Chapter 9
Dream Adelone CortesILANG ARAW na ang lumipas mula noong ikinasal kami ni Blaze. Masaya ako dahil maalaga siya at hindi ko kailanman naramdaman na napilitan lang siyang pakasalan ako. Masaya ako, dahil kahit papaano ay nagagawa ko siyang mapangiti at gano'n din siya sa akin.
“Hoy bruha, anong nginingisi-ngisi mo riyan? Masaya kang punuan ang emergency room? Ha?” pairap-irap na tanong sa 'kin ni Kit.
Mahina lang akong humagikhik saka isinilid sa bulsa ng uniform ang mga kamay ko.
Biglang tinapik ni Yannie ang mga braso ni Kit. “Bakla, hayaan mo 'yan at ngayon lang nakatikim ng kuwan. Baka ramdam pa niya ang katas ni pogi sa kinaangan niya.”
Sumimangot ako kasabay ng pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi ni Yannie. Napakawalang pakundangan talaga ng bunganga ng isang 'to.
“Ano nga bang nangyari sa honeymoon niyo, bruha ka? Kwento naman diyan.” pasundot-sundot sa tagiliran na sabi sa 'kin ni Kit.
Nginisihan ko silang dalawa. “Sweet siya.”
Tumili sina Yannie at Kit saka nag-apir. Napatingin naman ako sa paligid at awkward na nginitian ang mga napatingin sa 'kin.
“Hoy, ano ba kayo? H'wag kayong tumili.” saway ko sa dalawa na hindi pinansin ang sinabi ko.
“Malaki ba, girl?“
“Magaling ba mag hipthrust?”
“Sa anong posisyon kayo nagtagal?”
“Mesherep ba?!”
Gusto ko nalang lumubog sa kahihiyan dahil sa pinagsasabi ng dalawa. May kasamahan pa naman kaming intern na kanina pa pasulyap-sulyap sa amin.
Kinurot ko sina Kit at Yannie sa tagiliran pero imbes na tumigil sa kaharutan ay mas humarot pa sila dahil sa lalaking dumaan sa likuran ko.
“Hi, doc Reeve.” maharot na bati ni Yannie.
Nilingon ko si Doc Reeve, may hawak nanaman siyang sterilize milk at nasa bibig niya ang dulo ng straw, ngumiti siya ng hindi 'yon inaalis sa kaniyang bibig.
“Hey.” walang kabuhay-buhay niyang bati kay Yannie saka ako nilingon. “Hi, nurse Dream.”
Ngumiti lamang ako at tumango sa kaniya. Agad rin naman siyang umalis matapos kumaway sa amin.
“Kabog! Ikaw lang talaga ang kilala ni dokidaks!” nang-aasar na sabi sa 'kin ni Kit.
Napakamot ako ng pisngi at nilingon ang intern na napangiti sa sinabi ni Kit.
Ngumuso ako. “Bakit dokidaks?”
“Kasi daks!”
Hinampas ko ang braso ng bakla. “Ang halay talaga ng bunganga mo at 'yang mata mo kung saan saan napapadpad!”
Humalakhak si Kit saka tiningnan ang intern sa likuran niya. “Pogi ni dok, diba?”
Nahihiyang ngumiti at tumango ang intern. Napailing naman ako at iniwanan sila. Kumuha ako ng lollipop sa bulsa ng uniform ko saka binalatan at isinubo. Inishoot ko sa trash bin ang balat saka nginitian ang nurse na nakasalubong ko.
Tinahak ko ang daan papunta sa ward saka sumilip sa mga pasyente. Ito ang bisyo ko, kapag wala kaming emergency o kaya naman ay wala na akong ginagawa. Masarap kasing makita na gumaganda ang kalagayan ng mga pasyente namin. Iba ang dating sa akin.
Ilang saglit pa ay natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at agad na tiningnan. Napangiti ako dahil nagsend ng litrato si Blaze, nasa opisina siya habang nagkakape.
Agad kong pinindot ang call para tawagan siya.
[Hey!]
Ngumiti ako lalo saka inalis ang lollipop sa bibig ko. “Nakailang kape ka na?”
Mahina siyang tumawa sa kabilang linya. [Dalawa pa lang, Dream.]
Tumango ako saka sumipsip sa lollipop bago sumagot. “Hmm... H'wag sobra sa kape, ha.”
[What are you doing?]
Nangunot ang noo ko. “Bakit? Wala naman akong ginagawa.”
[May kinakain ka ba?]
“Lollipop.”
[D*mn!]
