All Chapters of The Heiress(Tagalog): Chapter 91 - Chapter 100
143 Chapters
Kabanata 45.1
"Kuya pakibilisan naman po oh." saad ko sa nagdradrive. "Sige po ma'am." sagot niya saka mabilis na pinaandar ang sasakyan. Nakarating kami ng ACIS kaya mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko pero hindi ko sila makita kaya sinubukan ko silang hanapin sa loob ng gym. Pagpasok ko ay nakita ko silang lahat dun. Silang lahat na lang ang naiwan dito. "Ash." napalingon silang lahat sa akin ng tawagin ako ni Sophia. Nabaling din ang paningin ko kay warfreak na hindi na maipinta ang mukha ngayon. Salubong na salubong ang kilay niya at mukhang galit, anong nangyari dito? "Saan ka pa ba galing? Ang tagal naming naghihintay dito dahil darating ka raw sabi ni Kent." si Freya. "Kanina pa namin siya inaayang umuwi dahil baka nakauwi ka na pero ayaw niya, wala naman kaming magawa kundi ang hintayin siya." saad ni Sophia. Nilingon ko uli si warfreak na nasa isa pang bench. Hinintay pa
Read more
Kabanata 45.2
KENT POV   Masaya akong umuwi ng bahay.   "I'm home." masigla kong bati ng makapasok ako sa bahay.   "Hi Mommy, you're so beautiful tonigth." isinayaw ko pa siya saka inikot at hinalikan ang pisngi.   "Anong meron anak? Bakit ang saya mo yata?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Mommy.   "Nanalo lang kami Mommy."   "Sa unang araw? expected ko na yun son. Kung makangiti ka ngayon akala mo nanalo na kayo sa champion ah hehehehe." inakbayan ko naman si Mommy. "Tell me son, what happened?"   "I'm just happy Mommy, soon I'll tell you." saad ko sa kaniya saka dumiretso sa kusina at kumain.   "May nagpapasaya sayo tama?" umupo si Mommy sa harapan ko saka ko nginitian. "Yiiieeee who's that lucky girl." usisa ni Mommy. Kagat kagat ko ang labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Nakakabakla man pero yun t
Read more
Kabanata 46.1
ASH POVPagkarating ni Gavin ay pumunta na kami ng court. Marami na ang nandito. Papasok pa lang kami pero nangibabaw na ang sigawan ng mga estudyante.“ACIS”“ACIS”“GO BABY KENT”“I LOVE YOU GAVIN, ANG GWAPO GWAPO MO TALAGA.”Sigawan ng mga tao.“Mga tao talaga, Go baby Kent, I love you Gavin. Tsss.” Panggagaya pa ni Aira sa mga boses ng mga babaeng sumisigaw.“Ang bitter mo naman te, kung gusto mo sigaw ka rin ng ‘Go Baby Gavin’ hahaha.” Pang-aasar ni Jamin.“Yuck kahit huwag na.” pagtataray naman ni Aira. Hindi naman na ako nakisali pa sa daldalan nila at umupo na sa bench ng mga player ng ACIS. Kung bakit ba naman kasi dito pa kami pinaupo eh.“Hawakan mo ito ah hehehe.” Abot sa akin ni warfreak ng lagayan niya ng tubig at towel. Nag
Read more
Kabanata 46.2
Tiningnan ko si warfreak na naagaw pa ang bola. 5 seconds na lang ay matatapos na ang laro pero umayos pa siya sa three points saka sinubukang ishoot ang bola.Saktong tunog ng buzzer ay siyang pagpasok ng bola sa ring kaya parang batang nagtatatalon pa itong warfreak na to. Akala mo hindi na inaasahang mananalo eh. Nagyakapan silang mga magkakateam at mga nakipagshake hands na rin sa mga kalaban nila. Pagkatapos ay masaya silang lumapit sa coach nila.“ACIS.”“ACIS”“ACIS” sigawan ng mga supporter nila.“Good job teams, good job.” Masayang saad ng coach nila at nagyakapan pa sila. “Maganda laro natin ngayon Luxorious ah, sana kahapon mo pa ginawa.” Dagdag pa ng coach nila kay warfreak. Napakibit balikat naman si warfreak saka natawa.  “Nanjan kasi yung charger niya coach kaya siya full charge hahahaha.” Biro pa ni Kendric
Read more
Kabanata 47.1
“Pre.” Awat ni Chase sa kaniya sa pagtangkang lapit niya sa mga lalaki.“Lalapitan ko lang, don’t worry.” Saad niya saka naglakad na palapit sa mga mayayabang na mga lalaki.“Anong kaguluhan to?” rinig naming tanong ni warfreak. Mahinahon ang pagkakatanong niya, binitawan ng lalaking kumwelyo sa staff ng makita si warfreak.“At sino ka naman para mangialam dito?” maangas na tanong ng lalaking nasa kaliwa. Mayayabang pala tong mga kumag na ito. Bakit? Porket kasama nila ang anak ng vise gobernador dito? Eh anong pakialam namin sa tatay niyang nasa politika, sa kaban lang din naman ng mga tao kinukuha ang pinangkakain nila.“Ako ang apo ng Dean dito, ano bang problema niyo?” mahinahon pa ring pakiusap ni warfreak. Maangas na lumapit ang isang lalaki kay warfreak hanggang sa ilang inches na lang ang layo nilang dalawa sa isa’t isa.“Eh ano naman
Read more
Kabanata 47.2
Tahimik na kaming lahat na kumakain, masarap lahat ng pagkain na hinanda nila ngayon sakto sa kumakalam kong sikmura. Napapalingon ako kay warfreak dahil sa titig niya sa akin, tataasan ko siya ng kilay pero nginingitian lang ako. Abnormal talaga.“Ang yabang talaga ng anak ni vice Gov na yun akala mo kung sinong hari, wala naman sila sa teritoryo nila.” Biglang saad ni Freya.“Matagal ng ganun yun, may kakilala ako sa school nila at talaga namang ubod ng yabang ang lalaking yun, hari hari porket vise gov ang tatay kaya malakas ang loob.” Si Jamin naman.Halata naman, ang mali lang niya ay dinala pa niya ang kayabangan niya dito kung nasan ako. Huwag na huwag siyang yayabang yabang sa teritoryo ko dahil talagang makakatikim sila.Natapos kaming kumain at alauna at kalahating oras na kami tumayo sa cafeteria. Ubos din namin lahat ng hinanda ng staff ng cafeteria. Mukha namang lahat kami ay gutom kaya naubos.
