All Chapters of Nakakahumaling na Pag-ibig : Chapter 891 - Chapter 900
908 Chapters
Kabanata 892
Gayunpaman, nagsisi siya nang kaunti. 'Lasing ako, kaya hindi ko matandaan eksakto kung paano namin ginawa yon. Mukhang kailangan kong subukan nang kaunti pa at magkaroon ng isa pang hindi niya makakalimutan na karanasan. 'Bigla, na parang may naaalala, sumigaw siya, "Ah, nasaan si Yiran? Hindi ba kasama ko si Yiran kahapon?"Nainis si Bai Tingxin nang nabanggit niya ito. “So naaalala mo na kasama mo si Ling Yiran? Anong sinabi mo sa akin kahapon? Sabi mo mayroon kang proyekto na pagtratrabahuan. At anong nangyari? Dinala mo si Ling Yiran sa lugar na ganon para makapanood ng ganong palabas.”Ngumisi ng si Qin Lianyi sa kanyang kasalanan. “Gusto ko lang naman tulungan si Yiran para magliwaliw at hindi magkasakit. At trinabaho ko talaga ang proyekto ko nung umaga. Kaya… pumunta lang ako kay Ling Yiran noong bandang hapon na!”“Eh yung damit na kinuha mo? Hindi pa kita nakikitang kuhain ang damit ko, tapos kayo mong kuhain ang damit ng isang di mo kilalang tao.” Hindi niya napigilan
Read more
Kabanata 893
“Eh ‘di… Eh ‘di alam nila na tayo ay… Gosh!” reklamo ni Qin Lianyi. ‘Ang mga magulang ko ay isa sa mga pinaka-konserbating tipo ng mga tao. Kapag nalaman nila na may taong ginawa iyon sa akin… Uh, hindi… Na ginawa ko iyon sa ibang tao, ay paparusahan nila ako ng nakaluhod sa washboard pagka-uwi?’"Nakakahiya bang matulog kasama ako?" Lumubog ang kanyang ekspresyon. Mukha siyang isang mapanghamak na lihim na kailangan niyang panatilihin."Hindi, hindi! Wala nang mas marangal gawin kaysa matulog kasama ka! Natatakot lang ako na hindi ito tanggapin ng aking mga magulang kasi konserbatibo sila," nagmamadaling sinabi ni Qin Lianyi.Nararamdaman ni Bai Tingxin na tuwing siya ay malapit na mainis sa babaeng ito, bigla na lang siyang papasayahin nito. “Ang sinabi ko lang sa magulang mo ay nakainom ka ng kaonti at pinatulog kita sa guest room na inayos ko para sa’yo.”'Whew!'Naginhawaan si Qin Lianyi.“Osige, magbihis ka na at bumaba para kumain ng umagahan. Kumain ka ng sopas para sa ha
Read more
Kabanata 894
[Ayos lang ako. Dinala ako ni Bai Tingxin sa kanyang mansion para magpahinga ng isang gabi.] Nahihiya si Qin Lianyi na sabihin na muli siyang ‘natulog’ kasama si Bai Tingxin.Noong umagahan, seryosong sinabi ito lahat ni Bai Tingxin, “Ginawa mo na naman sa akin to ulit. Patay ka na kapag hindi moa ko panagutan.”Hindi siya nakaimik. 'Hindi ba mas naghihirap ang mga kababaihan? Dapat ako ang magsasabi ng mga ito.'"Pananagutan mo ba ako?" Tanong niya habang nakatingin sa kanya."Uh ... Sure." Tumango siya sa ulo sa habang siya ay matinding tumititig.Walang masabi si Qin Lianyi pero natutuwa siyang isipin kung ano ang nangyari kaninang umaga. ‘Nakakatuwa lang na pinipilit ako ni Bai Tingxin na panagutan siya!’Matapos makipag-chat kay Ling Yiran nang ilang sandali, iniligpit ni Qin Lianyi ang kanyang telepono, binuksan ang computer sa kanyang mesa, at nag-ayos na para magtrabaho.Sa kabilang banda, itinabi ni Ling Yiran ang kanyang telepono at nawala sa pag-iisip habang tinitingn
