Lahat ng Kabanata ng The Vampire's Maid Servant (Tagalog): Kabanata 71 - Kabanata 80
154 Kabanata
Chapter 69
 Nasa hapagkainan kami na mayroong napakaraming pagkain. Lahat ‘yon ay espesyal at makikita lamang sa hapagkainan nang napakayamang tao. Dahil hindi lang ‘to basta-basta.“Hindi naman natin kayang ubusin ‘yang lahat,” sabi ko.Nangiti siya. “Huwag kang mag-alala, ang mga puwede pang kainin ng iba ay ipamimigay natin sa nangangailangan. May lugar dito ng mga outcast, gusto ko lang matikman mo rin itong mga gusto kong kainin. Hindi ko lang napansin na ganito na pala karami ang lahat ng na-order ko.”Hindi ko alam kung totoo ‘yon pero natuwa naman ako na may makikinabang sa masasarap na pagkaing ito. Sobra-sobra ito, pang fiestahan na nga ito.Napakaliwanag nang lugar, mayroong tumutugtog na musiko at tila talaga kami nasa ulap.Masaya kaming kumain at nagkuwentuhan. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Iyong bagong siya.Kung tutuusin, tila mas makulay ang buhay niya rito sa bagong
Magbasa pa
Chapter 70
Ibinalik ni King si Anastacia kila Marina at bumalik na rin sa kanila. Ang plano niya sanang isang linggong kasama si Anastacia ay nahinto dahil baka makahalata si Kristelle. Palagi siyang nagtitiim-bagang kapag naaalala niya na kailangan niyang isikreto si Anastacia at ang relasyon nila sa paraang hindi niya dapat sinasabi kay Anastacia.“Bakit nagbalik ka kaagad? Akala ko ay matatagalan ka?” tanong ni Dark sa kanya nang pumasok siya sa entertainment room.“Naroon si Kristelle, nakita niya kami.” Mahinang tugon ni King. Naupo ‘to katabi ni Dark.“Kaya pala mukhang papatay ka ngayon,”  natawa ito.“Nasaan ‘yong dalawa?”“May ipinagawa sa kanila si ama. Pero mabuti nga at bumalik ka dahil hinahanap ka niya.”“Anong sinabi ninyo nang hinahanap ako?”“Si Stefan ang sumagot, sabi niya’y nagliliwaliw ka lang dahil nababagot ka na. Pero sabi
Magbasa pa
Chapter 71.1
“Aaaaaaaah!” Nahila ni Vince ang braso na nakagapos nang malalaking bakal.Hubad ang pang-itaas niya at panay ang hampas nang latigo sa kanyang katawan.Duguan at sugatan na rin siya pero para pa rin siyang hayop na sasagpang ano mang oras kung makakawala ito nang biglaan.“Master, narito ang Vampire Hunter na sinasabi namin sa ‘yo na hindi namin mapatay dahil may potensiyal siya.”Sa labas nang selda ang boses na ‘yon.“Dalhin ninyo siya sa ‘kin sa loob dahil hindi ko gusto ritong makipag-usap.”Umalis si Don Felipe kasama ang dalawang grupo nang guards nito.Ibinaba ng malalaking bampira si Vince sa pagkakagapos. Dahil nanghihina na rin nagawa na ‘tong hilahin matapos iposas ang palad.Lalong nagalit si Vince nang makita ang mga kasamahan niyang pinahirapan din sa iba’t ibang selda. Ang iba’y halos minuto na lamang ang itatagal. Sa galit niya’y naga
Magbasa pa
Chapter 71.2
