Semua Bab The Heiress(Tagalog): Bab 111 - Bab 120
143 Bab
Kabanata 55.1
KENT POVNapatitig ako sa kaniya, ibig sabihin ayaw niya akong mawala rin sa kaniya? Anong ibig sabihin ng sinabi niya? hindi nag-uutos ang mga mata niya kundi nangungusap na ang mga yun. Napangiti naman ako saka mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.“Kung yan ang gusto mo gagawin ko.” sagot ko sa kaniya. Bahagya naman siyang ngumiti.“Ayaw kong gumawa ng pagsisisihan ko sa huli.” Hahayaan niya akong iparamdam sa kaniya araw araw? At susubukan niya akong mahalin? Yun ang pagkakaintindi ko sa mga sinasabi niya. Ayaw niyang gumawa ng pagsisisihan niya sa huli. “Ayaw kong saka ko lang marerealize ang lahat kapag wala ka na. Kung wala akong gusto sayo ngayon baka sa susunod meron na at ayaw kong pagsisihan yun. Ayaw kong saka lang kita hahanapin kung kelan huli na ang lahat.”  Hindi ko na napigilan ang nararamdaman kong saya sa puso ko dahil sa mga sinasabi niya.
Baca selengkapnya
Kabanata 55.2
Paalis na kami sa garden ng magring ang cell phone ko. Kendrick calling... “Yes hello?” sagot ko dito. “Nasan na kayo dre? Nagugutom na raw sila. Tama na yan masyado mo ng nasolo si Ash hahahaha.” “Ge, palabas na kami.” “Bilisan mo lang gutom na sila.”Pinatay ko na ang tawag niya, napakadaldal talaga kahit sa cell phone. “Nandun na raw sila?” si Ash. “Ah oo.” Naglakad na kaming dalawa palabas ng maze garden at nakasalubong pa namin si Aira at Gavin. Kalalabas lang din nila? Ibang klase din itong lalaking ito ah. Sekreto kung pumorma. “San tayo kakain?” tanong ni Charlotte. “Kahit saan na lang nakakagutom na.” si Sophia. Pinagbuksan ko na ng pintuan si Ash at sabay sabay na rin kaming umalis. Kahit na saglit lang, kahit na minsan ko lang siya makasama sa mga ganitong klase ng lugar masaya na ako. Nilingon ko siya at nakatingin lang naman
Baca selengkapnya
Kabanata 56.1
“Huwag mo munang alalahanin ang mga yun Myth, nandito lang ako. Alisin mo muna sa isip mo ang sinabi ni Ama at Ina. Ipahinga mo muna ang sarili mo. Inilayo kita hindi para mamroblema. Inilayo kita para makapagpahinga.” Hindi naman na ako nakapagsalita sa sinabi ni Vance lalo na ng yakapin niya ako. “Nandito lang ako lagi mong tatandaan yan. Handa akong mamatay para sayo, mahal na mahal kita Myth.” Hindi ko na napigilan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko. Ang mga taong handang ialay ang buhay nila mapanatili lang nila akong buhay.At hindi ko hahayaang malagasan ako ng isa sa mga kakampi ko, dahil aanhin ko pa ang tungkulin ko kung iwan na nila akong lahat dahil lang sa mga taong sakim sa kapangyarihan. Kaya kailangan kong maging malakas para sa kanila para hindi lang sila ang magliligtas sa akin kundi sila din ay ililigtas ko sa mundo naming sobrang gulo.Hindi ko hahayaang magtatagumpay sila sa mga masasama nilang balak sa amin. H
Baca selengkapnya
Kabanata 56.2
