Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade : Kabanata 4681 - Kabanata 4690
4901 Kabanata
Kabanata 4681
Samantala, nagpapanggap si Clarissa na iniimpake niya ang suitcase niya, at handbag nang tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya ang mga salitang ‘Mr. Challe’ sa caller ID, sadya siyang nagpanggap na hindi siya mag-aabalang pulutin ang cellphone para ilapit sa tainga niya. Kaya, direkta niyang binuksan ang speakerphone, itinabi ang cellphone at nagsalita, “Mr. Challe, pasakay na ako sa eroplano. Kung may kahit ano, pwede tayong mag-usap pagkatapos kong bumaba sa eroplano.”Mukhang nagmamadali ang boses ng kabila habang sinabi, “Miss, naaksidente si Madam!”Biglang ninerbiyos si Clarissa at tinanong nang nagmamadali, “Anong nangyari? Anong nangyari kay mama?!”Sinabi ng kabila, “Sumakay sa kabayo si Madam kasama ang little master ngayong araw. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero natakot ang kabayo at sinipa si Madam. Nawalan ng malay si Madam. Kadadala ko lang sa kanya sa hospital at sinabi ng doktor na medyo seryoso ang kondisyon niya.”Sinabi nang nababalisa ni Clarissa
Magbasa pa
Kabanata 4682
Hindi inaasahan ni Clarissa na aalukin ni Elaine na pumunta sa hospital kasama siya kaysa umalis.Pero, hindi pupunta sa hospital si Clarissa. Gusto niya lang gumawa ng isang angkop na palusot para matukso niya si Elaine na kunin ang pain para makaalis siya nang mabilis.Kaya, sinabi niya nang sobrang seryoso kay Elaine, “Elaine, napakaraming bagay ang nasa suitcase na ito na binili ni Lucy para sa mga magulang niya. May ilang gamot at espesyal na medisina na hindi mabibili sa Oskia. Nangako ako kay Lucy na dadalhin ko ang mga ito sa Hong kong para sa kanya ngayong araw. Babalik sana ako sa Oskia dalawang araw na ang nakalipas, pero hinintay ko ang pagdating ng mga ito. Maaantala ang negosyo nila kung hindi ko madadala ang mga ito sa kanila…”Tinanong nang nagmamadali ni Elaine, “Kung gano’n, anong gagawin mo? Hindi ba’t hindi ka makakaalis?”Tumango si Clarissa at sinabi nang nagmamadali, “Hindi ako makakaalis ngayong araw, pero pwedeng mauna ka muna. Pupunta muna ako sa hospital
Magbasa pa
Kabanata 4683
Tinanong ulit ng lalaki, “Magkano ang makukuha natin?”Pinag-isipan ito ni Clarissa at snabi, “Basta’t magtatagumpay ako na mapadala kay Elaine ang mga produkto, makakakuha ako ng five thousand US dollars para sa pagsisikap ko kahit na magtagumpay siya o hindi. Kung tagumpay na mapupuslit ni Elaine ang mga produkto, makakakuha ako ng mga 20 o 30 thousand US dollars.”“Magaling!” Ngumiti ang lalaki at sinabi, “Pumunta tayo sa Las Vegas para mag-relax pagkatapos nito. Letse, sobrang malas ko sa unang kalahati ng taon, at halos nawala ang lahat ng pera ko sa casino. Kailangan kong siguraduhin na ibabalik sa akin ng casino ang lahat sa pangalawang kalahati ng taon!”Sinabi ni Clarissa, “Pwede kang pumunta sa Las Vegas, pero huwag kang mag-focus sa pagsusugal pagpunta mo doon. Maraming mga hindi magagaling na sugarol sa ganitong uri ng lugar. Kailangan mo ng maghanap ng paraan para lokohin ang ilang tao na pumunta sa Mexico.”Pagkasabi nito, bumuntong hininga si Clarissa at sinabi, “Nar
Magbasa pa
Kabanata 4684