 Nakabalik na si Stefan at Grim.Sakto ring nakauwi si King dahil mayroon pa lang handaan ang ama.“Nakakalimutan ko talaga taon-taon ang araw na ‘to,” sabi ni Stefan.Naroon sila sa paborito nilang silid.“Ano ba uli ang mayro’n ngayon? Baka bigla akong magkamali,” sabi ni Grim, mukhang nalimutan din.“Kamatayan nang tunay niyang anak na si Drake. Naging bihag siya at pinatay. Seven years ago no’ng mangyari ‘yon, madalas pinagdiriwang niya ‘yon nang masaya at isang handaan. Pero tayo lang mga anak-anakan niya,” sabi ni Dark.Alam din ni King ‘yon, hindi niya lang napansin ang araw dahil sa dami nang kanyang iniisip.Mas lalo pang dumami ang isipin niya. Kailangan niya na talagang seryosohin ang pagtakas o mas mahihirapan lamang si Anastacia sa kanya.“Parang palagi kang problemado? Iyan talaga ang mahirap kapag may babae,” sabi ni
Magbasa pa
Chapter 72.1
**"King! King! King!" Masayang tumatakbo si Stefan."Saan ka galing?" tanong ni Stefan."Galing ako sa misyon." Sagot ni King sa kapatid."Nariyan pala 'yong babae mo," sabi pa ni Stefan. "Kristelle ba 'yon?"Tumango si King."Bakit may mga sugat ka?" tanong ni Stefan."Sa Gongora ako pumunta.""Pinadala ka ni ama do'n?!" gulat na tanong nito. Naroon sila sa pasilyo."Pagpahingahin mo nga muna ako.""Anong sasabihin ko kay Kristelle? Ilang oras na siyang narito.""Magpapahinga lang ako, kung gusto niya pumunta siya sa kuwarto ko habang nagpapahinga ako.""Wow! Taktika mo rin, eh! Sige-sige!" Dumiretso si King sa kanyang kuwarto. Naglinis muna siya at lumabas ng nakaroba. Tinuyo na niya ang sarili sa paliguan.Nang lumabas siya'y naroon na si Kristelle. Hindi niya nilock ang pintuan para rito. Ngiting-ngiti ito."Sinabi lang ni Don Felipe na parating ka na." Sa kama kaagad ito naupo.
Magbasa pa
Chapter 72.1.1
  "King! King! King!" Masayang tumatakbo si Stefan. "Saan ka galing?" tanong ni Stefan. "Galing ako sa misyon." Sagot ni King sa kapatid. "Nariyan pala 'yong babae mo," sabi pa ni Stefan. "Kristelle ba 'yon?" Tumango si King. "Bakit may mga sugat ka?" tanong ni Stefan. "Sa Gongora ako pumunta." "Pinadala ka ni ama do'n?!" gulat na tanong nito. Naroon sila sa pasilyo. "Pagpahingahin mo nga muna ako." "Anong sasabihin ko kay Kristelle? Ilang oras na siyang narito." "Magpapahinga lang ako, kung gusto niya pumunta siya sa kuwarto ko habang nagpapahinga ako." "Wow! Taktika mo rin, eh! Sige-sige!" Dumiretso si King sa kanyang kuwarto. Naglinis muna siya at lumabas ng nakaroba. Tinuyo na niya ang sarili sa paliguan. Nang lumabas siya'y naroon na si Kristelle. Hindi niya nilock ang pintuan para rito. Ngiting-ngiti ito. "Sinabi lang ni Don Felipe na parating ka na." Sa kama ka
Magbasa pa
Chapter 72.2
Inaantok na ‘ko nang makarating kami. Ala siesta y media pa lamang naman.Nauna akong bumaba at inalalayan naman ako ni Drake, ang una kong nakita sa pagtaas ko’y si King.Nangiti ako nang makita ito pero mukhang hindi ito natuwa.Binitiwan naman ako ni Drake para alalayan ang iba pa.Mukhang napansin din ng mga naroon si King.“Sino naman ang guwapong lalaking ito?” tanong ni Aling Esther.“Ah, ito po ang boyfriend ko si King,” sagot ko.“Aba’y napakaguwapo!” sabi ni Aling Isyang na mahilig sa guwapo.Tiningnan ko si King, halatang may topak siya pero ngumiti naman.“Salamat sa pag-aalaga at pag-uwi nang ligtas kay Anasta—”“Natasha,” bulong niya rito.“Wala ‘yon, wala ‘yon! Napakabait niyang dalaga!” sabi ni Aling Dalia.Nangiti naman ako.“Aalis na po kami, maraming salamat, Dra
