Engaged with an Ex-Playboy (Tagalog)의 모든 챕터: 챕터 11 - 챕터 20
33 챕터
Chapter 9
Chapter 9Dream Adelone CortesILANG ARAW na ang lumipas mula noong ikinasal kami ni Blaze. Masaya ako dahil maalaga siya at hindi ko kailanman naramdaman na napilitan lang siyang pakasalan ako. Masaya ako, dahil kahit papaano ay nagagawa ko siyang mapangiti at gano'n din siya sa akin.“Hoy bruha, anong nginingisi-ngisi mo riyan? Masaya kang punuan ang emergency room? Ha?” pairap-irap na tanong sa 'kin ni Kit.Mahina lang akong humagikhik saka isinilid sa bulsa ng uniform ang mga kamay ko.Biglang tinapik ni Yannie ang mga braso ni Kit. “Bakla, hayaan mo 'yan at ngayon lang nakatikim ng kuwan. Baka ramdam pa niya ang katas ni pogi sa kinaangan niya.”Sumimangot ako kasabay ng pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi ni Yannie. Napakawalang pakundangan talaga ng bunganga ng isang 'to.“Ano nga bang nangyari sa honeymoon niyo, bruha ka? Kwento naman diyan.” pasundot-sundot sa tagiliran na sabi sa 'kin ni K
더 보기
Chapter 10
Chapter 10Dream Adelone Cortes SABAY-SABAY kaming lumabas nina Yannie at Kit sa hospital. Napahikab ako habang dinadama ang hangin sa labas. Sumasakit ang likod ko. Nang magkaemergency kasi kanina ay sunod-sunod na ang naging trabaho namin kaya sumasakit ang katawan ko. “Gustong-gusto ko nang matulog!” humihikab kong sabi. “Bruha, 'yong asawa mo palapit.” sabi ni Kit matapos akong sikuhin. Asawa ko? Si Blaze? Tumingin ako sa paligid at napasinghap nang mamataan ko si Blaze na naglalakad nga palapit sa amin. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sobrang gwapo niya lalo. Nakasuot lang siya ng itim na t-shirt at cargo shorts na brown. Magulo ang kaniyang buhok at may bitbit pa siyang coke na nasa lata. Umawang ang labi ko nang ngumiti siya nang tuluyang makalapit. “Hey!” Tiningnan ko sina Yannie at Kit. Parehong ngising-ngisi ang dalawa. Nilingon ni Blaze ang dalawang kaibigan ko. “Hi, may lakad ba kayo?” Mabilis na um
더 보기
Chapter 11
Chapter 11Dream Adelone CortesIKINUWENTO ko kina Yannie at Kit ang tungkol sa outing na nirequest ng anak ni Blaze na si Ales. Napanganga ang dalawa dahil hindi pala alam ng ibang tao ang tungkol sa anak ni Blaze. Nagulat sina Yannie at Kit sa rebelasyon ko at hindi ko akalaing mapapamura si Kit dahil doon. Hanggang ngayon nga na nanananghalian kami sa canteen ay topic ang tungkol kay Ales.“Girl, alam ng lahat na hindi pa nakakamove on si Blaze sa ex niya. Kumalat sa social media ang biglaan niyang pag-alis ng Pilipinas noon dahil sa pagkabigo sa ex niya. Mahirap kalimutan ang first love, girl.” may pag-aalala sa boses na sabi sa 'kin ni Yannie.Napabuga ako ng hangin. “Sinigurado naman sa 'kin ni Blaze na hindi niya ako iiwan e, saka may pamilya na 'yung ex niya.”“Hindi ka iiwan, ang tanong e, hindi ka ba masasaktan?” pabuntong-hiningang tanong ni Kit.Yumuko ako at kinagat ang pang-ibaba kong labi. &ld
더 보기
Chapter 12
Chapter 12Dream Adelone CortesNAPAYAKAP ako sa sarili ko nang lumabas kami ng hospital. Medyo umuulan kasi kaya malamig lalo pa't gabi na.“Malayo ang bus stop. May payong ka ba, bruha?” tanong sa 'kin ni Kit. Napangiwi ako kasi wala akong payong at oo, malayo nga talaga ang bus stop.Maya-maya ay may kotse na pumarada sa harapan namin. Bumaba ang bintana at kinawayan kami ng lalaking nagmamaneho.“Girls, nandito na ang sundo ko. Paano, mauna na 'ko, ha?” paalam ni Yannie na humalik sa pisngi namin ni Kit.“Ingat kayo. Jack, ingat ha.” kinawayan ko si Jack na nagthumbs up sa 'kin.Nang makasakay si Yannie ay pinalo pa ni Kit ang braso nito. “Hoy gaga, sa bahay na kayo magjugjugan ha. Madulas ang daan.”Humalakhak si Yannie at ngumisi naman si Jack. Umalis na silang dalawa at napangiti nalang ako. Si Jack ang boyfriend ni Yannie na palaging nilalait ni Kit na hindi gwapo. Totoo nam
더 보기
Chapter 13
Chapter 13Dream Adelone CortesPAGKATAPOS namin kumain ay hinugasan ko kaagad ang pinagkainan namin. Nang pumasok ako sa kwarto ay nakahiga na si Blaze sa kama, nakasando at boxers lang ito habang nakaunan sa headboard at mukhang hinihintay ang pagpasok ko.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka inilock ang pinto ng kwarto at tumabi sa kaniya. Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi ni Yannie tungkol sa anak. Kung magkakaanak ba kami ni Blaze, magiging akin na siya ng buo?“What are you thinking?” mahinang tanong ni Blaze matapos ayusin ang pwesto ng higa ko. Pinaunan niya ako sa braso niya.Bumuntong-hininga ako. “Blaze, alam kong wala kang nararamdaman para sa 'kin pero... pwede ba tayong magkaanak?”Naramdaman kong tiningnan niya ako kaya mariin akong pumikit. Nagulat ako nang bigla niya akong kubabawan saka ako masuyong hinalikan sa mga labi.Napatitig ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga m
더 보기
Chapter 14
Chapter 14Dream Adelone CortesNAKANGITI akong dumating sa hospital. Sinalubong ako kaagad ni Yannie na kachikahan ni Kit sa information desk. Nakataas ang kilay ni Yannie habang tinitingnan ako.“Ngiting tagumpay tayo ah, nakailan kayo? Malamig ang panahon kagabi, masarap bang bumayo ang isang playboy?”Nawala ang ngisi ko at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Bakit ba napakabulgar magsalita ng babaeng 'to?“Uy! Namula ang bruha, nakarami kayo 'no? Hanggang umaga ba?” pang-iinis naman sa 'kin ni Kit.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at nginisihan lang sina Yannie at Kit. Napansin kong wala ang intern kaya agad kong tinanong sina Kit. “Tapos na 'yung intern natin?”“Nope. May inaasikaso lang daw silang requirement sa school.”Tumango-tango nalang ako at napatingin sa paparating na doctor. Simpleng jeans at white t-shirt lang ang suot niya na pinatungan ng itim na jacket.