Read more
Kabanata 48.1
“Ito ang dahilan kung bakit galit na galit sakin si Vance ng malaman niyang nakasama ako sa mga players.” Usal niya pa.“Pwede ko bang malaman kung ano ang maaaring dahilan?” lakas loob ko ng tanong sa kaniya. Mapait siyang napangiti sakin. Pinunasan pa niya ang mga tumatakas na luha sa magaganda niyang mga mata.“Noong araw na yun, ang araw kung saan masaya kami ng aking Ama.” Panimula niya sa kaniyang mga kwento. Itinuon ko ang paningin sa kaniya habang siya naman ay kung saan lang nakatingin.“Napag-usapan naming gawin na namin ang una kong pangangaso, masayang masaya ako ng sabihin niya yun. Walang kasing saya. Halos kamamatay ng aking ina noong mga panahong yun, alam kong nalulungkot din si Ama pero alam kong ipinapakita niya lang na malakas siya para sa aming dalawa ng Kuya ko.”Kumunot ang noo ko, nagtataka man ako dahil Ama at Ina ang tawag niya sa mga magulang niya ay pinagsawalang bahala ko
Read more
Kabanata 48.2
Tumayo na ako saka inilahad ang kamay ko sa kaniya.“Tara na baka hinahanap na tayo.” Anas ko sa kaniya. Iniabot niya naman ang kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo saka nilisan ang lugar na yun.Masaya akong okay na ang relasyon nating dalawa ngayon, dahil hindi na katulad ng dati. Alas singko na kaya ilang oras din pala kaming nanatili dun.“ASH, KENT!” rinig kong sigaw sa gilid namin kaya nilingon namin ang mga kaibigan naming papalapit na sa amin.“Saan ba kayo galing? Kanina pa kami hanap ng hanap sa inyo.” si Aira.“Ash are you okay?” nag-aalalang tanong ni Gavin. Pilit naman ang iginawad na ngiti ni Ash.“Ayos lang.”“Ano bang nangyari? Bakit bigla ka na lang tumakbo? Please Ash tell me, nag-aalala ako.”seryoso at nag-aalala ngang saad ni Aira. Hinawakan pa niya ang dalawang kamay ni Ash. “May problema ba
Read more
Kabanata 49.1
KENT POV Hindi ako makatulog kaya tumambay na muna ako sa veranda ng kwarto ko. Inaalala si Ash, iyun ang kahinaan niya, ang pamilya niyang nawala. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling, alam kong marami pa akong hindi nalalaman sa kaniya, hindi ko pa siya ganun kakilala pero kahit na kaunti walang nagbago sa nararamdaman ko sa kaniya. Sa totoo lang sa nakita ko sa kaniya kanina parang mas nadagdagan yung nararamdaman ko parang mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Ipinakita niya sa akin ang halaga ng buhay kahit na hirap na hirap ka na at iwan ng buong mundo dapat manatili ka pa ring nakatayo at lumalaban.Isa siya sa mga nakilala kong babaeng matapang at malakas. Kahit anong mangyayari tuloy lang ang laban. Alam ko rin naman na hindi siya nanggaling sa isang matahimik na pamilya, parang kakambal niya ang problema base sa mga nakwento niya. Kung pinaslang ang mga magulang niya ibig sabihin
Read more
Kabanata 49.2
Hindi ako agad lumabas ng sasakyan ko dahil alam kong hindi naman nila ako makikita sa labas pero parang alam na nila kung kaninong sasakyan to dahil kumakatok na ang isa sa bintana ko. Bumuntong hininga naman na muna ako saka ibinaba iyun. "Hi Luxorious, nasan ang mayabang mong kasamang babae?" tanong niya. At ano naman ang kailangan nila kay Ash? "Anong kailangan niyo?" "Well, kung ayaw mong sabihin hihintayin na lang namin siya mamaya. See you around." usal niya na may pakaway pa bago sila naglakad palayo na tumatawa pa. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari at gawin nila kay Ash lalo na at siya ang anak ni  Vice Gov walang kinakatakutan dahil alam niyang maraming kilala ang ama niya sa batas. Meron pa akong nabalitaan na may narape ang buo niyang barkada pero nabaliktad pa ang nangyari kaya walang ginawa yung biktima nila kundi ang tapusin ang sariling buhay dahil sa kahihiyan.&n
Read more
PREV
1
...
89101112
...
15
DMCA.com Protection Status