All Chapters of Secretly in Love with the Boss: Chapter 11 - Chapter 20
138 Chapters
In Love with the Boss - Chapter 11
     NAGPASIYANG lumiban sa pagpasok ang dalaga kinabukasan. Umalis siya ng bahay ngunit kay Casandra siya nagtungo.      "O, Avery!" Nasorpresa ang kaibigan nang makita siya. "I thought you're in New Zealand? Hindi ka nakarating sa binyag, ha? Pero nauunawaan naman ni Eina, don't worry. Halika, upo. Ano'ng gusto mong inumin? Nagpapatimpla ako ng iced tea, gusto mo na ba 'yon?"      Naiinggit si Avery sa kaibigan dahil wala itong kiyeme sa katawan. Casandra had always been good in body language and oral communication. Naalala niya ang love story nito, masalimuot din. "H-huwag ka nang mag-abala, Cassie. Nandito ako dahil gusto ko sanang kumustahin 'yong trabaho sa kumpanya ni Teon."      "Sabi ko na nga ba, e. Mamaya na 'yon, ano? Balitaan mo muna ako ng tungkol sa aksidenteng nangyari sa New Zealand. Wala nang follow-up ang local news dito."      Naupo
Read more
In Love with the Boss - Chapter 12
     DAHIL pinaandar na naman ni Zane ang kapangyarihan ng salapi, naging madali ang mga preparasyon sa kanilang kasal.      Avery was becoming depressed even though a small corner of her foolish heart was rejoicing.      "Smile, Avery," Zane growled at her once while they were shopping for her wedding dress and trousseau. "You look dying," he added chidingly.      "I'm sorry," bulong niya habang yumuyuko. Parang gusto na naman niyang maiyak.     "Dammit, Avery! Don't cry here," he rebuked her in a low voice. "Baka isipin nila dito pinagbabantaan kita para magpakasal sa akin!"      "I--I'm sorry," ulit niya, garalgal na ang boses. "Pero tutoo naman, hindi ba?"      Tumindig ang lalaki upang alalayan siya palabas ng exclusive boutique. Nagpaalam ito sa sales manager. "Excuse us, ma'am, my fiancee's not f
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 1
Sleep with the Boss SYNOPSIS: Indeed… Love comes from the most unexpected places. Gasgas na ang linyang ito pero nagkakatutoo pa rin. Maingat at masinop na babae si Mina, isang sumisikat na interior designer. Sagad sa buto ang kahirapang natakasan niya gamit ang sipag at tiyaga. When she found a gorgeous man sleeping on her bed, lahat ng pinagpaguran ni Mina ay puwedeng maglaho na parang bula. Should she take the chance to gamble for love? But what if the love is just one-sided? Nakakatakot sumugal sa pag-ibig… But Lyon excites her so very much. He makes her feel alive and beautiful. But he feels only desire for her… Ano ang dapat piliin ni Mina? Love or security? *     *     * Sleep with the Boss - Chapter 1 Mina pushed back the long sleeve of her business suit to look at her gold wristwatch with the briskness of a busy person. "Late na ang eroplano, a?" puna niya
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 2
"Ma'am, would you like something to drink?" tanong ng magandang stewardess sa kanya. Tumango si Mina habang ngumingiti nang matipid. "A bottle of cold mineral water, please," tugon niya. "What about snack? We're still two hours away to our destination." Isinulat ng babae ang kanyang order at ang seat number sa dalang notepad. "No snack, thank you." Ipinahinga niya ang kanyang mga mata nang umalis na ang kausap. Nanghahapdi ang mga iyon dahil madaling-araw na siyang nakatulog kagabi. Halos magdamag siyang nag-sketch ng iba't ibang anggulo ng isang living room. Nabalitaan niyang mayroong bidding sa reconstruction ng isang salas sa isang pamosong mansiyon sa Forbes Park. Magpapadala siya ng kanyang presyo at ng kanyang ideas. Baka-sakaling manalo siya. She had the advantage of being a small company and, therefore, having a cheaper price. Katanghaliang tapat nang lumapag ang eroplano sa Cebu Airport. "Huu! Napakainit naman!" reklam
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 3
Bumuntong-hininga si Mina habang inilalabas ang kanyang wallet, pati ang sobreng kinalalagyan ng kontrata nila ng mayamang donya. Binasa ng lalaki ang harap at likod ng postal I.D. niya. "Mina Alvarez, twenty seven, single." Bumaling ito kay Sam matapos ibalik sa dalaga ang mga papel niya. "Boyfriend ka ba ni Mina?" Umiling ang binata. "Kapatid niya ako." Tumangu-tango ang lalaki na para bang may ina-aproba-han. "Okey. Puwede na kayong tumuloy." "Teka," pigil ni Mina nang tatalikod na ito para magpauna sa pagpasok. "Ano'ng pangalan mo?" Saka lang niya napagtanto ang panganib na papasukin nila nang maikumpara niya ang patpating katawan ni Sam sa matikas na hubog ng di-nakikilalang katiwala ng malaki at lumang bahay-Kastila. "Ako si Lyon," ang matipid na wika nito. "Ibinilin nga kayo ni Mang Waldo sa akin. Inaasahan nila ang inyong pagdating dito," patuloy nito habang isinasara ang tarangkahan. Inihatid sila ni Lyon sa itaas. "Marami sa
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 4