Read more
Kabanata 895
“Medyo madumi.” Nahiyang ngumiti si Guo Xinli."Normal lang ito kapag nagsimula ka ng sarili mong negosyo. Naiinggit talaga ako sa iyo kasi nakapagsisimula ka na ng sarili mong negosyo," sabi ni Ling Yiran. Naisip niya rin simulan ang kanyang sariling negosyo sa simula, naisip na makakapagbubukas siya ng kanyang sariling law firm pagkatapos makaipon ng sapat na karanasan.Gayunpaman ... Nagtatrabaho lamang siya bilang isang paralegal ngayon.Napabuntong hininga lamang siya na ang mga bagay ay palaging nagbabago.“Suriin mo ang dokumento na ito. Nakalagay diyan ang mga kaduda-dudang paksa na nabanggit mo. Pirmahan mo kasama ng pangalan mo kapag tama itong lahat,” sabi ni Ling Yiran habang inaabot kay Guo Xinli ang mga dokumento na nasa kamay niya.Tinawagan na niya si Guo Xinli upang ipaliwanag ang kanyang balak bago lumapit.Kinuha ni Guo Xinli ang dokumento, sinuri ito, at pirmahan ito.Kinuha ito ni Ling Yiran, kinuha ang panulat, at nilagdaan din ang kanyang pangalan sa dokum
Read more
Kabanata 896
Ang mga bata sa edad ni Lil Yan ay mahilig sa mga bula, lalo na ang mga laruan na hugis tulad ng baril.Hindi nagtagal, may mga bula na sa buong bahay.Sa pagtingin sa mga bula sa loob ng bahay, medyo nahiya si Guo Xinli. "Ano ... Well ... Baka dalhin ko sa labas si Lil Yan para maglaro sandali. Balik ko nalang siya mamaya.""Oo. Salamat," nakangiting sabi ni Zhuo Qianyun."Walang anuman. Nasisiyahan ako maglaro kasama si Lil Yan," sabi ni Guo Xinli.Nasasabik si Lil Yan na laruin ang bubbles sa labas, kaya't sumama siyang masaya kasama si Guo Xinli na.Pagkatapos, tinanong ni Zhuo Qianyun si Ling Yiran, "Bakit ka pumunta dito ngayon kasama siya?""Kailangan ko siyang makita para sa ilang trabaho at nagkataon na mayroon isang regalo kay Lil Yan, kaya't pumunta kami dito," sabi ni Ling Yiran. Pagkatapos, sumulyap sa bagahe. "Eh ikaw? Kailan ka pupunta sa G City?""Sa susunod na tatlong araw. Nakahanap kami ng moving company upang maipadala ang ilan sa mga furniture sa bahay. Sasa
Read more
Kabanata 897
Muling hindi makahinga si Ye Wenming ng naisip niya si Zhuo Qianyun."Hindi!" Tumanggi siya ng hindi iniisip. "Ang kasalan ay dapat isang masayang kaganapan. Ang isang mala-luha na brilyante ay parang hindi magandang ideya!"Nang marinig iyon, wala nang masabi pa si Kong Ziyin. Sinabi lang niya, "Okay ... Tingnan nalang natin ang iba pa, kung gayon. Wenming, anong uri ng singsing sa kasal ang gusto mo?""Tingnan natin. Bakit hindi tayo maglaan ng pagpili ng singsing matapos nating ibalita ang petsa ng kasal?" sabi ni Ye Wenming.Nang marinig iyon, isang bahid ng pagkabigo ang sumilay sa mga mata ni Kong Ziyin, ngunit nagawa niyang ngumiti ng isang nakakaunawa ng ngiti. Sinabi niya, "Eh ‘di maglaan na lang kami tayo ng oras upang pumili ng singsing matapos ipahayag ang petsa ng kasal."Pagkatapos ay pumili si Kong Ziyin ng isa pang pares ng mga hikaw na brilyante bago umalis sa tindahan ng alahas kasama si Ye Wenming."Sabihin mo sa driver na ibalik ka niya mamaya," sabi ni Ye W
Read more
Kabanata 898
