Fourteen months in another country is not enough for him to move on, so he decided to stick to another plan—to date another woman. Unable to move on and forget his first heartbreak, Blaze Villacorta accepted his engagement with Dream Cortes, a 26 years old nurse, who fell in love with him at first sight. Dream only wants a simple marriage life but loving an ex-playboy who's still in love with his first love is not easy. Can Dream take the risk and fight for her place in Blaze's heart? Or the blazing love and affection she has towards him will burn her to ashes?
View MoreBlaze Raven Villacorta“SIGURADO ka bang tatanggapin mo siya?” ilang ulit na akong tinanong ni Blast tungkol sa desisyon ko. Alam ko namang nag-aalala siya pero sigurado na ako sa gagawin ko. Natutunan ko noong mahalin si Grace kaya sigurado akong matututunan ko ring mahalin ang babaeng pinili ni dad para sa akin.Sa totoo lang, ayokong dinidiktahan ako pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko si dad na simulan ang magiging tulay sa kaligayahan ko.Moving on is not easy at hanggang ngayon ay aaminin kong mahal ko pa rin si Grace pero hindi naman ako ganoon kagago para gamitin ang mapapangasawa ko. Pakakasalan ko siya at ituturing na tama, hindi gagawing panakip butas dahil alam ko kung gaano kasakit maranasan 'yon.“Maganda siya, bro. Nakakatawa rin kaya siguradong mawiwili kang kasama siya.”Pinaningkitan ko ng mga mata si Blast. Parang noong isang linggo lang ay nag-aalangan siyang suportahan ako sa desisyon ko pero het
Last ChapterDream Cortes-Villacorta“NURSE Dream, wala ka pa po bang boyfriend?” tanong ni Simon na kakatapos ko lang icheck ang bp. Natawa ako sa itinanong niya. Kung alam niya lang.“Wala akong boyfriend, Simon.”Nagningning ang mga mata ng payat na batang lalaki na nasa siyam na taon palang. “Talaga po? Pwede ba kitang ligawan pag laki ko?”Muli akong natawa. Lumapit naman sa amin ang doktor na kasama ko dito sa clinic. Narito ako sa maliit na baryo na tinatawag na Baryo Pag-asa. Halos walong buwan na akong nananatili rito matapos kong makarecover sa pagkawala ng anak namin ni Blaze.Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang Diyos kung bakit kailangang mawala ang anak namin ni Blaze. Kung bakit siya na deserve mabuhay at makita ang mundo.“Ikaw talaga, Simon. Hindi mo pwedeng ligawan 'yan si nurse Dream kasi may asawa na 'yan.”Suminghap si Simon. “Wala naman po
Chapter 29Dream CortesNAGPRESINTA akong sumama kay Grace para sunduin sina Ales at Grae sa eskwelahan ng mga ito. Habang sakay kami ng kotseng minamaneho ni Grace ay inikukwento niya sa akin ang mga napagdaanan niya noong ipinagbubuntis niya ang mga anak niya. Nakakatuwa dahil hindi pala nahirapan si Architect Silvano noong naglilihi siya, hindi katulad ng ibang buntis.“Malapit ka nang maglihi sa kung anu-ano, Dream kaya ihanda mo na ang sarili mo.” natatawang pananakot niya sa akin.Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa eskwelahan ng dalawang bata. Agad kong namataan sina Ales at Grae na agad ring sumakay sa kotse, sa likuran namin ni Grace.“Tita Dream!” gulat na puna sa akin ni Ales.Nginitian ko siya. “Hi, baby girl.”Ngumiti siya ng malaki saka ako hinalikan sa pisngi. Napatingin naman ako sa batang lalaki na ngayon ay kausap ni Grace. Panay ang kwento nito tungkol sa pagddrawing daw nito k
Chapter 28Dream Cortes MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko. “Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?” Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.” Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!” Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.” Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at
Chapter 27Dream Cortes LUMABAS ako ng hatinggabi sa kwarto. Tulog na tulog sina Blaze at Blast sa sala. May bitbit akong dalawang kumot para sa dalawa. Agad kong kinumutan si Blast at isinunod si Blaze na namamaluktot sa sofa. Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang asawa ko. Halatang hindi siya komportable na matulog sa sofa. Napalunok ako at akmang gigisingin siya para palipatin sa kwarto nang mahulog mula sa sofa ang wallet niya. Bumagsak 'yon sa sahig na nakabukas at natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang litrato. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang wallet niya. May picture siya ng babae sa wallet niya. Maiintindihan ko naman kung si Ales ang nasa litrato kaso hindi, si Grace 'yon, ang ex niya! Masama ang loob na nilingon ko ang natutulog na si Blaze. Kinuha ko ulit ang kumot na inilagay ko sa katawan niya saka ako nagdadabog na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto saka napaluha.
