Lahat ng Kabanata ng Cursed Painting/ Tagalog: Kabanata 21 - Kabanata 30
52 Kabanata
Kabanata 20
DAY THREE SA MANSIYON.Sabay-sabay na lumabas ng kani-kanilang kuwarto ang mga estudyante, binati ng magandang umaga ang bawat isa. Tumuloy ang mga ito sa kusina para sa kanilang almusal. Naupo sa kani-kanilang pwesto."Napasarap yata ang tulog ni Sir," puna ni Charlotte nang mapansin na wala pa sa puwesto nito ang artist."Oo nga ano," sabi naman ni Noel.Nagtataka lang sila, dahil ngayon lang ito na late sa usapan na gigising sa tamang oras. Madalas ito ang nauuna sa kusina pero ngayon wala pa ito.Sabay na napalingon sa bungad ng kusina ang lahat ng pumasok si Mang Nestor sa kusina."Ang sabi ni Sir saakin mauna na daw kayong mag-almusal
Magbasa pa
Kabanata 21
SA THIRD FLOOR subsob na ang lahat. Kinukulayan na ng mga estudyante ang mga natapos ng larawan na iginuhit ng mga ito.Nakaupo naman sa kanyang swivel chair si Gregorio na matamang pinagmamasdan ang mga estudyante. Nakita niya na sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa bandang bintana nang biglang kumulog na sinabayan na ng ulan.Nakasarado naman ang bintana na gawa sa salamin kaya hindi makapasok sa loob ng kuwarto ang ulan."Natatakot ba kayo sa kulog, gusto nyo ba na takpan ko ng kurtina?" Tanong ni Gregorio sa mga ito.Sabay na umiling naman ang mga estudyante."Blessing daw po ang ulan Sir," nangingiting sabi ni Noel
Magbasa pa
Kabanata 22
PAGKATAPOS mananghalian tumuloy sa kanilang kuwarto ang magkaibigan na Alyssa at Maggie habang iyong ibang mga kasama nila mas pinili na tumambay sa sala habang nanonood ng balita."May bagyo pala ngayon." Sambit ni Noel habang humihigop ng mainit na kape.Humigop din muna ng kape si Carlos bago tumingin kay Noel."Kaya pala walang tigil ang ulan." Muling ibinalik ni Carlos ang paningin sa pinapanood sa telebisyon. "Grabe baha na pala sa ibang karatig bayan ng San Victoria.""Sana lang huwag tumagal ang bagyo!" Sabi naman ni Maureen habang maya-maya ang subo ng fish cracker na baon mismo nito. Inalok niya ang dalawang binata pero tumanggi ang mga ito."Sana nga kasi apat na araw na lang ang ilalagi natin dito. Ayoko naman umuwi na baha sa kalsada, hindi kasi ako marunong lumangoy baka malunod ako." Nakangusong sabi naman ni Charlotte at bahagyang kumagat sa chocolate bar na haw
Magbasa pa
Kabanata 23
"ANG lakas pa din ng ulan at parang medyo bumabaha na sa labas ng gate." Sabi ni Alyssa nang mapansin ang tubig na pumapasok sa bandang ilalim ng gate ng mansion."Aaayyyyyyyy!!!!!!!!!! " Panabay na tili ng magkaibigan nang biglang kumulog na sinabayan pa ng kidlat.Napayuko silang magkaibigan, natatawa pa silang dalawa ng gumapang sila pabalik ng kama."Sana lang huwag ng tumagal ang bagyo." Wika ni Maggie.Sasagot pa sana si Alyssa nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng tokador. Agad niya itong dinakpot at sinagot ni hindi na nga niya nagawang tignan kung sino ang caller."Hello?" Simula niya."Anak, kamusta kayo diyan sa San Victorio?" tanong ng nasa kabilang linya. Ang mommy pala niya ang tumawag."Si tita ba yan?" pabulong na tanong ni Maggie sa kanya. Tumango siya sabay lapat ng hintuturong daliri sa kanyang bibig sinyales na tumahik muna ito."Were fine, Mom," sagot niya sa ina na nasa kabilang linya."M
Magbasa pa
Kabanata 24
INILAGAY ni Gregorio ang mga braso sa kanyang likuran at paulit-ulit na ikinuyom ang mga kamay. Wala pa naman ito idea kung ano ang gustong itanong ng dalawang dalaga."Ah, wala naman po!" Panabay na sagot nilang dalawa."Hmm, ano naman ang tungkol kay Mang Nestor?" Muling tanong ng artist."Nakita ko po kasi kahapon si Mang Nestor na dala ang bag na pagmamay-ari ni Daisy." Si Maggie ang sumagot.Saglit na natahimik si Gregorio sa narinig. Agad siya nag-isip ng isasagot sa mga ito.Bahagyang lumiyad ang artist bago ito nagsalita. "Hindi kasi naisama sa kotse iyong isang bag ni Daisy kaya inutusan ko kahapon si Mang Nestor na pumunta ng bayan para ipadala sa DCL ang naiwan niyang gamit. Si Daisy na ang bahalang pumik-up ng gamit niya." Mahabang alibi ni Gregorio. Pero lihim na nagngingitngit ang kalooban ng artist sa galit sa katiwala dahil hindi ito naging maingat sa trabaho."Ganun po ba, Sir, kaya pala dala ni Mang Nestor iyong bag ni Daisy kaha
