“Ah kaya naman pala, si Ferdie pala ang dahilan kaya marunong ka nang mangisda ngayon,” nakangiti si Amalia habang nakatingin siya kay Ferdie.
“Pare, sama ka naman sa akin manguha tayo ng panggatong para makagawa tayo ng apoy,” sabi ni Michael.
“Sige, papunta na ako.” Sagot ni Ferdie.
“Friend, matanong ko lang bakit nga pala Lovers Quarrel kayo ni Ferdie, may nangyari ba?” tanong ni Amalia.“Meron lang kaming di pagkakaintindihan nainis siguro siya sa sinabi ko. Alam mo naman na dati pa umiiwas na sa akin si Ferdie,” sagot ni Chelsea.
“Hindi ko rin naman masisi si Ferdie, Chelsea kasi tama naman ang ginawa niya. Alam naman kasi natin na may asawa ka na. Mag hiwalay na kasi kayo ni Carlos para free ka na kay Ferdie. Huwag ka kasing magpakamartir sa lalaking iyon,” sabi ni Amalia.
Hindi na nagsalita si Chelsea, alam kasi niyang may punto rin naman si Amal
“Salamat sa paghatid mo sa akin Richard,” nakangiting sabi ni Emme. “Walang anuman po Ma’am Emme, salamat din po sa treat ninyo sa amin,” sagot naman ni Richard. Nakangiti si Emme, habang papasok siya sa bahay nila. Nakangiti naman si Richard, pauwi sa kanila. May kung anong di mapaliwanag na nadarama nila sa isa’t isa. Sa camping, maaga sila nagising kaya nanguha sila ng isda sa may lawa. “Naalala ko dati nung sinama mo ako sa probinsiya ninyo, hindi pa ako marunong manguha ng isda pero simula nung natuto na ako ay mas gusto ko nang manguha ng isda pag nasa dagat ako,” nakangiting sabi Chelsea. Nakatingin lang sa kanya si Ferdie habang pinapanood siya na nagsasalita na nakatingin sa may lawa. “Hello! Ferdie, nakikinig ka ba sa akin?” tanong ni Chelsea. Nakita kasi niya nakatitig lang sa kanya si Ferdie. “Ah! Sorry, a
“Pare, puwede ba tayong mag usap muna sa condo ko importante lang” sabi ni Michael kay Ferdie. “Bakit Pare? May problema ba, sabihin mo sa akin!” sagot ni Ferdie.Nasa condo na sila ni Michael. “Pare, nagsinungaling ako kanina kay Amalia, hindi naman talaga klasmit ko sa haiskul ang tumawag kundi ang ex wife ko si Tanya,” sabi ni Michael. “Ano? Paano niya nalaman ang number mo? Ano na gagawin mo ngayon at sasabihin mo kay Amalia?” tanong ni Ferdie. “Hindi ko alam Pare, baka ang anak ko ang nagbigay ng number ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Amalia ang tungkol kay Tanya, tulungan mo naman ako Pare. Tiyak na magagalit sa akin si Amalia pag nalaman niyang nagsisinungaling ako sa kanya. Isa pa naman sa mga rules namin na walang lihiman,” takot na sabi niya. “Naku! Problema nga iyan Pare, ano kaya ang puwede nating gawin na hindi n
“Pare, may tumawag ba sa iyo,” takot na tanong ni Ricky. “Wala naman Pare, bakit may tumatawag ba sa iyo?” tanong ni Mr. Lee. “May tumawag kasi sa akin kanina, hindi ko naman kilala kung sino siya. Pero ngtataka ako kasi parang ka boses siya ni Benito,” kwento ni Ricky. “Ganun ba! Sino naman kaya iyon?” nagtatakang tanong ni Anthony. “Hindi ko rin masabi kung sino Pare, kasi noong isang araw may inabot sa akin ang kasambahay namin isang package tapos na curious ako kung anong laman, pagbukas ko bumungad sa akin ang mga litrato ni Benito. Wala naman akong idea kung sino ang nagbigay nun kasi sabi ng kasambahay namin ay inabot lang ng delivery man ang package. Ang problema hindi niya masayado namukhaan ang delivery kasi nakasumbrero at nakashade,” kwento uli ni Ricky kay Anthony. “Hindi ba nakita ng kasambahay mo
Kinabukasan.. “Oh! Anak, kumusta ang lakad ninyo ni Divina kahapon?” tanong ni Aling Maria. “Okay lang naman po Inay, may improvement na po sa kaso ni Mateo at sa sunog na nangyari sa restaurant na itinayo ko. Mabuti na lamang nakarecover ako after a year pagkatapos ng sunog na itayo ko uli ang restaurant,” malungkot na sagot ni Ferdie. “Hayaan muna anak, huwag kang masyadong ma stress at mag alala sa mga nangyari sa iyo. May awa ang Diyos, anak alam kung hindi ka niya pababayaan,” nagpakita naman ng sympathya ang kanyang Ina. “Inay at Itay, may gusto pala akong sabihin sa inyo. Hindi ko alam kung matatanggap ba ninyo ang sasabihin ko. Kamakailan ko lang nalaman ang totoo, sana naman hindi kayo magbago at huwag niyo naman isipin na kaya ko inilihim sa inyo itong sasabihin ko ngayon ay dahil sa ayaw ko talaga na malaman ninyo. Ilang beses kung sinubukan na sa
“Pinsan, bakit gusto mong makipag usap sa akin? May problema ba?” tanong ni Richard. “May tumawag kasi sa akin kanina pinsan, tapos tinawag niya akong anak. Napaka weird talaga kasi hindi iyon boses ni Papa Ricky. Alam ko din paano ang tono ng salita ni Papa, sino naman kaya ang taong iyon?” naguguluhang sabi ni Carlos. “Sino naman kaya iyon pinsan?” palaisipan pa rin sa kanila kung sino ang tumawag kay Carlos. Sa opisina. “Good morning Ma’am Emme,” bati ni Richard. “Good morning din Richard. Natapos mo na ba ang ipinagagawa ko sa iyo para sa next project natin?” tanong ni Emme. “Naku! Hindi pa po tapos Ma’am kasi kagabi ay nakipagkita po ako sa pinsan ko, may problema kasi siya kaya nakalimutan kong tapusin,” sagot ni Richard. Hindi umimik si Emme, akala kasi niya na babae ang kausap ni Richard.&nb
Napasugod din sila Chelsea, Amalia at Divina sa hospital para alamin ang kalagayan ni Ferdie. “Ma, anong nangyari kay Ferdie?” tanong ni Chelsea. “Namasyal kasi kami ng Mama Gina mo, anak. Habang naglalakad kami may nakita siyang isang lalaki na dinudukutan niya iyong babae. Sinigawan niya ito para malaman ng babae na dinudukutan siya, dali-dali naman siyang lumapit sa lalaki. Hindi namin alam na may dala palang kutsilyo ang lalaki, sasaksakin na sana siya kaso niyakap siya ni Ferdie at siya ang nasaksak,” kwento ni Mrs. Lee. “Naku! Sana naman ligtas si Ferdie.” Sabi niya sa kanyang sarili. “Alam na ba ito ng mga magulang ni Ferdie?” tanong ni Amalia. “Hindi pa, ako nalang ang magpapaliwanag sa kanila. Puntahan ko muna sila, nasa 2nd floor lang naman sila sa hospital na ito,” sabi ni Divina. Pinuntahan nga ni D
Naisip niyang paano na kaya magtatagumpay ang mga plano niya gayong alam na nang mga magulang niya na si Ferdie, ang matagal na nilang hinahanap. Nagring ang phone niya, hindi niya kilala kung sino ang tumawag sa kanya. “Hello, sino to? Sagot niya. “Kumusta anak? Nakikilala mo ba ako?” tanong ng lalaking kausap niya sa kabilang linya. “Who are you? Sorry ha! Kasi hindi kita kilala.” “Ako ito anak, ang iyong tunay na ama si Benito Gomez,” pakilala ng lalaki sa kabilang linya. “Ano? Gulat na gulat si Carlos sa narinig niya. Akala kasi niya patay na ang totoo niyang ama. Kaya naman hindi siya makapaniwala na buhay pa ang kanyang ito. “Alam ko anak naguguluhan ka pa, pero puwede ba tayong magkita para masabi ko sa iyo ang lahat,” paliwanag ng kanyang ama. “Sige po, kailan po ba tayo magkita?” “Bukas ng hapon, e message ko
Hindi mapakali si Divina, sa nakita niya sa video na ipinasa ng isang hindi kilalang tao na nagsend sa kanya. Naggagalaiti siya sa galit dahil nakita niya doon si Carlos. “Hayop na Carlos, siya pala ang nag utos ng tao nagpapanggap bilang waiter para sadyaing sunugin ang restaurant ni Ferdie,” bulong niya sa kanyang sarili. “Ma’am Alcantara, may problema po ba kayo? “Wala, may ibibigay pala akong ebidensiya na nareceive ko ngayon lang.” “Sige po Ma’am mas mabuti po iyan para po macheck namin at agad na namin ma aksyonan ang kasong ito,” sabi ng imbestigador. Bumalik si Divina sa hospital para dalawin si Ferdie. “Kumusta si Ferdie, Michael?” tanong niya. “Ayon hindi pa rin nagigising concious pa rin. Sana nga magising na siya.” Sagot niya. “Sana nga kasi may kailangan akong iba