All Chapters of Acting Of Affection (TAGALOG): Chapter 51 - Chapter 60
102 Chapters
Chapter 30.1
Lizabeth's POV "Katulad kaya ng mga nanay sa teleserye 'yong mother ni Kenzo?" tanong ni Weslynn habang nagtitipa sa kanyang laptop na nasa ibabaw ng center table.   "What do you mean?" wika naman ni Irene na sinagot ng tanong ang tanong ni Weslynn.   "'Di ba? Like, aalukin ka ng hundred million para lang layuan mo ang anak ko keme-keme. Kapag hindi ka lumayo sa anak ko ipapapatay kita ganern."   "Hindi natin alam, pero sana naman hindi maging gan'yan ang sasabihin ng mommy niya. Pakiramdam ko tuloy gusto ko nang lumayas dito sa mansyon," nakabusangot kong tugon.   Nandito kami sa library sa mansyon upang gumawa ng research presentation namin. Mabuti na lamang at pinayagan naman kami ni Kenzo, para naman daw hindi ako mag-isa dito. Napagpasyahan kasi ni Kenzo na 'wag muna akong pumasok ng school kaya sila Irene muna ang tutor ko pansamantala.   "Hay, naku! Basta kapag may
Read more
Chapter 30.2
(Continuation of chapter 30) Lizabeth's POV Nahumaling ako sa ganda ng dagat kaya naman binitawan ko ang kamay ni Kenzo at tumakbo na ako sa puting buhangin habang nakataas ang magkabilang braso at nilalanghap ang sariwang hangin.   "Breath taking." Napabulong ako sa kawalan dahil sa sobrang saya. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala dito.   "Ehem."   Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang pagtikhim ni Kenzo. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang hawak niyang bouquet ng pink roses na nakabalot sa puting tela.   "These flowers are as beautiful as you. But the difference between the two of you, they are many but you, you are the only one in my heart," wika niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.   Napahagalpak ako ng tawa at halos mawalan na ako ng hininga. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng oxygen kung sakaling bumagsak na lang ako
Read more
Chapter 31.1
Lizabeth's POV Naghahanda na ako para sa aming pag-alis. Sabado na kasi ngayon at ngayon din ang kaarawan ni Lloyd. Syempre wala munang work sila Kenzo dahil imbitado lahat ng mga katrabaho nila.    Nakasuot ako ng simpleng pink drop waist style dress na below the knee ang haba at saka two inch sandals na dark pink naman. Tumerno din dito ang pink pouch ko.    "Tatawag ka lang ba para mangulit? Pang sampong beses mo nang tumawag simula pa kaninang madaling araw para lang ipaalalang birthday mo!"   Napalingon ako sa kakapasok lang na si Kenzo habang nakakunot ang noo at may kausap sa telepono. Base sa pananalita niya ay mukhang si Lloyd ang kausap niya. Sikreto akong natawa dahil sa narinig. Ito naman kasing si Lloyd parang hindi na makatulog.   Pinatay niya ang tawag at saka ako nilapitan.   "Ano ba 'yan? Ang aga-aga para kayong aso't pusa. Hindi ba pwedeng magk
Read more
Chapter 31.2
(Continuation of chapter 31) Lizabeth's POV Parehong napatigil sa pagsasalita sila Kevin at Lloyd at sabay na napatingin sa direksyon namin. Nakita ko ang paglikot ng mga mata ni Kevin at nagpatuloy lamang sa pagkain.   "Hey! Nandito na pala kayo, have a seat."   Kung hindi pa kami inanyayahan ni Lloyd na umupo ay baka nakatayo pa din kami at hindi makapaniwala sa nakita kani-kanina lang.   Umupo ako sa tabi ni Kenzo habang sila Weslynn at Irene naman ay sa tabi ni Kevin na simpleng kumakain ng carbonara.   "Ikaw, ha. Nauna ka pa palang umalis sa amin, mas excited ka pa ata kaysa kay Lloyd, eh," panunukso sa kanya ni Weslynn.   "Ano bang sinasabi niyo?" simple niyang tanong.   "Ang sabi kasi ng mommy mo kanina noong dumaan kami sa inyo, pumunta ka daw ng mall. But it looks like the opposite." Gumuhit sa labi ni Irene ang makahulugang ngiti.
