Semua Bab Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Bab 2411 - Bab 2420
2479 Bab
Kabanata 2411
Subalit, sa kabila nito, nakuhanan ng smartwatch na suot ni Madeline nang buo ang ruta.Si Jeremy, na nasa kabilang linya ng tawag, ay nakikinig rin nang maigi sa nangyayari sa loob ng kotse. Subalit, mukhang walang usapang nagaganap sa loob ng kotse.Mukhang ligtas pa naman sa ngayon, ngunit nag-aalala pa rin si Jeremy para kay Madeline. Susundan na sana ni Jeremy si Madeline ayon sa datos na ipinadala ng smartwatch ni Madeline nang bigla niyang marinig na nagsalita si Esther. “Eveline, ang lugar kung saan kita dadalhin ay sobrang pribado, kaya kailangan mong patayin ang phone mo ngayon na. Ihubad mo ang mga alahas mo at relo. Iwan mo ‘yan sa kotse.” Tinitigan ni Esther si Madeline nang mukhang tuso. “Matagal ko nang naririnig na masyadong nag-aalala si Mr. Whitman para sa’yo, kaya naglagay siya ng mga tracking device sa mga alahas na suot mo. Kung ayaw mong hubarin ito, matatapos na dito ang paglalakbay mo.” Naunawaan ni Madeline ang ibig-sabihin ni Esther at sinulyapan a
Baca selengkapnya
Kabanata 2412
Tinulak ni Ava palayo si Madeline gamit ng natitira niyang lakas.Muntik nang matumba si Madeline, ngunit yakap niya pa rin si Ava na nagpupumilit na dapat umalis na siya habang maaga.“Ava, ‘wag kang matakot. Nandito ako. Hindi ko hahayaang may mang-api ulit sa’yo,” nangako si Madeline habang yakap niya ang nanginginig na si Ava. Sa napakaraming taong nakilala niya si Ava, laging tingin ni Madeline matibay at matikas si Ava. Wala itong kinatatakutan, pero ngayon, nararamdaman ni Madeline mula sa nanginginig na katawan ni Ava kung gaano itong natatakot ngayon.Habang nakatingin sa mga sugat sa katawan ni Ava, sumakit rin nang sobra ang puso ni Madeline.Hindi niya maisip ang mga ginawa ni Esther kay Ava sa maikling panahon na magbibigay ng ganito kalalang sugat kay Ava. Ang nanay ni Naya, si Esther Bay, ay mas malala pa kay Naya.Syempre naman, ang mga ganitong tao lamang ang magkakaroon ng anak na tulad nila.Niyakap ni Madeline si Ava nang lalong nababahala, habang si Esthe
Baca selengkapnya
Kabanata 2413
Nararamdaman ni Madeline kung gaanong nag-aalala si Ava sa kanya, ngunit dahil nagpunta siya dito, hindi siya nagbalak na umalis. “Esther, ‘wag mo akong niloloko. Dahil dinala mo ako dito, alam kong wala kang balak na patakasin ang kahit isa sa amin. Diretsuhin mo kami kung ano ba talagang gusto mo.” niyakap ni Madeline nang mahigpit si Ava habang nakaharap siya kay Esther na minamaliit sila nang husto. “Hmph.” ngumisi si Esther. “Mukhang matapang ka, Eveline. Kung ganoon, gusto kong makita kung gaano ka talaga kalakas.” “Hindi!” biglang sumigaw si Ava nang lumingon siya kay Esther. “Esther, ako ang taong kinamumuhian mo nang husto. Ako rin ang taong gusto mong itumba. Walang hinanakit si Eveline kay Naya. Ang lahat ng ito ay sa pagitan lang namin ni Naya. Walang kinalaman dito ang mga kaibigan ko. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo sa akin!” Kahit na pinahirapan siya nang husto sa puntong puro sugat at pasa na siya, hindi man lang huminto sa takot si Ava.“Esther, sabi
Baca selengkapnya
Kabanata 2414