Napailing nalang ako dahil sa pagmumura niya. “Sige na, tumawag lang ako para paalalahanan ka.”
[Alright. Anong oras ang out mo? Sunduin kita.]
Napangiti ako dahil sa kilig. Gustong-gusto kong sunduin niya ako pero pinigilan ko ang kaharutan kong nagbabadya. “H'wag na. Hintayin mo nalang ako sa bahay, kung mauuna kang umuwi.”
[Are you sure?]
Tumango ako at nagsimulang maglakad pabalik. “Sure na sure.”
[Okay. Bye, take care.]
“Ikaw rin, ingat.” sagot ko saka sandali pang hinintay kung may kasunod siyang sasabihin pero wala. Pinatay niya ang tawag nang hindi binabanggit ang mga salitang inaasahan ko.
Napabuga nalang ako ng hangin. Dream, h'wag kang umasa, masasaktan ka lang!
Ipinilig ko ang ulo ko saka ibinalik sa bulsa ang cellphone ko. Ibinalik ko rin sa bibig ko ang lollipop saka mariing pinagdikit ang mga labi ko at naglakad pabalik sa pinanggalingan ko kanina.
Abala na si Kit sa pag-iinventory habang pinaglalaruan naman ni Yannie ang wire ng telepono.
“Saan ka galing, bruha?” agad na tanong ni Yannie sa akin.
Umiling ako. “Wala naman. Binisita ko lang ang ward.”
“Di ka naman do'n naka assign.”
Ngumuso ako. “Masama bang bumisita sa hindi ko teritoryo?”
Humalakhak si Kit. “Gaga, tatay mo ang may-ari ng CMH, pa-humble ka pa!”
Inismiran ko lang si Kit saka pumangalumbaba sa information desk. Kumuha ko ng lollipop sa bulsa ng uniform ko saka inabutan ang intern. “Gusto mo?”
Nahihiya na naman siyang umiling. “H'wag na po. Thank you.”
Ngumuso ako saka kinuha ang kamay niya at inilagay doon ang lollipop. “Tanggapin mo 'to kasi 'yan ang pampawala ko ng boredom. Masarap 'yan.”
Ngumiti siya saka tumango.
“Masarap 'yan kasi may laway na niya.” sabat ni Kit.
“Tanggapin mo kasi bihira 'yan mamigay ng lollipop. Pinagpapraktisan kasi niya para maganda ang pagblow, walang sabit.” sabat din ni Yannie.
Pinandilatan ko ng mata ang dalawa. “Ang hahalay niyo talagang dalawa!“
Humalakhak lang ang dalawa. Nilingon ko ang intern na patawa-tawa rin.
“Saan naassign ang ibang classmate mo?” tanong ko sa intern para may iba naman kaming pag-usapan.
“Sa Ortho po na-assign ang best friend ko.”
“Ay swerte siya, be! Si doc Reeve ang head ng Ortho department!” may pag hampas na sabi ni Yannie sa intern na bahagyang napangiwi.
“Si Doc Reeve na talaga ang pinakagwapong surgeon dito, girl.” dagdag naman ni Kit.
Napailing nalang ako sa kaharutan nilang dalawa. Nagtuloy-tuloy ang kwentuhang sinimulan ko at nakakapagtaka na nakikipagtawanan na ang intern kina Yannie at Kit makalipas lamang ang ilang minuto.
Hinayaan ko nalang silang magkwentuhan. Paminsan-minsan ay sumisingit ako sa usapan nila na nagtagal pa lalo nang mapasarap ang kwentuhan. Natigil lamang kami nang may dumating na pasyente. Kaniya-kaniya kaming balik sa trabaho.
TO BE CONTINUED...
