All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 91 - Chapter 100
2479 Chapters
Kabanata 91
"Ihahatid kita pauwi." "..." Nabigla si Madeline. Habang sk Meredith naman ay nagulat at nagsimula siyang makiusap nang may landi. "Pero nangako ka na sasamahan mo ako magshopping Jeremy." "Pwede mo muna akong hintayin dito." Lumapit si Jeremy kay Madeline nang hindi man lang sinisipat si Meredith. "Tara na." "Ayos lang. Kaya ko nang umuwi mag-isa." Mabilis itong tinanggihan ni Madeline. Wala siyang ideya kung anong balak ni Jeremy, pero di niya gusto ang pakiramdam niya dito. "May iba ka bang gustong maghatid sayo, bukod pa sa asawa mo? Siguro isa ding Mr. Whitman?" Bumaon sa kanya ang titig ni Jeremy, umabot sa kanya ang mga salitang hindi nasabi. Dahil ayaw na niyang pumalag, tumigil si Madeline sa pagtanggi at hinayaan na lang si Jeremy na ihatid siya pauwi. Hindi mapigilan ni Madeline ang ligaya na naramdaman niya nang lumingon siya kay Meredith at nakita niyang sasabog na ang matatambok nitong pisngi. Ginamit ni Jeremy ang paghatid sa kanya pauwi bilang oportunida
Read more
Kabanata 92
Naramdaman ni Madeline na kaagad na kumalma ang puso niya at nawala na ang init, lumamig ang dugo niya sa kanyang mga ugat. Haha. Ang isipin na inakala niya talagang nagseselos ito. Kalokohan. Kahit na sadyang nagiging mahigpit lang ito at pinapakitang dominante siya. Isa lamang siyang kasangkapan sa dula nito. Malungkot na ngumiti si Madeline, nang maramdaman niya na palapit si Jeremy mula sa likod. "Iiwan ko na sa iyo ang asasa ko, Uncle Felipe. Salamat sa pagbabantay sa kanya," Pinasalamatan nito si Felipe. Maginoong ngumiti si Felipe. "Syempre." … Kahit na di bumili ng scarf si Madeline, bumili siya ng band-aid para takpan ang pulang bakas na iniwan sa kanya ni Jeremy. Umupo siya at nagsimulang magtrabaho. Di nagtagal, nagsimula siyang makatanggap ng mga galit na mensahe mula sa ilang mga di kilalang numero. Lahat ito ay inaaway siya sa kung gaano daw kakapal ang mukha niya na akitin si Jeremy. Napakadali na hulaan kung sino ang may pakana nito dahil walang iba
Read more
Kabanata 93
Aroganteng tumingala si Madeline para tingnan si Madeline. Malamang ang galit niya ay dulot ng kahihiyan mula sa ginawa ni Jeremy nitong hapon. Bahagyang humagikhik si Madeline. "Eh bakit ka nagagalit kung sigurado kang naglalaro lang siya nung hinalikan niya ako? Bakit ka pa gagastos ng malaking pera para lang utusan ang ibang tao na padalhan ako ng mga mensaheng yun?" "Ikaw…" Namuo ang mga salita sa lalamunan ni Meredith, at di na niya ito masabi. Napagtanto ito ni Madeline. "Yan ang dahilan bakit mo ako pinatawag sa mga utusan ng Whitman? Para saan at pinapunta mo ako dito?" "Importanteng bagay malamang." Naging malagim ang ngiti ni Meredith nag bigla niyang hablutin ang braso ni Madeline, at mabagsik ang mga mata niya. "Bakit di ka na lang lumayo Madeline? Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na akin lang si Jeremy? Alam mo na dapat ngayon kung anong mangyayari kapag inagaw mo ang lalaki ko. "Nakalimutan mo na ba kung bakit ka nabilanggo? Nakalimutan mo na ba kung
Read more
Kabanata 94
