Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 81 - Kabanata 90
2479 Kabanata
Kabanata 81
Sumama na ang loob ni Madeline. Paano siya makakaramdam ng pagsisisi? Kahit na magawa niya pa, huli na ang lahat. … Unti-unting nasanay si Madeline sa kanyang pinagtatrabahuan. Palakaibigan ang kanyang mga katrabaho at pinag-uusapan nila ang tungkol sa isang pagdiriwang para kay Madeline habang tanghalian. Nang tanghalian na, nag-uusap ang lahat na gusto nilang kumain nang lumapit ang department manager na si Elizabeth Snow. Maganda at bata pa si Elizabeth Snow. Maestilo din ang kanyang kasuotan. Paglapit niya, pinagsaklob niya ang kanyang kamay at seryosong sinabi. "Nakatanggap tayo ng isang napakahalagang proyekto. Ang kasalukuyang pausbong na influencer na si Lolly Tate ay ikakasal na sa kanyang kasintahan. Pumunta sila kina Mr. Whitman at nakiusap sa amin na magdisenyo ng isang pares ng couple rings, isang kwintas, at isang pulseras para sa kanila. Naglagay sila ng sampung milyong dolyar na customization fee. Kung makukuha natin ang deal na ito, makakakuha ang department
Magbasa pa
Kabanata 82
Hinawakan ni Madeline ang kanyang masakit na kanang pisngi. Naguguluhan siya. "Madeline, napakasama mong babae! Bruha ka!" Sigaw ni Eloise nang ituro niya ang ilong ni Madeline. Hindi maunawaan ni Madeline kung bakit ang sama ng pakiramdam niya nang makita niya ang tumatagos na titig ni Eloise. *Mrs. Montgomery, bakit mo ako sinampal?" Sinubukan ni Madeline na manatiling kalma ngunit ang lakas ng tibok ng puso niya. "May kapal ka pa ng mukha na tanungin ako kung bakit?" Galit na tinuro ni Eloise si Madeline. "Dinakip mo ang apo ko kasama ang isang tao at inapi mo ang pinakamamahal kong anak na si Meredith! Ngayon pinapakampi mo pa sa iyo ang isa pang lalaki. Pinadalhan niya si Mer ng isang sulat mula sa abogado at sinabing sinadya niya daw na buhusan ng mainit na kape ang isang tao!" Nang sabihin niya ito, galit niyang ibinato ang sulat sa mukha ni Madeline. "Madeline, isa kang napakasamang babae! Salamat sa Diyos at maagang namatay ang magulang mo. Kung hindi, mamamatay si
Magbasa pa
Kabanata 83
Nagtataka si Madeline kung may Multiple Personality Disorder ba si Elizabeth. Pabago-bago ang trato sa kanya nito. Sa sandaling ito, isang matangkad at mapayat na tao ang lumitaw sa pinto. Lumiwanag ang mga mata ni Elizabeth. "Mr. Whitman, bakit ka naparito?" Nagbago ang ugali niya. Napakahinhin na niya ngayon. Nang marinig ito ng ibang mga empleyado, inipalag nila ang kanilang mga bag at magalang na ngumiti kay Felipe. "Mr. Whitman." Nakabalik na sa ulirat si Madeline. Subalit, tapos na ang lahat na batiin ito. Magmumukhang gusto niyang magpasikat kung babatiin niya ito ngayon. Kaya tumango na lamang siya at nginitian si Felipe. Nginitian ni Felipe si Madeline bago pumasok. Mukha siyang maringal. Napakagwapo at elegante niya. "Maraming salamat sa pagtitiyaga niyong lahat. Good luck sa bago niyong proyekto," mahinhin niyang sinabi. Tinignan ni Elizabeth ang kanyang mga katrabaho at kaagad naunawaan ng lahat ang ibig-sabihin niya. "Maraming salamat sa iyong pag-aalala Mr
Magbasa pa
Kabanata 84
