All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade : Chapter 4671 - Chapter 4680
4955 Chapters
Kabanata 4671
Handa na si Elaine na itanong ito nang maisip ito.Hindi dahil pinagdududahan niya ang pagkakakilanlan ni Clarissa, ngunit dahil naramdaman niya na kayang sumakay sa private jet ng kabila kung mayroon talaga siyang private jet o kung kaya niyang humiram ng private jet.Nang itatanong na ito ni Elaine, nagpadala ng isa pang voice message ang kabila. Pinindot ito nang nagmamadali ni Elaine para pakinggan ang voice message. Sinabi ng kabila: “Oh, dahil kaibigan ka ni Lucy, dapat pabalikin kita sa Oskia gamit ang private jet ng pamilya ko. Malaking abala ang mawawala sayo. Dahil, para sa akin, parehong bagay lang kung may isa o dalawang bagay na sasakay sa private jet. Pero, malas lang ang oras dahil naabot na ng regular maintenance ang private jet ko at pumunta na ito sa Georgia para sa maintenance. May backlog ng mga eroplano kailan lang ang Gulfstream company, kaya hindi ko makukuha nang mabilis ang private jet ko.”Medyo nadismaya si Elaine nang marinig ito, pero pakiramdam niya na
Read more
Kabanata 4672
Dumating nang mabilis ang Biyernes.Dahil maagang aalis si Elaine para pumunta sa New York ngayong araw, maaga siyang bumangon at nag-impak sa suitcas niya.Nababalisa na ngayon si Elaine na umuwi sa lalong madaling panahon.Sa wakas ay dumating na ang hapon, at pagkatapos ng klase ni Claire, nagmaneho si Charlie kasama si Elaine para sunduin si Claire sa school gate. Pagkatapos ay dumiretso silang tatlo sa New York.Ayon sa plano ni Charlie, pagkatapos dumating sa New York sa Biyernes ng gabi, dadalhin nila si Elaine para maglibot sa gabi sa New York para makita niya ang Statue of the Liberty. Pagkatapos nito, ililibot nila siya sa New York sa Sabado at dadalhin siya para mag-shopping sa New York sa Linggo ng umaga bago siya ihahatid sa airport sa hapon.Para kay Elaine, kahit na maikli lang ang oras ng pagpunta niya sa United States, biyahe pa rin ito palabas sa bansa. Kaya, kailangan niyang bumili ng ilang lokal na souvenir at specialty sa New York.Nakaupo si Elaine sa likod
Read more
Kabanata 4673
Sa sandaling iyon, dapat mag-post siya ng mas maraming litrato sa WhatsApp profile niya para makita ng sirkulo ng mga kaibigan niya ang malayang buhay niya.***Pinili pa rin ni Charlie na manatili sa Shangri-La hotel ng pamilya Wade sa New York.Inutusan na ni Isaac ang hotel na mag-reserba ng isang presidential suite para kay Charlie.Pagkatapos mag-check in, dinala ni Charlie sina Claire at Elaine para maghapunan sa hotel. Pagkatapos nito, dinala niya si Hotel para libutin ang tanawin sa gabi sa New York kasama si Claire.Habang tinutulungan ni Claire si Elaine na kumuha ng litrato sa Statue of Liberty, naglakad si Charlie sa tabi at tinawagan si Kathleen.Nang kumonekta ang tawag, sumagot nang magalang si Kathleen mula sa kabilang linya, “Magandang gabi, Mr. Wade.”Humuni si Charlie bilang sagot at sinabi, “Miss Fox, tinatawagan kita para sabihin na dumating na ako sa New York. Pupunta ako at bibisitahin ang bahay mo bukas, kaya pakisabi kay Lord Fox na hintayin ako sa bahay
Read more
Kabanata 4674