더 보기
Chapter 15
Chapter 15Dream Adelone CortesILANG ARAW na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi sa 'kin ni Doc Reeve. I just don't understand. Bakit at paano niya ako nagustuhan? Halos hindi nga kami nag-uusap sa hospital e, nitong mga nakaraan lang kami nagkakausap ng madalas dahil palagi niya akong binabati kaya hindi ko talaga lubos maisip na totoo 'yung mga hinala nina Yannie at Kit.May gusto sa 'kin si Doc Reeve. Napailing ako. Ang awkward talaga isipin.“Tita Dream, can I we meet again if you have time?”Napatingin ako kay Ales at ngumiti. Hapon na at pauwi na kami galing sa amusement park. Hindi kasi natuloy ang outing na gusto ni Ales dahil hindi nakasama ang parents niya dahil baby pa ang bunso nila. Hindi naman pumayag si Blaze na mag-outing kami na kami lang tatlo. Hindi rin nakasama ang isa pang kapatid ni Ales na si Grae dahil may exams daw ito sa school.Hinaplos ko ang buhok ni Ales. Napakagandang bata niy
더 보기
Chapter 16
Chapter 16Dream Adelone CortesNAGISING ako ng pasado alas tres ng umaga. Kinapa ang kama at nangunot ang noo ko nang wala akong nakapang katawan sa tabi ko. Bumangon ako at tumingin sa paligid. Nagsuot ako ng roba para takpan ang nighties na suot ko saka lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong bahay at tahimik ko ring hinanap si Blaze pero hindi ko siya makita.Nagsimula akong magtaka. Saan siya nagpunta?Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa matagpuan ko siya sa gilid ng bahay. Nakaupo siya sa malaking bato sa malapit sa garahe ng kotse habang umiinom ng beer na nasa bote.Napangiti ako. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya at akmang magsasalita nang marinig ko siyang suminghot.Umawang ang labi ko at binalot ng pagtataka.U-Umiiyak ba siya?“Grace...” Napaatras ako kasabay ng mabilis na pagtulo ng luha ko. Umiiyak nga siya at ibinubulong niya ang pangalan ng ex niya.Pakira
더 보기
Chapter 17
Chapter 17Dream Adelone Cortes“SUMABAY ka na sa 'kin.”Napalingon ako kay Doc Reeve. Nag overtime kaming pareho dahil sa isang operasyon at dahil hatinggabi na ay nakaalis na sina Yannie. Nagpaalam rin naman ako kay Blaze na gagabihin ako dahil may emergency at ibinilin niya na tawagan ko siya kapag pauwi na ako para masundo niya ako.Pinagdikit ko ang mga labi ko habang nakatingin kay doc Reeve. Inaayos niya ang nagusot niyang damit.“Kaya ko nang umuwi, doc.”Tiningnan niya ako saka inilingan. “Magkatapat lang ang bahay natin. Sigurado rin akong wala nang bus na dadaan.”Napaiwas ako ng tingin. Tama siya doon pero kasi... Tumikhim ako. Tatawagan ko nalang si Blaze, kaso... baka marami siyang ginagawa ngayonWala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto ni Doc Reeve. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya at nasa passenger seat ako. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasab
더 보기
Chapter 18
Chapter 18Dream Adelone CortesNASA kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga gamit sa mesa ko nang bigla akong lapitan ni doc Reeve. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at walang sabi-sabing hinalikan ako sa mga labi.Mabilis ko siyang naitulak at nasampal. Nagulat ako sa ginawa niya pero wala manlang siyang reaksyon, nakatitig lang siya sa akin na para bang wala siyang ginawang kasalanan.“Anong ginawa mo?”Hindi siya sumagot sa halip ay humakbang siya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako.Tinitigan niya ang kabuohan ng mukha ko saka nagsalita. “I told you I like you.”Suminghap ako at mariin siyang tinitigan. “May asawa ako!”“Hindi ka masaya sa asawa mo, Dream.”Nangunot ang noo ko at natigilan sa sinabi niya. Paano niya nasabing hindi ako masaya? Nakikita niya naman kung paano kami mag-usap ni Blaze, kung paano ako ngumiti pag kausap ko ang asawa ko.Sa ha
더 보기
이전
1234
DMCA.com Protection Status