Blaze Raven Villacorta“SIGURADO ka bang tatanggapin mo siya?” ilang ulit na akong tinanong ni Blast tungkol sa desisyon ko. Alam ko namang nag-aalala siya pero sigurado na ako sa gagawin ko. Natutunan ko noong mahalin si Grace kaya sigurado akong matututunan ko ring mahalin ang babaeng pinili ni dad para sa akin.Sa totoo lang, ayokong dinidiktahan ako pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko si dad na simulan ang magiging tulay sa kaligayahan ko.Moving on is not easy at hanggang ngayon ay aaminin kong mahal ko pa rin si Grace pero hindi naman ako ganoon kagago para gamitin ang mapapangasawa ko. Pakakasalan ko siya at ituturing na tama, hindi gagawing panakip butas dahil alam ko kung gaano kasakit maranasan 'yon.“Maganda siya, bro. Nakakatawa rin kaya siguradong mawiwili kang kasama siya.”Pinaningkitan ko ng mga mata si Blast. Parang noong isang linggo lang ay nag-aalangan siyang suportahan ako sa desisyon ko pero het
Last ChapterDream Cortes-Villacorta“NURSE Dream, wala ka pa po bang boyfriend?” tanong ni Simon na kakatapos ko lang icheck ang bp. Natawa ako sa itinanong niya. Kung alam niya lang.“Wala akong boyfriend, Simon.”Nagningning ang mga mata ng payat na batang lalaki na nasa siyam na taon palang. “Talaga po? Pwede ba kitang ligawan pag laki ko?”Muli akong natawa. Lumapit naman sa amin ang doktor na kasama ko dito sa clinic. Narito ako sa maliit na baryo na tinatawag na Baryo Pag-asa. Halos walong buwan na akong nananatili rito matapos kong makarecover sa pagkawala ng anak namin ni Blaze.Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang Diyos kung bakit kailangang mawala ang anak namin ni Blaze. Kung bakit siya na deserve mabuhay at makita ang mundo.“Ikaw talaga, Simon. Hindi mo pwedeng ligawan 'yan si nurse Dream kasi may asawa na 'yan.”Suminghap si Simon. “Wala naman po
Chapter 29Dream CortesNAGPRESINTA akong sumama kay Grace para sunduin sina Ales at Grae sa eskwelahan ng mga ito. Habang sakay kami ng kotseng minamaneho ni Grace ay inikukwento niya sa akin ang mga napagdaanan niya noong ipinagbubuntis niya ang mga anak niya. Nakakatuwa dahil hindi pala nahirapan si Architect Silvano noong naglilihi siya, hindi katulad ng ibang buntis.“Malapit ka nang maglihi sa kung anu-ano, Dream kaya ihanda mo na ang sarili mo.” natatawang pananakot niya sa akin.Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa eskwelahan ng dalawang bata. Agad kong namataan sina Ales at Grae na agad ring sumakay sa kotse, sa likuran namin ni Grace.“Tita Dream!” gulat na puna sa akin ni Ales.Nginitian ko siya. “Hi, baby girl.”Ngumiti siya ng malaki saka ako hinalikan sa pisngi. Napatingin naman ako sa batang lalaki na ngayon ay kausap ni Grace. Panay ang kwento nito tungkol sa pagddrawing daw nito k
Chapter 28Dream Cortes MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko. “Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?” Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.” Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!” Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.” Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at
Chapter 27Dream Cortes LUMABAS ako ng hatinggabi sa kwarto. Tulog na tulog sina Blaze at Blast sa sala. May bitbit akong dalawang kumot para sa dalawa. Agad kong kinumutan si Blast at isinunod si Blaze na namamaluktot sa sofa. Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang asawa ko. Halatang hindi siya komportable na matulog sa sofa. Napalunok ako at akmang gigisingin siya para palipatin sa kwarto nang mahulog mula sa sofa ang wallet niya. Bumagsak 'yon sa sahig na nakabukas at natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang litrato. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang wallet niya. May picture siya ng babae sa wallet niya. Maiintindihan ko naman kung si Ales ang nasa litrato kaso hindi, si Grace 'yon, ang ex niya! Masama ang loob na nilingon ko ang natutulog na si Blaze. Kinuha ko ulit ang kumot na inilagay ko sa katawan niya saka ako nagdadabog na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto saka napaluha.
Chapter 26Dream Cortes NAGULAT ako sa kasunod na bisitang dumating. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito gayong hindi naman kami close. Isang beses lang halos kami nakapag-usap at 'yon ay noong ipinakilala sila sa akin ni dad. “Nabalitaan ko kay Blaze na buntis ka. Kumusta ka naman?” tanong niya habang umuupo sa harapan ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Okay naman ako.” Bumuntong-hininga siya saka ako tinitigan. “Sigurado ka, Dream? Kilala ko si Blaze, manhid 'yon kaya maaaring nasasaktan ka niya nang hindi niya alam.” Umiwas ako ng tingin. Kapag sinasabi ko kaniya, baka sabihin niya sa dad nila at makarating rin kay dad. Ayokong magkagulo kaya pinili ko nalang na huwag magsalita at magsumbong. “Okay lang kami, Blast. Napadalaw ka nga pala? Pumasok na sa trabaho si Blaze.” Sumandal siya sa sofa saka nagdekwatro. “Aayain ko sana siyang mag-inom mamaya. Wala kasi akong magawa, ang boring.” Naningkit ang mga mata