Share

Kabanata 13

“Gusto ko ‘to!” Sabi ni Yi Jinli habang nagsasalita si Ling Yiran pagkatapos yumuko siya para tignan ng malapitan ang cellphone na napili.

Hindi nagtagal, may biglang nagsalita galing sa likod nila, “Oh, Yiran!”

Paglingon ni Ling Yiran nakita niya si Miao Jiayu na may kasamang babae. Naglalakad ang mga ito papalapit sakanila at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pagshoshopping.

Pagkalapit ng dalawa, naalala ni Ling Yiran kung sino ang babaeng kasama ni Miao Jiayu, si Zhao Mantian, isa rin sa mga naging kaklase niya noong high school.

“Nagkita nanaman tayo! Boyfriend mo ba yang kasama mo?” Tanong ni Miao Jiayu habang tinitignan si Yi Jinli mula ulo hanggang paa.

Noong hindi sumagot si Ling Yiran, biglang sumingit si Zhao Mantian, “Huy, Jiayu, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang balita ko mayaman daw ang boyfriend ni Yiran. Eh hindi naman mukhang mayaman ‘tong lalaking ‘to eh.”

“Ang gusgusin!”

Pagkatapos magsalita ni Zhao Mantian, tinaasan nito ng kilay sina Ling Yiran at Yi Jinli at halatang halata sa mukha nito ang pandidiri na para bang nang-aasar, “Ay! Sorry! Nakalimutan kong may bago na nga palang girlfriend yung tinutukoy kong boyfriend mo at ikakasal na nga pala sila. Paano ko ng aba nakalimutan yun eh kalat na kalat nga pala sa mga dyaryo ang tungkol sa engagement nina Young Master Xiao at Miss Hao. Alam mo, bagay na bagay talaga sila lalo na pareho pa silang mayaman! Siya nga pala, alam na ba ng bago mong boyfriend na taga linis walis lang ang trabaho mo?”

“Hayy.. Mantian, bakit mo naman sinabi yun?” Pang-asar na tanong ni Maio Jiayu.

“Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah. Diba sabi mo nagtatarabaho siya sa Sanitation Service ngayon?!” Nangiinsultong pagpapatuloy ni Zhao Mantian.

Noong high school sila, malayong malayo ang galing ni Ling Yiran kay Zhao Mantian sa lahat ng aspeto. At noong nag’college na sila, nabalitaan niya na swinerte si Ling Yiran na maging girlfriend ni Xiao Zigi, at dahil doon, lalo siyang napuno siya ng inggit kay Ling Yiran.

Bakit lahat nalang ng biyaya sinalo ay sinalo na ni Ling Yiran?!

Pero noong nalaman niya na ikakasal si Xiao Zigi sa ibang babae at naging taga linis nalang ng kalsada si Ling Yiran, sobrang saya niya dahil pakiramdam niya ay nalamangan niya na ito sa wakas.

Nakatingin lang si Ling Yiran kay Zhao Mantian, na parang wala siyang pakielam kahit na iniinsulto na siya nito dahil wala siyang planong makipag-diskusyon.

Kaya tumingin siya kay Yi Jinli at nagtanong, na para bang wala siyang ibang naririnig, “Jin, may napili ka na ba?”

“Ito,” sagot ni Yi Jinli habang tinuturo ang isang model.

Sinabi ni Ling Yiran sa nagbebenta na kukunin na nila ang cellphone at ikuha siya nito ng bagong stock.

“Kumuha ka ng SIM Card mo bukas para magamit mo na yan,”aniya Ling Yiran.

“Sige, kukuha ako bukas pagdaan ko sa service provider,” pagsang-ayon ni Yi Jinli.

Nag-usap lang silang dalawa, na para bang bukod sa tindera, ay wala na silang ibang kasama. Hindi apektado si Miao Jiayu, samantalang si Zhao Mantian naman ay nagaapoy na sa galit.

Ang dami niyang sinabi para insultuhin si Ling Yiran, pero bakit pakiramdam niya ay mas napahiya siya!

Nang makita ni Zhao Mantian na kinuha ni Ling Yiran ang cellphone nito para magbayad, muli siyang bumanat, “Ano? Ikaw ang magbabayad ng cellphone? Ling Yiran, bakit ka gumagastos para sa isang lalaki? Wala ka na nga masyadong kinikita sa pagwawalis ng kalsada.. Ah kaya pala mumurahing phone lang ang kaya mong bilhin.”

Habang nagsasalita si Zhao Mantian, nakatitig siya kay Yi Jinli.

Hindi niya mapigilang tumingin dito dahil malakas ang kutob niya na gwapo ito kahit na natatakpan ng buhok nito ang mukiha nito.

“Bakit siya? Bakit kaya hindi ka nalang makipag hiwalay sakanya? Kaya kitang bilhan ng mas magandang phone. Kahit anong piliin mo, bibilhin ko,” muling hirit ni Zhao Mantian.

May maliit na negosyo ang pamilya ni Zhao Mantian kaya kahit na hindi siya kasing yaman ng mga prominenteng pamilya sa Shen City, mas may kaya pa rin siya kumpara sa mga ordinaryong tao.