Bumangga ang sikmura ni Madeline sa kanto ng lamesa nang bumagsak siya s sahig at nangatog nang may tumusok na sakit sa kanya at kumalat ang pabugso-bugsong sakit sa kanyang katawan. Habang nahihirapang makatayo, sinampal siya ulit ni Mrs. Whitman bago pa niy maibalanse ang kanyang sarili. "Napakasama mong babae ka! Gagawin kong impyerno ang buhay mo kapag may nangyari sa apo ko!" Galit na babala ni Mrs. Whitman, bago muling itulak si Madeline. Habang nanghihina, bumagsak ulit si Madeline sa sahig nang itulak siya ni Mrs. Whitman. Sa pagkakataong ito ang ulo niya ang tumama sa lamesa. Nahiwaan ang noo niya sa lakas ng pakakatama at nagsimulang tumagas ang dugo mula sa kanyang sugat. Nagsisulpot ang mga itim na tuldok sa kanyang paningin nang magpanting ang kanyang isipan. "Ang sakit sa puso Jeremy! Bakit kailangan na lang palagi akong atakihin ni Madeline?" Nagsimulang humagulhol at magreklamo si Meredith. Dumaan muli kay Madeline ang nagbabanta at nakakatakot na titig ni Jer
Read more
Kabanata 95
Habang nahihirapang humakbang, tumalikod siya para umalis at bigla niyang narinig ang boses ni Jeremy mula sa likod. "Isang babae ang nagbigay ng dugo sa anak ko? Sino?" "Huh? Oh, ayun oh." Nang marinig ang tugon ng nars, nagtago si Madeline sa emergency exit. Natatakot siya na baka mandiri si Jeremy kapag nalaman niya na dugo niya iyon, pero dapat mauna ang kaligtasan no Jackson. Nagtago sa sulok si Madeline, habang nakatikom ang panga at nakayuko nang makita niyang dumaan ang anino ni Jeremy sa harapan niya. Sumakit ang buong katawan niya at nilamig siya dahil sa pagsasalin niya ng dugo. Pagbaluktot niya sa sulok, pinanood niyang umalis at maglaho ang anino ni Jeremy sa kanyang paningin, nang mawawala na ang malay ni Madeline. Kinabukasan na nang siya ay magising. Namumulikat ang kanyang binti dahil sa kanyang posisyon nang tumayo siya habang nakakapit sa pader. Nandoon pa rin ang sakit ng kanyang katawan at humapdi ang sugat sa kanyang noo. Habang nakakapit siya sa p
Read more
Kabanata 96
Kumapit si Meredith sa braso ni Jeremy sa takot, malinaw na nagpapakabiktima. Nagawa na niya ang taktika na yun koon ngunit kahit ganon, naniwala pa rin ito nang walang pagdududa. Nangungutyang tumitig ang lahat kay Madeline. Matagal nang nasanay si Madeline sa mga ganitong tingin, pero di pa rin siya masanay sa makakapatay at malamig na titig ni Jeremy sa kanya. Sa kanyang isipan, iyon ay isang mukhang minahal niya nang lubusan. Subalit, wala na ang hinhin na mayroon ito noon. Sa sadaling ito, habang hawak ni Jeremy si Merefith, ang kanyang malamig at parang patalim na mata ay tumagos kay Madeline. "Ma. De. Line!" Nagngitngitan ang kanyang mga ngipin nang bigkasin niya ang tatlong pantig na iyon, bawat isa ay may matinding pwersa! Nakaramdam si Madeline ng lamig mula sa talampakan niya papunta sa buong katawan niya. Katakot-takot ito. Si Meredith ay kasalukuyang nakasandal sa braso ni Jeremy at walang-tigil na umiiyak. "Jeremy, bakit ba ganito kasama si Madeline? Sinabi
Read more
Kabanata 97
Napilitang manahimik si Madeline. Sumulyap siya sa labas ng bintana. Maulap ang langit at parang uulan. Nang makitang mukhang pamilyar ang kalsada, unti-unting nanikip ang mga ugat ni Madeline. Huminto ang kotse. Lumabas si Jeremy ng kotse habang si Madeline ay kinaladkad palabas. Pagtingin sa paligid, nanlaki ang mga mata ni Madeline at hindi siya makapaniwala. "Jeremy, bakit mo ako dinala dito!" Tanong niya habang nakaharap sa likod ni Jeremy, ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Kinaladkad si Madeline sa libingan kung nasaan ang kayang lolo at namatay na anak. Wala na siyang lakas para tumayo, at itinulak siya ng bodyguard papunta sa libingan. Bumagsak si Madeline sa sahig, hawak kung nasaan ang tumor. Huminga siya nang malalim, tiniis ang sakit, at tumingin sa taas. Nakatayo si Jeremy sa harap niya, matikas at malamig, ang aura nito ay di natitinag at walang-puso. "Bakit dito?" Tanong ni Madeline hbang nagningitngitan ang kanyang ngipin, unti-unting lumalabo ang