Nang makita nito si Felipe na nakatayo kasama si Madeline, kaagad na nagkaroon ng lamig sa mga mata ni Jeremy. Tumingala siya upang tumingin at naramdaman ni Madeline na lumaktaw ang tibok ng kanyang puso. Kahit na hindi ito ang lalaking minahal niya, sinasabi pa rin sa kanya ng katawan niya na hindi pa rin siya makaalis sa anino nito. "Jeremy?" Lumabas ng elevator sa gulat si Felipe. "Nandito ka ba para sunduin si Maddie?" "Wala ka nang pake dun." Galit ang tono ni Jeremy. Tumingin siya sa mukha ni Madeline. "Bakit mo ako binabaan ng linya?" "Ikaw pala yung tumawag kay Maddie kanina lang?" Natatawang sinabi ni Felipe. "Biro pa ni Maddie na scam caller daw yun at ibinaba ang linya. Nag-away ba kayong dalawa?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, nakita ni Madeline na nagdilim ang mukha ni Jeremy. Tinitigan siya nito. "Ano pang hinihintay mo? Tara na." Sinabi ni Jeremy at hinablot niya ang kamay ni Madeline. Taglamig na at napakalamig. Subalit nararamdaman ni Madeline na na
Magbasa pa
Kabanata 85
Nang makita ni Meredith si Jeremy at Madeline na magkasamang pumasok, galit na galit siya na nakatikom na ang kanyang mga kamao. May poot sa kanyang mga mata pero wala siyang magawa dito. Subalit nang makita niya si Felipe, gulat na gulat siya! Ang lalaking ito ang tito ni Jeremy! Nakaramdam siya ng labis na pagkabahala. Hindi niya inasahan na ang tito ni Jeremy ang magtatanggol kay Madeline noong raw na iyon. Atsaka, binigyan pa siya ng lalaking ito ng sulat mula sa isang abogado para kasuhan siya! Kabado siyang tumingin kay Felipe. Tumayo siya sa isang tabi at nagpanggap na walang nangyari. Nakita din ni Felipe si Meredith. Kalmado niyang inialis ang kantang tingin. Hinili ni Jeremy si Madeline sa tabi nito. Sa kabilang banda, umupo si Meredith sa kabilang tabi ni Jeremy. Sa sandaling umupo siya, nagsalin siya ng wine at kumuha ng pagkain para kay Jeremy na parang isang perpektong asawa. Pakiramdam ni Madeline na masakit siya sa mata. Lahat ng klaseng pagkain ay nasa
Magbasa pa
Kabanata 86
Hindi handa si Madeline. Iniunat niya ang kanyang kamay para kumuha ng mga tisyu para punasan ang dugo. Hindi niya alam kung bakit siya sumuka ng dugo, pero hindi niya hahayaang makita ito ni Jeremy. "Madeline! Wala akong pakialam kung ayaw mong kumain, pero bakit mo dinumihan ang pagkain na hinanda ko?" Hindi napansin ni Mrs. Whitman na mayroong dugo sa sinukang curry ni Madeline. Tinuro niya si Madeline at nangagalaiting tumili. "Sabihin mo muna sa'kin bago ka pumunta rito sa susunod para lalayo ako sa'yo! Ayaw na kitang makita kahit na kailan!" "Huwag kang magalit, Mrs. Whitman." Kaagad na lumapit si Meredith para pakalmahin siya. Subalit, hindi niya nakalimutang lingunin si Madeline at ngumisi sa kanya. Malinaw na nakita niya na sumusuka ng dugo si Madeline. Alam na alam niya na hindi na maaaring operahan ang tumor ni Madeline. Iikli na ang kanyang buhay kapag kumain siya ng bawal na pagkain para sa kanya. Kapag namatay si Madeline, mapupunta na sa kanya ang pagkakata
Magbasa pa
Kabanata 87
Napakalamig ng panahon. Sa sobrang lamig agad na nagyelo ang puso ni Madeline. Subalit, umaasa siya na sana mas lumamig pa. Mas maganda kung sa sobrang lamig ay mamanhid na ang kanyang buong katawan. Para hindi niya siya makaramdam ng sakit kailanman, sa katawan man o maski sa kanyang puso. Nakita ni Jeremy na hindi man lang nanlalaban si Madeline. Kaya tumigil siya sa ginagawa niya at hinila si Madeline habang nanginginig ito. Nakita niya na kasing puti ng niyebe ang kanyang mukha at walang kahit na anong kulay dito. Mukha siyang isang manyika na tinanggalan ng dugo mula sa katawan nito. Ang natitira na lang ay ang panlabas nito. Biglang nakaramdam ng takot si Jeremy. "Madeline, Madeline…" Tinatawag niya ang kanyang pangalan pero hindi siya sumasagot. "Madeline, 'wag kang magpanggap na patay! Ang sabi ko magsalita ka!" Napakabilis ng tibok ng puso ni Jeremy na pakiramdam niya ay sasabog siya. Bumalot sa kanya ang isang takot na kahit kailanman ay hindi pa niya naramdam