'Ito lamang ang kanyang huling pagtatangka upang samantalahin ang aking natitirang pagmamahal.'Gayunpaman, nagkamali siya, wala akong nararamdaman para sa kanya!'Oo, wala akong nararamdaman para sa kanya!'Sinabi ni Ye Wenming sakanyang sarili uli, ‘Pero bakit… iyong araw na sinaktan niya ang kanyang sarili ay patuloy pa rin nagpapakita sa kanyang isipan sa nakakalipas ng mga araw?'Parang tumatanggi siyang may kinalaman ito sakanya.'Sa wakas natagpuan ko na siya, at kung hindi ko na siya nakita muli…'Naramdaman lamang ni Ye Wenming na tumibok muli ang puso niya sa sakit habang naiisip niya ito. 'Hindi pa ako nakaganti. Ang Ilang taon lamang sa bilangguan ay hindi sapat! 'Kinukumbinsi ang sarili sa pagtatalo na ito, kinuha niya ang kanyang telepono at tumawag. "Ako ito. Kumuha ka ng isang tao sa Shen City upang mabantayan siya. Ipaalam sa akin kung mayroong problema."'Hindi ko hahayaang mawala siya ulit sa paningin ko kahit na ano pa man ang mangyari.'Kahit sa impyerno,
Read more
Kabanata 899
Nag-atubili si Guo Xinli at pinigilan ang kamay ni Ling Yiran. "Bakit hindi ako sumama sa iyo? Paano kung ..."“Okay lang iyon.” Ngumiti sakanya ito at tinapik ang likod ng kanyang kamay. Kilala ko ito.”Si Guo Xinli ay kumalas na sa kamay niya.Lumabas si Ling Yiran ng sasakyan at sinundan ang drayber papunta sa itim na Bentley.Binuksan ng driver ang pinto sa backseat at nakapasok si Ling Yiran. Bahagya lamang na nakita ni Guo Xinli ang lalaki na nakasuit na nakaupo sa back seat, pero hindi niya makita ang mukha nito.Bang!Nagsara ang pinto at umalis na ang Bentley.Nakaupong mag-isa sa kotse, andaming hinala sa kanyang isipan. ‘Sino… kaya ang lalaking nasa back seat? Anong ang relasiyon niya kay Ling Yiran?’...Tumingin si Ling Yiran kay Yi Jinli na nakaupo sa tabi niya. Mayroong isang mapaglarong ngiti sa kanyang mukha, ngunit ang kanyang mga mata ay malamig."Ano ang problema? Gusto mo ba ng lalaking iyon na nagngangalang Guo? Masaya ka bang kasama mo siya ganon?" tila
Read more
Kabanata 900
"Ang mga taong katulad mo marahil ay hindi ganoon ang pakiramdam, ngunit ako nararamdaman ko rin ito. Lahat tayo ay tao, ngunit ang ilang mga tao ay nakahihigit sa iba at madaling kontrolin sila. Ang ilang mga tao ay karaniwan lamang, kaya't dapat sila ang mas mababa. Ni hindi nila mapangasiwaan ang kanilang kapalaran at lolokohin lamang ng iba. "'Kung ... Hindi ako anak ng isang ordinaryong pamilya at anak ng isang mayaman at makapangyarihang pamilya, kung gayon hindi ako masisisi sa car accident na iyon.''Ang mga tao na nag-frame sa akin ay hindi kailanman dapat naglakas-loob na hayaan akong masisi dito.'Araw-araw sa bilangguan, nabuhay siya tulad ng isang walang kaluluwa na katawan. Kung paano niya ginugol ang kanyang araw ay nasa pagtatapon ng iba. Ang iba ay maaaring magpasya nang malaya kung siya ay gugulpihin sa araw na iyon.Ang lahat ng ito ay nakasalalay sa isang salita lamang mula sa kanilang kataasan.Ang mga madilim na mata ni Yi Jinli ay tumingin sa babaeng nasa h
Read more
Kabanata 901
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at
Read more
PREV
1
...
868788899091
DMCA.com Protection Status