All Chapters of The Doll: Chapter 11 - Chapter 20
23 Chapters
Chapter 11
SAMANTALANG sa kuwarto ng batang si Maya. Nag ngingitngit ang kalooban ng isang batang babae. Hindi nito nagustuhan ang ginawa sa kanya ni Maya.Bumalik sa alaala ng batang babae ang masamang nangyari sa kanyang buhay na mahabang panahon na ang nagdaan.Lumaki din siya sa piling ng kanyang tiyahin pero hindi kagaya ni Maya na mahal ito ng pamilya nito, samantalang siya pinagmalupitan ng kanyang tiyahin.Sinasaktan, ginugutom at ginawang alila. Sa kanyang huling hininga ang tanging kasama niya ay ang kanyang manika na kung saan hanggang ngayon nananahan ang kanyang ligaw na kaluluwa.Naiinggit siya kay Maya, gusto niyang maranasan kung ano man ang meron ito. Lahat gagawin niya magpalit lang sila ng kapalaran ng batang si Maya!Ngumiti ang bata ng pagkatamis na may ibig pakahulugan at tumawa ito ng mahina hanggang sa unti-unti na itong bumalik sa pagiging manika.MASAMA pa din ang loob ni Maya sa batang si Dolly ayaw pa din niy
Read more
Chapter 12
MAGKASABAY na pumunta ng sala ang mag-ina, iyon talaga ang paborito nilang spot ng bahay ang sala dahil doon sila madalas mag kuwentuhan, manood ng movies at magmeryenda."Tita bakit hindi mo ako sinama?" Nagtatampo na sabi ni Maya sa kanya. Katabi niya itong nakaupo sa sofa."Sorry, Maya, may dinaanan kasi ang tita na bawal sa mga bata. Next time na lang ha, papasyal tayo nina lola." Guilty niyang sagot sa pamangkin."Promise?" paniniguro ng bata.Itinaas ni Marilyn ang isang kamay na parang nanunumpa."Promise!"sagot ng dalaga at pinisil ang tungki ng ilong ng pamangkin."Kumain na tayo habang mainit-init pa ang pizza na pasalubong ng tita mo," Ani Aling Pacing nang iabot nito sa dalaga ang platito na may isang slice na pizza."Salamat, nay," magalang na sabi ni Marilyn.   Binigyan din ng isang platito na may isang slice na pizza ang apo at ang asawa ni Aling Pacing.Masayang nag-kukuwentuhan sa sala ang mag pamilya
Read more
Chapter 13
"I'm sorry," hinantay niya ang sagot ng pamangkin pero hindi ito nagsalita.Pinihit niya ang door knob natuwa siya dahil hindi pala iyon ni-lock ng bata ni Maya. Itinulak niya ng bahagya ang pinto, nakita niya ang pamangkin nakadapa ito sa ibabaw ng kama, nakasubsob ang mukha sa unan. "Can i come in?" tanong niya sa bata, pero pumasok na siya kahit hindi ito sumagot sa kanya. Naglakad siya palapit sa kama nito."I'm not a liar tita," sabi ng batang si Maya nang maramdaman nito ang paggalaw ng kama dahil sa ginawang pag-upo ng dalaga.Hinimas-himas ni Marilyn ang mahabang buhok ng pamangkin, nanatili pa din itong nakadapa at nakasubsob ang mukha sa unan."I know," sagot niya sa sinabi ng pamangkin.Biglang angat ng mukha ang bata, naawa siya nang makita ang luhaang mga mata nito."Bakit ayaw mo po maniwala sa sinasabi ko?" inosenteng tanong nito.Pinaupo niya ang pamangkin at masuyong hinawakan ang kanang pisngi nito.
Read more
Chapter 14
"NANDIYAN NA SILA," ngiting turan ni Aling Pacing nang matanaw ang magtiyahin na naglalakad papalapit sa sala."Ang aking apo!" ngiting bulalas ni Aling Mercedes ang lola ni Maya sa Ama.Binitiwan ni Marilyn ang kamay ng pamangkin. Patakbong lumapit naman ang bata sa kanyang lola."Lola!" masayang sambit ng bata at yumakap ng mahigpit sa abuwela."I have something for you!" kinuha ng ginang ang isang kahon na nakalapag sa sofa, iniabot ito sa apo na nandidilat ang mga mata sa tuwa."Wow, it's a doll!" tuwang bulalas ni Maya at sinimulan na buksan ang kahon. "Thank you lola, i love you!" Malambing na sabi pa ng bata sabay mabilis na humalik sa pisngi ng kanyang lola.Natutuwang pinagmasdan ni Marilyn ang maglola, naupo siya sa isang sofa."Kumusta naman ang aking apo?" tanong naman ng lolo nito sa Ama,kinarga nito ang bata at pinaupo sa kandungan nito."I'm fine lolo," ngiting sagot ng bata na nasa bagong manika nakatingin ang mga mata.