Read more
Kabanata 98
Bumigay si Madeline sa isang iglap na parang manika na walang kwerdas, nawalan ng malay. Tila ba dumilim bigla ang kanyang mundo at kinain ng matinding sakit na parang nababalatan siya ang kanyang buong kamalayan. "Hindi!" Nagmadali siyang sumugod sa abo na unti-unting natatangay ng nyebe at ulan. Nagdadalamhating umiyak si Madeline, ang kanyang nanginginig na kamay ay matinding gumagasgas sa sahig habang sinusubukan niyang tipunin ang natitirang abo. Subalit, unti-unting naging pula ang abo mula sa dugo na tumutulo sa kanyang palad, at sumama ito sa ulan at niyebe. Nang ganon lang, ang natatangi niyang pag-asa ay tuluyang naglaho. Miserable siyang umiyak at tumawa, ngunit ang kanyang mapula at basang mata ay tumitig kay Jeremy. Hindi na niya ito makilala. Hindi, hindi niya kailanman ito nakilala. Nagngalit ang kanyang mga ngipin at tumingin siya sa di natitinag na lalaki, napakatulis ng kanyang mga mata. "Jeremy, pagsisisihan mo ito!" Nang makita ang may poot n
Read more
Kabanata 99
Nang marinig ang bawat salitang nagmula sa labi ni Madeline, kumunot ang noo ni Jeremy, biglang nagulo ang tibok ng puso niya. "Jeremy, kapag dk mo pa ako pinatay ngayon. Sisiguraduhin kong papatayin kita at ipaghihiganti ko ang anak ko." Mas matatag na ang malinaw niyang mata gaya ng dati. Walang-pakeng ngumiti si Jeremy. "Maghihintay ako." Tumayo siya nang sinabi niya ito at basta na lang umalis. Matapos panuorin na unti-unting naglalaho ang itim na anino sa kanyang paningin, sa isang iglap ay parang nawalan ng lakas at dugo si Madeline nang lupaypay siyang sumandal sa baul ng kanyang lolo. Muling tumulo ang maiinit na luha ngunit ang puso niya ay namanhid na sa sakit. Subalit, hindi pa ito tapos dahil biglang lumitaw si Meredith. May hawak na kutsilyo si Meredith nang makita niya si Madeline na nakahiga sa sahig habang hawak ang baul. Lumapit si Meredith kay Madeline at yumuko, lumapit para hilahin ang maikli niyng buhok. "Tsk tsk, sinabi ko na sayo na huwag kang
Read more
Kabanata 100
Nang sabihin iyon ni Madeline, ang mga ekspresyon ng kanyang mga katrabaho, maging si Elizabeth, ay nagbago. Nakatingin sila kay Madeline na parang nakatingin sila sa isang kakaibang bagay. "Itong babaeng to, masyado ka namang marahas!" Mapanghamak na sinabi ng ilang mga babaeng katrabaho niya. "Anong klaseng kamalasan ba ang mayroon si Meredith para makatagpo ng ganitong baliw. Lagi siyang pinag-iinitan nito kahit saan." "Totoo. Di mo lamang inagaw ang kasintahan ng iba, inabala mo pa si Meredith, sinabi mo pa na gusto mo siyang patayin. Ang lala talaga niyan!" "Dapat lumayo tayo sa kanya, para kapag nabaliw siya di niya tayo madamay." Tahimik na nakaupo si Madeline sa kanyang upuan, nakikinig sa mga salitang sinasabi sa kanya. Hindi siya nagsalita at tumayo lamang. Nang makita siyang gumalaw, ang mga babaeng katrabaho niya na kanina pa nagsasabi ng mga katotohanan at kasinungalingan tungkol sa kanya ay nagmadaling tumakbo, sa takot na baka kung ano ang gawin sa kanila n
Read more
PREV
1
...
89101112
...
248
DMCA.com Protection Status