Sinamahan nina Charlie at Claire si Elaine nang buong araw para magsaya sa New York sa sumunod na araw.Habang nanananghalian, binanggit ni Charlie na may kliyente sa New York na gustong pag-usapan ang isang bagay kasama siya sa gabi, at hindi ito masyadong pinag-isipan nina Claire at Elaine. Dahil, sobrang abala na ni C harlie sa ‘career’ niya ngayon, at matagal nang handa ang isipan nila para dito.Sinamahan ni Charlie silang dalawa na maghapunan bago sila nagmaneho pabalik sa hotel. Pagkatapos nito, nagmaneho siya papunta sa private manor ng pamilya Fox sa Long Island.Sa una ay balak ni Charlie na pumunta at makipagkita kay Lord Fox para mabigay niya ang pangako na matagal na niyang pinapangarap sa harap ni Kathleen. Sa parehong oras, gusto niyang siguraduhin na ibibigay ni Lord Fox ang hindi matitinag na suporta niya kay Kathleen hangga’t nabubuhay siya.Pero, hindi inaasahan ni Charlie na nang malaman ni Lord Fox na pupunta si Charlie, pinaalam niya ito sa lahat ng tao sa pam
Read more
Kabanata 4675
Pagkatapos ay sinabi ni Kathleen nang medyo kinakabahan, “Mr. Wade, paano ko magagawang umupo sa isang upuan na mas mataas kapag nandito ka?! Bakit hindi ka na lang umupo sa master seat?”Ngumiti nang kaunti si Charlie, kumaway nang marahan, at sinabi, “Ikaw ang master ng pamilya na ito, kaya ikaw ang pinakamalaki dito kahit sino pa ang pumunta. Bilang bisita, hindi ko pwedeng kunin ang master seat sayo.”Pagkatapos, hinila ni Charlie ang upuan sa harap ni Kathleen at umupo nang direkta.Biglang hindi alam ni Kathleen ang gagawin niya, pero si Jordan, na nasa gilid, ay sinabi, “Kathleen, dapat mong sundin ang mga utos ni Mr. Wade. Tama si Mr. Wade. Ikaw ang head ng pamilya Fox, at walang ibang kwalipkado na umupo sa upuan na iyan.”Walang nagawa si Kathleen kundi umupo.Sa totoo lang, sa etiketa sa Oskia, ang pinakamahalagang bagay ay respeto.Tulad ito sa kung sino ang may mas mataas na katayuan ay dapat hawakan ang wine glass nila nang mas mataas kapag nag-toast sa lamesa. Kun
Read more
Kabanata 4676
“Sukuan ang Rejuvenating Pill?”Nang marinig ni Jordan ang mga sinabi ni Charlie, natulala siya muna bago tinanong nang may pagkabalisa, “Mr. Wade… Ikaw… Bakit hiniling mo ang ganitong bagay?”Tumingin si Charlie sa kanya at sinabi nang walang bahala, “Lord Fox, kung mangyayari ang auction sa susunod na taon, sa tingin mo ba ay tagumpay kang mananalo sa bid para sa auction ng Rejuvenating Pill gamit ang lakas mo sa ekonomiya?”“Ah…” Hindi mapigilan ni Jordan na maalala ang eksena sa auction sa sandaling iyon. Ang limitasyon niya ay 200 billion US dollar slang, pero halos doble ang binigay na presyo ni Christian.Kung aabot ulit sa ganitong presyo ang Rejuvenating Pill sa susunod na taon, hindi na niya ito kayang bilhin. Bukod dito, imposible para sa kanya na isakripisyo ang interes ng pamilya Fox para sa makasariling interes niya. Tinuruan siya ng sobrang sakit na leksyon ng nangyari dati. Kaya, hindi niya pwedeng gawin ang parehong pagkakamali.Ang ibig sabihin din nito ay mawawa
Read more
Kabanata 4677
Si Jordan, na tuwang-tuwa, ay nanginig agad habang pinagdaup niya ang mga kamay niya at itinaas ang mga ito sa itaas ng kanyang ulo habang sinabi nang magalang, “Gu… Gusto kong lumuhod at yumuko para pasalamatan ka sa para sa pill, Mr. Wade!”Nilagay ni Charlie ang pill sa palad ni Jordan at sinabi nang walang bahala, “Lord Fox, walang anuman. Bakit hindi ka muna tumayo at kainin ang pill?”Pero, hindi nangahas si Jordan na tumayo. Sa halip, lumuhod siya sa sahig at maingat na nilagay ang Healing Pill sa bibig niya.Natunaw ang kalahating Healing Pill sa bibig niya at naging isang mainit na enerhiya na dumaloy direkta sa elixir field niya bago ito dumaloy sa buong katawan niya gamit ang mga meridian niya.Sa isang saglit, naramdaman ni Jordan na mas gumanda ang kondisyon ng katawan niya. May nararanasan pa rin siyang ilang sakit kapag gumagalaw bago ito, pero ngayon, naramdaman niya agad na maging mas relax ang buong katawan niya.Habang tuwang-tuwa siya t maingat na nararanasan a
