All Chapters of Nakakahumaling na Pag-ibig : Chapter 21 - Chapter 30
908 Chapters
Kabanata 22
Sa puntong ito, halos isumpa na ni Miao Jiayu si Zhao Mantian sa sobrang galit niya rito. Mayroon siyang kaibigan galing sa personnel department na naichismis sakanya na mayroon daw isang mataas na tao sa Sanitation Service Center na abusado sa posisyon. Kaya ginamit niya 'yun para mai'set-up si Ling Yiran, pero si Zhao Mantian pa rin ang mastermind! "Hindi kita pinilit na gawin yun. Diba gusto mo rin namang makitang napapahiya si Ling Yiran? Bigyan lang kita ng ideya, pero ikaw pa rin ang gumawa 'nun. Wala akong kinalaman jan, Jiayu, " Naiiritang sagot ni Zhao Mantian. Ang dating sanggang dikit ay ngayo'y parang mga asong nauulol na inaatake ang bawat isa. Matapos tanggihan ni Zhao Mantian, hindi pa siya tinigilan ng karma dahil pagkauwi niya sa bahay nila ay halos itakwil siya ng buong pamilya niya sa sobrang galit ng mga ito. Pero bandang huli ay nagkasundo-sundo rin naman sila, at nagdesisyon ang mga ito na manulsol nalang ng kahit sino para lang makabalik siya sa trabaho n
Read more
Kabanata 23
"Pero... pero dahil sakin kaya ka napahiya sa lahat, lalo na yung kay Shen Wanhao.." "Sila ang may gawa 'nun. Wala ka namang kinalaman dun, diba?" "Siyempre ako pa rin yun!" Parang batang umiiyak si Miao Jiayu sa harap ni Ling Yiran. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na umako siya ng kasalanan na hindi lang naman siya ang may gawa. "Ah.. Okay. Kung wala ka ng ibang sasabihin, mauna na ako kasi marami pa akong trabaho." Sagot ni Ying Liran, na parang hindi apektado sa mala-basang sisiw na itsura ni Miao Jiayu. Nilampasan niya lang ito at naglakad papunta sa wawalisan niya. Kahit na walang ideya si Ling Yiran kung bakit pinuntahan siya ngayon ni Miao Jiayu para magmakaawa sa harapan niya, ay wala siyang balak na patawarin ito at basta-basta nalang kalimutan ang mga nangyari sakanya noong araw na yun. Habang nagwawalis, may biglang sumulpot sa harapan niya at nang tignan niya ito, nakita niya si Guo Xinli na nakatayo at nakatingin sakanya. Medyo namumula
Read more
Kabanata 24
'Ahhh. baka malisyoso lang ako!' Sobrang naiilang na si Guo Xinli sa nakikita niya kaya nang makita niyang bumalik na si Ling Yiran sa pagwawalis ay nagmamadali siyang nagpaalam, "Yiran... sige mukhang marami kang ginagawa. Mauna na ako." Nang makita ni Yi Jinli na medyo nakalayo na si Guo Xinli, bigla siyang tumingin kay Ling Yiran at hinawakan ang baba nito, "Ayokong makakita na may ibang lalaking kausap ang ate ko." "Ano bang sinasabi mo jan? Wala akong gusto sakanya no!" Sagot ni Ling Yiran, na halos maiyak na sa sobrang tawa. "Pero ibig sabihin ba 'nun, wala na rin siyang gusto sa ate ko?" Tanong ni Yi Jinli. Hindi alam ni Ling Yiran kung isasagot niya. "May gusto ba yung lalaking yun sa ate ko?" "Hmm... Oo. Pero nagpatulong na ako kay Manang Xu na ibasted siya, kaya hindi ko alam na pupuntahan niya pala ako ngayon dito." "Hindi bagay yung lalaking 'yun sayo. Kung ayaw mo sakanya, dapat sabihin mo sakanya ng diretso," naiinis na sagot ni Yi Jinli. At dahil sa rea
Read more
Kabanata 25