Magbasa pa
Chapter 73
Tulog ako nang umalis si King. Sapat na sa ‘kin iyong gano’n, ang mahalaga alam kong ligtas siya.Maaga akong nagising kaya maaga rin akong nagkape.Naabutan pa ‘ko ni Marina at Renan na papasok naman ng trabaho.“Nakaalis na si King?” tanong ni Renan.Ito lamang ang nag-aalmusal dahil tumanggi ako at gusto naman ni Marina na hintayin ang anak sa almusal.“Umalis na, abala siya ngayon, napadaan lamang,” nakangiting sagot ko.“Mabuti at hindi ka naiinip sa gano’n,” sabi ni Renan.Nangiti ako. “Hindi naman, masaya kasi rito, marami akong nakakausap at naiintindihan ko naman kung bakit siya wala, valid naman ang mga rason niya kaya madali lang sa ‘kin na sumangayon.”Nangiti silang dalawa ni Marina.“Ligtas din dito, alam kong dinala ka niya rito para maging ligtas,” sabi ni Renan.Tumango ako. “Iyon nga ang sabi niya sa &
Magbasa pa
Chapter 74
“Kumusta na ang hawak ninyong Vampire Hunter?” tanong ni Don Felipe sa dalawang bampirang pinagbabantay niya sa nasabing Vampire Hunter.“Maayos naman, kinakaya ng katawan niya ang mga isinasaksak sa kanya,” sagot ng isa.Sa kanyang trono’y napadiretso nang upo si Don Felipe.“Sige, makakaalis na kayo,” sabi niya sa mga ito.Nagdatingan din ang mga babaeng tila wala sa huwisyo at naggagandahan. Pumuwesto ang mga ito sa paanan ni Don Felipe, ang limang babae ay mga aliping nakuha sa iba’t ibang lugar.“Hindi ako kumilos simula nang malaman ko ang kay King. Sa ngayon, sinusunod naman niya ‘ko at wala akong nakikitang pagbabago. Hindi ako dapat magpadalos-dalos. Isa pa, kahit ano naman ang gawin niya’y ‘di iya makakalaya sa ‘kin.” Nangisi si Don Felipe. Noong nakaraan ay ipinadala niya sa Gongorra si King, isa ‘yong Dark Island, ibig sabihin lamang malalakas ang
Magbasa pa
Chapter 75
Napatingin din si Drake kay King.Kinakabahan ako dahil halatang galit si King.“Narito na pala ang kasama mo,” sabi ni Drake. “Siguro ay aalis na rin ako.”Hindi ko malaman kung papayag akong umalis siya o sasabihin ko munang kumain siya. Pero baka magalit lalo sa ‘kin si King. Hindi tuloy lumabas ang boses sa ‘king labi.“Kumain ka muna, gising na rin si Dylan,” sabi ni King.Nagulat naman ako pero ipinagpapasalamat kong pinakain niya muna si Drake dahil nakakahiya naman kung makakaramdam ito nang kakaiba sa pagitan nilang tatlo.Ipinaghanda niya ang mga ito.Mukha namang wala namang kahit na anong pagkailang si Drake. Nakangiti lamang ako. Pero alam ko na si King, iyong ngiti niya’y pilit lamang.“Saan ka nakatira? Sa kabilang isla ba? Pero sa hitsura mo mukhang sa capital ka galing,” sabi ni Drake, palakaibigan naman ang kanyang tono.“Sa malayon
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
16
DMCA.com Protection Status