Magbasa pa
Kabanata 88
Pagkatapos niyang sabihin ito, pakiramdam niya ay para bang nagyelo ang hangin sa paligid nila. Tumayo si Jeremy sa ibabaw ng babae. "Anong sabi mo? Ulitin mo ang sinabi mo." "Mag-divorce na tayo." Ulit ni Madeline nang walang pag-aalinlangan. Malinaw ang tatlong salita na iyon. Nanahimik muli ang paligid. Pagkatapos ng ilang segundo, narinig ni Madeline si Jeremy na suminghal. Ang kanyang mga mata ay parang kay Satanas. Madilim ito at para bang lalamunin siya nito. "Divorce? 'Wag ka nang umasa!" Ang mga malalamig at tagos-butong salitang iyon ay lumabas mula sa kanyang mapang-akit na labi. "Hindi ba napakadesperado mo na maging akin? Tutuparin ko ang hiling mo." Nararamdaman ni Madeline na nagugunaw ang kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang malagim na ngiti. "Hindi ko kailangang tuparin mo ang aking hiling! Jeremy Whitman, gusto na kitang hiwalayan!" "Managinip ka na lang." Walang awa siyang tinanggihan ni Jeremy. Pagkatapos ay kinurot niya ang panga ni Madeli
Magbasa pa
Kabanata 89
"Namumutla ka." Nang marinig ni Madeline si Felipe, naiilang niyang hinawakan ang kanyang mukha. Hindi mabuti ang kanyang kalagayan. Mas lumalala na ang kanyang katawan, kaya malamang hindi siya magmumukhang malusog. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. "Salamat sa pag-aalala niyo, Mr. Whitman. Ayos lang ako." Mabilis siyang pinasalamatan ni Madeline bago tumayo. Naalala niya kung paano nadamay si Felipe dahil kay Jeremy at nakaramdam siya ng pagsisisi. "Kahit di mo na ako tawaging Mr. Whitman kapag walang ibang tao sa paligid." Nagdalawang-isip si Madeline sabay nagsabing, "Mauuna na ako, tito." "Actually, mas matanda lang ako kay Jeremy ng tatlong taon. Ayaw kong tinatawag na tito, kaya pwede mo akong tawagin sa pangalan ko. Nabigla si Madeline. Pagkatapos ay tumango siya. "Babalik na pala ako sa trabaho, Mr. Whitman." Tumingin si Felipe kay Madeline at ngumiti. "Sige." … Pinagtuunan ng pansin ni Madeline ang kanyang trabaho. Sa ganitong paraan ay na
Magbasa pa
Kabanata 90
Sabi ni Jeremy sabay umupo. Kinapitan siya ng mapagpanggap na si Meredith. "Jeremy, sa tingin ko hindi 'to isang mabuting ideya. Mukhang hindi natutuwa si Maddie." Gustong gusto na ni Madeline na ibato ang kanyang baso ng juice sa mukha ni Meredith. Nais niyang itanong kung alin sa mga p*tanginang mata niya ang nakakita na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari? Sa gitna ng katahimikan, narinig ni Madeline si Jeremy na kalmadong nagsalita, "Sino ba siya para tanggihan tayo?" Hehe. Oo nga, sino ba siya?Wala lang naman talaga siya para sa kanya sa simula pa lang. Nang makita ni Meredith na hindi nagtatangkang magsalita si Madeline ay natuwa siya ng sobra. Binaba niya ang kanyang pitaka at umupo sa tabi ni Madeline. Subalit, hindi niya inaasahan na uupo si Jeremy sa tabi ni Madeline. Nabigla si Meredith, at sa kabilang banda, nabigla rin si Madeline. Subalit, base sa kanilang pagkatao, walang mali na umupo si Jeremy sa tabi niya. Kahit na hindi siya nasisiyahan dito,
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
248
DMCA.com Protection Status