Habang naglalakad pauwi, biglang nagtanong si Ling Yiran, "Jin, kilala mo ba si Xiao Zigi?" "Yung president ng Xiao Group?" Sagot ni Yi Jinli. "Kilala mo pala siya... Sabagay nasa balita kasi siya palagi kasi ikakasal na sila ni Hao Yimeng. Siya kasi yung...."Ilang segundo rin siyang natigilan bago siya nag-aalangang nagpatuloy, "Ex ko." Dahil dito, biglang napahinto si Yi Jinli sa paglalakad at tinitigan si Ling Yiran. Siguro dahil wala siyang napaglalabasan at kinikimkim niya lang ang lahat, kaya noong naramdaman niya may taong handang makinig sakanya ay hindi niya na napigilan ang sarili niya. "Nakakatawa no, sobrang taas niyang tao pero kagaya ko lang ang naging girlfriend niya." "Pagkatapos kong grumaduate at naging abogado na ako, akala ko talaga ikakasal na kami. Pero hindi ko naman akalain na masasangkot ako sa isang aksidente. Pinagbintangan nila akong nagdadrive ng lasing kaya raw ako nakapatay ng tao. Tapos noong mabalitaan niya 'yun, atat na atat siyang nakipag
Read more
Kabanata 26
'Tanggalin? Natin?' Natatawa nalang si Ling Yiran sa sinabi ni Yi Jinli dahil sobrang imposible ng sinasabi nito. Xiao at Hao family, dalawa sa pinaka kilalang pamilya sa Shen City, ang nagpalagay ng mga ito kaya sino sila para tanggalin ang mga yun. Dahil sa pagtakip ni 'Jin' sakanyang mga mata, wala siyang makitang kahit ano, pero dahil dito, parang biglang kumalma ang puso niya. Makalipas ang ilang segundo, dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Yi Jinli mula sa mga mata niya at tinignan ito. "Jin, salamat ha." Para sakanya, sinasabi lang ito ni Yi Jinli para hindi na siya malungkot dahil wala naman siyang ideya kung sino talaga 'tong taong nasa harap niya ngayon. "Tara, uwi na tayo. Magluluto ako ng masarap." Hinawakan niya ang kamay ni Yi Jinli at naglakad. Samantalang si Yi Jinli naman ay sumilip pa ng isang beses sa billboard bago siya maglakad. — Pagkauwi nila, dumiretso si Ling Yiran sa police station para kunin ang pinadeliver niya - isang woolen sweater na binili
Read more
Kabanata 27
Tinignan ni Yi Jinli ng diretso sa mga mata si Ling Yiran at sinabi, "Ate, sa tingin mo ba konti lang talaga ang kinikita ko?" "Ha? Hindi... Hindi sa ganun. Gusto lang naman kasi kitang magkaroon ng mas magandang buhay." Alam niya ang pakiramdam ng sobrang baba kaya hanggat maari, ayaw niyang matulad sakanya si 'Jin'. "Magkakaroon ako ng magandang buhay. Balang araw, kapag tama na ang panahon, ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo," Pangako ni Yi Jinli. Oo, noong una parang laro lang ang lahat para kay Yi Jinli, pero ngayon... seryoso siya na gusto niya talagang bigyan ng magandang buhay si Ling Yiran. Natawa nalang si Ling Yiran, kasi para sakanya, isang imposibleng pangako ang binibitawan ni Yi Jinli, pero ayaw niyang masaktan ito, kaya nakangiti siyang sumagot, "Okay, okay.. Hihintayin ko yan Jin ha? Kapag mayaman ka na, hindi na ako magtatrabaho at aasa nalang ako sayo, okay lang?" "Sige ba," Puno ng paninindigang sagot ni Yi Jinli. Sa isip niya, 'Kung gugustuhin niya, kayan
Read more
Kabanata 28
"Ang pagkakaalam ko po ay ninety-nine?" Sagot ni Gao Congming. Naalala niya na narinig niya sa interview ni Xiao Zigi na sinabi nitong 99 ang total na dami ng mga billboard para sa 99 lifetimes na handa nitong ibigay sa sobrang pagmamahal nito kay Hao Yimeng. Naalala niya pa nga na naging headline pa ang mga salitang ito sa mga dyaryo at sa mga article sa social media, kaya lalo pang dumami ang mga fans ni Hao Yimeng. "Ipatanggal mo lahat," utos ni Yi Jinli. "Lahat?" Gulat na gulat na tanong ni Gao Congming. "Lahat." Paniguro ni Yi Jinli. "Okay, masusunod po." 'Gusto ni Young Master Yi na biglang tanggalin lahat ng billboard na pinagawa ng Xiao family? At bakit naman? May nagawa bang kasalanan ang mga Xiao o ang mga Hao kay Young Master? O di naman kaya hindi siya sang-ayon sa kasal ng dalawa? Pero... tinanggap nga ni Young Master ang invitation nila, diba?' Hindi maintindihan ni Gao Congming kung anong nangyayari. Kilala niya ang Young Master bilang isang klase ng tao n
