila sa tabi ng kanilang mga kaklase, malamang ay magpakitang gilas si Xavia! Gayunpaman, sa sandaling dumating sila Yuri at Xavia, ang mesa na maaaring tumanggap lamang ng fifteen na tao ay biglang naging masikip. Ang anim na kasama dito ay mula sa dormitory ni Alice, lima sa dormitoryo ni Harper, at si Naomi ay bubuo sa kabuuan ng twelve na katao. Sa oras na ito, si Xavia, Yuri, at Quin
Read more
Kabanata 47
"Oh my god. Siya nga talaga si Mr. Crawford. ”Nakilala ng ibang mga binata at dalaga si Gerald sa isang tingin lamang. Lahat ng mga tao ay nalilito sa oras na ito. "Mr. Crawford? Ano pinagsasabi mo Brother Aiden! Malinaw naman na pulubi iyon. Sigurado ka ba…" Sampal!Ang binata na nakasuot ng puti ay walang iba kundi si Aiden. Nang makita niya ang mga binata na tumatawag kay Gerald na pulubi, agad niya itong sampal sa mukha. "G*go! Sinong tinatawag mong pulubi? Ayaw mo na bang mabuhay?" Tinakpan ng binata ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay ng may nahihirapan na ekspresyon sa kanyang mukha. "Dahil nandito si Mr. Crawford, dapat ba tayong pumunta at kamustahin siya, Brother Aiden?"Marami sa mga kabataang lalaki ang nagsalita. Si Gerald ay isa sa mga big boss na nasa likod ng buong Mayberry Commercial Street at ang lakas ng pamilyang Crawford ay higit na hindi maisip. Sinuman ang maaaring maging kaibigan si Gerald ay tiyak na tataas sa langit at ang taong iyon ay h
Read more
Kabanata 48
Sa katunayan, sina Xavia, Yuri, Alice, at lahat pa ay nagulat rin sa sandaling ito. Malinaw na narinig Nila kung sino ang mga kabataang nakaupo sa mesang iyon, ngunit hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makilala sila. Laking gulat nila nang yayain talaga ng mga taong iyon si Gerald na umupo sa kanila. Sa oras na ito, nagulat din si Gerald na nandito sina Aiden, Elena at ang kanilang mga kaibigan sa opening ceremony ngayong gabi. Hindi niya binigyang pansin ang lahat ng iba pang mga bisita kanina. Gayunpaman, bigla niyang narinig ang kanilang imbitasyon sa kanya ngayon.Napaisip si Gerald sa kanyang sarili at alam niya na kung lalabas siya ng banquet hall ngayon, siguradong maiisip ng lahat na talagang pumunta siya rito para humingi ng pagkain! Samakatuwid, naramdaman niya na mas makakabuti para sa kanya na tanggapin ang paanyaya at naglakad siya para umupo kasama si Aiden at ang mga kabataan nito. Kahit papaano ay magagawa niyang maliitin ang mga tumingin sa kanya ng ilang sandal
Read more
Kabanata 49
"Anong plano?" Hindi mapigilan ni Gerald na magtanong dahil gusto niyang malaman kung ano ito. Nang lumapit si Quinton upang kausapin si Aiden kanina, napansin din ni Gerald na kahit na magalang si Quinton kay Aiden sa ibabaw, halata na wala silang magandang relasyon. Si Quinton ay nagpapanggap na magalang lanang at umatras dahil sa kapangyarihan ng pamilyang Baker. “Hahaha. Panoorin mo ang video na ito!"Pagkatapos nito, inilabas ni Aiden ang kanyang cellphone bago niya ipinakita kay Gerald ang isang video. Ito ay isang video sa isang malaking kwarto. Sa oras na ito, naglalakad si Quinton sa kwarto kasama ang isang walang malay na babae. Ang babaeng ito ay mukhang thirty years old na ang edad at napakaganda niya. Hindi na kailangang idetalye ang mga sumunod na nangyari.Sa kasamaang palad, ang video ay tatlong minuto lamang ang haba at tapos na agad si Quinton.Kahit si Gerald ay medyo nakaramdam ng kahihiyan matapos mapanood ang video."Bakit mo siya gustong sirain? Hin
Read more
Kabanata 50
"Ganun pala. Ang cool talaga ni Quinton! Ang pinakamahusay na paraan ligawan ang isang babae ay ang ipagmalaki siya!" Ang lahat ng tao ay hindi mapigilang mainggit nang marinig nila si Alice na pinag-uusapan ang tungkol sa relasyon nila ni Quinton. Hindi naging komportable si Gerald sa oras na ito. “Ang couple na ito ay talagang larawan ng kaligayahan! Sisimulan na natin sa Grand Marshall Restaurant ang ribbon cutting ceremony. Susunod, ipapakita ko sa inyo ang mga mensahe mula sa chairman at CEO mula sa iba't-ibang parte ng mundo. Paki-tingnan natin lahat ang malaking screen!"Napakasigla ng host at mabilis niyang binago ang paksa para makatipid ng oras. Agad namang diniliman ang mga ilaw. Nakatingin si Alice kay Gerald na may ngiti sa kanyang labi habang nakangiti din si Gerald sa kanya. Sa katunayan, naramdaman ni Alice na ang ngiti sa mukha ni Gerald ay isang mapait na ngiti lamang. Hahaha! Siguro namamatay na siya sa inggit! Gayunpaman, nang mag-play ang video, bigl
Read more
PREV
1
...
34567
...
252
DMCA.com Protection Status