Napakunot ng noo ni Yi Jinli habang tinititgan si Zhao Mantian.

Ang buong akala ni Zhao Mantian ay kakagat si Yi Jinli sa gusto niyang mangyari, kaya muli siyang nagsalita, “Ano sa tingin mo? Kapag hiniwalayan mo siya, pwede tayong maging magkaibigan. Isasakay kita sa BMW ko at ipapakilala kita sa mga kaibigan ko sa showbiz. Gwapo ka naman eh, kaya walang duda na sisikat ka kaagad,” masayang pangungumbinsi ni Zhao Mantian.

“Wala akong balak maging sikat. Para naman sa BMW mo, ingatan mo nalang yang sasakyan mo,” sagot ni Yi Jinli.

Sa pagkakataong ito, pakiramdam ni Zhao Mantian na lalamunin na siya ng lupa sa sobrang pangiinsultong natanggap niya kaya galit na galit niyang sinabi, “Kilala mo ba kung sino ako? Kaya kitang…”

“Ano? Anong kaya mong gawin sa akin?” Mapanindak na sagot ni Yi Jinili.

Sa pagkakataong ito, hindi na kinakaya ni Zhao Mantian ang kahihiyan.

Hindi na pinansin ni Yi Jinli si Zhao Mantian at pagkatapos magbayad ni Ling Yiran, umalis sila, na para bang walang tao sa harap nila.

Hinawakan ni Miao Jiayu si Zhao Mantian, at pabulong na sinabi, “Mantian, okay ka lang ba?”

Nanggigil na napakagat ng labi si Zhao Mantian at sumagot, “Ayos lang ako!” Sobrang nasindak siya ng lalaking kasama ni Ling Yiran, na para bang titig palang nito ay sapat na para mamatay siya.

Pero, mukha namang pulubi ang lalaking yun!

Hinila ni Miao Jiayu si Zhao Mantian at niyaya itong magshopping nalang ulit at kumain para kumalma ang kaibigan. Pagkatapos, dumiretso sila sa parking lot, pero biglang natigilan si Zhao Mantian dahil sa isang hindi inaasahang text message na natanggap.

Hindi nagtagal, may lalaking nakasuot ng itim na amerikana ang lumapit sakanya na magalang na sinabi, “Kayo po ba si Miss Zhao Mantian? Natransfer na po namin ang 675,000 yuan sa account ninyo, na base sa aming assessment, presyo po ito ng depreciation value ng inyong sasakyan. Naniniwala akong natanggap niyo na po ang pera.”

Gulat na gulat si Zhao Mantian dahil ang 675,000 yuan na tinutukoy ng lalaki ay tumutugma sa text message na katatanggap niya lang.

Itinuro ng lalaki ang BMW niya na naka parada sa hindi kalayuan, at noong sandal ring iyon ay kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na pinagpupukpok ito ng martilyo ng ilang lalaking nakasuot rin ng itim na amerikana.

Hindi makapaniwala sina Zhao Mantian at Miao Jiayu sa nakita nila, kaya nag’papanic na sumisigaw si Zhao Mantian, “Ano pang ginagawa mo jan? Tumawag ka na ng pulis at ireport mo ang nangyayari!”

“Miss Zhao, natanggap niyo na po ang pera, kaya hindi na po kayo ang may-ari ng sasakyan yan kaya may karapatan na po akong sirain yan!” Magalang na sabi ng lalaki.

“Hindi. Hindi ko binebenta ang sasakyan ko kaya hindi mo yan pwedeng sirain!” Sinubukang pigilan ni Zhao Mantian ang mga lalaking sumisira ng sasakyan niya pero parang hindi siya nakikita ng mga ito, at sa loob lang ng ilang minuto, para na itong sirang lata.

“Ikaw… Ikaw…” Nanginginig sa galit si Zhao Mantian na dahil dito ay halos mabitawan na niya ang hawak niyang phone.

“Miss Zhao, kung nais niyo pong magreport sa mga pulis, hinahayaan ko po kayo. Pero kagaya nga po ng sinabi ko sainyo, may record po ako ng ating transaksyon. Ano ba namang magagawa ko? Naasiwa ang amo ko sa sasakyan mo. Miss Zhao, sa susunod, mamili ka naman ng mas magandang saskayan, tapos sirain natin ulit.”

Pagkatapos magsalita, naglakad ito papalayo kasama ang mga lalaking sumira sa sasakyan, na parang walang nangyari. Hindi nagtagal, nagdagsaan ang mga taong nakiusisa sa nangyari. Paglingon ni Zhao Mantian sa isang direksyon, nakita niya si Ling Yiran at ang kasama nitong lalaki na nagngangalang ‘Jin’, na nanunuod mula sa hindi kalayuan.

At dahil dito, lalong tumindi ang galit ni Zhao Mantian na parang sasabog na siya. Kanina lang pinagyayabang niya kay Ling Yiran at sa kasama nito na may bago siyang sasakyan, pero ngayon kitang-kita ng mga ito kung paano sirain ang sasakyan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status