Chapter 26Dream Cortes NAGULAT ako sa kasunod na bisitang dumating. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito gayong hindi naman kami close. Isang beses lang halos kami nakapag-usap at 'yon ay noong ipinakilala sila sa akin ni dad. “Nabalitaan ko kay Blaze na buntis ka. Kumusta ka naman?” tanong niya habang umuupo sa harapan ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Okay naman ako.” Bumuntong-hininga siya saka ako tinitigan. “Sigurado ka, Dream? Kilala ko si Blaze, manhid 'yon kaya maaaring nasasaktan ka niya nang hindi niya alam.” Umiwas ako ng tingin. Kapag sinasabi ko kaniya, baka sabihin niya sa dad nila at makarating rin kay dad. Ayokong magkagulo kaya pinili ko nalang na huwag magsalita at magsumbong. “Okay lang kami, Blast. Napadalaw ka nga pala? Pumasok na sa trabaho si Blaze.” Sumandal siya sa sofa saka nagdekwatro. “Aayain ko sana siyang mag-inom mamaya. Wala kasi akong magawa, ang boring.” Naningkit ang mga mata
Chapter 25Dream CortesHINDI ko iniimikan si Blaze, hindi rin naman niya ako kinikibo. Alam kong guilty siya pero dinadagdagan niya lang ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko dahil sa pananahimik niya. Hindi ba dapat nagsosorry siya at pinapangakuan ako na hindi na mauulit 'yon? Hindi na dapat inaamo niya ako at nilalambing dahil may kasalanan siya? Bakit hindi niya ginagawa 'yon? Bakit pakiramdam ko'y mas lumalayo kami sa isa't-isa?Hindi ko maintindihan. Normal lang bang manahimik ang taong guilty?“Dream, kumain ka pa.”Napatingin ako kay ate Jell. Siya lang ang kasama ko dito sa bahay dahil maagang umalis si Blaze. Hindi pa man ako nagigising ay umalis na siya—ayon kay ate Jell.Bumuntong-hininga ako. “Wala bang ibinilin si Blaze, ate Jell?”Naupo siya sa tabi ko saka pinakatitigan ako. “Nag-away ba kayo ng asawa mo?”Yumuko ako at umiling. “Wala po kaming pi
Chapter 24Dream Adelone CortesHINDI ko alam kung anong nangyari sa pag-uusap nina dad at Blaze pero nang bumalik sila ay ramdam kong may mali. Parang may kung anong nangyari dahil hindi makatingin ng diretso si Blaze kay dad. Ano kayang nangyari? Anong pinag-usapan nila?Tiningnan ko si dad nang lapitan niya ako. Ngumiti siya. “Sabi ng doktor pwede ka nang lumabas mamaya. Inextend ko na rin ang leave mo para makapagpahinga ka.”Tumango ako. Gusto kong sabihin kay dad na magkakaapo na siya pero parang may pumipigil sa 'kin. Hindi ko alam kung ano kaya minabuti kong h'wag nalang munang sabihin sa kaniya.“Dad.”“Hmm?” marahan niyang hinaplos ang buhok ko.“Anong pinag-usapan niyo ni Blaze?” napatingin sa akin si Blaze matapos kong itanong 'yon kay dad.Lumapit sa akin si Blaze at pumwesto sa kabilang bahagi ng kama. Pinaggitnaan nila akong dalawa ni dad. Hinawakan niya ang kamay ko
Chapter 23Dream Adelone CortesNAGISING ako sa isang malamig na silid at puting dingding. Awtomatiko akong napahawak sa puson ko nang maalala ang nangyari. Nangilid ang luha ko at nang bumaling ako sa kanan ko ay sinalubong ako ng halik ng isang pamilyar na labi.Tuluyan akong napaluha nang pakawalan ni Blaze ang mga labi ko.He smiled. “We have a b-baby. You're pregnant, my wife.”Napahikbi ako dahil sa sinabi niya. “L-Ligtas...Ligtas ba siya?”Marahan siyang tumango. Mariin naman akong napapikit kasabay ng pagbuga ko ng hangin. Masaya ako. Sobrang saya ko. Baka siya na ang susi para tuluyan akong mahalin ng daddy niya.Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Blaze. Naalala ko rin ang naabutan niya bago sila nag-away ni doc Reeve. Tinitigan ko siya sa mga mata. “H-Hindi ko alam kung bakit n-nagustuhan ako ni doc Reeve.”Bumuntong-hininga siya saka marahang hinaplos ang pisngi ko. “Don't t
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments