Lahat ng Kabanata ng Age Gap - "My Lover Is A Waiter" (Taglish): Kabanata 41 - Kabanata 50
60 Kabanata
Chapter 41 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
Abala ang lahat sa gaganaping welcome party nila Ferdie, imbitado ang mga dating katrabaho niya sa Seafood Restaurant kasama na ang manager niya si Ms. Dy. Busy naman sa pamimili ng mga damit sila Chelsea, para sa susuotin nila sa party. Nabalitaan naman iyon ni Carlos, kaya may plano na naman siyang masama. Habang naisipan naman na  bisitahin nila Ferdie at Divina si Mateo sa kulungan.      “Mateo, may dalaw ka lumabas ka muna,” sabi ng pulis na nagbabantay sa kanila.      “Kumusta ka na Mateo?” tanong ni Ferdie. “Okay lang naman ako, iba na ata ang kasama mo ngayon. Hiwalay na ba kayo ni Chelsea?” usisang tanong naman ni  Mateo.      “Ah! si Divina Alcantara pala, siya ang kaibigan ko. Divina siya naman si Mateo, ex boyfriend ni Chelsea,” pakilala ni Ferdie.      “Yes, I know him,” sagot ni Divina. “Ah! Oo, naalala na kita. Ikaw iyong nag ut
Magbasa pa
Chapter 42 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
  Dali-daling niligtas ni Ferdie, ang kanyang mga magulang. Habang ang iba ay kanya-kanya namang ligtas sa kanilang sarili at pamilya. Nailabas ng safe ang kanyang mga magulang bumalik siya sa loob para tingnan kung sino pa ang nandoon. Nakita niya si Amalia na kasama si Chelsea, nakahandusay sa sahig. Tinawag niya ito, nagising naman si Amalia at inalalayan niya palabas. Binalikan niya si Chelsea, na walang malay. Agad na dumating ang ambulansiya, paglabas niya nakita niyang umiiyak si Divina.       “Divina, nasaan si Kyle? Tanong niya. “Huhu! Please help Ferdie, I didn’t see Kyle,” iyak nang iyak si Divina.       “Wait! Babalik ako sa loob hahanapin ko siya,” sabi naman ni Ferdie. “Please! Ferdie, hanapin mo siya ibalik mo siya nang ligtas sa akin, hindi ko makakayanan na mawala siya sa akin, siya lang ang nagpapalakas sa akin,” hindi mapigilan ang iyak ni Divina.    &nbs
Magbasa pa
Chapter 43 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
       “Hindi ko matatanggap Ferdie, na wala na ang anak ko. Hindi ko kaya, Huhuhu!” hindi na tumitigil ang luha ni Divina sa pag agos.       “Naiintindihan kita, kaya gusto kung tulungan mo rin ang sarili mo. Sa tingin mo ba magiging masaya si Kyle, kung nakikita ka niyang araw-araw kang magluluksa sa pagkamatay niya. Isipin mo rin siya, hindi ka niya papababayaan tutulungan ka niyang makabangon at mas maging malakas pa,” paalala ni Ferdie sa kanya.   Sa kwarto ni Carlos kung saan nakaconfine.     “Salamat sa Diyos, nagising ka na anak,” alalang sabi ni Mrs. Grande. “Ma, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Carlos.       “Anak, huwag kang mabibigla sa sasabihin namin. Magpakatatag ka lang,” sabi ni Mr. Grande.  “Pa, ano sabihin po ninyo sa akin,” tanong ni Carlos.       “
Magbasa pa
Chapter 44 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
Araw na nang libing ni Kyle, ang lahat ay nagdadalamhati sa huling araw niya lalo na si Divina.       “Anak..hindi ko kaya na iwan muna ako. Please! Bumalik ka na kay Mommy. Huhuhu!” grabe ang iyak ni Divina at lahat na nadoon ay naiyak na rin. Lumapit si Ferdie, para yakapin siya. nakita naman iyon ni Chelsea at nakadama siya nang lungkot pati na ang selos. Lumapit din si Carlos, para makita niya sa huling pagkakataon ang kanyang anak. Matapos ang libing ay nagsi uwian na sila sa kani-kanilang bahay.         “Kawawa naman si Divina anak nuh! Grabe talaga ang pagmamahal niya sa kanyang anak. Nakarelate ako sa kanya kasi iyan din ang nangyari sa akin noon. Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na ang anak, kasi galing sa sinapupunan namin kayo kaya napakahirap na basta nalang siya kunin sa amin ng Diyos,” naiyak si Aling Maria nung nagkuwento na siya.     “Huwag ka nang mag
Magbasa pa
Chapter 45 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
     “Naiintindihan ko na Ferdie, huwag tayo basta-basta humusga kay Carlos kasi wala tayong sapat na ebidensiya,” sagot uli ni Chelsea.     “May nakalap na kami na ebidensiya pero kailangan mas madaming ebidensiya na magdidiin sa kanya para matapos na ang kasamaan niya,” sabi ni Ferdie. Pumunta si Carlos sa bahay ng pamilyang Lee, nakainom ito.    “Ma, Pa nasaan si Chelsea? Bakit wala siya sa bahay? Alam niyo po ba kung saan siya nagpunta?” lasing na lasing na si Carlos.     “Carlos! bakit lasing ka na pumunta dito? Wala si Chelsea dito hindi namin alam. Hindi naman tumawag kung nasaan siya ngayon, tinatawagan namin ngunit walang sumasagot,’’ sagot ni Mrs. Lee.       “Carlos, ano na naman ito nag away na naman ba kayo? Paulit-ulit na lang.” sabi ni Mr. Lee.     “Wala kayong pakialam kung nag away man kami ng anak ninyo o hindi. Buhay na namin ito kaya labas
Magbasa pa
Chapter 46 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
“Ah kaya naman pala, si Ferdie pala ang dahilan kaya marunong ka nang mangisda ngayon,” nakangiti si Amalia habang nakatingin siya kay Ferdie.    “Pare, sama ka naman sa akin manguha tayo ng panggatong para makagawa tayo ng apoy,” sabi ni Michael.    “Sige, papunta na ako.” Sagot ni Ferdie.    “Friend, matanong ko lang bakit nga pala Lovers Quarrel kayo ni Ferdie, may nangyari ba?” tanong ni Amalia.    “Meron lang kaming di pagkakaintindihan nainis siguro siya sa sinabi ko. Alam mo naman na dati pa umiiwas na sa akin si Ferdie,” sagot ni Chelsea.      “Hindi ko rin naman masisi si Ferdie, Chelsea kasi tama naman ang ginawa niya. Alam naman kasi natin na may asawa ka na. Mag hiwalay na kasi kayo ni Carlos para free ka na kay Ferdie. Huwag ka kasing magpakamartir sa lalaking iyon,” sabi ni Amalia. Hindi na nagsalita si Chelsea, alam kasi niyang may punto rin naman si Amal
Magbasa pa
Chapter 47 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
“Salamat sa paghatid mo sa akin Richard,” nakangiting sabi ni Emme.      “Walang anuman po Ma’am Emme, salamat din po sa treat ninyo sa amin,” sagot naman ni Richard.   Nakangiti si Emme, habang papasok siya sa bahay nila. Nakangiti naman si Richard, pauwi sa kanila. May kung anong di mapaliwanag na nadarama nila sa isa’t isa.   Sa camping, maaga sila nagising kaya nanguha sila ng isda sa may lawa.     “Naalala ko dati nung sinama mo ako sa probinsiya ninyo, hindi pa ako marunong manguha ng isda pero simula nung natuto na ako ay mas gusto ko nang manguha ng isda pag nasa dagat ako,” nakangiting sabi Chelsea.   Nakatingin lang sa kanya si Ferdie habang pinapanood siya na nagsasalita na nakatingin sa may lawa.   “Hello! Ferdie, nakikinig ka ba sa akin?” tanong ni Chelsea. Nakita kasi niya nakatitig lang sa kanya si Ferdie.    “Ah! Sorry, a
Magbasa pa
Chapter 48 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
     “Pare, puwede ba tayong mag usap muna sa condo ko importante lang” sabi ni Michael kay Ferdie.      “Bakit Pare? May problema ba, sabihin mo sa akin!” sagot ni Ferdie.Nasa condo na sila ni Michael. “Pare, nagsinungaling ako kanina kay Amalia, hindi naman talaga klasmit ko sa haiskul ang tumawag kundi ang ex wife ko si Tanya,” sabi ni Michael.     “Ano? Paano niya nalaman ang number mo? Ano na gagawin mo ngayon at sasabihin mo kay Amalia?” tanong ni Ferdie.     “Hindi ko alam Pare, baka ang anak ko ang nagbigay ng number ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Amalia ang tungkol kay Tanya, tulungan mo naman ako Pare. Tiyak na magagalit sa akin si Amalia pag nalaman niyang nagsisinungaling ako sa kanya. Isa pa naman sa mga rules namin na walang lihiman,” takot na sabi niya.     “Naku! Problema nga iyan Pare, ano kaya ang puwede nating gawin na hindi n
Magbasa pa
Chapter 49 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
      “Pare, may tumawag ba sa iyo,” takot na tanong ni Ricky.      “Wala naman Pare, bakit may tumatawag ba sa iyo?” tanong ni Mr. Lee.      “May tumawag kasi sa akin kanina, hindi ko naman kilala kung sino siya. Pero ngtataka ako kasi parang ka boses siya ni Benito,” kwento ni Ricky.      “Ganun ba! Sino naman kaya iyon?” nagtatakang tanong ni Anthony.      “Hindi ko rin masabi kung sino Pare, kasi noong isang araw may inabot sa akin ang kasambahay namin isang package tapos na curious ako kung anong laman, pagbukas ko bumungad sa akin ang mga litrato ni Benito. Wala naman akong idea kung sino ang nagbigay nun kasi sabi ng kasambahay namin ay inabot lang ng delivery man ang package. Ang problema hindi niya masayado namukhaan ang delivery kasi nakasumbrero at nakashade,” kwento uli ni Ricky kay Anthony.     “Hindi ba nakita ng kasambahay mo
Magbasa pa
Chapter 50 Age Gap - "My Lover Is a Waiter"
Kinabukasan..        “Oh! Anak, kumusta ang lakad ninyo ni Divina kahapon?” tanong ni Aling Maria.     “Okay lang naman po Inay, may improvement na po sa kaso ni Mateo at sa sunog na nangyari sa restaurant na itinayo ko. Mabuti na lamang nakarecover ako after a year pagkatapos ng sunog na itayo ko uli ang restaurant,” malungkot na sagot ni Ferdie.      “Hayaan muna anak, huwag kang masyadong ma stress at mag alala sa mga nangyari sa iyo. May awa ang Diyos, anak alam kung hindi ka niya pababayaan,” nagpakita naman ng sympathya ang kanyang Ina.     “Inay at Itay, may gusto pala akong sabihin sa inyo. Hindi ko alam kung matatanggap ba ninyo ang sasabihin ko. Kamakailan ko lang nalaman ang totoo, sana naman hindi kayo magbago at huwag niyo naman isipin na kaya ko inilihim sa inyo itong sasabihin ko ngayon ay dahil sa ayaw ko talaga na malaman ninyo. Ilang beses kung sinubukan na sa
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status