Humugot ako ng malalim na hininga at sa pagmulat ko nakangiting mukha ni warfreak ang sumalubong sa akin. “Kaya mo yan, isipin mong ang pumatay sa Ama mo ang papatamaan mo ng palaso mo.” Usal niya nanaman sa akin. Ang boses niyang parang nagiging musika sa pandinig ko. Palipat lipat ang tingin ko sa mga mata niyang nakangiti nanaman ngayon. Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko. “Huwag kang padadala sa emosyon mo, kapag natalo ka ng sarili mong emosyon, talo ka. Hindi ka magtatagumpay Ash.” Seryoso niyang saad.    Parang ibang ibang warfreak ang nakikita ko ngayon, hindi yung warfreak na isip bata. Seryoso kung magsalita. “Go, fighting!” pagpapalakas niya sa akin ng tawagin na kaming lahat. Naglakad naman na ako sa pwesto ko katapat ng dalawa ko pang makakalaban. Humugot na ako ng malalim na hininga saka itinaas ang pana ko at diretsong tiningnan ang target. Maraming mga senaryo ang biglang lumabas sa isip ko,
Baca selengkapnya
Kabanata 57.1
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya.“Aaaahhhhh.” Daing niya habang nakayakap sa tuhod. Anong nangyari? Hindi ko nakita ang nangyari dahil nakatingin ako sa dalawang nag-uusap.“Kent!” sigaw ng mga kasama niya. Umiwas naman na sila ng papalapit na ako.“Aaahh.”“Anong nangyari?” nag-aalala kong tanong sa kaniya. Tiningnan ko ang paa niyang may dugo na yun.“Spikes.” Bulong ko ng makita ko dun ang ilang butas sa sapatos niya. Napakuyom ko ang dalawa kong kamao saka tumayo.“WALANG AALIS!” malakas kong sigaw.“SA INYO! WALANG AALIS. LAHAT NG PLAYER MO PAPUNTAHIN MO SA GITNA!!” sigaw ko sa isang coach pero nginisian niya lang ako.“SIGE SUBUKAN MONG UMALIS.” Turo ko sa isang lalaking pilit itinatago ng coach nila sa likod. Nagkakagulo na ang gym dahil sa nangyari. Hindi pwede sakin t
Baca selengkapnya
Kabanata 57.2
“Ginugulo mo kasi ako! hindi ko tuloy napanuod!” inis ko ng usal sa kaniya saka tumayo. “Eh wala naman ako dun eh. Sinong papanuorin mo dun?” nakanguso at kunwari pa niyang nagtatampo. “Anong gusto mo? Sayo ko lang ituon ang paningin ko kapag naglalaro kayo? Hello? Ikaw lang ba ang manlalaro dun?” pitik ko pa sa harap niya. “Hindi pero gusto ko ako lang.” Gigil akong napahawak sa buhok ko. Napakaisip bata niya! mas gusto ko pang makausap yung warfreak na laging seryoso dahil hindi makulit at hindi isip bata. Jusko, sakit sa ulo. “Ash.” “Ano?!” galit ko ng usal ng tawagin niya ako. “Galit ka naman na eh. Biro lang, ito naman.” Napairap na lang ako at sinamaan siya ng tingin. “Pero hindi ka naman ganyan dati ah? Kahit na inis na inis ka na sa akin dati hindi ka naman ganyan. Ayaw mo na ba sakin?” hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa itsura niya. Para siyang batang nakanguso at hindi pinagbigya
Baca selengkapnya
Kabanata 58.1
Isinakay ko na ang mga gamit namin sa kotse ko habang may ginagawa pa sila sa loob. Nang maayos ko na sakto rin ang paglabas nilang dalawa. “Wala na ba kayong gagawin?” tanong ko sa kanila. “Wala na, let’s go.” Sumakay naman na silang dalawa. Papasok pa lang naman ako ng may biglang paparating na sasakyan. Kaya tiningnan ko pa iyun dahil parang pamilyar sa akin. Maya maya ay pinatay niya na ang ilaw niya at ibinaba nun si Gavin. “Dre.” Usal niya. Napangisi naman ako. “Aira, nanjan na sundo mo.” Saad ko sa kaniya, bumaba naman siya. “Anong ginagawa mo dito?” kunot noo niyang tanong kay Gavin. Napailing naman ako, mahina ka pa dre. Lumapit naman na sa amin si Gavin. “Susunduin ka sana, sasabay ka pa sa kanila?” hindi naman agad nakasagot si Aira. Sinipat ko ang relo ko at malapit ng magseven. “Jan ka na lang kahit na dito na mga gamit mo, magkikita kita pa tayo sa school tapos pupunta pa ta