Magbasa pa
Kabanata 25
DAY 4 SA MANSIYON. Abala na ang lahat sa pagguguhit sa silid na iyon nang biglang mag black out kaya naghiyawan ang mga estudyante. "Siguro naman babalik din agad ang power." Ani Alyssa at tumayo. Tinungo ni Alyssa ang bintana, hinawi niya ang kurtina na nakatakip sa bintanang salamin pero hindi pa din sapat ang liwanag na nagmumula sa labas dahil malakas pa din ang ulan. "Puwede ninyong ituloy ang pagguguhit sa inyong mga kuwarto, may kanya - kanya kayong emergency light. Ipapacheck ko na din ang generator kay Mang Nestor para kung malobat man ang mga emergency light may magagamit pa tayo." Mahabang turan ni Gregorio. Mataman na nakikinig naman ang mga estudyan
Magbasa pa
Kabanata 26
UMABOT na ang gabi pero wala pa din kuryente, low-bat na din ang mga emergency light buti na nga lang at may generator na pang back up. Ilaw nga lang muna ang puwede nilang gamitin.Pagkatapos nilang mag hapunan nag stay muna sila sa sala kasama ang artist.Nag kuwentuhan habang umaasang sana bumalik na ang kuryente. Natigil lang sila sa pag-uusap ng lumapit sa mga ito ang katiwala na si Mang Nestor may dala itong mga kandila at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesita sa gilid ng sofa na kinauupuan ng artist."Ipinahanda ko na 'yan kay Mang Nestor para kung sakali hindi umabot hanggang umaga ang generator magagamit ninyo pansamantala ang mga kandila na." Sabi ni Gregorio.Bawat isa binigyan ni Gregorio ng tag-isa na kandila.
Magbasa pa
Kabanata 27
"OUCH!" Reklamo ni Alyssa sa kaibigan niya. Nakasalampak ito sa sahig habang hinihilot ang natapilok niyang kanang paa. Sa kalilingon niya kasi sa kuwarto ng artist habang naglalakad siya ay bigla siyang napatid ng kaliwa niyang paa. "Dahan-dahan lang naman dahil masakit,""Paano ba naman kasi ayaw mo tantanan ang kuwarto ni Sir!" Sermon ni Maggie sa kanya habang nilaglagyan nito ng ointment ang kanyang paa. "Buti nalang hindi ka napilayan.""Sigurado ka, bakit masakit?" Sunod-sunod niyang tanong. Napapangiwi siya sa bawat hagod nito sa kanyang paa."Wala akong nakitang buto na lumabas sa balat ng paa mo eh!" Sagot naman ni Maggie na tila nag bibiro lang naman. "Seryoso, magiging okay din itong paa mo mamaya. Nabugbog lang gawa ng pagkakatapilok mo."
Magbasa pa
Kabanata 28
"Bro, gising!" Malakas na mga yugyog ang ginawa ni Carlos para lang magising ang umuungol na binata. Katabi niya ito sa pagtulog nagising lang siya dahil sa malalakas nitong ungol na tila binabangungot. "Noel gising!" "No!" Sigaw pa ni Noel na parang may tinutulak ito. "Bro, ako ito si Carlos!" Muli nitong niyugyog sa balikat ang binata. Nakita ni Carlos ang pagmulat ng mga mata ni Noel na tila takot na takot. Humihingal na napaupo si Noel sa ibabaw ng kama. Inihilamos nito ang mga kamay sa kanyang mukha. Bumaba ng kama si Carlos, kumuha siya ng bottled water na nakapatong sa lamesita. Iniabot niya ito kay Noel.
Magbasa pa
Kabanata 29
MABILIS naman ang mga hakbang na lumapit si Noel sa artist. Pero ang mga mata nito inililibot sa buong paligid ng kuwartong iyon. Sobrang laki ng kuwarto ng artist parang dodoblehin ang kuwartong tinutuluyan nila ni Carlos. Madaming nakasabit na mga magagandang painting sa wall. Sobrang laki ng kama na parang pang prinsipe ang dating ng frame ng kama. Madami plaque na nakasabit din sa wall."Noel!" Pukaw ni Gregorio sa tila natulalang binata."Po?'' gulat na sabi ng binata. "Sobrang laki ng kuwarto mo Sir, para na din akong nasa sala." Humahangang sabi pa nito."Salamat," ngiting sagot ni Gregorio.Napansin ni Noel ang painting na ginagawa ng artist."Wow, ang ganda naman ng painting mo S
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status