Read more
Chapter 15
NAALALA ni Marilyn na nasa bulsa pala niya ang susi ng kwarto ni Maya, hindi siya magkandatuto sa pagdukot sa kanyang bulsa. Nasaan na ba iyon? inis na bulong sa sarili ng dalaga nang hindi madukot ang susi. Natuwa siya nang mahawakan ang susi, nandoon lang pala iyon sa pinakamaliit na bulsa ng suot niyang pantalon. Mabilis na ipinasok ng dalaga ang hawak na susi sa keyhole ng door knob at mabilis na pinihit iyon. "Maya!" tawag ng dalaga sa pamangkin na nakahiga sa sahig, tingin niya nakatulog ito kaya pala hindi siya nito sinasagot. Patakbong nilapitan niya ang nakahiga pa din na pamangkin, inangat niya ang ulo nito at sinimulang gisingin ito. "Maya wake up!" "Uunghh..." Ungol ng bata bago tuluyan i
Read more
Chapter 16
PAGPASOK ni Aling Mercedes sa kuwarto ng apo, nakita nito na abala nga sa paglalaro ng manika na bigay niya ang bata.Nakangiting nilapitan ng ginang ang apo pero bago pa man ito makalapit sa bata ay napansin nito ang isang manika na nasa ilalim ng kama nito. Lumuhod ang ginang at inabot ang manika."Apo, sino nagbigay saiyo ng manikang ito?" tanong ng ginang sa bata na ipinakita dito ang pinulot na manika. "Ang Daddy o ang Mommy mo?""Si tita Marilyn po. Dolly po ang pangalan ng doll na 'yan lola." Sagot ni Maya na mahigpit na niyakap ang bagong manika niya."Ayaw mo ba sa manikang ito?" muling tanong ng ginang na naupo na sa tabi ng apo."Ayaw po," sagot ng bata na sinabayan ng pag-iling ng ulo."Mas gusto ko po itong doll na bigay mo lola, kasi si dolly bad po 'yan!" dugtong pa ng bata.Hindi naman na nagtanong ang si Aling Mercedez kung bakit nasabi ng bata n
Read more
Chapter 17
HINDI na nag tagal sa bahay na iyon si Padre Damian, dahil dadaan pa ito ng simbahan para sa pang+alas sais na misa.Si Marilyn na ang naghatid hanggang sa sasakyan na van ang Pari at mga kasama nito, habang nasa nakabukas naman na gate nakatayo si Perlita na kasambahay nila.Bago pumasok ng van si Father Damian ay kinausap niya muna ang dalaga para balaan ito."Ineng mag-iingat kayo, kanina may naramdaman akong masamang esperitu na nananahan sa bahay na ito. Hindi ako sigurado kung ligaw na kaluluwa ng mag-asawang namatay. Basta mag-iingat kayo," mahabang bilin ni Padre Damian bago sumakay ng van.Sa sinabing iyon ni Padre Damian tila may takot na bumalot sa buong pagkatao ni Marilyn. Sa ilang araw na paninirahan nila sa bahay ng kanyang ate wala naman silang naramdaman na kakaiba o panganib para sa kanilang pamilya. Pero dahil sa sinabi ng pari nag-iwan iyon ng takot sa kanyang puso.
Read more
Chapter 18
SI Marilyn lang ang pumasok sa kanyang kuwarto para kumuha ng pera na ibibigay niya kay Perlita, habang nasa labas ng kuwarto ang kanyang pamangkin at si Perlita.Pagkakuha ng pera ay agad naman niya iyong iniabot sa dalaga."Salamat po ate," nakangiting sabi ng dalaga at ibinulsa ang perang binigay niya dito."Mag-iingat kayo ha," paalala niya kay Perlita. "May susi ka naman sa gate, pakisuyo na lang paki-lock pagkalabas mo." Dugtong pa niya, may tiwala naman siya sa dalaga dahil kamag-anak ito ng isa sa mga kaibigan niya at sa mukha pa lang nito mukhang hindi naman ito gagawa ng hindi maganda."Opo ate, sige po aalis na po ako!" paalam dalaga at tumalikod na.Nasundan na lamang ng tingin ni Marilyn ang dalaga na pababa na ng hagdan. Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba habang tinitignan ang papalayong si Perlita."Tita," narinig niyang tawag ni Maya na bahagyang hinila ang dulo ng suot niya na blouse.
Read more
Chater 19
AT nang makasakay na sa truck ang dalawa ay mabilis na itong pinasibad ng driver ng truck. "Anong gagawin natin sa babae?" balot pa din ng takot ang lalaki, ayaw din nitong makulong dahil may lima siyang anak na binubuhay. "Itatapon natin sa dumpsite, ikaw at ako lang ang nakakaalam sa insidenteng ito kaya kung ako saiyo itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mo pareho tayong damputin at dalhin sa kulungan!" may galit sa boses na mahabang turan ng driver.    Minabuti na ngang manahimik ng lalaki kahit na nga kinakain na siya ng kanyang konsensiya, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya, magugutom ang kanyang mga anak kung makukulong siya. Kanina pa nakatigil sa tapat ng gate ng malaking bahay ang rider, usapan nila ng nobya ay alas-nuwebe
Read more
Chapter 20
"SEE?" ipinakita ni Marilyn ang manika na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Kasalukuyan na nasa loob na sila ng kuwarto ng pumanaw niyang kapatid. "Pero tita I swear, nakita ko po si Dolly kanina." Pinagpipilitan pa din ng bata ang nakita nito kanina. "Dolly is here!" medyo napalakas ang boses na sabi niya. Agad naman na naitakip ni Marilyn ang isang palad sa kanyang bibig, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang kanyang boses. Nakita ni Marilyn ang paglamlam ng mga mata ng kanyang pamangkin, na kahit na anong oras ay babagsak na ang luha nito sa mga mata. "We are all in danger!" pasigaw na sabi ng bata. Hindi na napigilan nito ang sarili na maiyak dahil masama ang loob nito
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status