All Chapters of Luna Rossa: Chapter 11 - Chapter 15
15 Chapters
IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar Deity
IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako. Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin. Sa ilalim ng is
Read more
IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi
IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi BIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan. Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari. At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila. Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari. “
Read more
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang Rebelasyon
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang Rebelasyon NAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito. Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion. “Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama. Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si
Read more
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase Moonfox
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase Moonfox NAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari? “Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin. “Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo. Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong
Read more
IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Katapusan at ang Bagong Simula
IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito. Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status