Baca selengkapnya
Kabanata 58.2
Ang mga gamit nilang sumisigaw ng kayamanan. “Order na tayo, what do you want guys huwag kayong mahihiya.” Sambit ni Charlotte ng nagtitingin na kami sa menu. Nilingon ko si Ash na kunot noong nakatingin sa menu. “Hindi ka ba pamilyar sa mga pagkain?” tanong ko sa kaniya. “Hindi eh, kung anong order mo yun na lang din ako.” usal niya saka binitawan ang hawak niyang menu. Ang cute cute niya talaga. Kaunti na lang talaga mapagkakamalan ko na itong galing sa ibang planeta eh. Ibinigay ko naman na ang order namin at hindi yun nagtagal kaya tahimik na kaming lahat kumain. Pagkatapos namin ay hindi naman na kami mga nag-usap usap pa dahil pare pareho na kaming mga pagod. Iba ang kwarto naming mga lalaki sa kwarto nilang mga babae pero syempre si Jamin sa mga babae sumama may tiwala naman kami dun kahit na lalaki pa rin siya. Bukas ko na iaayos yang mga gamit ko dahil ramdam ko na talaga ang pagod sa katawan ko. Tining
Baca selengkapnya
Kabanata 59.1
Napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya ang mga katagang yun. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sasabihin. Nalulunod na ang puso ko sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko nahulog ako sa napakalalim na balon at hindi na makakaahon pa kailan man.Diretso lang ang tingin niya sa dagat. Alam kong sana pa lang yun pero ramdam kong sinusubukan din niyang magustuhan ako.“Ayaw kong pilitin ang puso ko, gusto kong hayaan na kusang maramdaman ko yun. Gusto kong gustuhin kita dahil gusto kita. Ayaw kong maramdaman mong ginusto kita dahil gusto mo ako.” Nilingon niya naman ako at ngumiti. Para akong nakahiga sa isang malambot na kama at nahuhulog ang libo libo mga puso mula sa kalangitan. Natutunaw ako sa bawat tingin at ngiti niya. Parang wala na akong nakikita sa paligid kundi siya lang, kaming dalawa lang. Wala na akong naririnig na ingay sa paligid namin at tanging malakas na tibok nalang ng puso ko.Alam kong seryoso siya sa mga sinasabi
Baca selengkapnya
Kabanata 59.2
Saan nagpunta ang mga yun? “Kent, Ash. Nandito kami!” inilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko sila sa isang katamtamang laki ng kubo kaya lumapit na kaming dalawa ni warfreak. “Nagutom kami kaya umahon na kami hehehe.”saad ni Freya habang ngumunguya ng inihaw na karne na ibinabad sa iba ibang kasangkapan. “Gusto mo Ash? Masharap.” Daldal ni Aira kahit na punong puno ang bunganga niya ng pagkain. Hindi muna inubos bago nagsalita. Kinuha ko naman na ang iniaabot niyang kinakain din ni Freya kanina. “Ikaw dre? Hindi ka nagugutom?” tanong ni Kendrick kay warfreak na nananatiling nakatayo sa tabi ko. “Baka mangalay ka, maupo ka.” Saad ko sa kaniya saka humarap na rin ako sa mga babaeng nguya ng nguya. Ang dami rin talaga nito sila maghahanda eh. Kumain na rin ako dahil nakaramdam din ako ng gutom sa tagal ng yakap ng warfreak na to. Kaniya kaniya silang asaran, daldalan at biruan. Nakikitawa na lang din ako
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status