Ang proseso ng security check para sa mga checked-in luggage sa airport ay hindi katulad ng proseso ng security check para sa mga carry-on luggage.Ang mga carry-on luggage ay ay dinadala ng mga bisita mismo sa security check. Sa kabaliktaran, ang mga checked-in luggage ay ipinadala sa isang conveyor belt papunta sa isang espesyal na lugar para sa isang security check pagkatapos makumpleto ng check-in at check-in procedure.Sa sandaling ito, hindi pa rin alam ni Elaine kung ano ang sunod na mangyayari.Pagkatapos niyang ma-check in ang parehong suitcase, dinala niya ang boarding pass niya at naglakad papunta sa security checkpoint.Nang makita ng babae na nagbabantay sa kanya na nag-check in siya at nang makita niya na ipinadala na sa conveyor belt ang mga suitcase niya, gumaan ang pakiramdam niya, tumayo agad, at naglakad palabas sa airport.Dala-dala ni Elaine ang Hermes bag at banayad na lumapit sa VIP security check channel. Pagkatapos nito, agad niyang inenjoy ang mabait na s
Magbasa pa
Kabanata 4685
Medyo nadismaya si Claire.Minsan, pakiramdam niya na nasa magkaibang mundo sila ng kanyang ina, at hindi niya mahanap ang parehong frequency para kausapin siya.Bukod dito, alam niya rin na sobrang disidido ng kanyang ina, at sa sandaling nagpasya siya sa isang tiyak na plano, imposible para sa kahit sino na baguhin ang isipan niya.Kaya, hindi na nagsabi ng ibang bagay si Claire at pinaalalahanan lang siya, “Kung gano’n, kailangan mong sabihin sa akin bago umalis ang eroplano mo pagkatapos mong sumakay sa eroplano para masigurado ako.”Ngumiti si Elaine at sinabi, “Okay, sige. Hindi mo kailangan mag-alala dito. Sabihan mo ang mahal kong manugang na magmaneho nang ligtas. Ibababa ko na ang tawag ngayon.”Pagkatapos itong sabihin, direktang binaba ni Elaine ang video call.Pagkatapos ibaba ang video call, tiningnan ni Elaine ang post na inupload niya sa WhatsApp, kaya nagalit siya ulit.Katulad nito ang dating nangyari noong nasa private jet siya at walang nag-like ng post niya.
Magbasa pa
Kabanata 4686
“Lexus LM300?” Tinanong ni Hannah sa pagkalito, “Ano ang LM300?”Sinabi ni Elaine, “Lexus MPV ito! Alam mo dapat na ito ang pinakamahal na MPV sa buong mundo! Ang presyo ng MPV na ito ay mahigit three million dollars!”Nagulantang si Hannah,. “Mahigit three million dollars para lang makabili ng MPV?! Kung gagamitin ang pera na ito para bumili ng Chevrolet Miniev, kaya nitong gumawa ng isang linya na mas mahaba pa sa coal train. Hindi ba’t medyo may problema kapag gagastos ng napakalaki para lang bilhin ang kotse na iyon?”“Anong alam mo?” Kumulot ang mga labi ni Elaine at sinabi nang mapanghamak, “Pang-tipikal na mahirap na tao ang pag-iisip mo. Hindi mo alam kung bakit gagastos ng daang-daang milyong dolyar ang mga mayayaman para bumili ng isang private jet, kaya siguradong hindi mo maiintindihan kung bakit gagstos sila ng mahigit three million dollars para bumili ng isang MPV. Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi para sa pinakamaganda, ngunit para sa pinakamahal!”Pagkatapos humin
Magbasa pa
Kabanata 4687
Tumingin siya sa pulis habang may nasorpresang ekspresyon at tinanong, “Oo, ako ito. Anong problema?”Patuloy na tinanong ng pulis, “Hayaan mong suriin ko ang personal na impormasyon mo. Ikaw si Elaine Parker mula sa Aurous Hill, Oskia. Ang sasakyan mo ay Cathay Pacific flight CX845 mula sa New York papunta sa Hong Kong, tama?”“Tama…” Mas lalong nalito si Elaine at tinanong nang naguguluhan, “May problema ba sa flight ko?”Sinabi nang malamig ng babaeng pulis, “Walang problema sa flight mo, pero may problema sa suitcase mo! Mangyaring sumama ka sa amin para tulungan kami sa imbestigasyon.”Sinabi nang nagmamadali ni Elaine, “Anong problema sa suitcase ko? Bukod sa mga damit at ilang lokal na produkto sa New York, wala akong ibang nilagay tulad ng mga lithium battery…”Suminghal nang malamig ang babaeng pulis, “Hindi mo na kailangan magsabi ng kahit ano. May ibang pasahero dito, kaya magkusa ka sana na sumama sa akin para hindi maapektuhan ang flight ng mga tao.”Pagkasabi nito,
