All Chapters of Acting Of Affection (TAGALOG): Chapter 61 - Chapter 70
102 Chapters
Chapter 35.1
Lizabeth's POV "Anong ginagawa mo dito, Allyson?"   "Hello, Liza. I'm here for my friend," nakangiti naman niyang tugon. Kahit sobrang ganda niya, halata namang plastic lang. Mahina akong natawa.    "Wala kang kaibigan dito. At kung hinahanap mo si Kenzo, kanina pa siya nakaalis."   "Ally!"   Sabay kaming napalingon sa may bandang hagdan nang sumigaw doon ang isang pamilyar na boses ng babae. Si Raen. Tumakbo siya papalapit kay Allyson at saka ito niyakap ng mahigpit.   "OMG! I miss you!" Niyakap naman pabalik ni Allyson si Raen na bihis na bihis.   Nakasuot siya ng floral blue dress at saka light blue na sandals. May nakasukbit namang Louis Vuitton na bag sa kanyang balikat.   "M-magkakilala kayo?!" Nanlalaki pa din ang mga mata ko habang pinagmamasdan silang magyakapan at mag-usap.    "Yes! At hind
Read more
Chapter 35.2
(Continuation of chapter 35) Lizabeth's POV Para akong zombie na naglalakad ngayon patungo sa banyo. Kakagising ko lang at nakita ko sa orasan na six thirty-eight na ng gabi. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang sakit sa puso ko nang makatulog ako kanina.   Pagharap ko sa salamin ng banyo ay doon ko napansin ang mugto kong mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Maging ang buhok ko ay magulo na din.   Naghilamos na ako at nagsipilyo. Nang masiguro ko na maayos na ang hitsura ko ay binuksan ko na ang pinto ngunit nagulat ako nang may nakitang nag-aabang pala sa labas nito.   "Kenzo... a-anong ginagawa mo d'yan?" mahina kong tanong ngunit sa ibang direksyon ako nakatingin. Ayaw ko siyang titigan sa nga mata, lalo lang akong nasasaktan.   "May pupuntahan tayo, magbihis ka."   "S-saan?"   "Basta, halika—"   Akmang hihilain na niya
Read more
Chapter 36.1
Lizabeth's POV Pagbalik ko ng mansyon ay mukhang nasa dining ang mga tao dahil napaka tahimik sa lobby. Kaagad akong umakyat papunta sa kwarto namin ni Kenzo at nag-impake. Kailangan kong magmadali, sigurado akong sa oras na maabutan niya 'ko dito ay hindi na niya ko papalabasin.    Ang mga kinuha ko lamang ay ang mga dati ko pang damit noon. Iniwan ko lahat ng mga binili sa akin ni Kenzo, pati na ang mga sapatos at bags ay hindi ko na isinama sa maleta ko.   May naramdaman akong mabalahibong bagay sa aking paanan nang sinasarado ko na ang maleta. Pagtingin ko doon ay si Lizenzo pala.   "L-lizenzo." Kinarga ko siya at saka ko siya niyakap habang inaamoy-amoy. Gising na pala siya, palagi lang kasi siyang natutulog tapos mag-iingay kapag nagugutom.   "Aalis na 'ko, ha. Ikaw na ang bahala kay Kenzo. Sana alagaan ka niya, magpakabait ka sa kanya, ha." May konting luha ang lumabas sa mga mata
Read more
Chapter 36.2
(Continuation of chapter 36) Lizabeth's POV "Ma! Ate!"    Sa huli ay naisipan kong umuwi na lamang kanila Mama, mabuti na lang at may dumadaan pa ding sasakyan kaya mabilis akong nakarating. Bumukas ang pinto ng bahay at inuluwa no'n si Ate na hindi makapaniwalang makita ako.   "Beth?" Tumakbo siya papalapit sa gate at binuksan ito.    Sandali kaming nagkatitigan. Gano'n pa din ang hitsura niya, halata sa kanyang mukha na puyat siya. Mukhang subsob siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw.    Maya-maya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at naibagsak ko ang maleta ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at doon ko ibinuhos ang luha ko. Sa lahat ng taong nakilala ko, sila lang ni Mama ang tunay na nakakaintindi sa nararamdaman ko.    "Shh... bakit ka umiiyak, bunso? 'Wag ka ng umiyak, nandito na si Ate." Hinaplos niya ang likod ko na lalong na
Read more
Chapter 37.1
Lizabeth's POV "Final na ba 'yang decision mo na 'yan, Beth?" tanong sa akin ni Irene habang inaayusan siya ng make-up artist.   "H-hindi ko din alam, Irene." Nagpakawala ako ng buntong hininga.    Graduation day na namin, maya-maya lamang ay magsisimula na ang ceremony pagkatapos naming maayusan. Wala pang masyadong tao sa school at ang iba ay naglilinis ng area kung saan magaganap ang seremonya.   "Hay, naku girl! Bakit ba kasi pinapahirapan mo ang sarili mo? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na mahal mo din siya para naman happily ever after na kayo?"   "Kung gano'n nga lang kadali, Irene ay ginawa ko na. Kaso sa lahat ng love story hindi nawawala ang mga villains."   "'Yong daddy ba niya?"   Hindi ako sumagot kaya mukhang nalaman na niya ang ibig kong sabihin.   "Alam mo, Beth. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglala
Read more
Chapter 37.2
(Continuation of chapter 37) Lizabeth's POV Simula nang magsimula ang seremonya ay lutang talaga 'ko. Hindi kasi maalis sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Lloyd kanina. Argh! Bakit ba kasi sinagot ko pa ang tawag niya?!   "Hoy! Graduation day ngayon pero 'yang mukha mo parang namatayan." Sumulpot si Kevin sa tabi ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin.   "Kinakabahan lang." Pilit akong ngumiti.   "Weh? Kinakabahan o may iniisip? Ano ba 'yan, ha?"   "Baka naman kasi sino, hindi ano." Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang mainit na hininga ni Weslynn sa batok ko. Diyos ko, may sa multo ba 'tong mga kaibigan ko?   "Tigilan niyo nga ako! Kayo ang dami-dami niyong napapansin, bakit hindi mga sarili niyo ang isipin niyo?" pag-iiba ko ng usapan. Ako na naman ang naiipit sa usapang 'to. Kung bakit ba tuwang-tuwa silang pinapaa
Read more
Chapter 38.1
Lizabeth's POVHalos liparin ko na ang daan papunta sa airport. Buti na lang nga at hindi kami masyadong nagtagal ng taxi driver sa traffic kanina. Pansin ko din ang pagsulyap-sulyap ng driver sa akin mula sa rare view mirror, mukhang nagtataka siya sa suot kong damit.  Argh! Bakit hindi ko naisip na nakasuot pa pala 'ko ng toga kanina paglabas ko ng school? "Manong, malayo pa po ba?" tanong ko sa driver.  "Malapit na miss, matanong ko lang, umalis ka ba sa graduation mo?"  "Ah... eh... mahirap pong ipaliwanag." Napakamot pa ako sa ulo at kagaya ng sinabi ni Manong ay malapit na nga kami, natatanaw ko na kasi ang malalaking eroplano sa 'di kalayuan. Nang makarating ay kaagad akong nagbayad at patakbo kong pinasok ang loob. Napatigil ako sa may entrance nang makita ang dami ng tao sa paligid. Paano ko siya mahahanap sa sobrang dami ng tao dito sa loob?
Read more
Chapter 38.2
(Continuation of chapter 38)Lizabeth's POV"Ayan, napaka ganda," wika ni Ate habang inaayos ang pagkakasabit ng frame ng aking diploma sa pader.  Maging ako ay nakangiting pinagmamasdan itong nakahilera sa mga certificates at awards na nakuha namin ni Ate habang nag-aaral pa lamang kami. Ang ilan ay galing sa pagiging estudyante, ang iba naman ay parangal sa pagiging guro ni Ate Lucy.  Lumapit siya sa akin at saka ako inakbayan habang nakatingin pa din sa diploma ko. Ramdam ko ang sayang nararamdaman ni Ate dahil sa wakas ay nakapagtapos ako at nawakasan na ang hirap niya sa pagpapaaral sa 'kin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makakamit kung anong mayroon ako ngayon. "Proud na proud kami ni Mama sayo, alam mo ba 'yon?" Lumingon siya sa akin at maging ako ay napatingin na din sa kanya. "Dahil sa wakas, magkakaroon na kami ng fashion designer na anak at kapatid."&nb
Read more
Chapter 39.1
Lizabeth's POVHuminto ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant. At dahil madilim na ay lalong lumabas ang ganda ng gusali dahil sa nagkikinangang ilaw sa buong paligid.  Pinagbuksan ako ng pinto ni Luis at sabay kaming pumasok sa entrance.  "Good evening, Sir Luis. This way, please," wika ng isang matangkad na babaeng sa tingin ko ay nasa edad twenty plus pa lang mahigit.  Sinundan lang namin siya hanggang sa makarating kami sa isang table na nasa gitna. Umikot ang mata ko sa lahat ng mga tao sa loob ng restaurant. Base sa mga hitsura nila ay mukhang mayayaman at ang iba naman ay mga kilalang tao sa Pilipinas. "Luis, masyado atang mahal dito. Dapat nag-fast food na lang sana tayo," bulong ko sa kanya na nasa tabi ko.  "The girl like you deserve to eat in this fancy restaurant." Ngiti na lamang ang tinugon ko sa sinabi n
Read more
Chapter 39.2
(Continuation of chapter 39)Lizabeth's POVPagmulat ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kahalikan ko ngayon. Kaagad ko siyang tinulak at nakita ko ang nag-aalab niyang mga matang nakatingin sa akin. Namula ako sa kahihiyan at umiwas ng tingin. "I-I'm sorry," wika ko at halos pabulong na.  Pilit siyang ngumiti at saka niya hinawakan ang kanan kong kamay. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya. "You know what, umalis na tayo dito. I know the right place for you." Hinila niya 'ko papalabas ng pinto ng bar at sumakay kami sa kotse niya. Habang nasa byahe ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang dina-digest ng utak ko ang kahihiyang ginawa ko kanina. Beth, bakit?! Bakit kay Luis?! Bakit sa ex mo pa?! Baka mamaya isipin niyang may kahulugan ang halik na 'yon. Kasalanan ko bang akala ko ay siya si Kenzo? Bakit ba kasi bigla-bigla n
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status