Read more
Kabanata 29
"Sinong bayaw ang tinutukoy mo?" Paglingon ni Ling Luoyin, isang maganda at sexy na babaeng nakasuot ng isang mamahaling kulay brown na coat ang lumapit sakanila. Namukaan siya kaagad nito at natatawang nagpatuloy, " Nagtataka ako kung sino ba 'tong kausap mo, yung kapatid lang pala nung mamatay tao." Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin. Alam niya na ang babaeng nasa harap niya ngayon ay si Hao Yimeng, ang bagong fiance ni Xiao Zigi. Nanlilisik na tinignan ni Hao Yimeng si Ling Luoyin mula ulo hanggang paa, "Ang pagkakaalala ko, manggagamit ka. Kaya mo ba pinuntahan si Zigi rito at tinatawag mo pa siyang bayaw, kasi umaasa ka na mabibigyan ka niya ng lead role? Ang kapal din naman pala ng mukha mo kung ganun." Sobrang napahiya si Ling Luoyin sa ginawa ni Hao Yimeng, at hindi nagtagal, pinalibutan na sila ng mga usisero, na para bang nanunuod lang ang mga ito ng isang live na role play. Dahil dito, lalo lang nagalit si Ling Luoyin kay Ling Yiran. 'Kung hindi kasi sana siya na
Read more
Kabanata 30
Kumunot ang noo ni Hao Yimeng at hindi siya makapaniwalang tumingin kay Xiao Zigi. 'Diba Xiao Family ang nagpalagay ng mga billboard na 'yun.' "Tatanungin ko kung anong nangyari..." Hindi mapakaling sabi ni Xiao Zigi. Pero bago pa man din siya matapos sa sinasabi niya ay biglang nag'ring ang kanyang phone, kaya dali-dali niya itong sinagot, at nang sandaling magsalita ang kausap niya sa kanilang linya, biglang nagbago ang kanyang itsura. "Ano? Pinatanggal? Lahat? Hindi ba sila natatakot na magbayad ng penalty?" "Sabi nung utos, wala raw silang pakielam kahit bayaran pa nila ng buo ang penalty, basta kailangan daw na matanggal lahat ng billboards sa lalong madaling panahon." Mangiyak-ngiyak na sumbong ng managaer in charge. "President Xiao, kung kani-kaninong kumpanya na po kami tumawag pero wala talang gustong umanib satin. Sa madaling salita, bukod sa kumpanya ng mga Hao at Xiao, lahat ng kumpanya ay tinanggal ang mga billboard na kinabit nila. "Sino 'tong bumabangga sa Xiao
Read more
Kabanata 31
Biglang nanigas ang katawan ni Yi Jinli, pero hindi siya pumalag at hinayaan lang si Ling Yiran yakapin siya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero sobrang panatag ng pakiramdam niya.... Pakiramdam niya kapag kasama niya si Ling Yiran ay hindi siya si Yi Jinli na tinatawag ng lahat na Young Master.... "Jin, diba sabi mo hindi mo ako iiwanan kahit kailan? Ako rin. Hinding hindi kita iiwanan. Kahit ano pang mangyari balang araw, nandito lang ako para sayo." "Hindi mo ba talaga ako iiwanan kahit anong mangyari?" Pabulong na sagot ni Yi Jinli. "Oo naman," walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran. "Hindi ka ba matatakot sakin?" "Bakit naman ako matatakot sayo? Ang bait bait kaya ng Jin ko, kaya nga gustong gusto kitang mas makilala pa eh." Natatawang sagot ni Ling Yiran. 'Jin ko.... Bakit sa tuwing naririnig ko ang dalawang salitang ito ay pakiramdam ko pag-aari niya ako.... Kung ibang tao siguro ang nagsasabi nito, magagalit ako, pero dahil siya....parang
Read more
PREV
123456
...
91
DMCA.com Protection Status