Read more
Kabanata 4678
Ang sumunod na araw ay ang araw na para bumalik si Elaine sa Oskia.Sinamahan ni Charlie si Elaine na bumili ng mahigit 20 o 30 thousand US dollars na iba’t ibang specialty at regalo. Kahit na hindi siya nagsalita, tinrato niya ito bilang isang regalo para pasalamatan si Elaine dahil sinamahan niya si Claire sa United States ngayon.Hinatid nina Charlie at Claire si Elaine sa New York JFK Airport ng alas singko ng hapon.Hindi nagmadali si Elaine na dumaan sa check-in procedure dahil bumili si Charlie ng isang first-class na flight ticket para sa kanya. Sa halip, sinabi niya kina Charlie at Claire, “Charlie, Claire, hindi niyo kailangan mag-abala na ihatid ako papasok at panoorin akong dumaan sa security check. Nagkataon na nasa parehong flight ko ang kaibigan ni Lucy. Nagpadala siya ng WhatsApp message sa akin kanina lang na nagsasabi na may first-class lounge sa sandaling pumasok kami sa airport. Sinabihan niya ako na hintayin siya doon para sabay kaming pumasok at mag-check in.”
Read more
Kabanata 4679
Sa puntong ito, hindi alam ni Elaine kung ano ang nakahanda para sa kanya.Pumasok si Elaine sa airport, pero hindi siya nagmadali sa security check. Sa halip, hinanap niya ang first-class lounge ayon sa utos ni Clarissa.Pumasok siya at umupo doon nang wala pang sampung minuto bago pumasok ang isang babae na may maluhong suot at may dala-dalang suitcase at handbag.Nakilala ni Elaine sa isang tingin na ang babaeng ito ay ang bagong kaibigan niya, si Clarissa, ayon sa WhatsApp profile picture at mga litrato niya sa WhatsApp.Kaya, kinabahan siya nang kaunti at nanabik habang kumaway sa kanya, ngumiti, at sinabi, “Hello, Madam Zinn! Ako si Elaine! Nagagalak akong makilala ka!”Nang makita ni Clarissa si Elaine, hindi niya napigilan na sabihin nang may ilang sorpresa, “Oh, Elaine! Sa wakas ay nagkakilala na tayo! Siguradong matagal ka nang naghihintay dito. Pasensya na, pero nag-host pa ako ng meeting bago pumunta sa airport. Hindi mo alam kung gaano karaming bagay ang kailangan kon
Read more
Kabanata 4680
Narinig na rin ni Clarissa na binanggit ni Lucy ang sitwasyon ni Elaine bago pumunta dito. Alam niya na nakatira si Elaine sa isang first-class villa sa Thompson First sa Aurous Hill at nagmamaneho siya ng isang Rolls-Royce. Kaya, hindi siya masyadong nasorpresa.Ngumiti siya at sinabi kay Elaine, “Hindi ba’t sa tingin mo ay masyadong malaki ang isang kotse tulad ng Cullinan para sa mga babae tulad natin? Bihira lang akong magmaneho kapag lumalabas, at palagi kong hinahayaan ang driver na gumamit ng MPV para makaupo ako sa gitna. Mas komportable ito at hindi nakakabahala kumpara kapag ako ang nagmamaneho.”Sinabi nang naiinggit ni Elaine, “Wala kaming full-time driver o MPV sa bahay. Kung hindi, mararanasan ko rin ang pakiramdam ng pagiging isang babaeng boss.”Ngumiti si Clarissa at sinabi, “Hindi ba’t maliit na bagay lang ito? Kaya kitang bigyan ng MPV kung wala ka. Alam mo ba ang Lexus LM300? Umorder ako ng tatlong unit mula sa parallel import car dealer kailan lang. Sa una ay ba
Read more
PREV
1
...
466467468469470
...
496
DMCA.com Protection Status