Hindi maganda ang kalagayan ng katawan ni Ava ngayon, ngunit maayos pa naman ang pandinig niya.Pagkatapos marinig ang mga bulong ni Madeline sa kanyang tainga, medyo nabigla siya, ngunit alam rin niyang wala silang oras para mag-alinlangan.Mula sa sulok ng kanyang mata, nakikita niya ang dalawang lalaking palapit nang palapit sa kanila habang dala ang lubid. Alam rin ni Madeline na sa sandaling ito, hindi siya pwedeng mag-alinlangan. Kapag nag-alinlangan siya, hindi maganda ang mangyayari. Nang makita niyang itatali na sila ng dalawang lalaki gamit ng lubid, biglang itinaas ni Madeline ang kanyang kamay at ibinuhos ang pepper spray na hawak niya sa mata ng dalawang lalaki nang napakabilis. “Aray!” “Pu*a!” Sabay na napasigaw sa sakit ang dalawang lalaki. Ibinato nila sa sahig ang lubid na hawak nila. Hirap na hirap silang nagpunas ng mga mata nila. Subalit, dahil pinupunasan nila ito gamit ng kanilang kamay, mas lalong napunta sa mata nila ang pepper spray. Umabante si
Baca selengkapnya
Kabanata 2415
Syempre, hindi bibitaw si Madeline. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ni Ava. Sa halip, nagtanong siya nang nag-aalala, “Ava, talaga bang hindi ka na makalakad?” “Oo, hindi na ako makalakad. Wala na akong lakas, at sobrang sakit na.” kumunot ang noo ni Ava, halos hindi na makatingala. “Maddie, makinig ka sa akin. Makakaalis ka na. Mas baliw si Esther kay Naya. Talagang kaya niyang gawin ang kahit ano.” “Edi mas imposibleng iwan kita dito para harapin nang mag-isa ang panganib,” sinabi ni Madeline at inangat niya si Ava nang mas malakas. Nang marinig niya ang nagmamadaling mga yabag sa likuran niya, kinailangan ni Madeline na magdesisyon kaagad, “Ava, magtiis ka muna saglit.” “Maddie…”Unti-unting nawalan ng malay si Ava, ngunit sumusunod pa rin ang paa niya kay Madeline.Pagaktapos hugasan ng dalawang lalaki ang mga mata nila, sila ang naunang humabol kay Madeline at Ava. Samantala, si Esther ay nakasunod sa kanila. Subalit, pagkatapos nilang makatakbo palabas ng gusali, nap
Baca selengkapnya
Kabanata 2416
Hindi nabahala si Madeline ng magkaharap sila ni Esther na tinititigan siya ng nito ng malapitan. Tinignan ni Esther si Madeline na biglang tumakbo palayo at sumigaw sa kalituhan, “tumakbo siya! Hulihin niyo siya! Huwag niyo siya hahayaan na makatakas!”Ang dalawang lalake ay hindi inaasahan ang ganitong pangyayari, ngunit ngayon din nila napagtanto na si Madeline ay isang babae na hindi madaling pakitunguhan. Sa sobrang galit ni Esther ay hinabol niya si Madeline. Habang pinapanood niya ang mabilis na papalayo na Madeline, nanggalaiti siya. “Eveline, hindi ako naniniwala na hindi ka kayang hulihin ng dalawang lalakeng yun!” Nagngalit ang ngipin ni Esther at sa wakas ay napagtanto niya kung gaano siya naging pabaya. Maayos lang si Madeline at hindi sugatan, kaya dapat na lang niyang hayaan ang dalawang lalake na iyon na umasikaso sa kanya. Ang dapat niyang hanapin ay si Ava, na sa sama ng tama ng katawan nito ay hindi nito magawang maglakad ng mag-isa. Napansin din ni Es
Baca selengkapnya
Kabanata 2417
Nang makita nila ito, kiniskis ng dalawang lalake ang kanilang mga kamay at naglakad papunta kay Madeline. Subalit, biglang sumigaw si Madeline, “Ingat, may ahas sa paanan niyo!”Biglang huminto ang mga lalake nang marinig nila ito, ngunit hindi nagtagal, napagtanto nila na baka niloloko nanaman sila ulit ni Madeline. Hindi pa naman mainit ang panahon, kaya paano magkakaroon ng ahas dito? “Huwag mo nang kausapin ang babaeng yan. Masyado siyang maraming nakatagong patibong. Kunin mo na lang siya at dalhin papasok ng bahay ng maturuan natin siya ng leksyon. Tingnan natin kung mangangahas pa siya na lokohin tayo ulit pagkatapos nun.” Nanggagalaiti na ang isa sa mga lalake pagkatapos maloko ng maraming beses. Hindi na siya makapagtimpi pa. Sumang-ayon din ang isa pang lalake, kaya huminto siya sa pagsasalita. Pagkatapos, sumugod silang dalawa papunta kay Madeline ng hindi nagsasalita. Subalit, nang maglalakad pa lang sila sa harapan ni Madeline, biglang humakbang ang dalawa sa