Magbasa pa
Kabanata 4688
Hindi naiintindihan ng pulis ang Oskian dialect, pero naiintindihan niya pa rin ang mga English na nakahalo sa mga sinasabi ni Elaine.Hindi niya inaasahan na sasabihin talaga ni Elaine na siya ang ina niya, at nagalit siya agad. Pagkatapos ay sadya niyang nilakasan ang lakas sa tuhod niya at mas lalong inipit si Elaine.Nakaramdam lang si Elaine ng matalas na sakit sa katawan niya, at hindi siya makahinga dahil sa pressure. Pagkatapos nito, nakarinig siya ng isang lagutok, at agad siyang nakaramdam ng mas matalas na sakit. Binali ng pulis ang rib niya!Sa sandaling ito, nagpawis ng malamig si Elaine sa sakit habang umiyak siya at sinigaw, “Nabali ang rib ko! Nabali ang rib ko! Tulong! Mamamatay ako sa sakit…”Pagkasabi nito, tumingin siya sa babaeng pulis at sinabi, “Bilis at pigilan mo siya! Kung hindi, iipitin niya ako hanggang sa mamatay ako! Ganito niyo ba tratuhin ang mga first-class passenger niyo?!”Sinabi nang malamig ng babaeng pulis, “Ito ang unang pagkakataon na nakaki
Magbasa pa
Kabanata 4689
Sinabi nang nagmamadali ni Elaine, “Hindi ako nanghingi ng kahit isang sentimos! Tinutulungan ko lang ang isang kaibigan…”Nakonsensya nang sobra talaga si Elaine nang sinabi niya ito.Ito ay dahil alam niya sa puso niya na ang dahilan kung bakit pumayag siyang tulungan si Clarissa sa suitcase ay dahil sinabi ni Clarissa na bibigyan niya siya ng isang Lexus LM300 at ililibot siya sa Hong Kong ng ilang araw.Pero, pakiramdam ni Elaine na mga pasalitang pangako lang ito. Dahil, hindi pa siya nakakatanggap ng kahit isang sentimos mula sa babae, kaya imposibleng makahanap ng kahit anong ebidensya ang mga pulis.Pagkatapos ay tumingin ang babaeng pulis kay Elaine habang may medyo maawain na tingin. Pagkatapos nito, dinala niya si Elaine sa police station na nasa tabi ng airport terminal kasama ng mga kasamahan niya.Umiyak si Elaine sa daan dahil sa nabaling rib niya at umaasa siya sa gamutin muna siya, pero sinabi ng babaeng pulis, “Baling rib lang ito, kaya hindi mo kailangan pumunta
Magbasa pa
Kabanata 4690
Nang makita ng babaeng pulis na gustong tawagan ni Elaine ang pamilya niya, tumango siya. “Okay, may karapatan kang tawagan ang pamilya mo at sabihan ang pamilya mo na maghanda ng isang abogado para sayo.”Pagkatapos nito, nilabas ni Elaine ang cellphone niya, binigay ito kay Elaine, at sinabi, “Tandaan mo, pwede mo lang tawagan ang pamilya mo o ang abogado mo. Kung tatawagan mo ang kasabwat mo para ipaalam sa kanila ang tungkol dito, mas lalo kang magmumukhang may sala!”Umiyak si Elaine at sinabi, “Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko kanina lang?! Sinabi ko na sayo na niloko ako at ginamit ako ng iba. Saan ako makakahanap ng kahit anong kasabwat?!”Sinabi nang walang bahala ng babaeng pulis, “Hindi nakasalalay sayo o sa akin ang huling salita kung niloko ka ba o hindi, o kung ginamit ka ba o hindi. Kapag nagsimula ang paglilitis, ang lahat ay nakasalalay sa desisyon ng hukom.”Tumingin nang galit si Elaine sa babaeng pulis at pinulot agad ang cellphone niya at tinawagan si Cla
Magbasa pa
PREV
1
...
467468469470471
...
491
DMCA.com Protection Status