Napabilis ang pagpanaog niya. Her first instinct was to follow her brother. "Saan ka pupunta?" "Susundan ko ang kapatid ko," tugon niya. Malapit na siya sa pinto nang maabutan siya ng lalaki. "Hindi na bata ang kapatid mo para sundan-sundan kapag umaalis. Kanina pa naghihintay ang pagkain," ang paangil na pahayag nito. Napahinto si Mina. Pinilit niyang sikilin ang sumibol na pag-aalala. Bakit ba parang naging nerbiyosa siya magmula nang tumuntong sa bahay na ito? panunuya niya sa sarili. "S-sorry," she apologized. "Bakit hindi mo ako ginising kanina?" dugtong niya, in a curious manner. "Nagpunta ako sa kuwarto mo kanina. Kaya lang, nag-alangan akong gisingin ka dahil mahimbing ang tulog mo," wika ng lalaki. Nauuna ito sa paglalakad patungo sa kusina. Namutla si Mina bago namula nang marinig ang tinuran ni Lyon. "P-pumasok ka sa silid ko?" paniniguro niya. The tall man nodded as he gave her a sideways glance. "Don't worr
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 5
Hindi napigil ni Mina ang manginig na para bang giniginaw nang muli siyang mapaupo sa silyang pinanggalingan. Nakabadha ang matinding pagkalito sa kanyang mukhang namumutla. He stared at her broodingly for a long moment before moving away from her. Bumigat ang katahimikan habang nagsasalin ng mainit na likido sa dalawang tasa ang lalaki. "Thank you," she mumbled in a subdued tone as she accepted the cup and saucer. Lyon inclined his dark head in acknowledgement. He looked very formal suddenly. Tumikim lang si Mina ng dessert at ininom niya nang mabilis ang kape para makaalis na siya sa hapag-kainan. "Excuse me," aniya habang tumitindig. Awtomatiko ang pagdampot ng mga kamay niya sa mga pinagkanan. "Ako na ang bahala sa mga pinggan," wika ng lalaki. "You do your stuff. That's what you're being paid for." "I believe in division of labor, Mr. Zavala," pakli niya. "Besides, hindi pa naman oras ng trabaho ko." Tiningnan siya
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 6
Binlangko ni Mina ang kanyang isipan. Hindi niya maunawaan kung bakit nasasaktan ang kalooban niya. Dapat ay ang bulsa lang niya dahil hindi pala siya makakatipid sa accomodation at transportation, katulad ng inaasahan. Goodbye, car... bulong niya sa sarili habang inaayos ang mga maleta. Mabuti na lang, hindi pa niya naililipat ang mga damit sa aparador. Makukumpleto na sana ang iniipon niya para sa downpayment ng kotseng gusto niyang kunin. Iwinaksi niya ang panghihinayang. Ang importante, hindi nakansela ang proyektong ito. Ngunit mayroon siyang kutob na maghahanap pa rin ng butas ang lalaki para maialis sa kanya ang trabaho. Papababa siya ng hagdan nang makasalubong ang kapatid. Medyo malagihay ito. "O, ate? Saan ka pupunta? Mukhang alsa-balutan ka na naman, a?" bati nito habang susuray-suray sa pag-akyat. "Pakikuha mo na ang mga gamit mo, Sam," tugon niya. Malumanay ang tono. "Lilipat na tayo sa hotel." Nanlaki ang
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 7
Dakong alas onse nang bumangon si Sam. Pupungas-pungas pa ito. "Ang aga mo namang gumising, ate," anito habang naghihikab. Nag-inat pa ng mga payat na braso habang iginiling-giling ang beywang at balakang. "Ang sarap matulog kapag may aircon!" Nakaramdam ng pagmamalaki sa sarili si Mina. Malayo na pala ang nararating nila mula sa pinanggalingang kahirapan. "Um-order ka na ng pagkain mo sa Room Service, Sam," utos niya habang iniaabot dito ang telepono. "Baka malipasan ka ng gutom." "Gusto mong i-order din kita, ate?" Umiling si Mina. "Busog pa ako. Mamaya na lang ako kakain." Saglit na nakipag-usap sa telepono ang binata bago bumaling uli sa kanya. "Ano ba ang agenda mo para sa akin ngayon?" "Maghahanap ka ng mga tindahan na may reasonable prices." "Tindahan ng ano?" "Carpet, upholstery, paint, leather, and etcetera stores," tugon ni Mina. "Bibigyan kita ng listahan. Heto, o. Medyo kulang pa ‘yan. Bukas ko na lang dadag
Read more
Sleep with the Boss - Chapter 8
Mina soaked her tired body under the warm water until it went cold. Nakasandal lang siya. Hindi siya tumitinag habang nakatitig sa kawalan. Tanging ang isipan lamang niya ang kumikilos. For the first time in her life, she felt intensely attracted to a man--who disliked her. Ano'ng gagawin ko kapag naging mas malalim pa ang atraksiyon na nadarama ko para kay Lyon?tanong niya sa sarili. Nag-shampoo siya habang inaalisan ng laman ang bathtub. Pagkatapos ay nag-shower naman para magbanlaw ng sarili. Mabagal ang mga kilos niya dahil abala sa ibang bagay ang kanyang utak. Pulos awtomatiko lamang ang mga galaw niya. Nang makabihis at makasuklay na, lumabas uli siya sa sitting room. Gayon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nandoon pa rin ang lalaking pinaalis na niya kanina. Nakasandal ito sa isahang sopa at natutulog. The harsh lines of his arrogant features softened in repose. He looked younger and endearing. Mina couldn't resist sta
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status