Baca selengkapnya
Kabanata 2418
Mabilis na lumingon si Esther nang marinig niya ang salaysay na ito mula sa kanyang likuran. “Eveline, kahit dalawang malaking lalake ay hindi ka kaya. Talagang minaliit kita.” Ang mga salita ni Esther ay puno ng panunuya, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng matinding sama ng loob. . Nilapitan siya ni Madeline ng may hindi nababahalang ngiti. “Hindi sa minaliit mo ko, ngunit dahil sa namatay na ako ng isang beses, palagi na akong nag-iingat kahit na anong gawin.” Napasimangot si Esther. Narinig na niya noon ang tungkol sa nakaraan ni Madeline. Malamig siyang tumawa. “Eveline, nasaan si Ava?” “Sa tingin mo ba ay sasabihin ko sayo?” Naging mas malamig ang mga mata ni Madeline. “Esther, hindi mo dapat mahalin ng ganito ang anak mo bilang isang ina. [pagbabayaran mo din ang kasalanan na ginawa mo.” “Hmph.” Muling tunmawa si Esther, “Pagbabayaran? Oo, mukha ngang hindi ako mananalo laban sayo, Eveline. Ngunit dahil umabot na sa puntong ito ang lahat, ayoko nang makita ka pa
Baca selengkapnya
Kabanata 2419
Medyo nag-aalala si Madeline nung hinarap niya ang mabangis at nakakatakot na itsura ni Esther, ngunit hindi siya ganun katakot. Naramdaman ni Esther na parang may mali nung nakita niya si Madeline na mahinahon pa din. Pakiramdam niya ay kapag hindi pa siya kumilos ngayon, baka wala na siyang pagkakataon na gawin iyon mamaya. Kadalasan ay namamatay ang mga kontrabida dahil masyado silang nagpapatagal. Hindi niya gusto na maulit ang nangyaring pagkakamali ni Naya. Kaya naman, kailangan niyang mabilis na iligpit si Madeline. Tinaas ni Esther bigla ang switchblade, ng may mabngis na eskpresyon. “Naya, maipaghihiganti na kita ngayon! Hindi ko mapapatawad ang sinumang kumalaban sayo!” Pagkatapos niyang isigaw ang mga salitang iyon na parang naglalabas ng sama ng loob, sasaksakin na ni Esther si Madeline gamit ng kutsilyo. Sa kritikal na sandaling iyon, may narinig si Esther na sinigawan siya.“Esther!”Huminto ang kamay ni Esther. Iiwas na sana si Madeline ngunit nagulat siy
Baca selengkapnya
Kabanata 2420
Nang makita ng dalawang lalake si Madeline, ang kanilang mga mukha ay naging kasing dilim ng uling. “Eveline, ang hilig mong maglaro, ano? Pwes, makikipaglaro kami sayo hanggang sa makuntento ka simula ngayon!” Pagkatapos itong sabihin ng isa sa kanila, naglakad sila papunta sa kanila Madeline at Ava. Hindi inaasahan ni Madeline na ang dalawang lalakeng ito ay magagawang makaakyat palabas ng butas ng ganito kadali. Wala na talaga siyang lakas para labanan ang dalawang lalake sa mga sandaling ito. At sa sandaling pahihirapan na sila Ava ng dalawang gangsters na ito, isang pamilyar na pigura ang lumitaw sa paningin ni Madeline. Kaagad na ginapos ni Jeremy ang dalawang lalake ng walang alinlangan. Halos hindi siya nahirapan na patumbahin ang dalawang lalake na gustong saktan sila Madeline at Ava. Ang dalawang lalake ay hindi man alng napansin na may tao na palang nakabuntot sa kanila. Ang iniisip lang nila ay ang tungkol sa paghanap kay Madeline at paglabas ng galit nila.
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
240241242243244
...
248
DMCA.com Protection Status