Read more
Chapter 32.1
Lizabeth's POV "Thank you so much for joining me and my brother in this very special day for me. Na-appreciate ko lahat ng mga dumalo and of course ang mga nagbigay ng regalo. So, tuloy lang ang party hanggang midnight!"    Nagsigawan ang mga bisita nang matapos mag-speech si Lloyd. Itinaas namin ang mga mga baso namin na mayroong champagne.   "Long life, Kuya!" sigaw ni Luis.   "Maging mature ka na! 'Wag ka ng maging isip bata!"   Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Kenzo. Matapos no'n ay sabay-sabay naming ininom ang laman ng mga baso namin at saka nagpalakpakan. Madilim na ang paligid dahil seven o'clock na din ng gabi. Nang kumagat ang dilim kanina ay mas lalong lumitaw ang ganda ng bahay nila Lloyd dahil sa mga nagkikislapang ilaw sa buong bahay.   "Punta lang akong CR," bulong ko kay Kenzo na nasa aking tabi.   Nasa iisang table lang k
Read more
Chapter 32.2
(Continuation of chapter 32) Lizabeth's POV "Bye, guys! Thanks for today, sobrang saya ko na nakadalo kayo. Lalo ka na Kevin," wika ni Lloyd.   Kakatapos lang ng party. Eleven o'clock na din ng gabi kaya napagpasyahan na naming magpaalam. Hindi ko na sinabi kay Kenzo o sa mga kaibigan ko ang nangyari sa 'kin kanina. Wala namang masamang nangyari sa akin kaya mas pinili ko na lang itago sa kanila.    "S'ya nga pala, nakita niyo ba si Luis? Bigla na lang kasing nawala kanina."   Napakagat ako sa labi dahil sa tanong ni Lloyd. Malamang ay nasa kwarto pa din na madilim si Luis kung saan ko siya iniwan kanina. Napahigpit ang hawak ko sa pouch.   Nagpalinga-linga ang mga kasama ko sa paligid habang ako ay nakatingin lamang sa kawalan.   "'Di bale, baka natutulog na. Ang dami din kasing nainom kanina. Paano ba 'yan, gabi na, magpapahinga na din ako." Niyakap ni Lloy
Read more
Chapter 33.1
Lizabeth's POV "Who's that girl?" tanong ng batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay Raen ang pangalan.    Lahat sila ay napatingin sa direksyon ko nang magsalita si Raen. Ang kanyang ama ay kagaya ng anak niyang babae, walang kaemo-emosyon ang mukha. Habang ang ina naman niya ay napaka lawak ng ngiti at hindi mo aakalaing may dalawang anak na dahil sa sobrang ganda.   "Finally, she's here." Tumayo si Kenzo mula sa kinauupuan at saka lumapit sa akin at inakbayan ako.    "Mom, Dad, this is Lizabeth, my wife."   Pilit akong ngumiti sa kanila at saka ako kumaway. Tumayo si Tita Kendra at saka lumapit sa akin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya 'ko.   "Wow, mapa-letrato at personal, napaka ganda mo pala talaga, hija."   Naaamoy ko ang napaka bango niyang pabango. Pati ang buhok niya ay talaga namang nakakahumaling ang amoy. Ku
Read more
Chapter 33.2
(Continuation of chapter 33) Lizabeth's POV "Grabe, sinabi niya talaga 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Weslynn.    Niyaya ko sila dito sa mansyon, tutal ay Linggo naman. Nandito kami sa sala at kakatapos lamang naming mag-aral. Naikwento ko sa kanila ang nangyari kaninang umaga at talaga nga namang maging sila ay nagulat.    "Oo, at saka 'yong daddy ni Kenzo, parang suplado," pabulong kong sabi sa kanila at baka marinig ng ibang tao. Mahirap na, nasa iisang mansyon lang kami. Mabuti na nga lang at nasa kwarto nila si Tito Enzo at si Raen.   "Tsk, may pinagmanahan naman pala," umiiling-iling pang tugon ni Kevin.    "Basta kapag kailangan mo ng resbak laban d'yan sa Raen na 'yan, tawagan mo lang kami at tuturuan namin ng leksyon 'yan."   Ngiti na lamang ang tinugon ko sa sinabi ni Irene. Sa aming apat, siya talaga ang pinaka palaban. War freak b
Read more
Chapter 34.1
Lizabeth's POV Ilang araw din ang nakalipas matapos ang pag-uusap namin ni Raen at hindi na 'yon nasundan pa. Madalas ay nagkukulong lamang siya sa kwarto o kung minsan ay nagpupunta sa library.   Si Tito Enzo naman ay madalas nasa opisina ni Kenzo. Doon siya pansamantalang nag-aasikaso ng bussiness nila. Kahit nasa Pilipinas na ay hindi pa din nila makalimutan pansamantala ang tungkol sa trabaho.   Tanghali na at kakatapos ko lang maka video call ang mga kaibigan ko dahil ikinuwento nila sa akin ang napag-aralan kaninang umaga. Bumaba na ako sa hagdan ngunit napahinto ako nang may maamoy akong mabango mula sa kusina.   Sinundan ko ang amoy at pagtungtong ko sa pintuan ng kusina ay nakita kong nakasuot ng apron si Tita Kendra habang naghahalo sa isang kasirola.    "Wow! Anong niluluto dito?"   Napalingon silang lahat sa akin maging si Tita Kendra ay nakangiting bumal
Read more
Chapter 34.2
(Continuation of chapter 34) Lizabeth's POV Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Raen. Nagprisinta ako na, ako na ang magdadala ng cookies at gatas ni Raen ngayong gabi. Tutal ay abala din ang ibang kasambahay sa mga ginagawa at nagpapahinga na din si Tita Kendra kasama ang asawa niya.   Maya-maya ay nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang blangkong mukha ni Raen habang nakasuot ng rabbit na pair ng pajama. Ngumiti ako sa kanya kahit na para akong may kausap na hangin.   "Ah... ito na ang cookies at milk mo," saad ko.   Hindi niya 'ko sinagot at sa halip ay pumasok na siya ulit sa silid at iniwang bukas ang pinto. Sumunod naman ako sa kanya at saka ko ipinatong ang tray na dala ko sa side table ng kama niya. Napansin ko ang laptop sa kama niya at may naka-flash doong letrato.   Napasilip naman ako doon at nakita ko ang picture nilang pamilya. Napansin niya sigurong nakatingi
Read more
PREV
1
...
45678
...
11
DMCA.com Protection Status