All Chapters of Nakakahumaling na Pag-ibig : Chapter 11 - Chapter 20
908 Chapters
Kabanata 12
Noong nasa kulungan pa siya, wala ni isang naging kaibigan si Ling Yiran at tanging si Lianyi lang ang dumadalaw sakanya. Ito rin ang umasikaso ng kaso niya, at kung hindi siguro dahil dito, hindi siya makakalabas ng buhay sa kulungan. Si Lianyi ang nagiisang taong nagbigay sakanya ng suporta sa nakalipas na tatlong taon na tinuturing niyang pinaka madilim na yugto ng buhay niya. “Ang life-saving straw…?” Naramdaman ni Yi Jinli na mahalaga si Qin Lianyi sa buhay ni Ling Yiran kaya interesado siyang nagtanong, “Pero, hindi ba parang nakakatawa namang ituring ang isang tao na life-saving straw? Paano kung yung life-saving straw na yun ay bigla ka nalang iniwan, hindi ka malulungkot?” “Hindi yun gagawin ni Lianyi,” puno ng tiwalang sagot ni Ling Yiran kay Qin Lianyi. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit siya biglang nailang sa kalagitnaan ng paguusap nila siguro dahil hindi niya gusto yung pakiramdam na may iba pang pinagkakatiwalaang tao si Ling Yiran, na para bang handa rin
Read more
Kabanata 13
“Gusto ko ‘to!” Sabi ni Yi Jinli habang nagsasalita si Ling Yiran pagkatapos yumuko siya para tignan ng malapitan ang cellphone na napili. Hindi nagtagal, may biglang nagsalita galing sa likod nila, “Oh, Yiran!” Paglingon ni Ling Yiran nakita niya si Miao Jiayu na may kasamang babae. Naglalakad ang mga ito papalapit sakanila at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pagshoshopping. Pagkalapit ng dalawa, naalala ni Ling Yiran kung sino ang babaeng kasama ni Miao Jiayu, si Zhao Mantian, isa rin sa mga naging kaklase niya noong high school. “Nagkita nanaman tayo! Boyfriend mo ba yang kasama mo?” Tanong ni Miao Jiayu habang tinitignan si Yi Jinli mula ulo hanggang paa. Noong hindi sumagot si Ling Yiran, biglang sumingit si Zhao Mantian, “Huy, Jiayu, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang balita ko mayaman daw ang boyfriend ni Yiran. Eh hindi naman mukhang mayaman ‘tong lalaking ‘to eh.” “Ang gusgusin!” Pagkatapos magsalita ni Zhao Mantian, tinaasan nito ng kilay sina Ling Yiran at Yi Jinli
Read more
Kabanata 14
Sobrang sampal ‘yun para sakanya. Magkahalong galit at hiya ang nararamdaman ni Zhao Mantian, kaya nagmamadali siyang naglakad papalayo, habnag si Miao Jiayu naman ay pahabol na sinundan ang kaibigan. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa nakita niya at pakiramdam niya ay nanunuod siya ng pelikula. Pagkalabas nila ng bazaar kanina, nakakita niya na nagkukumpulan yung mga tao kaya sumilip siya at doon niya nakita na may grupo ng lalaki ang pinagpupukpok na ang sasakyan na sa tingin niya ay kay Zhao Mantian. “Ano kayang nangyari? May nakaaway kaya siya na naghihiganti sakanya?” Nagtatakang tanong ni Ling Yiran. “Pwede!” Sagot ni Yi Jinli. “Pero, hayaan na nga natin sila.” Hinila ni Ling Yiran ang kamay ni Yi Jinli at naglakad sila papunta sa bus stop. Pero biglang huminto si Yi Jinli sa paglalakad kaya napatingin si Ling Yiran dito. Paglingon niya, gulat na gulat siya dhail sobrang putla nito habang nakatitig ito sa bus stop na pupuntahan nila. “Anong nangyari?” Nagaalalan
Read more
Kabanata 15
