𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗶𝗻𝗲𝗔𝘄𝗸𝘄𝗮𝗿𝗱Dahil sa sandaling pagkatulala kay Dennis, hindi namalayan ni Raymond na nakalapit na ang Kuya Raynald niya na nakasalubong ang mga kilay. Inilapag nito ang gitara sa may paanan niya para batukan lamang siya. Parang nagising si Raymond kahit 'di naman siya tulog dahil sa lakas ng hataw ng kapatid. Iniwas niya ang tingin kay Dennis na hanggang ngayon ay hawak niya at sinigawan si Raynald."Aray, kuya! Masakit 'yon!" Pinanlakihan siya ng mga mata nito kaya napanguso si Raymond."Ah, masakit pala? Tara dagdagan ko pa? Bwisit kang bata ka, hinatid ka na nga, ginawa mo pa akong tagabitbit mo nitong mga gamit mo? O, ayan na." Inabot nito ang gamit niya, sinulyapan sandali si Dennis na may ngisi sa labi at binalik ang seryosong tingin kay Raymond."—Aalis na ako. Male-late na ako sa trabaho. Umayos ka nang galaw, Raymond, h
Last Updated : 2021-05-31 Read more