“Sige sasamahan kita. Dito lang ako matutulog sa sahig sa tabi ng kama kaya makikita mo ako kaagad kapag dumungaw ka,” pagpapanatag ni Ling Yiran. “Kasya naman dalawang tao dito. Ate, pwede bang dito ka nalang din sa kama matulog?” Pabulong na sabi ni Yi Jinli na parang batang nagpapaawa. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa sinabi ni ‘Jin’ kaya ilang segundo din siyang nakatitig lang dito bago siya tumungo, “Sige.” Agad niyang kinuha ang kumot na nilatag niya sa sahig at humiga sa tabi ni ‘Jin’. Sa totoo lang, hindi niya naisip kung bakit siya pumayag na matulog sa tabi ng isang lalaki. Siguro dahil naawa siya nang makita niya ang mukha nito na parang isang babasaging manika na pwedeng mabasag kahit anong oras, kaya para bigla niya itong gustong protektahan. Nang makapwesto na siya sa kama, pinatay niya na ang ilaw, habang si Yi Jinli naman ay hinawakan ang isa niyang kamay. “Jin, kapag may masakit sayo, sabihan mo lang ako ah.” “Sige,” sagot ni Yi Jinli. Dahil ba ‘to sa ga
Read more
Kabanata 16
Biglang natigilan si Ling Yiran. Sa tuwing naririnig ang ang mga pangalan nina Xiao Zigi at Hao Yimeng ay kinilikabutan siya. Alam niya rin ang tungkol sa six-carat na diamond ring dahil narinig niya na ito sa balita. Sa totoo lang, pinipilit niya naman takagang umiwas sa kahit anong balita na nakaugnay sa dalawa, pero dahil masyadong sikat ang mga ito, nakikita niya ito sa lahat, lalo na sa internet. Tandang tanda niya na noong nagpunta sila ni Xiao Zigi sa isang bilihan ng mga alahas, napatingin siya sa isang diamond na kulay pink at nang makita ito ni Xiao Zigi, bumulong ito sakanya, “Yira, kung gusto mo niyan, bibilhin ko yan bilang wedding ring natin.” Pero… ang diamond ring at Xiao Zigi… ay parehong hindi napasakanya. “Yiran…uuwi ka na ba?” Ginulat si Ling Yiran ng boses ng isang boses ng lalaki. Paglingon ni Ling Yiran, nakita niya ang isang lalaki na nasa thirties. Ngumiti ito sakanya pero halatang nahihiya ito. Hindi talaga personal na kilala ni Ling Yiran ang la
Read more
Kabanata 17
Pakiramdam ni Ling Yiran ay para bang mag-aapoy ang dulo ng diliri niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero parang biglang sobrang init ng pakiramdam niya at parang sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. “Nako! Ano bang nangyayari sa’kin?!” Dali-dali niyang hinila ang kamay niya mula kay Ying Jinli. Nang sandalling ‘yun, para na siyang mansanas sa sobrang pula ng kanyang mukha. “ Ah… sige… kumain na tayo… lalamig na ang pagkain.” At pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadali siyang yumuko at kumain. Samantalang si Yi Jinli naman ay abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan si Ling Yiran na halos sumubsob na sa kinakain nito ang mukha. “Ate, may gusto ka ba sakin?” “Gusto kita, “ Walang pag-aalinlangang sagot ni Ling Yiran. “Gusto rin kita, Ate. Sobra,” Nakangiting sagot ni Yi Jinli. Hindi na niya maalala kung kailan, pero matagal na rin noong huling beses na may nakakuha ng atensyon at interes niya. ... Pagkatapos ng inspeksyon ng Urban Management Bure
Read more
Kabanata 18
Hindi maipinta ang itsura ni Hao Yimeng sa sobrang gulat. “A…a…ano? Gustong makita ni Yi Jinli si Ling Yiran?” Bilang miyembro ng Hao family, alam niya na wala naman talagang malalim na namagitan kay Yi Jinli at sa kapatid niya, at kaya lang naman ito pinili ay dahil para sa dalawang pamilya, ang kapatid niya lang ang pinaka swak na maging asawa ng mga Yi. Kaya noong lamay ng kapatid niya, kalmado lang ang itsura nito na para bang normal na kakilala lang nito ang namatay. Kaya nga mula noon, sa tuwing sumasagi sa utak niya si Yi Jinli ay iniisip niya kung ano ba eksakto ang mga nagpapalungkot, nagpapagalit, o nagpapasaya sa taong ‘to. Pero ngayon…kitang kita niya ang galit sa mukha nito, na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya. At dahil yun….Kay Ling Yiran?! Yung babaeng mas maliit pa ang tingin ng lipunan kaysa sa langgam?! Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Xiao Zigi para sana tanungin kung anong nangyayari, pero kagaya niya, halatang gulat na gulat din ito.
Read more
Kabanata 19
Hindi nagtagal, may isa nanamang tao ang dumating na lalo pang gumulat sa mga tao. Si Gao Congming-ang personal secretary ni Yi Jinli. "Secretary Gao!" Nagmamadaling bati ni Manager Wang. Tinignan ni Gao Congmin si Shen Wanhao mula ulo hanggang paa, na para bang nakatingin siya sa isang patay na nasa loob ng kabaong. "Itong walang hiyang lalaking 'to. Sa lahat ba naman ng taong kakalabanin mo, yung gusto pa ni Young Master ang napili mo." Nagkataon lang na noong araw na 'yun, saktong nandun din si Young Master Yi kaya nakita nito ang nangyari kay Ling Yiran. "Kung anong ginawa niya sa babae, gawin niyo rin sakanya." Utos ni Gao Congmin sa security guard na nakatayo sa tabi niya. Nagmamadaling tumungo ang security guard, at noong sandali ring iyon, may dalawang malalakas at malalaking katawan na mga security guard ang kumaladkad kay Shen Wanhao papunta sa artificial fishpond, at kagaya ng ginawa nito kay Ling Yiran, paulit-ulit na nilublob ang mukha nito sa tubig. Habang
Read more
Kabanata 20
Napatingin si Ling Yiran sa likod ng kanang kamay niya. Ang namumulang sinasabi ni 'Jin' ay yung inapakan ni Zhao Mantian kanina. "Ah.. ito? May nasanggi lang ako kanina habang nagwawalis, " nakangiting sagot ni Ling Yiran dahil ayaw niyang mag-alala si 'Jin'. "Ah, ganun ba?" Tinignan ni Yi Jinli ng diretso sa mga mata si Ling Yiran, "Ate, kapag may nangbubully sayo, sabihin mo lang sakin ha! Ipagtatanggol kita." Seryoso siyang ipagtatanggol niya si Ling Yiran at tuturuan ng leksyon ang mga taong nang-aapi rito, hanggang balang araw, lahat ay matatakot ng saktan at apihin ito. Noong sandaling 'yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran. Bakit pakiramdam niya ay alam na alam ni 'Jin' ang nangyari sakanya? "Kaya kong protektahan ang sarili ko," Sagot ni Ling Yiran "Paano kung hindi?" Tanong ni Yi Jinli Paano kung hindi? Alam niyang wala rin namang magagawa si 'Jin' kaya bakit niya pa sasabihin? Ngumiti nalang si Ling Yiran dahil ayaw niyang masaktan at bumaba ang ku
Read more
Kabanata 21
"Kung gusto yan ng ate ko para sakin, gusto ko na rin niyan," sagot ni Yi Jinli. "Ano ka ba. Wag yung gusto ko, dapat yung gusto mo talaga. Kung ayaw mo nito, maghahanap pa ako ng ibang style," "Wag na, maganda talaga yan. Yan yung gusto ko." "Talaga? Osige, bilhin na natin 'to." Nakangiting sagot ni Ling Yiran habang chinicheck out ang sweater. Tumingin si Yi Jinli kay Ying Liran, at biglang naging seryoso ang boses niya, "Ate, bakit sobrang bait mo sakin?" Ilang damit na ang binili nito para sakanya at binigyan rin siya nito ng cellphone, pero mula noong magkakilala sila ay hindi niya pa nakitang may binili ito para sa sarili nito. "Diba nga magkapatid tayo? Kaya mabait ako sayo," Sagot ni Ling Yiran na para bang normal na magkapatid lang talaga sila. Sa totoo lang, sa tuwing naririnig ni Yi Jinli ang ang salitang "kapatid" o "magkapatid" ay medyo naiilang siya. 'Nakalimutan na ba talaga niya na lalaki din ako?' — Pagkatapos mapahiya sa club, ginulpi rin si Shen Wanha
Read more
PREV
123456
...
91
DMCA.com Protection Status